webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 12

"Tsk! Pa asa. Sabi niya ihatid niya ako," bulong ko at padabog na naglakad.

Hindi pa nga kami umabot ng isang araw pinaasa na niya ako, sana hindi nalang siya ng bitaw ng salita kung hindi naman niya tuparin para hindi ako umasa. Kasama niya lang yong Adelah na yon kinalimutan na n ako. Tsk. Mali talaga na sinagot ko siya agad e.

"Hindi ako na inform dalawa na pala ang daan pa uwi sa inyo," wika ni Analyn ng maka salubong niya si Kj.

"Isyu ka na naman," sagot nito at lumapit sa akin. " Akin na, ako na magdadala," wika nito at kinuha ang aking bag.

Kunin ko sana ulit pero inakbayan niya ako na aking ikina-bigla. Sandali akong natigilan ng mag dikit ang aming katawan. Nanlamig ako dahil sa kaba ngunit uminit ang aking mukha dahil sa hiya.

"A-no-,"

I don't know what to say.Na pepe ako kaya kinuha ko na lang ang kamay niya na naka akbay sa aking balikat.

"Nahihiya ka?" tumango ako bilang sagot. " Dito na lang."

"G*g*!" gulat na sambit ko ng humawak siya sa aking baywang at hinila ako palapit sa kanya.

"Isang g*g* pa hahalikan kita."

Siniko ko ang kanyang tagiliran kaya bumitaw siya sa paghawak sa aking baywang. Nakagiwi siyang ngumiti sa akin. Bakit ang cute niya parin?

"Bahala ka nga riyan," ani ko at nagpati-una sa paglakad. Kinikilig ako. P*st*ng lalaki na 'to.

"Sorry na," natatawa na ani nito. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang cute mo," at pinisil ang aking pisngi.

" Bakit ba pisil ka ng pisil sa pisngi ko? Masakit kaya."

" Sorry.Ang cute mo kasi."

Kinilig na naman ang atay ko sa kanyang papuri. Tahimik lang kami na naglalakad, gusto ko sana itanong kung saan siya galing pero baka isipin niya paki-alamera ako. Oo, girlfriend niya ako pero hindi naman ibig sabihin na alamin ko lahat ng galaw niya.Alam ko kung saan lulugar.

"Sorry kung pinaghintay kita kanina ha," wika nito.Nabasa yata niya ang iniisip ko.O baka masyado lang akong halata para maramdaman niya iyon. "Nandito kasi kanina si mama,may pinuntahan kami."

" Hindi mo naman kailangan magpaliwanag. "

Hindi paliwanag ang kailangan ko,ang gusto ko magsabi siya sa akin ng totoo.Sa reaksyon kasi ni Analyn kanina parang alam niya kung saan si Kj galing.Pwede naman siya magsabi sa akin ng totoo,hindi naman ako mababaw na tao para hindi iyon maintindihan .

" Galit ka ba?"

" Hindi."

" Nagtatampo?"

" Hindi rin.Pero isang tanong na lang at makauwi ka na," pagbanta ko sa kanya.Kailangan talaga ipilit?

" Ito naman, nagtatanong lang e," umakbay siya akin,hindi na ako umangal dahil gusto ko naman.Ang landi mo self.

"Aray ko!Ano ba?!" reklamo ko ng pinisil niya naman ang pisngi ko.

"G*g*.Ang landi mo Kj! Naka akbay kana hindi pa nga kayo ng pinsan ko," singhal ni Analyn.Nakaramdam ako ng hiya dahil lumingon silang lahat sa amin.

" Sinagot mo na yan Ri?Sana pinahirapan mo man lang yan ng mga ilang buwan. " si Homer.

" Grabe kayo sa akin ha. Parang hindi niyo ako kaibigan, " nagtatampo kunyare na sabi nito.

Tumawa si Homer at ngumiwi ang iba naming kasama sa sinabi nito.Tinaasan siya ng kilay ni Analyn at inirapan .Natawa ako sa kanya.Ang maldita talaga ng babae na'to.Hindi ko maintindihan kung boto ba siya kay Kj para sa akin o hindi sa inasta niya palagi.Wala siyang sinasabi pero ang galaw niya at the way siya magsalita ay may ipina-pahiwatig na hindi siya sang-ayon sa amin ni Kj. Gusto ko siyang tanungin, gusto kong malaman kung ayos lang ba sa kanya na maging kami ng kaibigan niya. May kung ano kasi sa aking isip na nagsasabi na ayaw niya, na hindi siya sang-ayon pero wala siyang magawa dahil ako naman ang mag desisyon.

"Anong nangyari sa kamay mo Ri?"

"Kanina to,sa volleyball," sagot ko sa tanong ni Mabel.

"Ang tigas kasi ng ulo nitong pinsan niyo," sabat ni Kj. Sinamaan ko siya ng tingin. " Bakit hindi ba?"

"My god. Bakit nakaka-kilig kayo?Ang lakas ng chemistry niyo."

"Mabuti pa itong si Madel, hindi katulad ng isa d'yan."

"Lagot ka kapag narinig ka niyan."

Nag aper pa silang dalawa at sabay na tumawa. Parang mga timang.

Si Mabel, ay second cousin namin ni Analyn at pareho silang forth year.Paano kaya kapag naka graduate na sila,sino na ang palagi kong kasama?

"Hindi ka makasama niyan sa sabado?" wika ni Mabel.

"Sasama parin ako,ayoko ma iwan sa bahay na mag-isa."

"Saan pala ang punta niyo sa sabado? " Tanong ni Kj.

Tinanggal ko ang kamay niya sa aking baywang dahil nahihirapan ako maglakad dahil magkadikit kami ngunit pinagsiklop naman niya ang aming kamay.

"Aanihin na kase ang mais namin at napagkasunduan namin ni Fahrhiya na sasama kami sa pag-ani para may pera kami sa darating na fiesta sa siyudad," si Mabel.

" Hindi ka naman makikinig sa akin," si Kj.

" Ay!Ganun?Bossy boyfriend!?" Natatawa na wika ni Mabel.

" Hindi naman caring lang.Namaga pa nga iyang kamay niyan e."

"Sasama lang ako dahil mag-isa lang ako sa bahay-,"

" Bantayan mo itong pinsan mo ha.Sumbong mo sa akin kapag sumama yan sa pag-ani ng mais."

" Sh*t! Hanggang kilig na lang ba ako sa relasyon ng iba?My god!"

Hinampas ko siya sa braso sa kanyang inasta.Pareho kami ni Mabel ang babaw lang ng kasiyahan namin..Big deal na sa akin pag dala niya sa aking bag.The way he care to me. Kung paano siya nag-alala dahil na maga ang kamay ko.Subrang saya ko sa kanyang pinapakita,binabawe ko na ang sinabi ko kanina na mali na sinagot ko siya agad, dahil hindi naman siguro niya gagawin ang bagay na ito kung hindi niya ako gusto. Ako ang may mali. Ako lang ang nag-iisip ng mali sa kanya.

"Hanggang dito ka lang,iyon ang usapan natin kanina," sabi ko ng makarating na kami dito sa kanto.

"Gamotin mo yang kamay mo pagdating mo mamaya, " bilin niya sa akin.

Sinukbit niya ang aking bag at ginulo ang aking buhok. " Ingat. "

" Ingat din. "

" Wala man lang good bye kiss, " wika ni Mabel pagka-alis ni Kj.

" Turuan mo pa iyang pinsan mo. Bata pa iyan bawal pa yan sa kiss. Hanggang holding hands pa lang kayo, " sabi ni Analyn sa akin.

" Alam ko naman iyon pinsan. "

"Kung ako lang ang masusunod, ayoko na magka boyfriend ka. Pero dahil dalaga ka na, hayaan kita na maranasan mo ang ganitong bagay basta tandaan mo nandito lang ako palaging gagabay sayo, laging mag a-advice sayo. Go with the flow. Huwag mong hayaan ang sarili mo na magkagusto at magmahal ka ng todo. Bata ka pa.Mag enjoy ka muna."