webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 20

Wala akong nagawa kundi sundan ng tingin si Kenneth na kasama ai Adelah.Gusto kong umiwas ng tingin ngunit tila na pako ang paningin ko ng akbayan niya si Adelah,nanikip ang dibdib ko.

"Nandito ako sa harapan mo pero ang layo ng tingin mo."

Natinag ako nang magsalita si Lian, nagulat pa ako dahil magkalapit ang mukha namin.Agad akong umiwas ng tingin at nagpasyang bumalik sa classroom namin,naka tatlong hakbang palang ako ng mapatigil ako sa kanyang binitawang salita.

"Sana aware ka na gusto kita . I mean, mahal kita, Riya."

Hindi ako sumagot.Hindi ako lumingon sa kanya ngunit hindi nakaligtas sa akin ang kanyang pagbuntong-hininga.Wala akong sinabi ni isang salita at iniwan siyang nakatayo doon.

Lian Jabilona Alba is Kenneth's first cousin.Isa rin siya sa mga lalaki na nagbigay ng letter sa akin at umamin na gusto ako pero hindi ko binigyang pansin dahil si Kenneth ang gusto ko. Pero kanina noong sinabi niya sa akin ang katagang iyon may kaka-iba akong naramdaman na hindi ko mawari. Sinabihan rin naman ako ni Kenneth na mahal niya ako pero bakit iba ang epekto sa akin ng pagkasabi ni Lian?Hay! Nakakalito.

"Classmates sa library daw tayo sabi ni ma'am Jimenez. "

Nagka-gulo sila sa sinabi ng aming classroom president. Ako? Kinakabahan dahil nandoon si Kenneth at malamang magkasama sila ni Adelah.

Tahimik kaming pumasok dahil nandito si principal inu-obserbahan kami.May kalakihan itong library namin kaya nahati ito sa dalawang kwarto at sa dulong kwarto iyon ay ang computer room kung nasaan naroon ang third year. Tinted na salamin ang nag silbing pagitan ng dalawang kwarto kaya kita namin ang tao sa kabila.Pagka upo ko palang nakita ko agad ang pamilyar na likod ni Kenneth at kaharap nito si Adelah. Kita ng dalawang mata ko kung paano ngumiti ng kay tamis si Adelah habang kinakausap siya ni Kenneth.

Gusto ko siyang lapitan at sabihin na nandito ako sa kanilang likuran nasasaktan habang sila ay pinagmamasdan.Ano ba talaga kayo? Magkaibigan o magka-ibigan?Kasi ang lagi mong sabi kaibigan mo lang siya pero iba naman ang iyong ipinapakita.

Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko tutulo ang aking luha.

"Nagkabalikan na kaya sila?"

"Ewan ko. Pero tingnan mo subrang sweet nila."

"Baka sila na. Pero dinig ko may girlfriend siya e sa first year."

"Wala akong pake! Basta kinikilig ako sa kanilang dalawa."

Paglingon ko si Jessa at Shane pala ang nag-uusap,hindi ko alam kong sino ang tinutukoy nila pero nakaramdam ako ng kaba.

"Kung hindi pa kayo tapos na research niyo ipag-patuloy niyo nalang bukas malapit na ang time," sabi ni ma'am.

Mabuti naman dahil hindi pa ako nakakalahati sa research ko.Awtomatiko akong tumalikod ng lumabas si Kenneth kasama si Adelah sa computer room naghilaan pa sila ng folder kung sino ang mag bitbit ng ginawa nila,sa huli ibinigay iyon ni Adelah sa kanya at pareho silang naka-ngiti na lumabas ng library.Hindi ko akalain na ganoon pala siya ka-sweet sa kaibigan niya.

Hanggang sa uwian na ay wala akong gana. Ang tamlay ko, mabigat ang loob ko, masakit ang damdamin ko. Nagpahuli ako,ayaw ko na may kasama.Ayaw ko ng may kausap. Gusto ko mapag-isa at tahimik ang aking paligid.

Nakita ko si Kenneth na naghihintay sa kanto pero wala akong balak na kausapin siya.Ni tingnan siya ay hindi ko magawa, nasasaktan ako,na aalala ko kung paano niya tratuhin ni Adelah sa harapan ko bagay na hindi niya ginagawa sa akin. Pero dinaya ako ng aking mata, hindi lang ako nakatingin sa kanya kundi nakatitig pa.Sinalubong niya ako ng may ngiti sa labi, tipid na ngiti lang ang sinukli ko sa kanya.

Hindi ko alam kung ano pa ang kanyang dahilan bakit niya ito ginagawa,ang paghatid sa akin sa pag-uwi kahit hindi naman kailangan,kaya ko naman umuwi na wala siya,mapapagod lang siya sa kanyang ginagawa.

"Pwede naman na hindi mo ako ihatid.Mapagod ka lang sa ginagawa mo," sabi ko.

Tumingin siya sa akin at tinitigan ako. " Madapa ka dyan sa ginagawa mo, sa daan ka tumingin huwag sa akin."

"May problema ka ba?"

Gusto kong sabihin na 'oo mayroon akong problema at hindi ko alam kong paano ko sasabihin sayo.'Ngunit sinarili ko na lang.Nitong nakaraang araw ko lang nalaman na kaya lagi siyang nandoon sa multi-purpose nakatambay tuwing uwian ay dahil hinahatid niya pala si Adelah pa uwi sa kanilang bahay at sa multi-purpose niya ako hihintayin para hindi ako manghinala kung sakaling magkasalubong kami sa daan at kapag tinanong kung bakit siya nandito ang lagi niyang rason naglalaro siya ng basketball.Hindi ko alam kung bakit kailangan niya magsinungaling, kung bakit kailangan niya akong lokohin kung pwede naman niya iyon sabihin sa akin. Ang sabi,kaibigan niya lang pero ex-girlfriend niya pala at nililigawan niya ulit kahit alam niyang may syota na siya.Hindi niya man lang ako inisip na girlfriend niya.

"Wala akong problema may iniisip lang," i lied.

"Bhe," he said softly.

Humarap ako sa kanya, hinawakan niya ang beywang ko at tumingin sa aking mga mata.

"I love you," biglaang sabi ko.Hindi siya sumagot,tipid lang siya na ngumiti sa akin. Bago pa tuluyang ma hulog ang luha ko ay siniil ko siya ng halik.

"Uhmm," munting ungol niya at inilagay ang kamay sa aking batok.

Ang isa niyang kamay ay naglalakbay sa aking likod patungo sa beywang na para bang may hinahanap doon.

Pa ulit-ulit ang ritmo ng kanyang kamay hanggang sa matagpuan nito ang kanyang hinahanap. Napasinghap ako ng pisilin niya ang dibdib ko at sinipsip ang aking labi. Napa-ungol ako sa kanyang ginawa,may kung ano na aking kalooban na hindi ko maintindihan. Nang ipasok niya ang kanyang kamay sa loob ng damit ko ay tinulak ko siya at nagmadaling umalis.I can't help it but to cry.

Gusto ko lang naman gumaan ang pakiramdam ko gusto ko lang kumalma kaya ko iyon ginawa pero lalo lang pala samama ang loob ko.

"Umuwi kana.Huwag ka ng sumunod sa akin, " sabi ko.

Hindi ko siya pinansin ng tawagin niya ako, alam ko nagulahan siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam basta makalayo ako.

Tumakbo ako upang makalayo agad,hindi niya ako sinundan tulad ng sinabi ko.Napahagulhol ako.Nagawa niya rin kaya ito kay Adelah?