webnovel

The Great Reveal

Sa isang bagong coffee shop malapit gate ng UP nag tungo sina Prof A at Lady para mag kape... Mula sa LB square ay binaybay nila ang mahabang traffic kahit na itoy napakalapit lamang... Ito ay marahil sa ginaganap na Feb Fair sa loob ng campus..Habang nag ddrive si Prof A ay di maiwasan ni Lady na mapatitig sa mukaha nito... Tila ba may itinatagong lihim ang propesor na gustong gusto niyang malaman.

"Mamaya habang nagkakape tayo, ibibigay ko na sayo ang birthday gift ko"

sambit ni Prof A

"Parang na eexcite ako sa gift mo ninong ah... "

sagot ni Lady

"Oo isa itong pambihirang regalo... na hinding hindi mo malilimutan... sna magustuhan mo ito."

sambit ni Prof A.

Habang papalapit sila sa coffee shop ay nararamdaman ni Lady ang kakaibang tibok ng puso nya... bigla nag flash back sa kanya ang kanyang kabataan.. ang mga mgagandang alaala nilang mag papamilya.... ang mga moments na kasama niya si Ben at Pau... maging ang mukha ng kanyang yaya mitch ay sumagi din sa isip niya....

"Anak.... nandito na tayo... baba ka na... teka kukunin ko lang ung gift ko sa'yo"

sambit ni Prof a

"Salamat po"

sagot ni lady

Pumasok sila coffee shop at umupo  sa table na malapit sa glass window kung saan tanaw ang mga taong paroot parito sa loob bg UP campus...

"Wait iha... order lang ako... what do you want? coffee , tea..."

sambit ni Prof A

"ah non coffee base drink po ako... pag me milk tea po.. un po sa akin"

sagot ni lady

"Order lang ako.."

sambit ni Prof A

"cge po."

sagot ni Lady

Habang nag ooerder si Prof A sa counter ay bigla na naman naalala ni Lady ang kanyang panaginip isang gabi bago ang kanyang debut. Hindi naman ito nakaktakot subalit palagi itong sumasagi sa isip niya na para isang bangungot..... Tinitingnan nya ang isang batang nagtitinda bg sampagita sa tapat ng coffee shop kung san sya naroroon...  Bigla niyang na realize kung gaano siya ka swerteng tao... Pero hindi niya mawari kung bakit parang me kulang...

Bumalik na si prof sa kanilang table dala dala ang kanyang mga order...

"O eto na.... milk tea.... buti na lang nag sserve sila ng milk tea dito.... "

sambit ni  Prof A...

Umupo na si Prof A at sinimulang inumin ang kanyang inorder na kape....

'"Thank you po Ninong...siya nga po pala... bakit nga po ba natagalan kau abroad? Di ba 3 to 5 yrs lang namang ag PhD?

tanong ni Lady.

"well i opted to stay in europe for few more yrs.. mejo napasarap dun....

sambit ni Prof A.

"ako din ninong gusto ko din sana makapg graduate studies sa europe.."

sagot ni Lady

"wala namang impossible... pag nagsumikap ka maabot mo ang lahat... no matter all the hurdles... parang sa Love lang.... it's really true when they say that Love knows no boundaries.... tayo lang naman ang nag seset ng boundaries... ng limit.... ng mga condition... free ang love... its unconditional nga di ba..kaya dapat i share at di ipag damot... "

sambit ni Prof A

"ang lalim nun Ninong ah.... panu pag nagmahal ka ng isang tao na me mahal ng iba.... di ba me condition un...."

sagot ni Lady...

"Wala naman nagbabawal sayo na mahalin cya... natural mong naramdaman un.... ang condition pumapasok pag naisip mo na to enter in to  a relationship with that person.. syempre me masasaktan na ibang puso na involve.. bakit Lady have you ever been into that situation?"

sambit ni Prof A

"Naku hindi po.. NBSB nga ako... "

sagot ni Lady.

Napatawa ng malakas si prof A sa sinabi ni Lady....

"ok... ibibigay ko na sayo ang long over due gift ko.... at last the long wait is over... 18 years in the making..... i hope you will receive it with all your heart...."

sambit ni Prof A.

"po.... di ko po kayo magets... of course i will receive your gift with all my heart... ninong ko po kau... at taon po ang binilang bago tayo nag meet... syempre.. napaka special ng gift nyong yan sa akin..."

sagot ni Lady.

Me hinugot si Prof A na isang box mula sa kanyang backpack.... at inabot nya ito kay Lady.

"Sige buksan mo yan.... yan ang regalo ko sayo."

sambit ni Prof A

Binuksan ni Lady ang regalo...Excited at the same time kinakabahan sya habang sinisira nya nag gift wrapper na nakabalot sa regalo...

"wow.... i pad.... latest model pa.....naku ang mahal naman nito ninong.... nakakahiya naman po... "

sambit ni Lady

"para sayo talaga yan... at hindi yan orinaryong ipad... isa yang CUPID PAD..."

sagot ni Prof A

"cupid pad? meron po bang ganun?"

tanong ni lady habang inikot nya ang ipad pabaliktad...

Nakita nyang hindi logo ng apple ang nakaukit sa likod nito kung hindi isang logong hugis puso na may nakatusok na arrow....

"Lady... gusto ko na ipikit mo ang mga mata mo...."

sambit ni Prof A..

"Bakit po?"

takot na sagot ni Lady.

'"'Basta magtiwala ka lang sa akin... ipikit mo ang mga mata mo"

sagot ni Prof A.

Pinikit ni Lady ang kanyang mga mata... binigay niya ang buong tiwala nya ke Prof A.... habang nakapikit si Lady ay nararamdaman nya ang kaba sa kanyang dibdib...alam nya na hindi normal ang mga pangyayari... para sa kanya isa itong matalinghagang sitwasyon na kelangan nyang hulaan ang kahihinatnan ng lahat ng ito....

Mayat maya pay nagsalita na si Prof A.

"Sige Lady idilat mo na ang iyong mga mata"

Pagdilat ni Lady ay nakita nya ang kanyang sarili s isang magandang jardin na punong puno ng mga bulaklak... mabango ang kapaligiran.... may naririnig syang mga magagandang boses na kumakanta ng mga love songs.. pakiramdam ni Lady ay punong puno ng pagmamahal ang ang buong lugar... wala cyang naramdaman na negativity sa buong paligid... in fact ang kaba na kanyang naramdaman ay napalitan ng galak at kasiyahan.... kaharap nya pa rin si Prof A. Nakita nya ang maaliwalas na mukha ng ninong nya habang naka smile at nakatingin sa kanyang mga mata...

"'ninong nasaan po tau?"

tanong ni Lady.

"Lady... welcome to the cupid dimension.... at last ganap na ang iyong pagiging isang cupid... "

sagot ni Prof A

"Ha ako po.... cupid... panu nangyari un?"

sambit ni Lady

"Ipapaliwanag ko sayo lahat...  makinig ka sa akin..

ang iyong mga magulang ay nakatakda na mag anak ng isang cupid... at ikaw yun.. oo totoong may mga kupido... pero taliwas sa mga images na pinapakita sa mundong ito ang mga kupido ay hindi mga supernatural being.. ipinapanganak sila sa mundong ito bilang isang tao.... me pamilya... me kinikilalang magulang... mamumuhay bilang isang tao.... karaniwan sa mga kupido ay prudokto ng tunay na pagmamahalan. tulad ng nanay tina at tatay tommy mo... sila ay simbolo ng love against all odds... ang Tatay Tommy mo... mayaman me sinabi sa lipunan ang pamilya nila..... si Nanay Tina mo naman... mula simpleng pamilya... walang mga material na kayamanan... pero punong puno ng pagmamahal sa pamilya nila.... nung nagakakilala silang dalawa... nag mula sila sa magkaibang mundo..pero naipaglaban nila ang kanilang pagmamahalan..... saksi ang fertility tree sa UPLB sa pagmamahalang yun.....ako... hindi accidente ang pagkakakilala ko sa Nanay Tina mo... sadayang kelangan akong maging parte ng buhay mo para masubaybayan ko ang paglaki mo.... kasi balang araw.. alam ko na darating ang panahon nato.. pumasok ako bilang isang malaking cliente ng nanay tina mo sa kanyang negosyo para magkaroon ako ng impact sa pamilya mo at ayun nga kinuha nila akong ninong mo. "

salaysay ni Prof A

"Hindi ko pa rin naiintindihan ang lahat... nakakgulat po.... ibig sabihin hindi ako isang normal na tao..me super powers ako... this is so surreal.... hindi pa cya npprocess ng utak at puso ko.... "

sambit ni Lady..

"parang ganun na nga... pero limited lang ang powers mo to control things between two individuals who you think has great potentials of falling in love with each other... yan ang pinaka ultimate power ng isang cupid... sa mga kwento.. pag pinana na ni kupido ang puso ng dalwang tao... mag kakainlovan na cla.... actually, it is a metaphor.... sa totoong sitwasyon... nakokontrol ng isang cupid ang mga lugar, sitwasyon, bagay, maging ang panahon kung kinakailangan between 2 potential pairs..... pero never ang capacity to love at free will ng isang individual... to undsratand it better... paki on ng cupid pad mo....

sambit ni Prof A..

Pinress ni Lady ang power button ng kanyang cupid pad.... nang ito ay mag on na ay tumambang sa kanya ang isang welcome message ....

    WELCOME TO THE CUPID WORLD LADY..

    BEFORE PROCEEDING WITH  THE FULL BLAST OPERATION OF THIS DEVICE PLEASE READ THE FF CUPID RULES AND REGULATIONS

Pinress ni Lady ang rules and regulations menu ng kanyang cupid pad at sinimulang basahin ang mga ito.... ito ang naging nilalaman ng cupid rules and regulations...

1. Mamimili ang isang cupid ng kanyang  10 potential pairs .ang mga pairs na ito ay pwedeng magkakilala na... or mga stangers sa isat isa.... dapat hindi makapatid or malapit na kamag anak ang mga ito sapagkat ito against the law of nature, law of man and law of God

2. Out of the 10 potential pairs.. dapat at least kalahati nun ay mauuwi sa pagkaka inlove sa isat isa... take note pagkaka in love lang.... hindi kailangan ituloy nila into a formal relationship

3. Ang maximum allowable time para sa potential pairings na mainlove sa isat isa ay 3 months lang pag lumampas ng 3 months at wala pa rin nangyayari ay considered unsuccessful pairing na cya... naniniwala kasi ang cupid dimension na pag may intervention ng isang cupid ay mas mabilis ang process of being in love..

4. Me hanggang 2 years lang ang binibigay na panahon sa mga cupid para mag reach ang kanilang 5/10 quota. Mula 18 yrs old kung kelan na reveal sa kanila ang kanilang pagiging cupid hanggang sa mag 20 years old sila. pag di nila na reach ang quota na ito ay kukunin na sila sa mundong ibabaw.. sa pamamagitan ng ibat ibang uri o dahilan ng kamatayan. pwede maisalba ang buhay ng isang cupid pag may magsasakripisyong kapawa nya cupid na ibigay ang buhay nya ng bukal sa kanyang puso.

5. Bawal ma in love ang isang cupid within sa duration ng kanyang mission. mula s pagkakadeklara sa kanya ng kanyang mentor as a full time cupid hanggang sa matapos ang kanyang mission. Kung mavviolate nya ang rule na ito may karampatang parusa. sa mga pagkakataong lumlapit ang isang cupid sa taong kinaiinlovan nya o di kayay pagpapakita ng gesture of love sa taong romantically inlove cya ay me mangyayaring masama o kamalasan sa pamilya o di kaya sa iba pang mga taong malapit sa kanya.

6. Ang standard pairing ay sa gitna lamang ng isang babae at isang lalaki... ngunit sa realidad ng mundo marami na ring mga pagkakataong namamagitan ang pagmamhalan sa gitna ng kapawa babae o lalake... maaring mangyare  na mamagitan ang isang cupid sa dalwang puso pero kapalit nito ay ang buhay niya... ma hit man nila ang quota nila o hindi...

7. Walang dapat makaalam sa identity ng isang cupid... once ma divulge ito sa kung sino man.. ay may karampatang parusa din.

Pagkatapos basahin ni Lady ang rules and regualtion ay nagugulumihanan pa rin sya.. tila ba me isang pagsubok sa kanya ang Panginoon na mahirap lampasan.. nanalangin si Lady sa Diyos na kung ukol talaga sa kanya ang mabuhay ng matagal ay ibibigay ito sa kanya anu man ang mangyari..

Nagsalita si Prof A.

"Anak, alam ko hindi magigng madali ang buhay mo ngayon.... nasa peak ka ng iyong pagiging teenager...ang dapat sayo ang nag eenjoy... na iinlove... i experience ang essence ng pagiging isang teenager... pero kaya ka binigyan ng diyos ng mission ay dahil naniniwala sya sa kakayahan mo.... kaya nga ang mga kupido ay galing sa matatag at buong pamilya.... dahil nainiwala ang Diyos na ang ang batang pinalaki ng mga pamilyang ito ay may paninindigan at may prisipyo... magtiwala ka rin sa akin anak....nandito lang ako sa tabi mo... ako ang iyong Mentor Cupid.... pinag daanan ko rin lahat ng yan.... at napag tagumpayan ko naman.."

Nagtanong  si lady..

"Pero Ninong... bakit nanaitili kayong cupid?ayaw nyo bang mamuhay nga malaya at payapa..."

Sumagot si  Prof A

"Pag nagtagumpay ang isang cupid, Me option sila na ituloy ang buhay nila bilang isang normal na tao o di kayay manatiling isang cupid.... magiging Mentor Cupid sila pag pinili nilang maging cupid forever... ako mas nakikita ko ang sarili kung maging cupid... masaya ako pag may nakikita akong payabong na pagamamhalan...Sisimulan na natin ang pagahahnap mo ng potential pairs.... pwede kang mamili ng kusa o pwde rin random select sa cupid pad...Ano gusto mong unahin?"

Sumagot at nagtanong si Lady..

"magsisimula na po ako... wala pong training?"

Tumawa si Prof A at nagsalita..

"follow the instructions lang.. nasa cupid pad na lahat..."

Sumagot si Lady....

"Sige po Random na lang muna... "

Pinress ni Lady ang Random select. Nagprocess ang cupid pad  ng selection at nag labas ito ng dalawang pangalan:

       Eduardo Young & Rosalie Aluserg

"Naku sino sila.... random na random nga... san ba pinagkukuha ng cupid pad na to ang mga taong to..."

sambit ni Lady.

"Ok ang una mong  gagawin ay kilalanin ang dalawang tao sa pair na yan... one at a time muna tayo anak... 3 months lang ang binibigay sayo para mainlove sa isat isa si eduardo at rosalie... sa ngayon ibabalik na kita sa kabilang dimension... pag kailangan mo ako nasa cupid pad lang ang instruction search mo na lang... so long anak.... pikit mo ulit ang mga mata mo"

sambit ni Prof A"

Pinikit muli ni Lady ang kanyang mga mata...  naririnig nyang biglang umingay ang kanyang paligid at nang kanyang idilat ang kanyang mga mata ay nasa coffee shop na ulet cya... ngunit wala na doon si Prof A.

Mayat maya ay dumating ang family driver ng mga de Luna at sinundo na si Lady...Tinanong ni Lady sa driver kung bakit nalaman niya kung saan siya naroroon..Ang sabi ng driver ay tumawag ang Ninong A nya sa kanyang Nanay At Tatay at pinasusundo sya sa coffee shop.

Pagkadating ni Lady sa kanilang Bahay ay nakita nya na naghihintay si Ben sa may veranda.

Abanagan