webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 18

Doon lang ako nakaramdam ng hiya pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat.I was about to unwrap his hand around my waist pero natigilan ako nang yakapin niya ako at pakalmahin. Imbis na kumalma ay lalo akong na iyak. Ngayon ko lang naranasan na may handang dumamay sa akin sa oras na ako ay nangangailangan ng masasandalan.

Hindi ako gumanti ng yakap sa kanya, naka sandal lang ang aking noo sa kanyang dibdib habang yakap niya ako.Pakiramdam ko ligtas ako sa pamamagitan ng kanyang yakap.

"Basta lagi mong tandaan, nandito lang ako kapag kailangan mo ng maka-usap," wika nito habang hinahaplos ng marahan ang aking buhok.

Tumango ako bilang sagot at kumalas sa yakap niya.Inayos ko ang aking sarili at muling naglakad .Masyado naman yata akong ma drama ngayong araw.

" Huwag mong isipin na mag iba ang tingin ko sayo dahil lang sa sinabi mo sa akin,hindi mangyari 'yon.Huwag kang mahiya na mag sabi sa akin ng mga problema mo,kasi hindi mo lang ako boyfriend, best friend mo rin ako na ano mang oras ay handa kang damayan at samahan sa problema na kina kaharap mo."

I can't help but to smile for what he said.Isa lang ang masasabi ko,ang swerte ko sa kanya.

" Thank you."

He is a caring type of boyfriend, kaya lang hindi siya marunong mag suyo sa isang tulad ko na malakas ang tuyo.

"Okay ka na ba?"

Tumango ako, "Ahm.Okay na ako. Salamat sa paghatid."

Inayos niya ang hibla ng buhok ko na naka tabon sa aking mukha. "Text mo ako o di kaya ay tawagan kapag may kailangan ka o Kahit wala kang kailangan, sasagot ako. "

" Opo. Sige na bumalik ka na at baka ma abutan ka ng dilim sa daan. "

Nabigla ako nang yakapin niya ako. This time, I hug him back. Katamtamang yakap lang para naman hindi na ma maramdaman na gusto ko ang yakap niya.

" Hindi pa nga ako umalis pero na mi-miss na agad kita, " wika nito sa malungkot na tuno.

" Tatawag ako promise," tumingala ako sa kanyang mukha habang niyayakap ko siya.

Kapwa kaming na bigla nang mag lapat ang tungki ng ilong naming dalawa. Na tulala ako. Pakiramdam ko biglang tumigil saglit ang oras at subrang bilis ng tibok ng puso ko,parang kakapusin ako ng hininga.Nang makabawi sa pagkabigla ay umiwas ako ng tingin at bumitaw ng yakap sa kanya,aatras sana ako upang bigyan ng distansya ang isa't isa ngunit humigpit ang kanyang yakap sa aking baywang. Naiilang ako sa aming posisyon. Bahagya akong naka liyad at naka suporta ang aking dalawang kamay sa kanyang balikat upang hindi mag tama ang ilong namin.

"Kapag pwede na, ako mismo ang magdala ng sarili ko sa bahay niyo at magpakilala sa pamilya mo na ako ang boyfriend mo."

"Ken."

"Pwede ba kitang halikan?"

Naka tulala lang akong naka-tingin sa kanya, pinoproseso ang huling sinabi niya.Hindi pa naka buka ang aking bibig para sumagot ay agad niya akong hinalikan ng mabilis sa labi.Ramdam kong umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha at may kung anong kiliti sa aking tiyan na hindi ko ma tukoy, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"Bhe."

"Ha?"

Na himasmasan ako mula sa pagka tulala ng kumalas siya ng yakap at hawakan ang dalawang kamay ko.

"Galit ka ba? Sorry. Sorry kung pa dalos-dalos ako. Bhe sorry," na taranta sa sabi niya.

" Hindi.Ano.Ahm okay lang hindi ako galit."

Sh*t ka self,baka isipin niya na gustuhan mo 'yong halik.B*b* mo naman self.

"Sige na, bumalik ka na at gabihin ka sa daan."

" Sorry," nasa tuno nito ang pagsisi.Wala ng hiya-hiya niyakap ko siya.

"Hindi ako galit, nagulat lang ako," tumingin ako sa kanya at ngumiti. " Umuwi ka na, tatawagan kita mamaya."

"Sorry."

"Ang kulit mo naman e, hindi nga kasi ako galit," natatawa na wika ko dahil halatang hindi siya kumbinsido. "Sige na, bumalik ka na."

"Balik na ako."

"Ingat ka."

Humalik pa siya sa aking noo at kumaway.I wave back and mouthed thank you.Nang maka-alis siya ay naglakad na rin ako.

Napa hawak ako sa aking labi.Oh my god, I can't believe that he kissed me.That was my first kiss.He is my first kiss. Kyahhhhh. Para akong naka lutang sa ulap sa hindi maipaliwanag na pakiramdam,hindi ko namalayan na naghihintay pala sa unahan sila Archie at Homer.

"Ang tagal mo," reklamo agad ni Homer ng makalapit ako. "Na ngalay na ang paa ko sa pagtayo at uminit na ang puwet ko sa pag upo ngayon ka lang dumating."

" Sino ba ang nang blackmail para magka-usap kami?Ha?At saka mabilis lang talaga kayo mag lakad kaya na una kayong nakarating."

" Nag break kayo?" Sabat ni Archie.

" Break mo mukha mo," singhal ko at kinuha ang libro ko sa kanila at nag pati-unang lumakad.

"Kaya hindi ka tumatangkad e," si Homer.

Sinamaan ko sila ng tingin at nagmadali. Ayoko sirain ang magandang mood ko dahil lang sa kanilang dalawa. Muli akong napa ngiti nang ma alala ang nangyari. Ngunit agad ko ring binawi ng ma alala ko ang sinabi ni Analyn. Sana hindi niya malaman, hindi naman siguro ganon ka proud si Kenneth na ikwento niya kay Analyn ang pag halik niya sa akin.

"Kanina pa dumating sila Analyn,bakit ngayon ka lang? " bungad na tanong sa akin ni kuya Wayne,as usual naglalaro na naman ng billiard.

"E, sa na huli ako e,bakit ba?" Pabalang na sagot ko at dumiritso sa loob ng bahay.

"Kapag nalaman ko na may boyfriend ka bogbogin ko 'yon."

"Edi bogbogin mo!"

Mabait si kuya pero hindi malabo na hindi niya bogbogin si Kenneth kapag nalaman niya na may boyfriend ako.Una,dahil bata pa ako at dapat pag-aaral ang uunahin ko.

" Wala naman sigurong mag tangka na manliligaw sayo dahil pangit ka."

" Kung alam mo lang kuya", mahinang usal ko baka marinig ako at isumbong pa ako kina mama.

Hinayaan ko na lang siya na tumalak. Basta ako kinikilig parin hanggang ngayon. Tumunog ang aking cellphone,patalon akong sumampa sa kama at binuksan kung sino ang nag text.

Tumambol ng malakas ang dibdib ko at para akong sinilihan sa kina-upuan ko ng makita na galing kay Kenneth ang mensahe.

:Miss you.

:Text mo ako kapag hindi ka busy.

:Sana hindi ka galit dahil sa pag halik ko sayo kanina.Pero maintindihan ko kung magalit ka akin.Sorry bhe.

: Sorry talaga bhe,hindi ko sinasadya.

:Hindi na po ma uulit,basta huwag ka lang magalit sa akin.

Sunod-sunod na mensahe niya.I was about to call him but I remember nasa labas pala si kuya Wayne baka marinig ako.

:Hindi ako galit.Promise.

: Huwag ka ng mag overthink kung galit ba ako.Nasabi ko na sayo kanina na hindi ako galit at sasabihin ko ulit HINDI AKO GALIT, caps lock na yan para dama mo.

:Biro lang.Hindi talaga ako galit bhe, promise.

:I miss you too.

:Ingat ka.Text mo ako kapag nakarating ka na sa bahay niyo.

Reply ko sa kanya.Saktong tapos na ako mag bihis ng mag reply siya.

:MAHAL KITA. TANDAAN MO 'YAN.Caps lock yan para dama mo.

Impit akong sumigaw sa kanyang mensahe.

For the first time he said I love you to me.