webnovel

The Way to Sagada

Gumawa ng paraan si Lady na maging driver si Benjie ng Van na magdadala kina Karen at May sa Sagada...ginamit ni Lady ang kanyang pagiging isang ghost para makontrol ang mga pangyayari..  pinasok ni Lady ang katawan ang totoong  driver ng travel agency na nag sponsor ng tour..... lahat ng kilos ng driver ay batay na sa kung anumang gustong mangyari ni Lady... Una nyang ginawa ay magpaalam sa travel agency na may iba syang kailangan asikasuhin sa araw ng paglalakbay patungong sagada... pagkatapos ay ipinakilala si Benjie bilang replacement niya...  ng lisanin ni Lady ang katawan  ng driver....ay nagkaroon ito ng matinding lagnat... ito ay dulot ng pagsabib ni Lady sa katawan niya... Nakokonsyensya si Lady sa mga ginawa niya... Ngunit buo na ang loob niya na ma diskubre na ang lahat ng gusto nyang malaman... humungi na lamang siya ng tawad sa Diyos sa mga ginawa niya.... Kailangan nyang maging matatag para matapos na ang kanyang mga dapat tapusin....

Sa gabi ng paglalakbay patungong Sagada...

Ang meeting place ng mga kasali sa tour sa may isang Mall sa crossing ng Calamba... Ang kalukuwa ni Lady ay nakamasid lamang paligid ng van.. gusto ni lady na maglakabay kasama ang mga mag totour sa paglalayong meron syang makukuhang  inpormasyon sa mga pag uusap na mangyayare sa van sa pagitan nina may at karen habang nag lalakbay...

Samantala Si Benjie ang pinakaunang nakarating sa meeting place bilang driver ng van....

Ang unang dumating na guest ay ang isang grupo ng mga babaeng young professionals na nagttrabaho sa call center... tila stress ang mga batang ito at nag lalayon na magatress release sa gagawing pag lalakabay... Binati ni Benjie ang mga dalaga pagkadating ng mga ito....

"Magandang umaga mga binibini.. ako po si Benjie... ako po ang magiging driver ng van natin patungong sagada.... welcome po...." bungad ni Benjie

"Good Morning po... in fairness kuya ang pogi mo... mas lalo akong maiinspire nito na mag travel..." sambit ng isang sa mga babae...

"Heh... tumigil ka nga... kaya tayo nandito para makapgnilay nilay hindi para lumandi... gaga! naku kuya pasensya ka sadyang pokpokin lang talaga  to... " sambit ng isa pang babaeng kasama

"Ewan ko sa inyo...halinat ilagay na ang ga gamit natin sa likod...kuya pwed mag pa tulong... eto kasing mga to... 3 days lang kami sa sagada... pero parang buong buhay ang bit2x nila... " sambit ng isa pa sa mga babae...

"Kinagagalak ko kayong na kilala... tutulungan ko na po kayo... ano po ba mga pangalan natin....? para maibigay  ko na po ang mga name tags... kelangan ko po kasi nyo po ito sa retreat... " sambit at tanong ni benjie...

"Ako po si Joyce... Sila naman sina Maan at Jam... ako na po kukuha sa mga name tags nila... " sambit ni Joyce...

"Heto na po maam... pasok na po kayo sa van at mejo umiinit na po dito sa labas." sambit ni Benjie sabay abot ng mga name tag kay Joyce..

"Salamat kuya Benjie.... " sagot ni Joyce....

"Kuya... ilan ba kami kasama sa retreat? me inaantay pa kami isa pang kasama... lalaki sya... pangalan niya Santi... anjan ba name nya sa listahan? ' sambit ni Joyce..

"Bale 7 po lahat... me 3 po nag back out.... kaya mejo maluwag kayo sa van... si sir Santi po andito po pangalan niya... "

"Ah ok... Thanks po kuya" sagot ni Joyce..

Mayat maya pa ay dumating na ang isa pang kasama ng grupo nila Joyce... Ang lalaking si Santi...

"Pasensya na at na late ako.... sabi ko naman daadnan nyo na lang ako sa carmona exit.." sambit ni Santi..

"Hoy... we are doing you a favor.... dapat di ka nga kasama dito sa tour nato..pero nang sinabi mo na gusto mong makilala si Jam... eto sinama ka na namin... kaya wag ka na marami sat2x... halika na nga.. " sambit ni joyce sabay hila kay santi...

Habang nangyayari ang mga pag uusap ay nakamatyag lang si Lady sa paligid.... iniisip niya.... si Santi at Jam kaya ang kanyang next pair.. kaso... wala naman kinalaman  ang dalawa da buhay ni May... makakasama lamang niya ito sa isang tour... nag isip pa ng malalim si Lady.... hanggang sa nakita niya sina May at Karen na paparating....

Nang makita ni Benjie ang dalawang dalaga ay agad niyang napansin si Karen... tila ba may nagsasabi sa kanya matagal na niya itong kilala... para bang nakasama niya na ito ng matagal.... maraming naalala si Benjie tungkol kay karen pero kahit kelan hindi man lang niya ito nakasama sa buong buhay nya... ang kakaibang nararamdaman ni Benjie ay nagdulot ng isang tanong sa kanyang sarili.... na love at first sight nga na siya kay karen?  Agad siyang nag masid sa paligid para hanapin ang kaluluwa ni Lady para sabihin ang kanyang nararamdaman.... kaso di niya makita ang dalaga...  hanggang sa nilapitan siya ng dalawa...

"Hi Kuya.... ako po May.... kasama po kami sa tour... " sambit ni May...

"Hi Ako naman si Karen.... pwede mo kami tulungan... "sambit ni Karen...

Napansin ni Karen ang kakaibang tingin sa kanya ni Benjie... tila ba may kakaibang titig sa kanya ang binata... hindi niya mawari ang nais nitong ipahiwatig.... ngunit sigurado na man siya na hindi nya pa ito nakikilala...sa buong buhay niya... tinanong niya ang kanyang sarili... bakit kung makatingin ang lalaking ito ay parang kilala niya ako...? ano kaya ang balak nito?  At nagsalita si Karen.....

"Hoy... anong tinitingin tingin mo jan? Bakit di mo ako tulungan... ? Ang dami kong bit2x o... sa halip titigan mo ako.. bat di kaya buhatin mo na lang tong mga bit2x ko... " sambit ni Karen...

Ilang sandali pa ay di pa rin nagsasalita si Benjie... patuloy pa rin nyang tinititigan si Karen... sa pagkakataong ito ay may mga nag flash back sa memory ni Benjie... isang hardin na punong puno ng bulaklak.... kasama niya si karen....nagtititigan sila ng malagkit habang hawak hawak ang kamay ng isat isa.... dahil dito hindi niya  naririnig ang mga sinasabi at sinisigaw ni karen sa kanya... hanggang sa natauhan siya at narinig niya si karen na sumisigaw...

"Hoy ano ba... tutunganga ka na lang ba jan.... parang ewan to.... lakas ng tama nito.... tutuktukan kita jan eh... tulungan mo ako...." sigaw ni Karen..

"Ay sorry po maam...pa sensya na po... sobrang nagandahan lang po talaga ako sa inyo.... pasensya na po talaga..."  sagot ni Benjie

"Nagagandahan o minamanyak mo ako...? iba tingin mo eh... tutuktukan kita eh .." sagot ni Karen

"Karen... tama na... di ka masayado maganda para mag ianarte... ipasok mo na yang mga gamit sa likod ng van..." sambit ni May

"Sige po... haya naku parang nde ako makakapag pahinga sa travel na to... " sambit ni Karen...

Samantala... patuloy pa din na hinahanap ni Benjie ang kaluluwa ni Lady sa paligid... ngunit di pa rin nya ito nakikita...ang kaluluwa ni lady ay nasa loob lang ng van... palipat lipat ng pwesto.... pinag mamasdan ang mga taong nakaupo at naghihintay sa knilang pag alis.... pinagmamasdan ni Lady sina Jam at Santi na magkatabi.... ito kaya ag kanyang 2nd pair? ang tanong niya sa kanyang sarili....

Nasa loob na ang lahat 30 minutes before ang kanilang scheduled departure.... Isang guest na lang ay tutulak na papuntang sagada ang grupo... mga 30 minutes na naghihintay ang grupo sa huling guest hanggag sa dumating  ito na sadyang ikinagulat ni lady..... pumasok ang guest  sa van...

"Hi everyone... pasensya na po at na late ako... ako po si Che....." sambit ng huling guest...

Ang babaeng huling dumating ay ang girlfriend ni Ben... labis itong ikinagulat ni Lady.... hindi niya ini expect ang pagkakasali ni Che sa tour.... mas naging curious si Lady sa mga mangyayari pa sa tour na ito... ano naman kaya ang kinalaman ni Che sa mga tagpong ito.... nagiging mga matalinghaga ang lahat ng ito para sa jabya ang lahat...

Umalis ang van sa Calamba  mga alas 11 ng gabi.... lahat ng mga guests at tulog.... maliban kay May na sadyang malalim ang iniisip... pinag mamasdan lang siya ni Lady.... Iniisip niya ano kaya kung magparamdam siya kay May.... me makukuha na kaya siyang clue..?. sa isang banda napapatingin na man siya kay Che na mahumbing na natutulog.... ang kanyang dakilang karibal sa puso ni Ben.... alam niya.... na hindi siya maaring mamagitan sa dalawa... kahit alam nya na mahal din sya ni Ben... may mga sandali din na napapatingin siya kay jam at  santi.... paano niya sisimulan ang lahat... ? dapat bago matapos ang tour ay malaman na nya o di kayay mag karoon man lang sya ng kahit isang clue kung sino any kanyang 2nd pair... hanggang sa nakabuo siya ng isang plano.... hinintay nya na makarating silang lahat sa  Sagada bago niya sabihin kay Benjie ang plano....

Samantala....

Sa hospital kung saan nakaratay ang katawang lupa ni Lady ay patuloy pa rin na nagbabantay sina Paulo Melvin at Ben...  ang tatlong lalaking may malaking kinalaman sa buhay niya.... ang tatlong binata ay di makatulog.... habang inoobserbahan ang katawan ni Lady.... umaasa ang tatlo na magkaroon ng improvements sa mga vital signs ni Lady.... nagsalita si Ben.....

"Hindi ko akalain... dadating siya ganyang estado..... ilang araw lang ang nakaran ay nasisilayan ko pa ang kanyang mga ngiti.... sa maniwala kayo o hindi.... mahal ko siya.... sinsabi ng utak ko... bitawan ko na sya... dahi mali.... anjan na si Che....pero ang puso ko.... sinasabi kaya ko sya ipaglaban... hiniwalayan ko na si Che... ayokong maging unfair sa kanya... mahal ko sya pero mahal ko din si Lady.... bakit kasi bawal magmahal ng dalawa..kaya Melvin... tama ka.... salawahan ako.... pero maniwala ka... ayokong makasakit" salaysay ni Ben

"Wala na rin namang saysay ang mga sinasabi mo Ben... ayan si Lady... nakaratay.... patawarin ka mam nya o hindi.... wala na akong paki alam.... pag na buhay siya... sisiguraduhin ko na hindi ka na makakalapit sa kanya... alam ko best friend mo sya at mahal ka nya more than that.... pero Ben... youre unfair... tama ka... ipa ubaya mo na sa akin si Lady... mahal ko siya... walang duda yun... " sagot ni Melvin...

"Men.. parepareho nating mahal si Lady... hindi ito ang panahon para magtalo kayo.... ayaw niya na nakikita kayo na nagkakaganyan... please.... array.... arrray.... " sambit ni Paulo habang hawak2x ang ulo niyang kumikirot.....

"Bestie... anong nararamdaman mo.... ?!... sigaw ni Ben..

"Pau... ano? " sambit no Melvin...

"Ang sakit ng ulo ko... di ko maintindihan.... Array!! ahrray!... sigaw ni Paulo hanggang sa hinimatay siya...

Agad tinawagan ni Ben ang Nanay Alma ni Paulo....dinala nila si Paulo sa emergency room ng Hospital... para malapatan ng pangunang lunas....

Samantala sa Van habang nagbibiyahe ang van ay biglang nakaramdam ng kaba si Lady... inisip niya bigla... may nangyari sa Laguana.... gusto niyang bumalik ngunit kailangan niyang ituloy ang mission...

Ano kaya ang mga mangayayari sa Sagada? Malalaman na kaya ni Lady ang kanyang 2nd pair....

Ano kaya talaga ang kinalaman ni May sa kanyang 2nd pair.....?

At si Paulo... ano kahahantungan ng binata sa kanyang nararamdamang sakit...?

Abangan....