webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 27

Akala ko mababaw lang ang pagkagusto ko kay Kenneth na kapag magkaroon ako ng ibang boyfriend ay makalimutan ko na siya, na hindi ko na siya muling magustuhan pa pero bakit hanggang ngayon ay lunod na lunod ako. Ni hindi ko magawang kumapit sa iba upang makaahon.

Tatlong taon na ang lumipas.Tatlong taon na wala akong balita sa kanya. At tatlong taon ko na ring inaasam na sana isang araw ay bumalik siya at muling magtagpo ang landas naming dalawa. Dahil hanggang ngayon gusto ko parin siya, I mean mahal ko parin siya.

Noong naghiwalay kami ni Lian hindi na ako ulit pumasok sa isang relasyon kasi masaktan ko lang 'yong tao, paasahin sa wala kasi kahit anong gawin ko si Kenneth parin ang hinahanap ng puso ko.

"Tara, gala tayo," anyaya sa akin ni Kate.

"Saan?"

"Sa San Mateo, fiesta sa kanila ni Maricel punta tayo sa bahay nila."

Si Kate ang bagong kaibigan ko simula noong bumalik si Mea ng Cebu sa parents niya nakakalungkot kasi siya lang ang close friend ko tapos nag transfer pa pero ayos lang nakahanap naman ako ng bagong mga kaibigan.Actually lima kaming magkaibigan, tatlo kaming babae at dalawang lalaki pareho kaming taga barangay Dalisay at parehong nasa forth year high school. Si Maricel, classmate namin na kaibigan rin ni Kate.

Friday ngayon at half day lang kami dahil may meeting ang mga teachers, kaya nagkayayaan ang barkada na maki-fiesta,naka C.A.T t-shirt pa kami dahil ito ang uniform namin every friday mabuti at nakasakay kami ng jeep dahil ang init at malayo pa ang lalakarin namin kung sakali.At ngayon ko lang napagtanto na ito pala ang lugar ni Kenneth, wala naman siguro siya dito.

"Sa perya tayo."

"Wala akong pera," sagot ko kaagad kay Rose.

Imbis na sa perya ang punta namin nanood nalang kami ng basketball. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga, sa ka-panood ko ng basketball na alala ko si Kenneth.Ganun ko na ba siya ka miss na maalala ko siya sa pamamagitan ng mga bagay na related sa kanya? Oh my god i can't believe it.

"Ri, si Kenneth o!" tila na bingi ako sa sinabi ni Kate.

Hindi ko inaasahan na makita ko siya dito.Ito na ba ang sagot sa tatlong taon na pagdarasal ko? Lahat ng nakaraan namin ay muli kong na alala lahat nag flashback sa isipan ko pakiramdam ko huminto bigla ang pagtibok ng puso ko.I still love him. I really love him. But he never glanced at me even he saw me sitting with my friends. Kumirot ang dibdib ko, tumingala ako ng uminit ang sulok ng dalawang mata ko, ayokong umiyak hindi ako pwedeng umiyak.

"Ay deadma parang walang past a," naka-ingos na sabi ni Kate ng lampasan kami ni Kenneth.

"Past na nga diba? So, ibig sabihin back to strangers again ang sitwasyon, " sagot ko." Tara uwi na tayo, hapon na . "

" Baka naghihintay na si mama doon sa bahay kasama ang kanyang walis na pamalo, " si Rose.

" Ang bunganga ni mama na dinaig pa ang machine gun nako mabingi na naman ako nito, " si Kate.

Mabuti at hindi ganon si mama pero may kuya naman ako na daig pa ang imbistigador kung mag tanong.

Dumaan muna kami sa bahay nila Maricel para magpaalam sa kanya pinadalhan pa kami ng makakain para hindi raw kami ma gutom sa daan.

"Ang sarap talaga kaibiganin itong si Maricel ang galante," sabi ni Rose na kumakain ng lumpiang shanghai habang naglalakad kami.

"Wala bang panulak 'yan?" tanong ni Lloyd na kakarating lang kasama si Raphael.

"Bumili ka ng ice water para may panulak ka." si Kate.

"Tara tol, bili tayo ng ice water," anyaya niya kay Raphael at hinatak papuntang tindahan.

" Pwede ba akong sumabay? Kausapin ko lang kaibigan niyo. "

Na gulat kaming tatlo ng may magsalita sa likuran namin, pag lingon ko si Kenneth pala. Saan siya galing? Hindi ko naman siya nakita na sumunod sa amin.

" Sure. Why not. Diba? Tara ." hinila ni Kate si Rose patungo sa tindahan kung saan sila ni Lloyd at Raphael.

Sumabay siya sa akin at kapwa kaming tahimik habang naglalakad, nagpakiramdaman sa isa't isa. Nakahawak ako sa sling ng aking bag pinapakalma ang puso ko na subrang lakas ang kabog. Hindi ko malaman kung ano itong nararamdaman ko, akala ko back to strangers na kami pero heto siya kasama ko at sabay na naglalakad.

"I missed you bhe," natigil ako sa paglalakad sa kanyang sinabi . " Can I take u back? "

I hug him. " I missed you too. Sorry. I'm sorry." he hug me back and kiss my forehead.

Tumingala ako hinalikan ang kanyang mapupulang labi natigilan siya sa ginawa ko but he kissed be back and.

"I love you." he say.

I cry. I hugged him very tight. "I love you too." I replied.

Heto na naman ako, magpaloko,hayaang saktan at gamitin muli ng taong mahal ko hindi na ako natuto dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay muli siyang bumalik sa akin at maging boyfriend ko.