Nagsimula na ang tour ng grupo.... Una nilang destination ay ang mga hanging coffins ng Sagada.. Excited ang grupo na mapuntahan ang atraksyon.... Kakaiba ang makikita nila dun nakakakilabot ngunit kaaya aya.... Tila ang mga turista na pumupunta dito ay nais ng mga aksyon na kakaiba.... Sa mga ganitong kalseng lugar expected na may mga ligaw na kaluluwang gumagala sa paligid ligid... isa na si Lady doon.. Kasama nila si Lady kahit saan man sila magpunta... Layon din ni Lady na protektahan ang grupo sa kahit ano mang sakuna na pwedeng maidulot ng mga ligaw na kaluluwa sa lugar....
Sa pangunguna ni Benjie... nagsimula ang grupo na maglakbay patungong hanging coffins... halata pa rin ang mga pagsulyap ni Benjie kay Karen... Sa isang banda ang grupo ng mga call center agents ay tila nahihirapan sa kanilang paglalakad... matarik ang mga dinadaanan nila... pwedeng maging mitsa ng buhay nila... hindi sila sanay sa mga mahabang lakaran sapagkat ang kanilang nature of work ay nakaupo lamang tumatanggap mg tawag... o di kayay nagtatawag sa mga tao sa amerika para mag alok mga produkto... Nag usap sina Joyce at Maan....
"OMG.. this is so hard.... i cant imagine myself on this journey.... i thought we will relieving stress... pero parang sobra pa sa stress ang kinasadlakan natin.... hayuf.." sigaw ni Maan....
"Why would you just shut up... this is one way of relieving stress... having yourself experience the things you never thought youd be doing.... kaya tuloy na natin to... " sagot ni Joyce habang hinahapo...
"Basta ako sumama lang ako dito dahil kay Jam.... kaya kailangan may mangyari sa atin mamaya..." pabirong sambit ni Santi...
"Hoy.... napaka presko mo talaga... bakit ka ba ganyan.... sex na lang pala ang habol mo sa lahat ng babae... wala ka rin ano..." sambit ni Jam...
"Hoy joke lang.... na dissapoint ka ba...? " sagot ni Santi..
"Hindi naman...sanay na naman ako sayo... alam ko naman wala ka talagang feelings sa akin... iba ang pakay mo..pero sorry ka.. wala kang maasahan sa akin... " sambit ni Jam...
Nakamatyag lamang si Lady sa pag uusap ng magkakaibigan... napansin nya na may kakaiba sa mga kilos ni Jam kay Santi.... pero sa kabilang banda halata nya kay Santi na ito ay parang pinaglalaruan lamang si Jam.... nabuo ang isang plano sa isip ni Lady... kung hindi man si Jam at Santi ang kanyang 2nd pair... pwede nyang maging 3rd or 4th pair ang magkaibigan.... kailangan lamang niyang gamitin ang mga cupid powers nya na lalo pang pinalakas ng kanyang pagiging ghost...Kailangan maparelaize nya kay Santi na pwede nyang mahalin si Jam at deserving ito sa isang pagmamahal na wagas.....
Habang nag lalakabay sila pababa sa kinaroroonan mg mga hanging coffins ay unti unting nararamdaman ng grupo ang lamig ng lugar....Nagpahinha muna ang grupo sa.isang lilim....napansin ni Benjie si Karen na nilalamig.... nagsalita si Benjie...
"Baby... ok ka lang ba... eto suotin mo muna ang sweater ko.... " sambit ni Benjie....
"Gago ka rin talaga ano..eh punong puno ng pawis mo yan... tapos papa suot mo sa akin..
lakas talaga ng tama nito.... ewan ko sayo..." sagot ni Karen...
"Malakas talaga ang tama ko sayo..... kakilala na ba kita dati?...kasi parang... parte ka na ng buhay ko..... before.... di ko lang matumbok kung kelan at kung saan kita na kasama.... " sambit ni Benjie...
"Ay may tama nga ang puta... naku nakakatakot ka ha..." sagot ni Karen...
"Ay pare para malaman natin.... magtabi kayo sa kama mamayang gabi.... baka sakali me maalala ka..." pabirong sambit ni Santi...
"Hoy ayan ka na naman... ang pervert mo talaga.... gago..." sambit ni Jam...
Nagtawanan ang lahat para mawala ang pagod ng grupo. Mga 300 meters na lang ay mararating na nila ang kanilang destination..patuloy pa rin sila sa paglalakad sa paglalayong masisilayan nila ang magandang tanawin sa gawing ibaba...kapansin pansin na bumabagal na ang paglalakad ni Che.... tinanong sya ni May kung maayos pa ang pakiramdam nya....
"Ano Che...? Kaya pa?.... pahinga muna tayo.... " tanong ni May kay che..
"Di ok lang ako...malapit na tayo. hayaan mo.. magsasabi ako pag di na keri..." sagot ni Che..
"Basta magsabi ka lang... mahirap na..." sambit ni May...
Patuloy na na naglakad ang grupo hanggang sa makarating sila sa kinaroroonan ng mga hanging coffins. Namangha ang lahat sa kakaibang tanawing nasisilayan nila....May iba sa kanilang kinikilabutan.... may iba namang nag eenjoy na lamang sa malamig na klima ng Sagada... Si Lady ay nasa palibot lamang ng kinaroroonan ng grupo.... Nagmamatyag... Naghihintay ng kahit anumang senyales na pwedeng mag dala sa kanya sa kanyang 2nd pair... at sa paglilinaw ng tunay na dahilan ng kanyang pagkaka accidente... .mga ilang hakbang mula sa mga hanging coffins ay may naramdaman si Lady na malamig na hanging dumampi sa kanyang batok..... biglang lumingon si Lady sa kanyang likod ay may nakita syang dalawang matatandang babae naka damit pang ifugao.... biglang nagsalita ang isang babae....
"Parang ngayon lang kita nakita dito... isang kakaibang kaluluwa... at bata pa... ano ang pakay mo dito ineng..." ika ng isang matanda
"Nakikita nyo po ako? panu po nangayari..? sagot ni Lady..
"Haaay iha... akala ko matatalino ang mga kabataan ngayon.... syempre... kami ay matatanda na... siguro di naman masama na mamatay at maging kaluluwa kami..... pare
pareho na kaming kaluluwa... gumagala dito sa buong sagada... teka lang... ang mga igorot ay mataas ang life expectancy.... kaya bihira lang kami nakakakita ng mga kaluluwa nga bata pa dito.... ano ang pakay mo dito aber?mataray na sambit ng isa pang matandang babaeng kaluluwa....
"Naku... hindi po ninyo maiintindihan....mejo mahabang kwento po.... kayo po? bakit di po kayo nakakaalis sa mundong ibabaw? di ba dapat RIP na talga kayo...? ang alam ko ang mga kaluluwa na naiiwan sa mundo ay yung mga meron pang hindi pa natatapos na misyon nung sila ay buhay pa.." tanong at sambit ni Lady...
"Hay ineng... sinabi mo pa... tagal na namin dito sa sagada..... nag aantay ng milagro... pero wala namang nangyayari.... sana matulungan mo kami..." sagot ng isang matandang kaluluwa
"Ano po ba ang kailangan nyong matapos na misyon? baka pwede ko kayo matulungan?"
"Hoy Cecilia.... ano ka ba..? ngayon lang natin nakilala ang kalukuwang yan... magtitiwala kaagad sa kanya.... nag iisip ka ba? sambit ng mataray na matandamg kaluluwa....
"Ate hwag ka ngang sarado ang utak... patay ka na....wala na maxado limitasyon ang mga kilos natin... kaya nde na issue ang tiwala..ay naku ineng.... hindi na kami nakapag pa kilala sayo.... ako nga pala si Cecilia... at sya naman ang aking ate Maura.... pasensya ka na at sadyang mataray yan.... isa kasi yan sa mga mayayamang babae dito sa Sagada... kaso nasadlak kami sa isang malagim na aksidente...kasama ung babaeng dapat pakakasalan ng apo namin.....kaya eto... di kami nakaka alis pa sa mundong ibabaw.. kasi kailangan namin mahanapan ng babaeng mapapangasawa ang aming apo.... sana ikaw na ang makakatulong sa amin... kawawa naman ang aming apo... hindi pa rin sya nakakhanap ng tunay na mag mamahal sa kanya hanggang ngayon....at para man din makawala na kami dito sa mundong ibabaw" salaysay ni Cecilia
Biglang nabuhayan ng loob si Lady.... kung sa paghahanap lamang ng taong iibigin alam nyang malaki ang maitutulong nya sa dalawang matanda.... isa syang cupid at maaari nyang panain ang puso ng isa sa mga babae sa grupo ng mga manlalakbay para ma inlove ito sa apo ng mga matanda.... Ngunit naisip niya..... pano nya makikila ang apo ng ni Cecilia at Maura... ? magtitiwala kaya sa kanya ang dalawang matanda?
"Sige po..baka matulungan ko po kayo.... pero panu po kaya... ? saan tayo magsisimula... ? ni hindi ko pa kilala ang apo ninyo?" tanong ni Lady
"Naniniwala ka ba sa signs iha? yung pagkakasadlak namin sa aksidente... may signos yun....hindi ko lang pinanasin... kaya di namin napag handaan... halos lahat ng pangyayari sa buhay ng pamilya namin may kinalaman sa mga signs na pinaparamdam sa amin bago nangyayari ang mga kaganapan.... mula pagkabata namin.. alam ko... naniniwala na kami sa mga signs... ang katangi tanging sign na hindi ko pinag ukulan ng pansin ay nung nag karoon ng isang matinding init sa araw ng kasal ng apo ko.... may naramdaman ako sa balat ko...parang natutunaw ito... samantalang nasa Baguio kami ng mga panahon na yun..... alam ko... kasunod nun isang malakas na ulan.... pero sa layon na maihatid sa apo namin ang kanyang mapapangasawa ay tinawid namin ang daan papuntang Sagada kaming dalawa ni Cecilia.... tinahak namin ang zigzag na daan papuntang Sagada.... biglang lumakas ang ulan.... matinding hangin.... tuloy lang ako sa pagddrive... kaso... napakadulas ng daan... may mga batong nahuhulog mula sa bandang itaas ng bundok na dinadaanan namin.... hanggang sa nilamon kami ng iasang landslide..... kagimbal gimbal na kamatayan pero kailangan tanggapin....nangyari yun dahil sa pagabalewala na namin sa isang signos... kaya kahit sa kabilang buhay.. hindi ko itataya ang kaligayahan ng apo ko... dahil sa hindi pagsunod sa isang signos... kung sadyang ikaw ang makakatulong sa aming para mahanap ang tunay na mahal ng aming apo.... kailangan mhulaan mo ang pangalan ng aming apo.... meron ka lang 3 pagkakataon na gawin ito..... " sambit at salaysay ni Maura...
Napaiyak si Lady sa naging salaysay ni Maura..
Nagisip si Lady.... kailangan nyang matulungan ang dalawang matanda... maaaring hindi kasali sa magiging pairs nya ang apo nina Cecilia at Maura subalit parang dinudurog ang puso nya pag niisip nya na patuloy na mananatili sa mundong ibabaw ang kalukuwa ng dalawa pag hindi nya matulungan ang mga ito...naalala niya ang kaluluwang nakatakip ang isang mata na nakilala niya sa eton.... hindi niya na ito nagawang tulungan dahil bigla na lang itong naglaho.... ngayon hindi niya kaya na palampasin ang pagkkaataong makatulong... naisip niya dahil sa pagmamahal sa kanilang apo kaya sila nag sasakspisyo na magpaiwan sa mundong ibabaw.... isang tanda ng totoong pagmamahal....
Biglang napadasal si Lady.... sa kanyang isip nanalangin sya na sana mahulaan nya ang pangalan ng apo nina Cecilia at Maura ng sa gayon tuloy na ang pagtulong nya sa mga ito...
"Sige po mga lola.... huhulaan ko na po name ng apo nyo.... " sambit ni Lady...
"Ineng.... magbibigay kami ng clue... hanggang sa maubos mo ang chances.... pag wala talaga....sorry... hindi mo na kami maaaring tulungan...." sambit ni Cecilia..
"Unang clue.... ang initials niya.. ay... J.C.A. ...tinatawag namin syang JC..... ang first two letters ay ang first and second name nya... and last letter ay ang apeliyedo nya... ang first name nya ay pangalan ng isang santo... ang second name naman niya ay pangalan ni patrick garcia sa isang sikat na hotdog commercial.... sa apilyedo.... hulaan mo na lang.... dapat every time na manghula ka ay sasabihin mo ang buong pangalan niya...." sambit ni Maura
"Patrick garcia... parang di ko panahon yan... pero alam ko me sikat na hotdog commercial dati.... ah ok... cge try ko.... John Carlo.... ahm James Carlo Arias.... tama po ba?" sambit ni May
"Ay... tama na ung 2nd name... pero mali ang 1st and family name... 2 chances na lang matiira...isa pang clue ung family name niya... katunog ng pangalan ng isang gulay...ayan...sobra sobrang clue na yan ha..." sambit ni Cecilia
"Wait... ano pa ba ang ibang pangalan ng Santo... na nagsisimula sa letter J... ah cge... James Carlo Alukbate.. " sambit ni Lady
"Naku isang chance na lang....mali pa din... ung apilyedo.... katunog lang hindi talaga kapangalan ng gulay... " sagot ni Maura
"Ang hirap naman... ok... cge...Joseph.... Joseph ung first name.... tapos.... ano... Joseph Carlo... Kala... ah Alcabasa... Jospeh Carlo Alcabasa... tama? sambit ni Lady..
"Tama ka ineng.... naku....ikaw nga talga ang inaantay namin... " sambit ni Cecilia
"Naku ineng... mejo maligalig ang paghahanap namin sa tamang babaeng mapapangasawa ni JC.... isang babaeng nasadlak sa isang accidente... isang car accident din... ngunit dapat nakaligtas sya dapat nito ng dalawang beses...2 times nadapa... 2 times nagkamali.... mejo matalingahaga pero yan ang sinasabi ng signs..." sambit ni Maura
"Ang hirap naman pala... panu ko naman hahanapin ang babaeng iyon.... Hayy ano ba naman tong napasok ko..? " sambit ni Lady
"Anak... hindi ka pahihirapan ng Diyos... may mabuti kang kalooban... handa kang tumulong sa kahit kanino man... tumingin ka lang sa paligid ligid mo..... baka makita mo na ang babaeng dalawang beses nagkamali....malay mo aside sa mahanap mo ang para kay JC ay maari mo din syang tulungan na maitama ang mga pagkakamali niya... cge ineng.. balikan mo na lang kami dito pag nahanap mo na sya.... good luck..... " sambit ni Cecilia...
"Si JC ay maikikita mo sa isang retreat house sa bayan.Isa sya sa mga resident retreat facilitator dun... cge iha mauuna na kami" sambit ni Maura
Biglang naglaho ang kaluluwa ni Cecilia at Maura pagkatapos ng kanilang pag uusap. Nag iisip pa din si Lady... sino nga kaya ang babaeng dalawang beses nagkamali... dalawang beses na aksidente..... Bigla niyang naisip si May.... pero ang alam niya.... isang pagkakataon lamang na naka nasadlak sa isang aksidente si May.. ang naging dahilam ng kanyang pagkakaratay.. Inisip ni Lady... Nabuhayan ng loob si Lady... Kailangan niyang malaman kung si May nga ba ang nakatadhanan para kay JC.... nabuo sa isip ni Lady ang isang plano na maaring magdala sa kanya sa kanyang 2nd pair....
Abangan.....