Dahan-dahang nagbitiw ang aming magkahawak na kamay ngunit sa pinakahuling pagkakataon ay giniit nya ito at mabilis na yumakap sa akin.
"Nasasabik ako sa muli nating pagkikita magandang dilag. Aking iniirog. Ngayon pa lamang ay nalulungkot na akong lisanin ka dito sa ating tagpuan. Nais kong malaman mo, kung bibigyan ako ng isa pang pagkakataon na humiling sa maykapal, ipapanalangin ko na tayo'y magkasama sa habang-buhay. Ikaw lang ang nais kong makasama sa araw-araw. Sigurado ako sa aking nararamdaman. Ikaw ang una at ipinapangakong aking huling iibigin. Ang pag-ibig mo ang aking magsisilbing hininga magpasawalang hanggan. pangako."
sa mga salitang binigkas nya, nagsimula akong mag-alinlangan sa aking planong paglisan, kasabay ang hindi mapigilang pag-agos ng luha sa aking mga mata.