webnovel

The First Pair

Nagsimula ng mag research si Lady tungkol kay Eduardo Young.... Iniisip niya... wala pa syang ginagawa pero tadhana na ang naglapit sa kanila ni Eduardo.. Alam nya na pwede ding me kinalaman dito si Prof A. Pero sa likod ng pag dududang ito ay naging masaya si Lady sapagkat makakagampanan niya na sa wakas ang kanyang pagiging cupid. Nag browse si Lady sa kanyang cupid pad... at na search ng profile ni Eduardo Young sa facebook, instagram, google... gumamit din sya ng face recognition. para mas mapabilis ang pagahahanap.... agad niyang nakita ang profile ni Eduardo at nalaman niya na ito pala ay isang  masseur for hire... nagulat si Lady sa kanyang mga nakitang pictures nito sa facebook na halos wala ng saplot... iniisip ni Lady... panu kaya si Rosalie... galing kaya sya parehong mundo ni Eduardo? Sinikap nyang hanapin ang profile ni Rosalie sa internet pero wala ni isang nag match... Doon pa lang ay naging palaisipan sa kanya ang pair na ito....

Hindi alam ni Lady kung panu sisimulan ang lahat... Muli syang nag explore ng kanyang cupid pad.. at nakita nya ang locator menu... pinress nya ito... at na diskubre nya na pwed nyang malaman ang kinaroroonan ng kanyang mga pairs..... sa pagkakataong ito agad nyang inalam ang kinaroroonan ni Eduardo at Rosalie.... Nalaman niya na si Eduardo ay malapit lamang sa hospital... kaya naglakad lakad sya hanggang nakita niya ang isang 24 hr massage parlor.... Nasa isip ni Lady... kung dito kaya  nagttrabaho si Eduardo.... Habang pinagmamasdan nya ang signage ng  massage parlor ay biglang me tumawag sa kanyang isang lalaki mula sa kanyang likuran.... paglingon nya ay nakita niya si Eduardo....

"Gusto nyo po ba ng massage ma'am... mura lang po... pwed po half and full body... pasok lang po kayo.."

Sambit ni Eduardo

"Ay naku... hindi po... nandito lang po ako para hanapin ang taong maya ari ng drivers license na to" eto mukhang sayo yang lisensyang yan... kamukha mo yung nasa pic"

Sagot ni Lady

"naku salamat po kelangan ko talaga to... baka di na ako makapag pasada..nagddrive din kasi ako ng tricycle... para me extra kita pa... salamt talaga mam ha"

sambit ni Eduardo

"walang anu man... sige mauna na ako..."

sagot ni Lady

At pumasok na nga si Eduardo sa massage parlor...

Habang nag lalakad si Lady pabalik ng hospital ay iniisip pa rin nya ang totoong trabaho ni Eduardo.... iniisip nya na ang mga massage parlor na 24 hrs ay hindi lamang nag ooffer ng masahe kundi nag eextend ng extra service...iniisip niya na pwedeng nagbebenta ng aliw si  Eduardo. Tiningnan uli ni Lady ang kanyang cupid pad para malaman din ang kinaroroonan ni Rosalie... nalaman nya na ito ay naksakay sa isang bus Mula Bicol patungong Calamba.... Na excite si Lady sa kanyang nalaman... panahon na para mag meet sina Eduardo at Rosalie... Kahit hindi nya pa alam ang background ni Rosalie ay excited na  sya na maging tulay sa  posibleng pag iibigan ng dalawang puso... patuloy na nakatrack si Lady kay Rosalie hanggang sa makarating ito ng  crossing ng Calamba... Samanatala, gumawa ng paraan si Lady para makontrol ang tumal ng cliente sa massage parlor na pinag ttrabahuan ni Eduardo para mag decide na lang ito na mamasada na lang ng tricycle... Lumabas nga si Eduardo ng spa.... dahil sa wala man lang ni isa na nag pamasahe ng gabing iyon... Gamit ang kanyang cupid pad ay sinubaybayan ni Lady ang pagtatagpo nina Eduardo at Rosalie... at ito ang kanyang mga nangyari........

Dumating si Rosalie sa sa crossing ng Calamba para magtungo sa kanyang bayang sinilangan sa Calauan... anim na  buwan bago ang kanyang final vow bilang isang madre... karaniwang binibigyan 6 months na thought process ang mga madre bago nila yakapin ang kanilang final vow at isuko ng buong buo nag kanilang mga sarili sa Diyos.... Si Rosalie ay bunsong anak ng isang mayamang mag asawa sa calauan....sinoportahan nila ang kanilang anak sa paglalayon nitong maging madre sapagkat naniniwala silang ito ang kanyang calling.... isang mahinhin, mabait at magandang dilag si rosalie... kaya marami sa kanilang mga kamag anak ang nanghihinayang sa kanyang pagpasok sa kumbento.... Hindi pa alam ni Lady ang kwento ng pagkatao ni Rosalie.... kaya siya ay tuloy pa din paggawa ng paraan para magkatagpo ang dalwa...

Samantala, habang pinapanood ni Lady sa kanyang cupid pad ang pagadating ni Rosalie sa crossing ay alam nya na kailangan nyang gumawa ng paraan para magkalapit at tuluyan ng magtagpo ang dalwa... Naisip niya na pwede nyang gawing knight and shining armor si Eduardo para kay Rosalie..kaya ang ginawa nya ay kinintrol nya ang isip ang isang taong snatcher sa paligid ligid ng crossing para nakawan si Rosalie...

May dalwang bag na dala si Rosalie habang bumababa sa jeep galing turbina..  sa babaan ay maraming tricycle na nakaparada...isa na doon si Eduardo... pag baba ni Rosalie ay agad na na pansin ni Eduardo ang angking kagandahan ni Rosalie...

"Miss san po tayo.?sa aplaya? 50 lang po special trip... me kasama pang kiss"

Sambit ni eduardo...

"Ay hindi po ako pa aplaya... papunta po akong calauan.."

takot na sagot ni Rosalie.

"Gusto nyo hatid ko nankayo pa calauan...libre na lang..kiss lang talaga ang kelangan ko...

sambit ni Eduardo.

Nagsimula ng matakot si Rosalie sa mga sinasabi ni Eduardo....

Samantala...kinakabaham din si Lady habang

pinapanood niya ang dalawa..... iniisip ni Lady.... panu maiinlove si Rosalie sa isang taong presko... napaisip din si Lady.... mukhang hindi sya magtatagumpay sa kanyang unang pair....Patuloy sa pagsubaybay si Lady sa kanyang cupid pad... at ito pa ang mga nagyari....

Kinuha ni rosalie ang kanyang cellphone... mula kanyang bag... ang cellphone na ito ay bigay ng kumbento para sa kanya.... para macontact nya ang mga magulang nya pagdating ng Laguna...ang usapan kasi.. hindi dapat malaman ng pamilya nya na sya ay lalabas pansamantala sa kumbento... kailangan nyang maglakbay mag isa baon2x ang tiwala ng diyos...

Sinubukan niyang tawagan ang last known number ng kanyang mga magulang... ngunit unattended na ito.... habang dinadial nya ulit ang number ng mga magulang nya ay biglang hinablot ng isang snatcher ang kanyang cellphone....

"naku po! yung cellphone...."

sigaw ni Rosalie ..

Nakita ni Eduardo ang mga pangyayari.... agad niyang hinabol ang snatcher gamit ang kanyang tricycle....

Umiiyak si Rosalie habang  umaasa na makakabalik si Eduardo dala dala ang cellphone nya....nandun nakasave ang mga possible numbers ng mga magulang nya.... pinagbabawal sa kumbento ang mga direct communication sa family members habang ikaw nasa proceso ng pagiging madre.... isa ito sa mga sakripisyo ng kanilang bokasyon...bawal ang celphone sa loob ng kumbento.... kaya kahit cellphone # ng pamilya nya ay di ya dapat malaman...

Mayat maya pa ay bumalik na si Eduardo hawak2x ang cellphone ni Rosalie... ngunit kapansin pansin na me pasa na sya sa kanyang mukha... marahil nakipag suntukan sya sa snatcher bago nya nakuha ang cellphone...

"Miss eto na po ang cellphone nyo"

sambit ni Eduardo...

"Salamat po... panu po  ba kita mapapasalamatan? nasaktan pa po kayo para makuha lang itong cp ko"

sagot ni Rosalie

"Naku.... wala yun miss... ok lang ako..."

sambit ni Eduardo

"Hindi po... nasaktan kayo... samahan ko po kayo sa ospital.... "

nagpupumilit na sagot ni Rosalie....

"sige kung mapilit ka ...huwag mo na akong dalhin sa ospital... hindi naman malala ang nangyari sa akin....libre mo na lang ako ng hapunan....

sambit ni Eduardo

"pero mejo konte lang ang dala kung pera.... sa lugawan lang kita pwed ilibre..."

sagot ni rosalie

"tingnan mo to... dadalhin mo ako sa ospital.. tapos wala ka palang pambayad.."

sambit ni eduardo

Napatawa na lang si Rosalie sa mga sinambit ni Eduardo...

"sige na po... san po ba malapit na lugawan dito...?"

tanong ni Rosalie.

"Sige jan lang sa malapit un.. sa tabi ng hospital....Lakad na lang tayo.. lapit lang kasi...  ako na magbibitbit ng bag mo"

sagot ni  Eduardo

At naglakad nga patungo sa lugawan ang bagong magkakilala...

Pinanonood pa rin ni Ladi ang mga pangyayare sa kanyang cupid pad... hanggang sa nakita nya ang sarili nya sa screen... habang naglalakad si Eduardo at Rosalie patungong lugawan ay nadaanan pala cya ng mga ito..... napatawa na lang si Lady sa kanyang mga natunghayan...

Habang kumakain sina Rosalie at Eduardo sa luagawan ay nag usap ang dalawa ..

"ako nga pala si Eduardo... ang totoo ko talagang pangalan... ay Eduardo Jose....tinatawag nila akong EJ.. pero ung pangalan ko sa talaga dun sa spa na pinagttrabahuan ko ay Eduardo... kilala ako. ng mga customer sa pangalan na yan..."

salaysay ni Eduardo

"so hindi lang pala tricycle driver... isa ka rin pa lang masahista...."

sambit ni Rosalie

"oo...  bakit nagulat ka?.... kung ano man ang iniisip mo ngayon... alam ko naman kasi may naiisip ka na mejo masama sa trabaho ko....sasabihin ko sayo na totoo lahat ang iniisip mo.... oo... nag eextra service ako.. at kalimitan sa mga customer ko ay mga bakla at matrona... pasenxa ka na sa akin ha... hindi kasi ako sinungaling.. mulat na mulat kasi ako sa katotohanan ng mundong ito... "

salaysay ni Eduardo..

"naku hindi.... oo iniisip ko na ganoon ka nga.

ngunit wala  naman ako karapatan magsabi na masama kang tao... oo sa mata ng karamihan at sa mata ng Diyos hindi tama ang ginagawa mo... ngunit wala akong karaptan na husgahan ka.. lahat ng tao sa mundo me angking kabutihan.... nasasadlak sila sa mga bagay na masama kahit. labag ito sa damdamin nila.... sa maraming dahilan... pwedeng kahirapan o kung anu ano oang dahilan.... pero kung patuloy kang magtitiwala sa Diyos ay maaari mong iwan ang mga gawaing ito... mag tiwala ka lang sa Kanya.

sambit ni Rosalie.

"Diyos?.... matagal na akong bumitaw sa kanya... mula ng iniwan ako ng nanay ko sa bahay ampunan.... nawalan na ako ng pananalig.... mahirap ang buhay .... at naging malupit ang tadhana sa akin... di ko na alam pa kung me Diyos pa nga ba..

"Sana di ka nawalan ng pananalig sa Kanya.... kung alam mo lang na sa bawat paghihirap mo ay doble din ang nararamdamang hirap ng Diyos... mahal ka Niya... isipin mo na lang maraming tao pa ang inaalagaan ng Maykapal.... at mas maraming problemang dinudulog sa kanya... araw araw... oras oras..... minu minuto... kada segundo... pinakikinggan ng Diyos ang mga hinaing ng Tao.... hindi sya kailanman napagod... ang gusto lang naman Niya.... mag tiwala ka...at manalig na sa tamang panahon magliliwanag ang madidilim nating buhay.... matuto.lang din tayong tulungan ang mga sarili natin... "

Sambit ni Rosalie

"Bakit ba ang lalim mo magsalita... at parang malapit na malapit ka sa Diyos mo... san ka ba nanggaling...? naranasan mo na bang mapunta sa langit'?... gusto mo patikim ko sayo?"

sambit ni Eduardo sabay hawak sa braso ni Rosalie....

"Huwag.... isa akong madre... oo... lumabas lang ako ng kumbento ng 6 na buwan para makasama ang pamilya ko at para makapag nilay nilay... bago ako mag final vow..."

kinakabahang sagot ni Rosalie

"hay naku.... sabi ko na nga ba eh.... pasensya ka na.....wag ka nang matakot.... sige kainin mo na yang lugaw mo.. at tawagan mo na magulang mo para masundo ka na nila... "

sambit ni Eduardo..

Pagkakain ay sinubukan kontakin ni Rosalie ang kanyang mga magulang... ngunit di pa rin ito niya macontact... Inalok ni Eduardo na ihatid nya sa Calauan si Rosalie... gamit ang kanyang tricycle...

Dumating sa calauan sina eduardo at rosalie na ligtas....Bumaba si Rosalie malapit isa isang magarbong bahay...

"dito ka nakatira?" ang yaman nyo pala"

sambit ni Eduardo.

"hindi naman akin yan... sa mga magulang ko yan...ang totoong bahay ko ay nasa tahanan ng Diyos"

sagot ni Rosalie

"sige na pumasok ka na malalim na ang gabi... masaya akong nakilala ka"

sambit ni Eduardo..

Pinaandar na ni Eduardo ang kanyang tricycle... ngunit narinig nya na sumigaw si Rosalie...

"sandali lang.... Eduardo.... hindi mo pa ako nakikilala... di mo man lang ba kukunin ang pangalan ko..."

sambit ni Rosalie

"mas mabuti na di ko malaman ang pangalan mo...ng hindi na kita iisipin... mahirap na....alis na ako... mag ingat ka palagi miss....

sagot ni Eduardo....

At umalis na si eduardo palayo ng bahay nina rosalie

Habang nangyayari ang lahat ay nakasubabay pa rin si Lady sa kanyang cupid pad.... nagulat sya ng nalaman nya na isang madre si Rosalie... nawalan sya ng pag asa sa kanyang natunghayan... alam nya na malabong mag in love sa isat isa sina rosalie at eduardo... isang madre at lalaking nag bebenta ng aliw... malabo pa sa mga fog ng Sagada....Ni log off nya ang kanyang cupid pad at nag isip ng malalim... Nakatulala na lang si Lady habang iniisip ang kanyang mga susunod na hakbang... alam nya na mahirap ang kanyang 1st pair.... nagsisimula pa  lang sya sa kanyang journey bilang isang cupid... ganito na agad ang kanyang mga nararansan... napatahimik si lady ng nga ilang sandali...  hanggang sa narinig nya na tinatawag sya ng  kanyang nanay tina..

"'Lady... anak... "

sambit ni Tina

"Kamusta na ang yaya mitch mo....?"

mabilis na sambit ni Tommy

Biglang nanumbalik ke lady ang mga nangyari sa kanyang yaya mitch... at ang tunay na dahilan ng pagkakstroke nito..... nanumbalik din sa kanya ang pagyaykapan nila ni Ben.... Bigla syang napatakbo sa Nanay at Tatay nya para yakapin ang mga ito....

"Sorry po... Sorry po.."

paiyak na sambit ni Lady...

"Bakit anak? Wala ka namang ginawa...sadyang meron naman talagang history ng heart failure sa family ng yaya mitch mo sa tawi tawi.."

mabilis na sambit ni Tommy

"Basta po... naawa ako ke yaya mitch...nakausap ko na po ang doctor kanina..... stable na naman daw ang vital signs nya... kaso po.... ung speech capabilities nya po baka maapektuhan daw...."

sambit ni Lady habang umiiyak....

"Anak me dahilan ang lahat na ito... kailangan siguro umuwi na ng yaya mitch mo sa mindanao... para maalagaan sya ng mabuti ng pamilya... natawagan ko na pamilya nya tungkol sa nangyari.... pinadalhan ko na ng pamasahe para masundo sya dito next week..."

sambit ni Tina..

"Mabuti pa anak... umuwi ka na muna... kami na muna magbabantay dito... ipapahatid na muna kita ke Billy.. "

Umuwi na nga si lady sa kanilang tahanan.. na magulo ang isip.... nang pumasok sya sa kwarto nya ay iniisip nya pa din si Ben... iniisp nya din sina Rosalie at Eduardo.... gusto nya nang sumuko... hanggang sa naipikit nta ang kanyaang mga mata ata nakatulog na ng mahimbing...