webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 8

"I LOVE YOU TOO."

Nanigas ako sa aking kinatayuan. Alam kong biro niya lang iyon pero lintek, subrang lakas ng tibok ng puso ko. Ginulo niya ang aking buhok at nakangisi na tumalikod sa akin upang mag palit ng kanyang damit. Pigilan ko pa sana siya para bawiin ang damit na pinahiram ko ngunit dumiritso na siya sa cr. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Bakit kasi hindi ko tiningnan ang damit,baka ano pa ang isipin non.Arggh!.

"Pssst!May hindi ka sinasabi sa akin," nang uuyam na wika ni Mea.

"Bat ka nang gugulat?" Napa hawak ako sa aking dibdib sa gulat.

"Kayo na ni Kj no?Tapos sinekreto niyo."

" Anong pinagsasabi mo?"

" Sus!Kayo na no?"

" Walang kami.Ano ba pinagsasabi mo?" Na iinis na ako sa babae na'to.Bakit paaminin niya ako sa isang bagay na hindi naman totoo.

"Wala pang kayo pero kinikilig na ako sa inyo.Paano pa kaya kung kayo na. Oh my god! I cannot imagine. "

"Aray ko! Ano ba?! " angil ko nang alogin niya ako." Required ba na alogin ang katabi kapag kiligin?"

Pinang-gigilan niya ang braso ko kaya nakatikim siya ng kurot sa akin.Ang sadista ng babae nato kung kiligin. Paano kaya kapag nagka boyfriend to, kawawa kung ganun,bugbog sarado siya.

Ginapang ng kaba ang puso ko ng makita ko si Kj na papalapit sa amin. Suot ang damit na pinahiram ko na may printed na I Love You.Sakto lang ito sa kanya. Nag pupunas siya ng kanyang basang buhok habang naglalakad patungo sa diriksyon ko. Naging mabagal sa aking paningin ang kanyang galaw. Pati ang ingay sa paligid ay nawala, tanging narinig ko lang ang kabog nang dibdib ko na palakas nang palakas. Hindi ko matukoy ang kaba na naramdaman ko. Kinakabahan ako na naiilang sa kanya. Pakiramdam ko namutla ako.

"Tara. Balik na tayo sa campus."

Nakatanga lang ako. Blangko ang isipan ko. Nabalik lang ako sa huwesyo ng kunin niya ang bag ko.

" A-ano. A-ko na ang mag dala ng bag ko, " wika ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nauutal ako.

" Akin na," wala na akong magawa dahil kinuha na niya ang bag ko at sinukbit sa balikat niya .

"Sana all," Mea said bitterly.

Pumantay ng lakad si Kj sa akin. "Crush ka ni Jovan," na nunukso na sabi niya kay Mea.

Napa-igtad ako nang masagi ang kamay niya sa kamay ko. Kinalma ko ang aking sarili at umakto na wala lang sa akin iyon.

"Ano!? Si Jovan? Iyong matangkad at maitim mong classmate?" Hindi makapaniwala na sagot ni Mea. " Jusko! Mahabanging langit! Iyong mukhang kapre?!"

Hindi ko napigilan ang matawa sa komento ni Mea. Si Kj ay natawa rin. Si Mea ay hindi maipinta ang mukha, hindi maka-paniwala na ang nagka gusto sa kanya ay kalahi ng isang kapre. Grabe naman kung maka discribe si Mea kay Jovan. Moreno si Jovan, matangkad. Kunting ayos lang yon at mag mukhang tao na iyon.

"Bagay naman kayo. Siya mukhang kapre, ikaw naman duwende. Maputi ka, pandak naman, " komento ko at mabilis na nag tago sa likod ni Kj nang sinamaan niya ako ng tingin.

"Bakit ikaw? Pandak ka rin naman a."

"Hindi ko naman itinanggi. "

Para kaming mga bata na naglaro ng habol-habulan. Habang naglalakad ay naghabulan kami. Naiinis siya dahil hindi niya ako maabutan.Nasa likod siya ni Kj at ako ay sa harapan. Natawa nalang si Kj sa aming dalawa.

"Ayaw mo non? Meant to be kayo, " natatawa na wika ko.

" G*g*.Ayoko. Kapag mag date kami sa gabi akalain ng mga tao baliw ako na nagsasalita mag-isa dahil hindi siya makita dahil maitim siya, " gigil na sambit niya at pilit na inaabot ako.

Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Hinihingal na ako sa ginagawa namin. Wala sa aming dalawa ang magpapatalo. Pakiramdam ko nahilo na si Kj sa ginagawa naming dalawa ni Mea.Hindi naman siya nag reklamo at tumatawa pa. Malapit na kami sa campus at ganun parin kami dalawa. Natigil lang kami ng makita ni Mea ang grupo nila Jovan na patungo rin sa loob ng campus.May lihim na pagtingin siguro itong babae nato. Deny pa more.

"Akala ko ba si Homer ang crush mo."

Namilog ang kanyang singkit na mata at namutla. Nahiya ang g*g*.

"Friendship over na tayo," wika nito at nagpatiuna sa paglakad.

Wala pang limang segundo ay bumalik siya sa gawi namin.

"Aray!" natatawa na angil ko nang hilahin niya ang buhok ko.

"Bakit mo sinabi. May usapan tayo e!"

"Bakit naman hindi? Alam na nga ni Homer e. Aray!"

"Nakaka-inis ka naman e!" Ma ngiyak-ngiyak na wika niya. Hinimas ko naman ang bahagi ng ulo ko kung saan banda niya hinila.

"Totoo nga kasi. Alam na ni Homer, matagal na."

"Seryoso?" Hindi maka-paniwalang tanong niya.

"Oo nga! Sinabi ko sa kanya. Awat na. Masakit na anit ko," awat ko sa kanya ng sabunutan niya sana muli ako . "Sabi niya ayos lang daw. Normal lang daw na may magkagusto sa kanya dahil pogi siya. Pero hindi raw siya papatol sa mas bata sa kanya at baka mapagkamalan daw siyang kuya. "

Sasagot pa sana siya nang maalala na kasama namin si Kj, kaibigan slash classmate pa naman sila. Dahil wala na kaming sports sa sasalihan ay umupo kami sa field sa harap ng Science Laboratory dahil hindi mainit dito. Volleyball at sipak takraw ang naglalaro sa field.Blue Scorpion at Yellow Tamaraw ang magkalaban. Bukas pa kami ng hapon, at Black Tiger ang kalaban namin.Si Mea na naka upo sa aking tabi ay walang imik, nagtatampo yata.Si Kj ay wala ring imik na naka upo sa tabi ko, seryoso lang siyang nakatingin sa naglalaro.Hindi ko tuloy ma iwasan na titigan siya.Naka indian set siya at naka patong ang dalawang siko sa kanyang tuhod kaya malaya ko siyang ma titigan.Nang lumingon ako kay Mea ay nakahiga na ito.Bermuda grass naman ito kaya hindi madumi.

"Blue Scorpion ka.Bakit naka red t-shirt ka?" Ani ni Analyn ng maka lapit sa amin.

"Hindi na ako Blue Scorpion," sagot ni Kj.

"Lol!Gusto mo lang makasama pinsan ko e."

Minsan hindi ko maintindihan itong pinsan ko.Minsan pakiramdam ko ayaw niya si Kj para sa akin.Minsan suportado.Nakakalito.Siya lang naman naka-kilala kay Kj kaya alam niya ang takbo ng utak nito.Kung wala lang boyfriend itong pinsan ko baka isipin ko na may gusto siya kay Kj kaya ganun ang trato niya kapag makita kami ni Kj na magkasama.Pero hindi ko naman nakitaan ng senyales na kahit kaunti na may gusto siya kay Kj, dahil ganito na raw talaga silang dalawa.

"Ihatid kita pa uwi," nagulat ako ng nagsalita si Kj.

"H-a? Huwag na. Pagod ka na, umuwi ka na lang agad para makapag-pahinga ka."

"Kahit isang beses hindi mo pa ako pinayagan na ihatid ka pa uwi."

"Ma papagod ka lang kasi. "

" Basta ihatid kita, " pagmamatigas niya.

Nang uwian na ay nag talo pa kaming dalawa. Ayoko na ihatid niya ako dahil mapapagod lang siya pero talagang mapilit. Ako na ang sumuko dahil ayaw niya magpatalo. Nag bangayan pa sila ni Analyn ng malaman nito na sasabay si Kj sa amin. Kaya nag pahuli ako ng lakad. Ano ang silbi ng paghatid niya sa akin marami naman akong kasama.

" Bumalik ka na huwag mo na ako ihatid, mapapagod ka lang, " pangumbinsi ko.

" Babalik lang ako kapag sinagot mo na ako, " wika nito.Napalingon ako sa kanya,at nagulat sa kanyang sinabi.

Walang salita na lumabas sa aking bibig.Nakatayo lang ako.Naka-tingin sa kanya. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.Ginulo niya ang buhok ko at bahagyang pinisil ang aking pisngi.

"Biro lang," natatawang sabi niya nang ma pansin na nabigla ako sa kanyang sinabi.

"Ibang klase ka mag biro. Makalaglag ng puso," wika ko at tinalikuran siya.

Hindi magandang biro iyon ha.