webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 26

Alin ba ang dapat kong sundin,ang tinitibok ng puso ko o ang sinisigaw ng isip ko?Kaya ko bang panindigan ang pipiliin ko? Pero,paano kung magkamali ako sa pinili ko? Hayss! Bakit ba ito ang pinu-problema ko imbis na ang pag-aaral ang atupagin ko.

"Kahit dalawang buwan or isang buwan Ri, pagbigyan mo ako promise gagawin ko lahat para hindi ka magsisi."

I hate people begging in front of me,kasi madali akong ma awa,madali akong bumigay,at hindi ako marunong tumangi.Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga .

"Promises are meant to be broken."

"Okay.Hindi ako mangangako,gagawin ko na lang ang lahat para hindi mo ito pagsisihan sa huli."

" Parehas kayo ng pinsan mo ang kulit."

" Ang pinagkaiba ko lang hindi ako g*g* at playboy."

Umingos ako sa sagot niya,well totoo naman wala naman akong na rinig na bad feedback kay Lian puro papuri pa nga ang mga ito.Hindi lang siya gwapo, magaling sa basketball, dedicated sa pag-aaral pati sa babae wala pa itong sinaktan at niloko kundi siya ang niloko at sinaktan ng mga ito.

"Oo na sige na pagbigyan na kita sa gusto mo dahil ma pilit ka," dinuro ko siya at tinaliman ng tingi." Basta huwag mo lang ako sisihin kapag nasaktan ka at umiyak dahil sa akin."

"Sisiguraduhin ko sa loob ng isang buwan ma gustuhan mo rin ako," naka-ngisi sa sabi niya at pinisil ang tungki ng ilong ko.

" Gusto kita pero hindi kagaya kay Kenneth ang kasing lalim ng pagkagusto ko sayo."

" Ayos lang, ang mahalaga ay gusto mo rin ako.Ako na ang bahala na palalimin 'yon."

Ma bulaklak rin pala ang bibig nito.Mga organs ko kalma lang kayo sa una lang yan masaya.

Wala ng panliligaw na naganap at sinagot ko na siya agad doon rin naman ang punta bakit patagalin pa. Mapanuksong tingin ang ginawad sa akin ni Edzel ng makalabas kami, sinamaan ko siya ng tingin.

"Traydor ka! " pa bulong na singhal ko nginisihan lang ako ng g*g*.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko si Kenneth papunta dito sa tindahan, seryoso ang kanyang mukha na humihithit ng sigarilyo hindi ko maiwasan na hindi siya titigan, namiss ko siya.

"Gusto mo ba siyang maka-usap?" tanong ni Lian.

"Wala namang rason para kausapin ko pa siya."

Sa totoo lang gusto ko siyang kausapin pero ayoko mag mukhang tanga sa harapan niya nag bitiw na ako ng salita na nagputol sa ugnayan naming dalawa.Binaling ko sa ibang diriksyon ang aking tingin kung maari ay huwag sana magtagpo ulit ang landas naming dalawa baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na kausapin siya.

"Okay ka lang?" bakas ang pag-alala sa boses na tanong ni Lian.

" Ha? Oo naman. Bakit?"

" Ahm-, kasi a-no.Wa-la."

Kumunot ang noo ko sa klase ng pagsagot niya. "Ano ba kasi 'yon?"

"Wala. Kalimutan mo na."

"Nagseselos ka?Wala kang dapat ika-selos, he's my ex and you are my boyfriend."

Simula sa araw na ito si Lian na ang boyfriend ko at burahin si Kenneth sa puso't isip ko.

_______

Si Lian ang tipo ng boyfriend na pa chill lang, walang pressure,normal lang para lang kaming magkaibigan kung titingnan. And I like it the way he handle our relationship. Sa loob ng pitong buwan hindi niya ako binibigyan ng rason para mag selos,lagi niyang pinaramdam sa akin na wala akong dapat na ipangamba. He always makes me smile when I'm sad. At pinaramdam niya sa akin na deserve ko din ang mahalin at pahalagahan.

Ngunit sa kabila ng lahat hindi ko man lang ma suklian ang pagmamahal niya.Ang unfair ko.Sa mga araw na lumipas lagi kong hinihiling na sana ganito rin si Kenneth sa akin. Na sana si Kenneth na lang ang nagpaparamdam sa akin nga mga ganitong bagay.Na sana si Kenneth na lang si Lian.Naiinis ako sa sarili ko kasi sa tuwing kasama ko si Lian na ngangarap ako na sana si Kenneth nalang ang nasa tabi ko at ang sama ko dahil pinatagal ko pa ang relasyon namin kahit alam kong hindi kami pareho ng nararamdaman.

"Lian."

Kumunot ang kanyang noo, nagtataka kung bakit Lian ang tawag ko sa kanya imbis na langga. Naka-upo siya sa malaking bato at nakatayo ako sa kanyang harapan, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya.

"May problema ba? May nagawa ba akong mali? May kasalanan ba ako?"

" Hindi.Wala."

" Si Kenneth parin ba? "

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Ang sikip sa dibdib, hindi ako makahinga, may isang tao na naman akong sinaktan.

" Sorry," hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko." Pinilit ko naman pero siya parin ang gusto ko. Sorry. I'm sorry."

Umiwas siya ng tingin at binitawan ang kamay ko.Nakayuko ako at tahimik na umiiyak ang sama-sama ko sinaktan ko ang taong walang ginawa kundi ang mahalin ako.Ang taong hindi ako kayang saktan at paiyakin.Bakit ba ang hirap para sa akin na siya na lang ang gustuhin ko.

Pinunasan niya ang luha ko at ngumiti, ngiti na lagi niya pinapakita sa akin. "Ayos lang naintindihan ko. Huwag ka ng umiyak.

" Maghiwalay na tayo."

"Langga. Hu-wag naman. 'Wag na-man gani-to."

"Lalo lang kitang masaktan Lian kaya mas mabuti pa maghiwalay nalang tayo."

"Ayos lang sa akin kung si Kenneth parin ang gusto mo huwag ka lang makipaghiwalay sa akin "

"Ano ba ang gusto mo ha?!" singhal ko, garalgal na ang boses ko sa pag-iyak. "Tayo parin kahit alam mong hindi ikaw ang gusto ko? Katangahan na 'yon Lian, kaya nga nakipaghiwalay ako sayo para hindi ka na masaktan pa lalo-, "

" Ayos lang sa akin kahit masaktan ako langga, ayos lang sa akin pero, ayoko maging selfish para lang sa kasiyahan ko ,ayoko maging selfish para manatili ka sa akin kahit alam kong hindi kana masaya. Masakit langga, pero kakayanin ko, tatanggapin ko maging masaya ka lang. "

Umiyak siya.Niyakap niya ako ng mahigpit, niyakap ko siya pabalik dahil huli na ito at hindi na ma u-ulit.

Nang mahimasmasan ay kumalas siya ng yakap at tumayo.

"Wala akong ibang hiniling kundi ang maging masaya ka. Mahal na mahal kita Iya. "