webnovel

Luna Academy

FILIPINO NOVEL by celestialskyeee/AllisonHail Nang mamatay ang ina ni Nishia ay wala nang natirang pamilya sa kan'ya dahil dalawa lang sila ng kan'yang ina sa buhay, wala rin siyang ama, dahil... She's adopted, hindi na niya nakilala ang kan'yang totoong mga magulang dahil ayaw namang sabihin ng kan'yang ina na nag-adopt sa kan'ya. Ngunit nang mawala ang kan'yang ina, napag-desisyun-an niya na mamuhay parin ng normal kahit na wala na ang kan'yang ina, ngunit na-bago ito, napunta siya sa isang lugar na hindi normal, mundong kakaiba at hindi normal na tao ang mga nakatira. Paano siya nakapasok dito? Tangi'ng mga taong immortal lamang ang nakakapasok rito ngunit paano at bakit siya nakapasok? Isa kaya siyang immortal?

AllisonHail · Fantasi
Peringkat tidak cukup
2 Chs

PROLOGUE

Nang mamatay ang ina ko ay hindi ko na alam kung ano pa ang rason na meron ako para mabuhay, wala na ang buhay ko—ang ina ko.

Namatay siya dahil sa Cancer, at wala akong kaalam alam na mayroon siyang sakit. Masyado pa siyang bata para mamatay, pero kailangan kong tanggapin ang pagkawala niya dahil hindi ko naman pwedeng kuwestunin ang Diyos kung bakit niya kinuha ang ina ko sa madaling panahon.

"Tita Amanda,"bulong ko nang makita ang matalik na kaibigan ni mama sa loob ng bahay namin.

"Bakit po kayo narito?"

"Maupo ka muna,"saad nito, naupo naman ako.

"Gusto niyo po ba ng maiinom?"tanong ko.

"'Wag na hija, mabilis lang ito, may ibibigay lang ako,"saad nito at may nilabas na isang kahon galing sa kan'yang bag, napakunot noo naman ako.

"Ano po 'yan? "

"Matagal na itong naibigay ng iyong ina sa'kin, sa pagkakaalala ko, isang taong gulang ka pa lamang nang ibigay niya ito,"

"Sinabi niya na kapag nawala na siya sa mundo, ibibigay ko ito sa'yo."saad niya at nilahad ang kahon na hawak hawak niya, tinanggap ko naman ito.

"Alam niyo po ba kung ano'ng laman nito? "tanong ko.

"Hindi... Tsaka ito nga pala 'yung susi para sa kahon na 'yan, sinubukan ko ring buksan iyan gamit ang susi na ito pero ayaw mabuksan,"saad nito at binigay ang susi sa'kin.

"Salamat po."saad ko.

"Eh paano mo ba 'yan mabubuksan? Eh hindi naman gumagana ang susi na 'yan"

"Ako na po ang bahala tita,"saad ko at ngumiti.

"Oh siya, aalis na'ko kailangan ko pang mamalengke, ayos ka lang bang mag-isa rito?"

"Ayos lang po, ingat po kayo."saad ko at hinatid siya sa labas ng bahay.

Napabuntong hininga nalang ako, limang araw pa lang ang nakalilipas simula nu'ng mailibing si Nanay, kaya sariwa pa ang sakit na naidulot nito sa'kin.

Pumunta ako sa kwarto ko para roon na buksan ang kahon na ibinigay sa'kin ni Tita Amanda. Ginamit ko ang susi na ibinigay niya pangbukas sa kahon na iyon, napakunot noo nalang ako nang gumana ito—oo, bumukas ang kahon.

Tumambad sa'kin ang isang pirasong papel, nararamdaman ko na hindi lamang ito pangkaraniwang papel, may mga disenyo ito, sa mga nakikita ko, para itong imbitasyon sa mga palasyo sa fancy movies.

'Psh, ano ba 'tong iniisip ko?'

"Magandang araw sa'yo, napakapalad mo kung natanggap mo ang imbitasyon na ito galing sa Luna Academy..."

"Sumama ka sa'min at pumasok sa mundong kakaiba, lugar na kung saan, nararapat ka."

"Nararapat? Ako?"bulong ko.

"Ano 'to? Pinagloloko mo ba ako Ma?"saad ko at mahinang natawa.

May nakalagay na address sa ilalim na bahagi ng papel na ito, hindi ko alam kung totoo ba ito o prank lang? Pero mukhang hindi, si Mama na mismo ang nagpapabigay nito. May mga bumubulong din sa'kin na dapat ko raw itong puntahan.

'Tanga naman Nish, malamang hindi 'to prank'

"Dapat ba 'kong mag-empake?"

"Arghhh!"saad ko at hinilot ang sintido ko.

'Bagong problema na naman ba ito?'

'Pupuntahan ko ba ang lugar na 'yon o hindi?'

Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa address na nakalagay sa papel na iyon na hawak hawak ko parin hanggang ngayon.

Parang hunted house ang bahay na napuntahan ko, hindi ito malaki, parang isang maliit na shop lang nga ang laki nito, kahit medyo nakakatakot ang itsura nito, hindi ko magawang matakot, gayo'ng matatakutin ako. Naramdaman kong may tao sa tabi ko kaya nilingon ko ito, isa itong babae na mukhang nasa 40+ ang edad. At nawi-wirdo-han ako sa nararamdaman ko sa kan'ya.

"Pupunta ka sa Luna Academy, sumama ka sa akin"saad nito.

"Pa'no niyo po nalaman?"tanong ko.

"Nababasa ko ang iyong isipan"saad nito, nagsitaasan naman ang mga balahibo ko.

"Huwag kang matakot, hali ka na"saad nito at naunang naglakad, sumunod naman ako kahit na nagdadalawang isip.

Nang sumunod ako sa kanya papasok sa pintuan ng hunted house na iyon ay bigla akong nahilo pero nilabanan ko iyon, nanatili akong nakatayo habang nakahawak sa ulo ko.

Kita ko ang pagngisi ng babae iyon kaya hindi ko maiwasang magtaka.

Biglang nagliwanag ang paligid kaya napapikit ako, nawala na din ang pagkahilo ko.

"Woahhh, ano 'to?"bulong ko nang makita ang lugar.

"LUNA ACADEMY? Ito na ba 'yon?"pagbabasa ko sa sign sa harap ng school.

"Maligayang pagdating sa Luna Academy,"

"Hindi lang Luna Academy ang pinasok mo, pati narin ang mundo namin, mundo ng mga taong may mahika."napakunot noo ako sa sinabi niya.

'Mahika? Lahat ba ng mga tao dito ay may mahika?'

"Hindi lahat, kaya mapalad ka kung mayroon ka."saad nito, tumango nalang ako,kahit 'di ko gets.

May mga nakikita akong gumagamit ng kanilang nga mahika, totoo nga, may mga mahika sila meron ding mga naglalaban at basta ang astig nila! May mga kapangyarihan ba talaga ito? Ano bang klaseng lugar 'tong napuntahan ko?! May kapangyarihan din ba ako?