webnovel

The Hut

Nang makauwi si Lady sa kanilang tahanan ay.... sinubaybayan nya parin ang kanyang first pair mula sa kanyang cupid pad..Si Rosalie ay dalawang oras ng nagdadasal.... dumadaloy ang kanyang mga luha habang sinasambit nya ang kanyang mga dasal sa diyos... Si eduardo naman ay umiiyak habang pinag mamasdan ang kanyang mga anak na natutulog sa masikip na kama ng evcuation center..... Naluluha pa din si Lady habang pinanonood sina Eduardo at Rosalie.... Iniisip nya... may pag asa pa kayang mahulog ang loob ng dalwa sa isat isa... Ano pa nga kaya ang kailangan nyang gawin para magkalapit ulit ang loob ng dalawa....

Kinabukasan ay pumunta ulit si Rosalie sa evacuation center.... Umaasa sya na makikita nya si Eduardo doon... ngunit nalaman nya na umalis na ang mag aama.... nag tanong sya sa mga sa tao sa evacuation center kung saan naroon ang mag aama ngunit walang nakakaalam....

Hinanap ni Rosalie si Eduardo sa buong Laguna... ngunit nabigo sya..

Makalipas ang isang buwan ay hindi parin nakikita ni Rosalie si Eduardo. .. Si Rosalie ay wari binabgabag ng kanyang konsensya mula ng huli silang nagkita nito.. Hindi matahimik ang loob nya...

Samantala, si Lady naman ay nangungulila sa kanyang mga tropa.... mahigit isang buwan na din ang lumipas mula ng nagkita kita silang tatlo sa evacuation center... naguguluhan pa rin si Lady sa mga pangyayari... isang buwan na ngunit magkalayo pa rin ang loob nina Eduardo at Rosalie.... Subalit alam nya kung nasaan si Eduardo ay pinipigilan nya ang sarili nya na sabihin ito ke Rosalie... pinangungunahan pa din si Lady ng kanyang pusong tao.... gusto nyang magkita sina Rosalie at Eduardo sa di sinadadyang pagkakataon.... at nangyari nga ang tagpong ito...

Naglakbay si Rosalie papuntang Calamba para dalawin ang isa pa nyang kaibigang pari na si Father Paul... kaklase nya ito simula grade school... at isa ito sa kanyang mga naging matalik na kaibigan.... Nag usap ang dalawa tungkol sa kanilang mga buhay buhay.... hanggang sa napag usapan nila ang isang maselang paksa....

"Father Paul bago ka ba na ordained ay nagkaroon ka ng isang experience na parang pumigil sayo na tumuloy sa pag papari"

tanong ni Rosalie

"Lahat ng mga naging karanasan ko sa paglalakbay ko para maging isang pari ay pinagpapasalamat ko sa Diyos... inaamin ko may mga panahon na muntik na akong sumuko...pero alam ko sa sarili ko na malalampasan ko lahat ng mga ito... nag dasal na lamang ako.... alam ko di ako pinabayaan ng Diyos sa naging desisyon ko.. Bakit sister rosalie.... may bumabagabag ba sa yo?"

sagot ni Paul

"Isang lalake... father... hindi pa kelan man nagkaroon ng impact ang isang lalake sa buhay ko... bukod sa mga kapatid ko at ama ko.... hindi ko po maintindihan... pero para bang may nag sasabi sa konsyensya ko na lumapit ako sa kanya... hindi sya fortunate enough to have a life na deserve nya... that is why somehow... i am obliged to help him... isang buwan na akong nag iisip kung nasaan sya..... kasalanan ba na isipin at hanapin ko sya father?"

sambit at tanong ni Rosalie.

"ang kasalanan ay minsan nasa perspektibo ng kung sino man ang titingin nito... kung ako ang tatanungin.. walang masama na isipin mo ang isang tao o bagay na sa tingin mo ay nangangailangn ng atensyon... hindi ko tinitingnan ang mga bagay bagay sa kung saan ako pwedeng humusga bagkus tinitingnan ko sila kung saan me pag asa ang pagtulong at pagbabago para sa kabutihan... alam ko na ako ay isang pari dapat ay pinipigilan kita sa iyong mga iniisip at pawiin ang iyong mga pangamba sa ngalan ng ating bokasyon... ngunit mas naniniwala ako na kaya ka binigyan ng pagkakataong lumabas ng kumbento para maharap ang tunay na sinisigaw ng iyong pagkatao."

malalim na smabit ni Father Paul.

Naging malalim ang pag uusap nina Father Paul at Rosalie.. May mga bagay na nag udyok ke Rosalie na hanapin pa si Eduardo para humingi ng tawad sa kanyang mga ginawa sa mga nakaraang pagkakataon.. Alam ni Rosalie.... hinusgahan niya si Eduardo...ayaw nya lang aminin sa sarili nya... patuloy na hinanap ni Rosalie si Eduardo... hanggang sa isang araw nakita nya ang anak ni Eduardo na so Dwight na nag bebenta ng sampaguita malapit sa gate ng UP LB...

"Dwight.... "

sambit ni Rosalie habang hinahawakan ang kamay ng bata..

"Kayo po ba ung babaeng tumulong sa kapatid ko sa evacuation center.."

sagot ni Dwight.

"Oo anak ako yun... anong ginagawa mo dito? Nasaan ang Tatay mo?"

sambit ni Rosalie

"Ate... hindi po ako sumama sa kanya ng umalis kami sa evacuation center... ang totoo nyan tinakasan ko lang sya... alam ko naman ayaw nya na lumayo ako sa kanya. .

sagot ni Dwight

"Bakit? ayaw mo na ba na makasama ang Tatay mo?"

tanong ni Rosalie.

"Hindi naman po sa ganun... ayoko na po kasi na nahihirapan sya...alam ko po na pabigat lang po ako sa kanya... ayoko na po na nahihirapan ang Tatay ko...

sagot ni Dwight..

"Alam mo dwight... mas lalong nahihirapan ang ang Tatay mo ngayon... mahal na mahal ka nya... alam mo yun... hindi nya kaya ma mawalay ka sa kanya... Alam mo ba kung nasan ang Tatay mo... ?"

sambit at tanong ni Rosalie

"Opo... sinundan ko din po siya ng palihim nung tumakas ako sa kanya.... kasi di ko po kaya na di sya makita....dun pa rin sya sa spa nag ttrabaho at pumapasada pa rin sya ng tricycle... pero naktira po cya ngayon sa isang lantay malapit sa ilog sa may Saimsim"

sagot ni Dwight...

"Halika ihahatid kita sa tatay mo..ituro mo lang sa akin kung nasaan sya... "

sambit ni Rosalie...

At pinuntahan nga ni Rosalie at Dwight si Eduardo sa Saimsim... nang makarating sila sa kinaroroonan ng tao ay nasilayan nila ang magandang tanawin... isa itong lunting parang na malapit sa isang kalamadong ilog... mga 10 metro mula sa ilog ay kapansinpansin ang isang lantay na wariy bumukod at nag iisa mula maingay na mundo ng buong Calamba... lumapit sina Rosalie at Dwight sa lantay...at nakita nila si Eduardo na pinapatulog ang anak nito na si Day sa isang duyan na gawa sa kumot.... at ng makita ni Eduardo si Dwight ay napa iyak ito..

"Anak... san ka ba nag punta... di mo ba alam na alalang alala ako sayo... "

sambit ni Eduardo

"Sorry po tatay.... ayoko lang po talaga na maging pabigat sa inyo.."

sagot ni Dwight

"anak hindi ka kelan man naging pabigat sa akin... ikaw ang nagbibigay ligaya sa buhay ko....kayong dalawa ng kapatid mo"

sambit ni Eduardo

Umiiyak si Rosalie habang pinag mamasdan ang mag ama na tila ba nasabik sa yakap ng isat isa...Lumapit si Eduardo ke Rosalie at nagsalita...

''Maraming salamat... di ko alam kung pano kita mapapasalamatan..."

sambit ni eduardo

"sapat na nalaman ko na nasa mabuti kang kalagayan...patawarin mo din ako sa mga nagawa ko sayo dati...ngayon alam ko at naiintindihan ko ang nararamdaman mo..... salamat sa pagbibigay ng liwanag sa kin tungkol sa mga panghuhusga ko sayo... alam ko na naging unfair ako sayo dati...

sagot ni Rosalie

"wala yun... alam ko na ang hangad mo lang naman ay ang kabutihan ko... patawad din sa mga masasakit na salita ko sayo dati...

sambit ni Eduardo...

"Uwi ka na ba agad?.....Dito ka magtanghalian... pagluluto kita... at sa susunod na linggo... birthday ko... sana makapunta ka...

sambit ni Eduardo

"Sige ba.... salamat sa invitation..."

sagot ni Rosalie

Naging masaya at makabuluhan ang pagkikitang muli ni Eduardo at Rosalie.... marami silang mga napag usapan tungkol sa kanilang mga buhay buhay...

Samantala patuloy na nakatunghay si Lady sa kanyang cupid pad sa mga pangyayari sa gitna ng kanyang first pair.... naging roller coaster of emotions para ke lady ang mga natunghayan nya...masyado syang naaapektuhan sa mga pangayayari.... Minsan naiisip nya pa din si Ben.... at mga hirap na kailangan nyang lampasan kung ipapahayag niya dito ang kanyang tunay na nararamdan ... mas magiging komplikado ang sitwasyon... ang kanyang pagiging cupid ang hadlang dito.... pero tila ba na iinspire sya sa kwento ng kanyang first pair....

Dumaan ang isang linggo ay nag celebrate na ng birthday si Eduardo... sa umaga ay nakasama nya ang kanyang mga tagapag alaaga sa bahay ampunan kung saan pansamantala nyang iniwan sina Dwight at Day... sa hapon ay nagkita silang dalwa ni Rosalie sa Saimsim....Nag karoon sila ng isang picnic sa tabi ng Ilog.... naghanda si Rosalie ng mga pagkain para ke Eduardo.... habang kumakain ay nag usap ang dalawa...

"Alam mo... hindi ko alam kung bakit ako sumasama ako sayo... hindi kita ganun ka kilala pero pag kasama kita parang pakiramdam ko ligtas na ligtas ako.."

sambit ni Rosalie

"Ako din naman nagtataka sa mga pangyayari... isang madre at isang lalakeng bayaran... naging magkaibigan.... parang malabong pakinggan... pero nangyayari sa atin.... isa lang naman ang ibig sabihin nyan.... mag soulmate tayo..."

sagot ni Eduardo.....

Habang nag uusap ang dalwa ay bumuhos ang isang malakas na ulan.... wala silang nagawa kundi ay tumakbo pabalik ng lantay.... basang basa ang dalawa ng pumasok sa lantay... Agad agad hunubad ni Eduardo ang kanyang T shirt.... nasilayan ni Rosalie ang matipuno nitong pangangatawan... tila ba may naramdamang kakaiba ang dalaga na init sa kanyang katawan .. napansin din ni Eduardo na giniginaw si Rosalie.... kumuha sya ng kumot mula sa kama kung saan sya natutulog... at binalot ito sa katawan ni Rosalie... at agad niya itong niyakap....gumanti din ng yakap si Rosalie kay Eduardo... naging mahigpit ang pagyayakapan ng dalawa... nararamdaman nila ang init ng katawan ng isa isa sa kabila ng malamig na ihip ng hangin dala ng masamang panahon... hanggang sa hinawakan ni Eduardo ang mukha ni Rosalie... Unti unting nilapit ni Eduardo ang mukha niya sa mukha ng dalaga hanggang sa nag lapat ang kanilang mga labi... hinalikan nila ang isat isa hanggang sa tinanggal ni eduardo ang nakabalot na kumot sa katawan ni rosalie...unti unting hinubad ni Eduardo ang basang blouse na suot ng dalaga.... hinalikan nya ang balikat nito... habang ginagawa niya ito ay may mga salitang nasambit si Rosalie....

"Eduardo... sayong sayo na ako.... mahal na mahal kita.... yan ang tunay kong nararamdaman..."

Muling naglapat ang labi ng dalawa hanggang sa humiga na sila sa kama.....

Habang nagyayari ang lahat ng ito ay nakatunghay pa rin si Lady sa kanyang cupid pad.... nakanganga lang siya habang pinapanood ang mga ginagawa ng kanyang 1st pair... alam nya may pag ibig na namagitan sa dalawa... hindi nya maipaliwang ang kanyang nararamdaman... habang umiinit ang mga eksenang kanyang natuyunghayan sa kanyang cupid pad ay bigla na lang syang nag isip.... ganito ba talaga ang maging isang cupid... kailangan matunghayan mo ang mga expressions of love tulad ng kiss or even sex....wala naman siyang naalala na sinabi sa kanya ni Prof A tungkol sa mga ganito....nang naging mas intimate ang mga pangyayari ay biglang pinatay ni Lady ang kanyang cupid pad... at patuloy na nag isip...

alam nya magiging komplikado ang lahat...sa mga pangyayari, malabo na makatuloy si Rosalie sa kanyang pag mamadre .... hindi din nya alam kung matatanggap si Eduardo ng pamilya ni Rosalie.... Malalim ang naging palaisipan na iniwan ng mga natunghayan ni Lady mula sa kanyang Cupid pad... hanggang sa siya ay nakatulog na..

Kinabukasan...

Mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog ay biglang nagising si Lady ng may tumawag sa kanyang cellphone...nang kanyang tingnan nya ito ay nalaman nya na si Rosalie ang tumatawag...agad nya itong sinagot...

Lady: Tita Rosalie...

Suamgot si Rosalie habang umiiyak

Rosalie: Lady... puntahan mo naman ako dito sa kinaroroonan ko please... please....

Lady: Bakit ka umiiyak... Tita please kinakabahan ako sayo...

Rosalie: Si Eduardo... iniwan nya ako....please basta puntahan mo na lang ako dito... Txt ko na lang sayo ang complete address....

Lady: Sige po.... relax lang po kayo...

Pagkababa ng phone ay agad na binuhay ni lady ang kanyang cupid pad... agad agad nyang tinrack ang kinaroroonan ni Eduardo... ngunit di nya na ito magawa.... napansin din nya na may bago syang message sa cupid mail nya..binuksan nya agad ito.... at nalamn nya ito ay isang congatulatory email... at ito ang naging mensahe sa email...

Hi Cupid Lady,

Congatulations...

Youve just successfully arrowed your first pair... Love has conquered everything.... Good Luck to your next pair

Truly Loved,

Cupid World

Habang binabasa niya ang mensaheng ito may video call cyang na recieve mula kay Prof A... agad niya itong iaccept...

Lady: Ninong....

Prof A: Congarts ineng.... ayan ok na ang 1st pair mo....4 na lang then you will be free..

Lady: Ninong panu po nangyari yun... ? tumawag sa akin si Tita Rosalie kani kanina lang iniwan daw cya ni Eduardo... saan bang love dun.... pagkatapos niyang anuhin si Rosalie ay iniwan niya ito.... panu naging love yun... parang pinagsamantalahan at ginamit lang nya ito.....

Prof A: Lady you listen.. alam mo na ginusto din ni Rosalie ang mga pangyayari... walang gamitan na nangyari.... Love could be expressed in a lot of ways... hindi lang sa physical expressions.. like hugs and kisses o di kaya sex... minsan, the ultimate gesture of love could be expressed in the most unexpected ways.. and one thing more... marami kang hindi natunghayan nung pinatay mo ang cupid pad mo kagabi....

Lady: Kasi naman ninong... censored na yun... kakainis ka naman ninong...

Prof A: basta you can never track rosalie nor eduardo from now on... but you can always rewind everything....congrats once again bye...

Lady: Sandali lang ninong....

Biglang nag hung up si Prof A sa kanilang video call ni Lady....

Pagkatapos ay biglang pinuntahan ni Lady si Rosalie sa Saimsim... nang makarating cya ay nakita nya ito na umiiyak...

"Lady pasensya ka na... wala ako ibang matawagan...hindi ko pwede sabihin to sa pamilya ko...

sambit ni Rosalie...

"Ok ko lang tita.... ano po ba nangyari...."

sagot ni Lady....

"Handa na ako Lady.... isinuko ko na ang buo kong pagkatao ke eduardo.... nahulog ang loob ko sa kanya at sobra ko na syang minahal.... ngunit bakit ganito.... di ko maintindihan.... ginamit nya lang ako..."

sambit ni Rosalie

"Tita.... may dahilan ang lahat... di ba kaya ka nga binigyan ng pagakakataon na lumabas ng kumbento para mapagnilaynilayan ang mga bagay sa buhay mo... kung pumasok si eduardo sa buhay mo sa mga panahong ito ay kasama na yun sa mga pagakakataonna kailangan mong i embrace... kung na inlove ka sa kanya.. hindi po un kasalanan.... at kung hindi ka naman talaga minahal ni eduardo... tulad ng pagmamahal mo sa kanya,... di ba may kasabihan naman love is always selfless.... hindi tayo nag aantay ng kapalit... ang importanate... nagmahal tayo...at napasaya tayo nito...

sagot ni Lady....

Pagkatapos ng kanilang pag uusap ay hinatid na ni Lady si Rosalie sa Calauan...Pagka uwi ni Lady sa kanila ay nag iisip padin sya ng malalim... hindi pa nya nakukuha kung bakit naging successful sya sa kanyang 1st pair gayong.. ngakahiwalay ang mga ito... at ni minsan.. sa pag tunghay nya sa dalawa sa ka yang cupid pad ay hindi niya narinig na nagsabi ng katagang "mahal kita" si eduardo ke rosalie... nag isip ng malalim si Lady hanggang sa naalala nya ang ilang mga katagang binitawan ni Prof A nung nag video call... "The ultimate gesture of love could be expressed in the most unexpected ways..."

Naging palaisipan kay Lady ang mga katagang ito... kaya agad niyang kinuha ang kanyang cupid pad at ni rewind ang mga pangyayari nung gabing yun... muling natunghayan ni Lady ang mga pangyayari....pagkatapos ng mga intimate scenes ay nakatulog si Rosalie habang mahigpit ang yakap ke Eduardo.... napansin nya na habang natutulog si Rosalie ay balisa at di makatulog si Eduardo... tumayo ito mula pagkakahiga, kumuha ng papel at ballpen at nagsulat ng isang liham... pagkatapos magsulat ay tinupi nito ang papel at isinuksok sa ilalim ng foam kung saan nakahiga si Rosalie....nag impake ng gamit si Eduardo....at bago umalis ay hinalikan sa noo si Rosalie habang ito ay natutulog.... hindi napigilan ni Eduardo ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan si Rosalie.... pagkaalis ni eduardo ng lantay ay naputol na ang video na pinanonood ni Lady mula kanyang cupid pad....Bigla naisip ni lady na nasa loob ng liham ni eduardo ang kasagutan ng kanyang katanungan.... Agad na bumalik si Lady sa lantay at kinuha ang liham ni Eduardo... binasa niya at ito ang naging nilalaman ng liham...

Mahal kong Rosalie,

una sa lahat humihingi ako ng patawad sa pag iwan sayo.

umaasa din ako na sana hindi mo na ito mababasa... kaya itatago ko ito sa isang lugar na hindi mo ito mapapansin... para ang maalala mo sa akin ay ang pag iwan ko sayo... para mamuhi ka at mawala ang pagmamahal mo sa akin... at kung pagkakataon man ang magbigay daan na mabasa mo ito.... siguro yun na ang panahon na madama mo ang umaaapaw kong pagmamahal sayo. mahal na mahal kita.. higit pa sa buhay ko.... kaya ayoko na masira ang buhay mo ng dahil lang sa akin... wala kang magiging kinabukasan sa akin... kung susundin ko ang puso ko... ipaglalaban kita... ngunit sa sobrang pagmamahal ko sayo.... hindi ko kaya na masira ang buhay mo.... gusto ko bumalik ka sa kumbento at ituloy mo ang pag mamadre mo....humuhingi din ako ng patawad dahil nadungisan ko na ang pagiging puro mo..... hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko.... sobra kitang mahal Rosalie... handa ako mag paraya.... para sa mganda mong kinabukasan....

Nahanap ko na din ang nanay ko.... isasama nya na ako sa kanila at meron na akong makaksama sa pag aalalaga kay dwight at day.... Lagi mong tatandaan.. mahal na mahal kita... at ang pag iwan ko sayo ay ang tanda ng sobra kong pagmamahal sayo... mananatili ka dito sa puso kailan pa man...

Eduardo

Umiiyak si Lady habang binabasa nya ang liham... Doon nya na realize na tama ang sinabi...Prof A...

"'The ultimate gesture of Love could be expressed in the most unexpected ways"

Ang pag iwan ni eduardo kay Rosalie ay ang confirmation ng pagmamahal niya dito... napaka selfless nito na kaya nya itong pakawalan para sa kanyang kinabukasan.....

Agad na binalita ni Lady kay Rosalie ang nadiskubre nya... nang inabot nya ang liham Rosalie ay nag usap sila..

"Pano mo nalaman na may liham siya sa akin"

tanong ni rosalie

kinakabahan si Lady ng sagutin nya ang tanong ni Rosalie... hindi pwede malamn ni Rosalie na dahil sa kanyang cupid pad kaya nya nalaman nang tungkol sa liham..

"ah ano po.... mmm.... naiwan ko po kasi ung susi ko sa kwarto ko sa bahay dun sa lantay.. kaya binalikan ko... at nakita ko ung liham... basahin mo na ate...

sagot ni Lady...

Nang mabasa ni Rosalie ang liham ay humagulgol ito sa iyak.... umiyak din si Lady....habang pinagmamasdan niya ito...

"Lady tulungan mo akong hanapin siya.... hindi kami pwedeng magtapos ng ganito.... hindi ako pwede bumalik ng kumbento na di ko man lang sya nakakausap....

sambit ni Rosalie..

"Tita... kelangan mo nang kumawala sa kanya.... bumalik ka na lang kumbento at ituloy ang iyong pag mamadre....

sagot ni Lady...

Bumalik ng Bicol si Rosalie para ituloy ang kanyang pagmamadre... kahit di pa umabot ng 6 months.. humiling din sya na mapaaga ang kanyang final vow.... at pinagbigyan naman sya ng kumbento.... umattend si Lady ng final vow ni Rosalie... lahat ng ka pamilya ni Rosalie sa Laguna ay pumunta ng Bicol para masaksihan ito.... isang araw matapos ang final vow ay nagkaroon ng isang feeding mission ang kumbento sa pamumuno ni Rosalie sa Bayan ng Irosin sa probinsya ng Sorsogon.. isinama niya si Lady sa feeding program para masaksihan ito... pagkatapos ng mission ay nagsimba silang dalawa sa cathedral ng irosin.... habang nag co communion ay napansin ni Lady ang isang sakristan... tila pamilyar sa kanya ang mukha nito... at nalaman nya na ito pala ay si Dwight ang anak anakan ni Eduardo....dahil sa slomenity ng misa, hindi nya agad nabanggit ito kay Rosalie...Pagkatapos ng misa ay nag sadya ang dalawa sa sakristi para kausapin ang pari na nanguna sa misa na si Father Jonas.... Pinakilala ni Rosalie si Lady kay Father Jonas...

"Father Jonas, si Lady po.... sya po ang isa sa mga tumulong sa akin sa feeding program kanina sa orphanage.... Anak po siya ng head ng social welfare dept ng bayan ng Los Banos.. kung meron po tayong mga activities na gagwin sa Laguna you can always call her or her father.."

sambit ni Rosalie...

"nice to meet you iha... napakabata mo pa ay involve ka na sa mga ganitong klaseng activities... you should have great influence from your parents..."

sambit ni Jonas..

"thank you po father..."

sagot ni Lady...

"Sandali ipag hahanda ko kayo ng maiinom... tawagin ko muna ung isa kong sakriastan.... Dwight... Dwight....

sambit ni Jonas..

"Po..."

sagot ni Dwight habang papasok ng sakrsti..

Nagulat si Rosalie ng nakita nya si Dwight.... di nya alam ang kanyang mararamdaman.... alam nya na abot kamay nya na alang ang kinaroroonan ni Eduardo...

Mangiyak ngiyak naman si Lady habang pinag mamasadan si Rosalie na tila di maipinta ang mukha sa galak....

"Ate Rosalie... "

sambit ni Dwight

Biglang niyakap ni Rosalie si Dwight.... habang dumadaloy ang luha mula sa kanyang mga mata....

'Nasaan ang Tatay mo?"

tanog ni Rosalie

Tinitigan lang ni Dwight si Rosalie habang dumadaloy din ang luha sa mga mata ng bata....

Sinamahan ni Dwight sina Rosalie at Lady papunta sa bahay nila kung saan naroroon si Eduardo.

Pagdating sa bahay nila ay kapansin pansin ang isang babaeng nagwawalis sa bakuran...Ito ayang tunay na ina ni Eduardo na si Kris Xandra

"Lola.... May bisita po tayo..."

sambit ni Dwight

"Oh napaaga ka ata ngayon....sino itong mga bisita natin...."

sambit ni Kris Xandra...

Habang pinagmamasdan nya si Rosalie habang nakatayo sa harapan niya ay nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.....

"Ako po si Rosalie at ito naman po si Lady.... mga kaibigan kami ni Eduardo.... "

sambit ni Kris Xandra..

"Ikaw pala si Rosalie... marami nakukuwento tungkol sayo ang anak ko... naku ako nga pala si Kris Xandra... Ish na lang for short.... nanay ni Eduardo...

"Nice to meet you po..."

sambit ni Lady...sabay hawak sakamay ni Ish

"bibisitahin lang sana namin si Eduardo... ang tagal na kasi naming hindi nagkikita..."

sambit ni Rosalie

"di naman na banggit ni eduardo na isa ka palang madre.... sigurado ba kayo na gusto nyo siyang makita.? sige .. pasok kayo.."

sambit ni Ish

Pumasok sila sa loob ng bahay ni Ish.... hinatid sila ni Ish... kwarto ni Eduardo... at dun nakita at nasaksihan nila ang nakaratay na katawan nito.... tila ba bumagsak ang timbang nito... maputla at habang natutulog ito ay halos hinahabol ang kanyang hininga....

"Sabi ng doktor..... colon cancer....stage 4... gusto ko syang dalhin sa ospital pero ayaw na nya.... ayaw na daw nya mahihirapan pa ako.... sa pag aalaga..sa gastos..... ang laki ng kasalanan ko sa anak ko... maraming taon ko syang inabandona... parusa ata ng Diyos to sa akin ito... pero sa twing nakukuwento ka nya sa akin Rosalie... parang nag liliwanang ang mukha nya....masaya sya sa likod ng lahat ng sakit na nararamdaman nya... sa mga pagkakataong yun... sumasaya ako... para bang nadudugtungan ang buhay ng anak ko ng mga ala ala mo...

salaysay ni Ish

"Diyos ko po.... patawarin mo ako Eduardo...nabasa ko ang liham mo.... wala ka namang nabanggit na may sakit ka.... "

sambit ni Rosalie..

"ang kwento nya sa akin... Nasa Laguna pa lang sya ay alam na nya na may sakit sya... naging malupit sa kanya ang tadhana.... nasunog ung tinitirhan nila sa Los Banos..hanggang sa nakilala ka nya....salamat Sister Rosalie... dahil sayo bumalik ang loob ng anak ko sa Diyos.... nung unang araw nya dito sa bicol ay nag simba kami.... sabi nya may isang tao ang nagturo sa kanya na ibalik ang puso niya sa Diyos...alam ko ikaw un...."

sambit ni Ish...

Biglang gumising si Eduardo... sa gitna ng kanilang pag uusap... una nyang nasilayan nag mukha ni Rosalie na nasa kanyang tabi.... napansin nya rin Si Lady na nakatayo... sa tabi ni Rosalie...

"Huwag nyo ako tingnan.... nakakhiya.... hindi na ako ung masahistang may matipunong katawan na nag offer sa inyo ng massage dati... "

sambit bi Eduardo habang hinahabol ang kanyang hininga...

"Ano ka ba.? nakakapagbiro ka pa ng ganyan...

sambit ni Rosalie habang dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata...

"Hinanap mo ba ako.... o pagkakataon ang nagdala sayo dito...? kung ano man.... siguro sadyang mahal ako ng Diyos.... dahil sa mga huling sandali ng buhay ko.... dinala ka nya sa akin... gusto nya masaya lang ako.... Diyos ko po.... salamat... po at patawad po sa mga nagawa ko sa inyo.... Sister Rosalie.... sister... tinuloy mo na nga ang pagmamadre mo.....salamat sa pagtuloy mo ng buhay mo kahit iniwan kita..... lagi mong tatandaan... mahal na mahal na mahal kita.....salamat sa pagbibigay sa akin ng ganitong pakiramdam kahit sa mga huling sandali ng buhay ko.... "

sambit ni Eduardo

"mahal na mahal din kita ..... hindi nagbago yon... hanggang ngayon...."

sambit ni Rosalie....

"Sister.....pwede mo ba akong ipagdasal.... ?

sambit ni eduardo habang nauubos na halos ang kanyang hininga....

Nagdasal si Rosalie ng Our Father habang nakahawak ng mahigpit sa isang kamay ni Eduardo... habang sinasambit niya ang dasal ay nararamdaman nyang unti unting bumibitaw ang kamay ni Eduardo mula sa kanyang mahigpit na pagkakahawak... naramdaman nya ang lamig ng kamay nito habang naririnig nya ang iyakan ng mga tao sa loob ng kwarto..... nakapikit lang si Rosalie habang inaalala nya ang mg masasayang araw nila ni Eduardo... at Pumanaw sna nga Eduardo habang hawak ang kamay ni Rosalie....

Umuwi si Lady sa Laguna na may bigay sa loob na dinadala.... ngunit sa kabila nito ay naging masaya sya.... dahil alam nya na si Eduardo ay nasa piling na ng maykapal.... Alam nya din na naging masakit ito para kay Rosalie... Subalit ang pagmamahalan nila ay naging daan para paniwalaan nya ang true love.... more like na inspire sya sa story ng kanyang 1st pair....

Ang unang ginawa ni Lady pagkadating ng bahay nila sa Laguna ay ang buksan ang kanyang cupid pad... me message syang natanggap mula sa kanyang cupid mail.... binuksan nya ang mail at ito ang naging mensahe...

Hi Cupid Lady.

Its time for your second pair....woul you like it ramdom or personal pick... please do it soon in order to avoid waste of time. you only have 1 year and 9 months to go....

Thank You

Cupid World...

Sino kaya ang magiging second pair ni Lady....?

Abangan....