webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 33

Masakit na nga iyong ginawa niya akin tapos iyon pa ang sasabihin niya. Ipalaglag ko ang bata? Napakawalang-hiya niya. Hindi totoong buntis ako dahilan ko lang iyon baka sakali na iyon ang maging rason para balikan niya ako, ganon ako ka desperada para maging akin siya ulit pero hindi ko naman akalain na ganon ang isagot niya sa akin. Paano kung totoong buntis ako? Edi kawawa ang maging anak ko na may tatay siyang walang kwenta na gusto pa siyang patayin.

I blocked him on social media at binura ko ang number niya kahit kabisado ko naman at nangako ako sa sarili ko na simula sa araw na ito ay hindi na ako muling magparamdam sa kanya, sa kanila.

Hindi na rin ako pumasok ulit sa isang relasyon. Na trauma na ako, kung masaktan man akong muli mas piliin kong sa kanya nalang palagi kaysa sa ibang tao dahil isa lang ibig sabihin non hindi ako natoto, wala akong natutunan sa kabila ng ilang lalaki na dumaan sa buhay ko at walang ibang ginawa kundi saktan at lukuhin lang ako.

Sa nangyari sa akin nawalan ako ng kompyansa sa sarili.Ang baba ng tingin ko sa sarili ko.Na i-insecure ako. Hindi ko maiwasan na hilingin na sana ako nalang si April. Na sana ako nalang ang babaeng mahal ni Kenneth. Na sana hindi ko pinaubaya sa ibang lalaki ang pagkababae ko. Sana, ako ngayon ang sa katayuan ni April.

Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Sana nang hintay pa ako noon sa kanya.Sana hindi ko ginawa ang bagay na iyon na pinagsisihan ko ngayon. Pero hindi ko naman alam na babalik pa siya akin ulit. Hindi ko alam na iyon pala ang habol niya sa akin umpisa palang. Kung sana sinabi niya ng maaga handa naman akong ibigay iyon ng buo sa kanya.Kahit wala pa ako sa tamang edad noong panahon na iyon hindi ako magdalawang-isip na ipa-ubaya ang sarili ko sa kanya dahil mahal na mahal ko siya at lahat gagawin ko para sa kanya kahit ika durog ko pa.

"Miss kung magpakamatay ka huwag kang man damay ng inosenteng tao, " nagulat ako ng makabalik ako sa aking huwesyo. Nasa gitna ako ng kalsada at muntik na akong ma bangga ng sasakyan.

"Sorry po," saad ko at nagmamadali na tumabi.

Nanginginig ako ng maka upo ako sa gilid ng kalsada. Ginusto ko ito pero bakit nakaramdam akong ng takot? Napasabunot ako sa aking buhok.

"Ahhhhhhh!!!!!" I shouted in pain and frustrated.

I can't accept the fact that he just left me so easily. Ang dali lang sa kanya na para bang wala kaming pinagsamahan. Na para bang hindi niya ako minahal. Na para bang hindi ako naging parte ng kanyang buhay.

Why? Why did he leave me so easily? Ano ang nagawa kong mali? Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng higit na halos wala ng natira sa aking sarili.

"Bakit Ken?"

Tanging tanong ko sa aking sarili dahil kahit isang pagkakataon ay hindi niya ako binigyan para itanong iyon sa kanya. Ang hirap na sarili kong tanong ako mismo ang nagbibigay ng sagot. Ako mismo ang nagpapagaan sa mabigat kong sitwasyon. Ako ang nag co-comfort sa sarili ko dahil wala na siya para gawin iyon.

"May outing daw kayo ng mga ka workmates mo sa beach?" tanong ni ate habang nagluluto ng hapunan namin.

" Opo. Overnight. " sagot ko at inayos ang manggas ng jacket ko.

Hindi alam ni ate ang pinagdadaanan ko. Walang nakakaalam dahil natatakot ako na sumbatan nila ako. Binalaan na ako dati ng pinsan kong si Analyn, ni kuya Wayne na huwag si Kenneth dahil masasaktan lang ako pero hindi ako nakinig sinunod ko parin ang nais ko at hindi nga sila nagkamali dahil labis na sakit ang dinulot ni Kenneth sa akin.

Nagtungo na ako sa aking kwarto pagkatapos naming maghapunan. Hinubad ko ang aking jacket at nag tungo sa maliit na mesa kung nasaan ang mga gamot para dito sa pulso kong puno ng mga sugat.

I tried to kill my self but i failed. Ilang beses ko na ba itong ginawa?Sa dami ng pagkakataon na tinangka kong kitilin ang buhay ko ay hindi ko ma matandaan kung ilang beses ko na itong ginawa.Sa subrang manhid ko pati paglaslas ko sa aking pulso ay hindi ko naramdaman ang sakit. Pero kapag tungkol kay Kenneth kahit maliit na bagay na nagpaalala sa kanya ay umiiyak na ako at sapo ang dibdib dahil sa subrang sakit na nararamdaman ko.

Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan. Kung bakit ako ang napili niyang paglaruan. Wala naman akong kasalanan sa kanya. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko.

"Are you out of your mind?" singhal ng lalaki na hindi ko kilala sa akin.

" God! Miss, are you drunk? "

" Ha? Hindi. Bakit? "

" Kung ganon, ano ang ginagawa mo dito sa gitna ng malamig at malamin na bahagi ng dagat.? "Ha?"

Naguluhan ako sa kanyang sinabi kaya't nilibot ko ang aking paningin. Muntik na akong lumubog sa tubig nang bumitaw ako ng hawak sa lalaki sa pagkabigla mabuti nalang at naka-alalay ang kamay niya sa beywang ko. At na alala ko. Nagtangka na naman akong magpakamatay sa gitna ng dagat ngunit may nakakita sa akin, sinagip at heto humihinga at buhay parin ako.

"Sorry sa abala." sabi ko nalang at lumangoy pabalik sa pangpang.

Narinig ko pa ang pag tawag sa akin ng lalaki pero hindi ko na siya nilingon ang binilisan ang paglangoy. Bakit kasi ang taas ng hangin ko, ang tagal ko tuloy ma lunod.

Mag-isa akong naka-upo dito sa tabing dagat habang nakatanaw na bilog at maliwanag na buwan. Ang hampas ng mga alon na parang musika sa aking pandinig. Ang lagaslas ng hangin at ang tinig ng mga taong nagsisiyahan.

"Lord, hindi ko na kaya. Subrang sakit na."

Humihikbi na sumbong ko. Hinayaan ko lang ang mga luha kong nag unahang kumawala sa mga mata ko.

" Hindi ko alam kong bakit ako nasasaktan ng ganito ka tindi. Dahil ba subra rin ang pagmamahal na binigay ko kaya ito ang isinukli? Pero ang unfair naman lord, bakit siya nagawa niyang maging masaya samantalang ako heto nasasaktan parin at nagdurusa? "

" Wala man lang closure. Ganon na ba siya ka dereng-dere sa akin at ayaw niya akong makita? Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makita. "

Marami akong kaibigan pero wala akong mapagkatiwalaan na masabihan sa aking mga nararamdaman. I trusted them pero sa ibang paraan, natatakot kasi ako sa kung ano ang sasabihin nila sa akin sa oras na malaman nila ang sitwasyon ko.Natatakot ako na baka mas lalo lang ako masaktan pag nagkataong sinabi ko ito sa kanila.

Kaya pinili ko nalang sa tumahimik sa isang tabi at ibulong sa panginoon ang mga hinanakit ko. Wala man siya sa tabi ko para damayan at pagsabihan ako pero ramdam ko naman ang presensya niya na siyang dahilan upang gumaan ang pakiramdam ko at maibsan ang bigat at sakit dito sa puso ko.