webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 11

Laking gulat ko ng pag angat ko ng tingin ay nakatayo si Kj sa harapan ko.Naka-igting ang panga ngunit blangko ang tingin sa akin.Hindi ko akalain na sundan niya ako rito. Umupo siya sa upuan nasa aking harapan at kinuha ay kamay ko na namaga. Napa-iktad pa ako ng hawakan niya ang kamay ko at inilagay ang ice bag na dala niya.

"Aray!" naka ngiwi na daing ko.

Tiningnan niya ako ng masama.Tingin na abot sa aking kaluluwa.Napaiwas ako ng tingin dahil doon, kinabahan ako sa klase ng tingin niya sa akin.

"Alam mo naman na masakit yang kamay mo naglaro ka pa. Tingnan mo kung ano nangyari, nagama, " sirmon niya.

" Ano naman paki-alam mo kamay ko naman to! "

Huminga siya ng malalim sa tinuran ko at mariin akong tiningnan.Wala siyang sinabi pero ramdam kong galit siya dahil panay ang pag igting ng kanyang panga.Ano naman ngayon?Tssk!Bahala siya.

"Tama na," awat ko at hinila ang aking kamay. "Hindi na masakit."

Alibi ko kahit masakit pa.Ang g*g* hindi man lang nagpumilit na lagyan pa ng ice bag,hinayaan lang ako sa gusto ko.Edi 'wag.

"Umalis kana, matulog pa ako," taboy ko sa kanya at dumukdok sa ibabaw ng lamesa.

"Bakit dito?"

"Bakit naman hindi?"

"Bakit ang sungit mo ngayon?"

"Ano naman paki-alam mo?"

"Galit ka ba sa'kin?"

"May dahilan ba para magalit ako?"

Gusto kong sabihin sa kanya na oo, galit ako.Na naiinis ako dahil sa malamig na trato niya sa akin mula pa kaninang umaga pero ano nga ba ang karapatan ko para magalit sa kanya? Manliligaw ko lang naman siya.

"Kaya nga tinatanong kita kung galit ka ba sa akin," mahinahon sa wika niya. "Kung ano ang dahilan ng galit mo-,"

"Hindi nga ako galit."

"Kung hindi ka galit bakit mo ako iniiwasan?Bakit hindi mo ako kinaka-usap ng maayos?"

" Ay, Wow!? Ako pa ngayon ang umiiwas? E, ikaw nga itong hindi ako pinapansin simula pa kaninang umaga e, " nagtatampo na ani ko.

Ang galing naman,ako pa ang sinisi.Siya nga itong hindi ako pinapansin kahit anong pagpapansin na ang ginawa ko.Hindi siya nakasagot sa aking sinabi,kasi totoo.

Sabi niya gusto niya ako,pero kung tratuhin niya ako kanina parang hindi niya ako kilala.

Muli akong humalumbaba. "Umalis ka na nang maka idlip na ako.

" Nag seselos ka ba? "

Napa angat ako ng tingin. " Ano? "

" Nag seselos ka? "

" B-akit na-man ako mag-seselos? " na uutal sa wika ko. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko.

"Hindi nga-. "

"Shhhh.Quit.Nasa library kayo," sita sa akin ng librarian ng tumaas ang boses ko.

"Hindi ako nag seselos,-"

"Wala kang dapat ika selos.Kaibigan ko lang si Adelah."

I don't know what to say. Ganoon ba ka halata ang galaw ko? Para malaman niya na nagseselos ako sa babae na 'yon? Oo aaminim ko nagseselos ako sa babae na yon,sino naman ang hindi kung makita mo siyang mas masaya pa siya kapag iyon ang kasama niya.Iba ang paraan ng ngiti at tawa niya.Ewan ko.Seguro dahil nagseselos ako kaya kung anu-ano ang napansin ko.

"Huwag ka ng magselos."

"Hindi nga sabi e."

" Huwag kang magselos dahil ikaw naman ang gusto ko."

Natigilan ako. Kahit ilang beses na niyang sinabi na gusto niya ako pero sa tuwing sabihin niya iyon hindi ako makapag-salita.

"Gusto talaga kita,Iya." seryosong saad niya. "Hindi ako titigil sa panliligaw sayo," napa-iktad ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko. " Hindi ako titigil na iparamdam sayo kung gaano kita ka gusto."

" Gusto rin kita," walang pag-alinlangan na sagot ko.Nagpipigil ng ngiti ang g*g*.

"Gusto rin kita kaya sana," yumuko ako at huminga ng malalim." Sana huwag mo akong saktan kapag sinagot kita."

" Sinasagot mo na ako? Girlfriend na kita?" hindi niya naitago ang excitement na kanyang nadarama.Tumango ako bilang sagot, nahihiya ako.Malandi na ba ako?

Hindi man lang umabot ng isang buwan ang panliligaw niya sa akin. Saan na 'yong sinabi ko na saka ko na siya sagutin kapag nakilala na namin ang isa't isa? Hayst! Kapag si puso nga naman ang umiral,wala man lang pasintabi.Sana nga hindi ako masaktan sa padalus-dalos na desisyon ko kahit alam kong hindi iyon imposible.

"Oo. Sinasagot na kita."

"Aray. Ano ba!" daing ko dahil bigla niyang inangat ang kamay ko na namaga at hinalikan ito.

"Sorry. Sorry. Hindi ko sinasadya. Masakit ba? "

" Malamang. Namaga yan e, "nanigas ako ng ilapat niya ang kanyang mainit na labi sa aking kamay upang hagkan ito.Oh my god.Lalo akong mahuhulog na lalaki na 'to.

"Hindi ka na pwede mag laro ng volleyball," wika niya habang tinatalian ng panyo ang namaga kong kamay.

"Ano?!Hindi pwede!"

Tiningnan niya ako ng nagbabanta na tingin. "Sa championship ka na lang mag laro, panigurado naman na pasok kayo."

"Pero may laro ako ng badminton bukas. "

" Kakasabi ko lang Fahrhiya," ma awtoridad na wika niya. Ngumuso ako dahil doon at hindi na nagsalita.

Paano ang laro ko nito bukas ?Talo na ako nito.

"So. Bakit ka galit sa akin?" Tanong niya habang minamase ang kamay ko.

" Hindi nga ako galit," tiningnan niya ako ng mapanuri, buntong-hininga ako. "Hindi mo kasi ako pinapansin simula kaninang umaga. Akala ko galit ka dahil sa nangyari kahapon."

"Nag tampo lang ako kahapon. Ayaw mo kasi na ihatid kita."

"Pagkatapos ng Intramurals pwede mo ako ihatid kung gusto mo, huwag lang ngayon. "

Pinisil niya ang pisngi ko." Opo. Masusunod. "

Sandali pa kaming nag-usap dahil pareho naman kami na wala ng laro. Hindi ko mapigilan ang kaligayahan na nararamdaman ko habang nag-uusap kami.Siya ang nagbibigay sa akin ng pakiramdam na hindi ko mailarawan.Pakiramdam na para akong nakalutang sa ulap.Pakiramdam na ngayon ko lang naranasan.Sana ganito nalang palagi at wala ng katapusan.

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala."

Nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko sa bukana ng pintuan si Adelah,ang babaeng pinagselosan ko.

"Kanina pa kita hinahanap tara na," ani nito ng makalapit sa amin.

Nalilito man ay umakto parin ako na balewala lang sa akin ang kanyang presensya.Tumayo si Kj kung kaya't napa-angat ako ng tingin sa kanya.

"Ihatid kita mamayang uwian, hanggang kanto.Alis muna ako," pa alam nito.Hindi pa man ako nakasagot ay lumakad na siya kasama si Adelah.

Wow!Kakasagot ko lang sa kanya tapos iwan niya ako rito?At saka alam niya na nagseselos ako sa Adelah na yon sumama pa siya?Wow.Ang galing naman ng boyfriend ko.Speaking of boyfriend.

'Kyaaaahhhh!' impit na sigaw ko dahil sa kilig.Hindi ako maka-paniwala na boyfriend ko na ang crush ko. "Eehhhh!" Hindi bale, ihatid niya naman ako mamaya pa uwi kaya chill lang.

_______

Nandito ako sa tindahan ni Ante Mona hinihintay si Kj dahil malapit na ang uwian.Ngunit ilang minuto na akong naghihintay ay wala parin siya, hanggang sa nag uwian na ay hindi parin siya dumating.

"Ri,tara na," tawag sa akin ni Gerald ng makita ako.Luminga ako sa paligid baka nandito siya pero ni anino niya ay hindi ko makita.

"G*g*ng Kj,saan na naman kaya iyon nag punta,kanina ko pa iyon hindi ma kita," wika ni Analyn na kakarating lang.

"Nakita ko kanina kasama si Adelah na lumabas ng library," sagot ni Gerald.Kinabahan ako dahil doon,baka nakita niya kami doon.

" Naku!Sabi ko na nga ba e," wika ni Analyn na nagparamdam sa akin ng kaba.