webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 10

Pagkarating ko sa tindahan ni Ante Mona muna ako tumambay . Si Cristine lang ang nandoon, nakahiga sa upuan, natutulog. Ilang minuto lang ako doon at naisipan kong pumasok sa campus baka nandoon na si Mea at naghihintay sa akin. Huminto ako sa bukana ng gate nang makapasok ako at luminga sa paligid baka nandito siya at naki-tsismis.

"Ang kulit mo naman e!" rinig ko na reklamo ng tinig nang isang babae.

"Pumayag ka na kasi," awtomatiko na bumaling ang aking tingin sa kanang bahagi kung saan nagmula ang tinig na iyon.

My heart felts heavy when I saw him talking to the same girl he talked last time. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-usapan nila ngunit ramdam ko sa boses nito na desperado siya sa kung ano man ang tinutukoy niya. Na pako sa kanilang dalawa ang aking paningin. Gustohin ko man na umalis ay hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Kapwa kaming nagulat ng magtama ang aming mata ng lumingon siya sa aking gawi. Ngayon hindi lang mabigat ang aking pakiramdam. Ngumuhit ang kakaibang sakit sa aking dibdib nang umiwas ito ng tingin sa akin at nakipag-usap muli sa babae. Na malik-mata lang ba ako? O sinadya niyang balewalain ang presensya ko? Ano naman ang dahilan niya na gawin niya iyon?. A, baka tungkol ito kahapon noong hinatid niya ako pa uwi. Didiritso na sana ako sa classroom ng tawagin ako ni Ma'am Garcia ang aming adviser. Wala akong choice kundi ang dumaan sa harap ng purok kung saan naka-upo sina Kj dahil nasa dulong bahagi si Ma'am nakatayo.Kahit sulyap ay hindi man lang niya ako binigyan.

"Sabi ni Ronald marunong ka raw sa Collage Making," wika ni Ma'am.Si Ronald ay kaklase ko noong grade six.

"Opo Ma'am. Kaunti lang.Bakit po?"

'Ka lalaking tao,juicy ang cologne, ' inis na ani ko sa aking isipan ng ma amoy ang pabango ni Kj.

"Wala tayong representative sa Collage Making, mabuti at marunong ka. Ikaw na ang representative natin."

"Hala! Ma'am, ayoko ko!" Sorry po ma'am, " paghingi ko kaagad ng paumanhin ng tumaas ang boses ko.

" Bakit naman ayaw mo. Malaking grado ang makuha mo at baka may chance pa na maisali ka sa District meet. "

'Iyon nga po ang iniiwasan ko ma'am e. ' maktol na wika ko sa aking isipan.

"Ikaw na ang representative ha."

Hindi na ako nakatanggi sa alok ni ma'am dahil hinila na niya ako patungo sa Science Laboratory para sa gagamitin ko. May alam ako sa Collage Making, dahil naka-abot ako ng Division Meet noong grade six ako. Pero iba naman concept doon at sa ngayon. Natatakot ako na baka mali ang gagawin ko at matalo kami.

"Huwag niyo po ako sisihin kapag natalo tayo ma'am ha."

"Ang mahalaga ay may representative tayo. Pero maganda parin kong manalo,diba? "

" Huwag na lang ako ma'am. Mayroon naman siguro na marunong sa ibang year level."

" May laro si Lowela, pero pwede ka niyang tulungan kapag naka-abot siya. Dalawa na representative lang kasi ang kailangan. Sos, kaya mo yan. Nakarating ka nga ng Division e. "

Wala akong choice kundi ang pumayag.Kinuha ko ang kailanganin kong gamit upang dalhin sa stage kung saan gaganapin ang Collage Making.Paglabas ko ng Science Laboratory ay nandoon parin si Kj sa purok, ngunit siya nalang mag-isa.Tumingin siya sa aking gawi.Seryoso ang kanyang mukha.Hindi ako umiwas ng tingin at tinititigan siya.Iyan na naman ang kanyang mata na kay hirap basahin.Nang makalabas si ma'am ay saka lang ako umiwas ng tingin sa kanya at nagtungo sa stage.Ramdam ko ang kanyang pagtitig sa akin ngunit binalewala ko iyon dahil nasaktan ako sa ginawa niyang pag deadma sa akin kanina.

Tumingin ako sa orasan, thirty minutes nalang ang natirang oras ngunit kaunti palang ang nagawa ko. Naka depende sa iyo kung ano ang konsepto ang gawin mo kaya malaya kang gawin kung ano man ang nais mo. Pero ako, hindi ko parin alam kung ano ang konsepto na gagawin ko.Wala nga si Lowela dahil pareho ang oras ng laro niya ng Table Tennis.Huminga ako ng malalim dahil wala talaga akong ma isip na layout sa gagawin ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Kj na kasama iyong babae kanina sa purok, magkasama na lumabas ng campus.Na naman.Ano ba ang relasyon nilang dalawa?

Mabuti nalang at natapos ko ng matiwasay ang aking ginagawa. Bahala si ma'am kung matalo kami, siya ang sisihin ko.

"Kung nakakamatay lang ang masamang tingin siguro kanina kapa nakabulagta."

" Ha?"

" Iyong manliligaw mo ang sama ng tingin sayo," wika ni Mea at inginuso ang kinaroonan ni Kj.

Siya pa ngayon ang may ganang tingnan ako ng masama.Tsssk.Hindi ko nalang pinansin ang sinasabi ni Mea at inayos ang tali ng aking sapatos.Nandito kami naka-upo sa gilid ng hallway kung saan kami umupo kahapon.Ngayon ang laro namin sa volleyball,ang mga kasama ko at kalaban namin ay nag warm up na.

"Sigurado ka na sasali ka?Diba masakit kamay mo?" saad ni Mea at siya ang nagtali ng panyo sa kamay ko.

"Higpitan mo," utos ko. "Magaling na."

"Sure?"

"Oo nga."

"Okay. Sige, sabi mo e."

Hindi na masakit ang kamay ko simula kagabi. May inilagay kasi si mama kagabi na hindi ko alam kung ano iyon. Tinalian ko lang baka ma mula mamaya pagkatapos ng laro.

Tumayo na ako ng sinabi nang referrer na magsimula na kami. Sa unang set ng laro ay panalo kami, chill lang ang laban. Ngunit ng mag second set ay naging wild na.

"Ah!"

daing ko ng salohin ko ang bola galing sa spiker nila.Ang lakas niya.Binalewala ko ang sakit at nagpatuloy sa laro.

"Mine!"

sigaw ko at tumalon upang mag spike ng bola. Sinadya kong mapunta iyon sa gawi ng spiker nila ngunit hindi niya na habol ang bola dahil lumagpas ito sa kanya.

"In!" sigaw ng line man at itinaas ang green flag.

'Ganti ko yan sayo,' saad ko sa isipan ng muntik na siyang masubsub.

Ngunit sa isang maling galaw ko ay naitukod ko ang aking kamay sa lupa ng habulin ko ang bola. Nakuha ko man ang puntos. Panalo man kami pero ang kamay ko, namaga.

"Hala!" gulat na wika ni Mea ng makita ang kamay ko. Ang sakit. Hindi ko maigalaw. Umupo ako sa kanyang tabi at marahan na hinaplos ang kamay ko.

"Bakit namaga, Ri?"

"Aksedinte kong naitukod."

Hindi naman ako ma aksedinte kung hindi ko siya nakita na kasama iyong babae. Sino ba ang hindi matigilan kung makita ko ang manliligaw mo na masayang nagtatawan kasama iyong babae na pinagselosan mo? Oo, aminin ko nagseselos ako. Sino ba naman ang hindi, buong araw niya ako hindi pinansin. Hindi ngumingiti kapag nakita ako pero doon sa babae na yon kulang nalang lumuwa ang ngala-ngala niya dahil sa tuwa.

Agad akong tumayo ng makita ko siya na lumakad patungo rito sa kinaroonan ko.

"Sa clinic lang ako,". paalam ko kay Mea at iniwan siya doon.

Ngunit sa library ako dumiritso imbis sa clinic,sa dulong bahagi ako pumuwesto ,nakayuko sa lamesa at nakapikit ang mata. Hindi ko maipaliwanag kung Ano itong nararamdaman ko?

"Iniiwasan mo ba ako?"

Napa-angat ako ng tingin dahil sa gulat ng may nagsalita sa harapan ko.Kumabog ng mabilis ang puso ko ng si Kj ang nabungaran ko.