webnovel

Revelations and Acceptances

Nang pumasok si May sa loob ni Silid kung nasaan Si JC na sinapian ng kaluluwa ni Lady ay kapansin pansin ang biglang pag iba ng mood ng silid. Tila ito ay naging gloomy, naging mas malamig sa loob kahit na wala namnag pagbabago sa panahon sa Sagada... Habang papalapit si May ay tinititigan lamang sya ni JC...napansin ni Lady na nanlalaban ang katawan ni JC sa kanyang kaluluwa... tila may nais itong iparating sa kanya.... Alam ni lady na maaring sina JC at May ang kanyang magiging next pair kaya nag decide si Lady na ipaubaya na lamang kay JC ang pagkakataong iyon....ginawa ni Lady ang pag alis niya sa Katawan ni JC nang malumanay para hindi ito magiging kapansin pansin.... Hinayaan na lamang nya na makatulog ang katawang tao ni JC. Habang umaalis si Lady sa katawan ni JC ay nakamasid sa kanila ang dalawang matatandang kaluluwa na si Cecilia at Maura... Nang makaalis na si Lady sa katawan ni JC ay agad na nagtanong ang dalawang matatandang kaluluwa...

"Ano na ang plano mo iha?... kanina lang ay nag eenjoy ka sa ka sa pagsapi sa katawan ng apo namin....bakit ka umalis sa katwan ni JC namin? Tanong ni Maura

"Kasi po gusto ko lahat ng magiging uasapan nila ay galing kanilang mga puso... walang intervention.... mula sa kahit na sino.... kung talagang may spark... malalaman po natin...sa magiging pag uusap nila... isang indikasyon na may something sa kanilang dalawa pag nagsimula ng magtiwala si May kay JC.... kung kaya nyang magtapat ng kahit anong importanteng bagay.. maaring ito ay isang sekreto or di kayay isang personal na problema.... hayaan lang natin sila.... kung ano man ang mga madidiscover natin sa pag ussap nila ay sana pilitin natin silang intindihin.... tayo po ay mga kaluluwa na... wala na naman din tayong magagawa para mabago ang mga pangyayare sa mundong ibabaw.... " sambit at sagit ni Lady...

"Bakit ba ang lalim mo magsalita? Dibat ang bata mo pa.... parang ang lalim na ng karansan mo sa pag ibig?" sambit ni Cecilia

"Karansan po? maaaring may minamahal ako pero hindi po ukol... may mga responsibilidad po kasi ako. Siguro inspired lang ako.... sa mga tao sa paligid sa natin.... " sagot ni lady.

Biglang tumingin si Maura sa mga mata ni Lady... Kaluluwa sa kaluluwa... parang may kakaibang gustong ipahiwatig si Maura sa kanya.... ngunit kapansin pansin na tumahimik na lamang ito.... taliwas sa kanyang normal na reaksyon pag silay nag uusap.... lagi itong may opnion sa lahat ng bagay... at lagi nyang kinokontra ang lahat ng sinasabi ni Cecilia... ngunit ngayon ay tahimik lamang sya habang malalim ang titig kay Lady...

Mayat maya pa ay lumapit na si May kay JC na tila nakatulog ng umalis ang kalukuwa ni Lady mula sa kanyang katawan...

"Bro JC... kamusta po... parang masyado nyong na absorb lahat ng stress ng mga kausap nyo kanina... gusto nyo po ba munang magpahinga? ani May

"Parang bigla akong nahilo.... mejo kakaiba ung pakiramdam ko ngayon para bang may sumanib sa akin na kakaibang espiritu pero parang hindi naman sya masama... parang nakaktulong pa nga sya sa pagkausap ko kay santi at jam" sambit ni JC

"Naku po... baka kailangan mo muna magpahinga... hayaan na po ninyo at mamaya na lang tayo mag usap.... " sagot ni May

"May.... hindi.... jan ka lang wag ka munang umalis... " sambit ni JC

"Pero di po maganda ang nararamdaman nyo... mas maigi po na magpahinga muna kayo... hindi po biro ang makinig sa mga hinaing ng ibat ibang tao... nakaka stress din po yun... "  sagot ni May

"May, wari ko sa iyong mga mata ay may gusto kang ipagtapat sa akin... di ko alam pero parang may malalim kang iniisip.... matagal na akong nag coconduct ng mga ganitong one on one session.... isang tingin ko lang sa mga mata ng mga nakakausap ko... nalalaman ko na agad ang bigat ng nararamdaman nila... ang mga mata natin...ay isang malaking biyaya ng Diyos.. sa pamamagitan ng mga ito... nakikita natin ang lahat.... maganda, pangit, masama, mabuti.. ang makulay na mundo ay nasisilayan natin dahil sa ating mga mata.... ngunit sa kabilang dako naman ay na i papahiwatig ng ating mga mata ang mas malalim na  bagay.... ang ating mga nararamdaman.... di ba sinasabi nga nila... "our eyes are the windows of our soul" ... May.... makikinig ako....magtiwala ka lang sa akin" ani JC

"Mga MATA... mga MATA... " ani May habang dumadaloy ang luha

"May.... ilabas mo lang yan.... makikinig lang ako...." sagot ni JC

Nagsimulang magsalita si May tungkol sa kanyang mga nararamdaman.... matagal ang kanilang naging pag uusap ni JC.... maraming sektetong ibinunyag si May kay JC.... may mga sandaling halos nag lulupasay na si May sa kakaiyak.... habang si JC ay tahimik na nakikinig lamang sa kanya.... ni minsan ay hindi niya magawang magsalita... dahil gusto niya lang na milabas ni May lahat ng kanyang nararamdaman...

Habang nangyayari ang malalim na pag uusap nina May at JC ay  nakamasid lat nakikinig lamang ang mga kaluluwa nina Lady, Cecilia at Maura sa kanila... lahat ng mga ipinagtapat ni May ay may kinalaman sa isang malaking sekreto...hindi nakapag salita si Lady sa kanyang mga natuklasan...may mga sandaling bigla na lamang syang napapaiyak... sa tindi ng kanyang mga natuklasan.... ano nga kaya mga ito?.......

Samantala...

Sa labas ng one on one room ay nagkaksayahan ang lahat.Halata na may mga ngiti sa mukha ng mga tao.... Si Santi at Jam ay hindi na magapaghihiwalay.... tila may napukaw na mga damdamin mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso nang nakausap nila si Bro JC na sinaniban ng kaluluwa ni Lady....Sina Karen at Benjie naman ay hindi na maalis ang pag sulyap sa isat isa.... habang tinitingnan nila ang mata ng isat isa.... sariwa pa rin sa pusot isipan nila ang mga nangyare sa kanila da kakhuyan...bumaba na din si Che mula sa pinagpahingahan nyang kwarto...at napansin nya ang saya sa mukha ng mga kasama nya....

"At anong kaguluhan to? balitaan naman ninyo ako jan? sambit ni Che

"Che... si Santi at Jam... nakakaigihan na... nakakakilig naman... nung isang araw lang ay parang aso at pusa kung mag away...ngayon naman sobra ba sa magic sugar ang katamisan... ehheheh" sambit ni Maan..

"Yan at lumabas din ang tunay nilang nararamdaman sa isat isa... ang tagal naming hinintay yan... so sa simbahan na ba ang tuloy nito..." ani Joyce

"Hoy wala pa sa plano yan... ipon muna. kami.. at saka.... kaka on lang namin... kasal agad... enjoy muna namin moments namin bilang mag jowa..." sagot ni Jam...

"Ay ako naman gusto ko mag ka baby na tayo..." pabirong sambit ni Santi...

"Gago to... hoy.... di ako mag papa galaw hanggat di tayo kinakasal... dalagang pilipina pa rin eto ano" sambit ni Jam...

Habang nagkakatuwaan ang lahat ay biglang lumabas si JC nula sa one on one room.....

"Naku nagkakasayahan pala kayo.... tila alam ko yata ang dahilan... ngunit may gusto lang akong tawagin... para pumasok sa silid.... Karen...." sambit ni JC

Nagtaka ang lahat kung bakit kailangan pumasok ni Karen sa loob gayong hindi pa tapos ang one on one kay May..... at nangyari ang dapat mangyari.....

Pumasok si Karen sa silid. Napaka tahimik ng paligid. Tila may kakaibang pangyayaring naganap sa loob. Pinagmamasdan lamang ni Lady si Karen. Naiiyak ang dalagang kaluluwa sa mga natuklasan niya mula sa pag uusap nila May at JC at tiyak na masasaktan nito si Karen.. Malaki ang kinalaman ni Karen sa mga pinagtapat ni May kay JC... Kasama sa pagmamasid ay ang kaluluwa nina Maura at Cecilia.  Habang si May ay balisa at di mapakali sa kanyang nararamdaman… Nagsalita si Karen…

"Ma'am May, bakit po? Ano po ba ang nangyayare? Bakit kailangan akong kausapin ni Bro. JC na kasama ka.?"  Tanong ni Karen.

Hindi nakapagsalita si May, sa halip ay bigla syang naglulupasay sa kakaiyak.

"Umupo ka Karen.  May isang bagay kang dapat malaman mula sa iyong Ma'am May.  Ang pakiusap ko lang sayo.. sana huwag  ka munang manghusga. Intindihin mo ang mga bagay bagay…. " sambit ni JC

"Pano po? Manghusga? Eh hindi ko pa po nalalaman kung bakit nandito ako sa harap ni Ma'am May habang siya ay umiiyak… may nagawa ba akong kasalanan? " sambit ni Karen.

"Karen ako…. Ako ang may malaking kasalanan sayo…. Malaki ang naging parte ko sa pagkawasak ng buhay mo…." Sagot ni May.

"Ma'am May… hindi kita naiiintindihan… ikaw nga ang humango sa akin mula sa pagkakadepress ko dati… binigyan nyo po ako ng isang desenteng trabaho at tinuring nyo po ako bilang isang pamilya… kaisa ng buong pamilya San Pedro…. Kaya po di ko maintindihan kung bakit kayo nagkakaganyan." Sambit ni Karen na tila nagugulughan sa mga pangyayai.

" Karen makinig ka….. ako…. Ako ang dahilan kung bakit kayo naaksidente dati ni Rap2x… " sigaw ni May

"Ano?  Ma'am May… pano po nangyari alam nyo ang mga bagay na  yun?Di ko naman nabanggit ang pangyayari sa buhay kong yan sayo.. Ipaliwanang niyo po.."  tanong ni Karen.

"Sa mga panyayaring naganap sa buhay ko lately…. Yung aksidente sa eton….. kung saan nakabangga kami ni Miguel ng isang SUV sa may boundary ng Eton at Greenfield… nanumbalik sa akin ang lahat… Karen… Isang panyayari tatlong taon na ang nakakaraan…Di ba  naaksidente din kayo ng dati ng fiancée mo na si Rap2x…  diba yun ang naging dahilan ng pagkamatay niya? dalawang koche at isang motorsiklo ang nakarambola nun… ngunit ako ang dahilan sa salpukang iyon….ako ang nagmamaneho ng puting Honda Civic na nakabangga ng koche nyo…  Kakahiwalay ko lang with my ex that time…. Si Gerard…. Napakabait niyang tao…. Ngunit ang hindi ko alam… may asawat anak  na pala sya…. Masyado ko yung dinamdam… kaya nag decide ako nun na pumunta sa Tagaytay para mag dasal sa pink sisters… dahil sa mga panahon na iyon ay gulong gulo ako sa buhay ko…. Tiyak na nakasakit ako ng ng maraming tao…. Sa pamilya ni Gerard at sa pamilya ko…. Lalong lalo na sa asawat anak nya….  habang nag ddrive ako ng  koche ay bumuhos ang malakas na ulan… wala ako sa sarili ko kaya … Karen…. Karen…. Patawarin mo ako…" salaysay ni May

"Di ako makapaniwala… bakit di mo sinabi sa akin agad pinaabot mo pa ng talong taon? ano ba talaga ang nangyari? ano ba ang ginawa mo? nung nagkamalay  na ako mula sa pagkakacoma ng isang lingo…. Pinuntahan ko ang bangkay ni rap2x… pero ang kanan nyang mata…. Wala na? ikaw din ba ang dahilan kung bakit nangyari yun…? Ang sabi ng doctor… totally damaged ang right eyeballs niya… kaya kailangan tanggalin….anong kinalaman mo doon? Sa dami ng pera nyo alam ko kayang kaya mong magbayad ng mga doctor para magsinungaling sa akin….ano Ma'am May ha? Ano pa ba ang dapat kong malaman… grabe kayo…" galit na sigaw ni Karen kay May…

"Karen hindi ko na alam ang gagawin sa mga panahon na yon…. Yung dalawang lalaking nakasakay ng motor…. Nasaktan din sila… ako lang sa lahat ng casualties ng aksidente ay ang may malay at conscious…ng mga panahomg yun.... gusto ko kayong lahat tulungan…..  magkakambal ang sakay ng motorsiklo….ang nakilala ko lamang ay si Billy…. Tulad ko… Siya ay di masyadong nasaktan sa aksidente… ngunit ang kakambal niya ay nasira ang cornea ng kanyang kaliwang mata… dahil sa tindi ng impact ng mga batong tumama sa mata nya…. Para hindi ma damage ang kanyang mata ay kailangan makahanap agad2x ng corneal donor… mula isang patay … kailangan lamang humingi ng permiso sa pamilya ng namatayan…. Sa mga panahon na yon Karen… gulong gulo ako…. Hindi ko  alam ang gagawin…. naisip ko ibigay na lang ni Rap2x ang mga cornea dun sa kapatid ni Billy.... Kaya kinontsaba ko ang isa sa mga nurse dun sa sa hospital… binayaran ko sya ng malaki para pumunta ng morgue at kunin ang isang mata ni Rap2x… ang cornea ni rap2x ay matagumpay na naitransfer sa kakambal ni Billy…patawrin mo ako Karen… pinagsisihan ko ang lahat…" malungkot na salaysay ni May.

"Napakawalang puso mo... pano mo nagawa ang mga bagay na iyon?….. binigay mo ang mata ng mahal ko sa isang taong di mo kilala…. Walang kapatawaran ang ginawa mo…. Kalian ka pa ngakaroon ng karapatang disisyunan ang buhay namin?  Galit na sambit ni Karen….

Habang nagyayari ang confrontation ay gulat na gulat si Lady sa kanyang mga iba pang nadiskubre…. Sa pag uusap ni JC at May  sa mga pangyayari at sekreto sa nakaraan ay di nabanggit ni May ang tungkol sa magkakambal na sakay ng motorsiklong nasali sa aksidente…. Tuamatak sa utak Lady ang pangalang Billy… at kakambal nyang na inoperahan sa mata…. Bigla nyang naisip si Benjie …. at ang kanilang dating driver na si Billy ay magkakambal din….. nagkaroon agad agad ng konklusyon si Lady sa mga pangyayari…. Nagpaalam sya agad agad kina Maura at Cecilia para puntahan si Benjie sa labas ng one on one room…..

"Kuya Benjie…. Kuya Benjie…" sambit ni Lady

"Ma'am Lady…. Nagkakasayahan sila doon sa loob…. Mag on na sina Jam at Santi…." Sagot ni Benjie…

"Alam ko inspired ka ngayon…. Dahil sa mga nagyari sa inyo ni Ate Karen…. Pero may kkalaruhin lang ako sayo…. Ang bagay na ito ay pwedeng magpa bago buhay niyo ni ate Karen….Kuya isang tanong lang….. nasangkot ka ba sa isang aksidente sa Eton three years ago…. Kasama si Kuya Billy? " sambit at tanong ni Lady

"Opo… sa katunayan po…. Na operahan ang kaliwa kong mata dahil matindi ang damage na nangyari sa pagkakaaksidente… alam mo Ma'am Lady… gusto ko ngang hanapin ang pamilyang nag donate  ng  corea ng namatay nilang anak, kapatid o di kayay kamag anak sa akin… kasi po malaking utang na loob ko ito sa kanila…. " sambit ni Benjie…

"Kuya Benjie….  ang cornea na itinransfer sa mata  mo…. Mula sa fiancée ni ate Karen na namatay… kasama siya sa aksidente na kinsangkutan niyo ni kuya Billy 3 years ago. …. Si May… siya din ang dahilan ng pagkakaaksidente nyo…. Kaya naman pala iba ang epekto kay May dun sa aksidente naman natin….dahil  Sa prehong luagar nangyari ang lahat sa Eton at Greenfield....." sambit ni lady

"Pano po napapayag si Karen na I donate ang cornea ng fiancée nya sa akin? " tanong ni Benjie

"Mag isang gumalaw si May…. Sa kagustuhan nyang tulungan lahat ng taong nadamay sa aksidente… gumawa sya ng mga hakbang…. Si ate Karen… binigyan nya ng magandang buhay.. binigyan niya ng posisiyon sa chain of supermarket nila… at sa inyo naman… gumawa sya ng paraan para mabigyan ka ng coreneal  donor… naaawa din naman ako kay May…. May malalim siyang hugot sa lahat ng pangyayari sa buhay niya….pero may mali eh… may mali sa mga desisyon nya " sambit ni May..

"Kaya naman pala iba ang tingin ko kay Karen…. Ang kalahating mata ko… galing sa fiancée nya… pero ang puso ko naman ay hindi pinalitan…. Sigurado ako sa nararamdaman ko Ma'am Lady… mahal ko po si Karen…. Sigurado din po ako na pareho lang ang mararamdaman ko kahit hindi ako binigyan ng cornea ng  fiancee nya…" sambit ni benjie

"Kuya Benjie malaki ang kinalaman mo sa pagkakalugmok ni May sa kanyang konsyensya... Mali  ang mga naging hakbang niya... pero alam ko busilak ang puso nya... may mga desisyon siya na minsan puso lamang mag pinapairal nya...kaya sya napapahamak... ngunit ang mga layunin niya ay authentic at may purpose..... lahat ng ito Kuya may dahilan.. kung bakit kailangan ni Kuya Billy na bumalik ng Bicol para mag asawa.... at ikaw ang pumalit.... nilapit ka ng tadhana sa akin para malaman ang buong katotohanan ng mga nangyari sa nakaraan... ihanda mo na ang sarili mo Kuya... sa tingin ko may as matindi pang mangyayari ngayong gabi.... mag manman ka lang kuya.... kasi kuya....sana hindi totoo ang mga kutob ko.... yung sinasabi ko sayong kaluluwa na nakilala ko sa Eton... sa pinangyarihan ng aksidente... ferling ko siya ang namayapang fiancee ni ate Karen na si Rap2x...  pagalagala ang kaluluwa nya dito.... hindi ko lang alam ang mga intensyon nya.... kailangan nating ma proteksyunan ang mga tao sa retreat house na to... alalay lang kuya... babalik na ako one on one room... kailangan ko bantayan ang lahat ng nangyayari....." sambit ni Lady

"Sige po Ma'am Lady.... nandito lang ako" sagot ni Benjie...

Bumalik si Lady sa one on one room.. pagkadating nya ay tuloy pa rin ang pagpapalitan ng salita nina May at Karen.... ang dalawang matatandang kalukuwa ay tila na hook na din sa kanilang bangayan na parang nanonood lang sila ng isang palabas sa tv... habang hindi nila napapansin na nawawalan na pala ng malay si JC... Napansin ni Lady ang pagkswala ng malay ni JC.... kay agad niya itong nilapitan para makapasok ang kaluluwa nya sa katawan nito.... ngunit biglang dumilat ang mga mata nito..... na para bang may lungkot na nakatigin kay May.... humangin ng malamig sa buong silid..... at itoy tila nagpakilabot kina may at karen.....at nagsalita si Jc...

"Ikaw... ikaw pala ang dahilan...tatlong taon akong walang ginawa kundi ang mag wonder.... kung bakit....pagala gala.... walang direksyon.... walang patutunguhan.... pero ang lahat ay may dahilan.... sa mga nakikita ko.... malaki ang naitulong...mo sa mahal ko.... kaya hindi ko magawang magalit..... sana ang lahat ng ito ay magtatapos sa tamang paraan.... hanggang dito na lamang ako....

Bumaling ang mga tingin niya kay Karen at patuloy na nagsalita

"mahal kong Karen.... sana wakasan mo na ang mga poot sa puso mo.... sana matuto kang magpatawad.... sana matuto kang magmahal muli... mahal na mahal kita...." ang sambit ni JC...

Nagtaka ang sina Karen at May sa mga matalinghagang sinasabi ni Jc.... bakit niya nasabi ang mga salitang iyon? anong kinalaman niya kay Karen?  Biglang nawala ang nakakpangilabot na hangin sa silid at biglang bumulagta ang katawan ni JC sa sahig.....

"Ay Diyos ko po... Brother JC.... anong nangyari sayo....tulong!!! tulong!!!" ang sigaw ni May....

Biglang sumagi sa isip ni Karen... hindi si Jc ang nagsalita ilang sadali lamang ang nakalipas.... batid nya na ito ay ang kaluluwa ni Rap2x na sumapi kay JC....at nagsalita si Karen. 

"Rap2x mahal ko.... alam ikaw yung nagsalita kanina.... mahal... patawarin mo ako.... mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon.... magparamdam ka naman ulit....." ang sambit ni Karen

Hindi na muling nagparamdam ang kaluluwa ni Rap2x.... Biglang pumasok ang ang iba pang mga tao sa mula sa labas para  alamin kung anong nanyari.... narinig nila ang pagsigaw ni May at paghingi nito ng tulong.... Agad na kinuha ang katawan ni JC na walang malay... inalalayan si May ng mga kasamahan nila.... samantala si Benjie ay agad na nilapitan si Karen para yakapin ito habang umiiyak....

"Karen.... mamahalin kita kahit anong mangyari... sana tanggapin mo ako sa kung sino ako....sana..ipaglalaban kita..." sambit ni Benjie...

Nakatulala lang si Karen habang niyayakap siya ni Benjie...

Samantala.... ang kaluluwa Cecilia at Maura ay nag aalala sa nangyari kanilang apo na si JC..... kasama si Lady ay nag karoon sila ng pag uusap....

"Ganyan pa rin si JC... pumapayag pa rin sya na sapian siya ng kung sino... para man lang makatulong... sadyang matulungin... si JC at may third eye sya... pag may mga mabubuting kaluluwa sa paligid na may gustong iparating sa mga buhay ay handa syang ialay ang katawan nya... " sambit ni Maura...

"Pero ate.... nag aalala pa rin ako.... sana di nasakatan ang apo natin.... " sagot ni Cecilia...

"Maayos ang kalagayan niya.... alam ko yan.." sambit ni Maura

"Teka lang ibig niyong sabihin alam ni JC na sumapi ako sa kanya kanina sa pakikipag usap kay Jam at Santi... ?" tanong ni Lady..

"Malamang iha.... alam niya mabuti kang kaluluwa kay pumayag sya.." sambit ni Cecilia

" Bakit di nyo naman sinabi sa akin agad...? nakakahiya naman..... baka nasaktan ko sya..." sagot ni Lady

"Huwag kang mag alala iha.... di sya nasaktan..." sambit ni Maura...

"Kailangan na namin umalis ni ate Maura dito sa mundong ibabaw...tapos ang ang misyon namin....paalam Cupid Lady...." sambit ni Cecilia

"Wait.... alam nyo... na...." sagot ni Lady ngnit pinutol ni maura ang pagsasalita niya...

"Na isa kang cupid.... oo iha.... alam namin from the moment na nakilala ka namin sa hanging coffins....kakaiba ka.... alam namin na may iba ka pang misyon.... alam namin na ikaw ang sagot sa dasal namin.... yung paghula mo sa full name ni JC.... that was just a stupid thing... para matest lang ang willingness mo to do your job.... Lady ako din ay isang Cupid.... pero ako natapos ko ang misyon ko bago ako mag 20... si Cecilia at ang kanyang naging asawa ang aking naging fifth pair... ang saya saya ko nun.... kasi makakapamuhay na ako ng normal....ngunit nag pasya ako na maging single forever.... ikaw din...sana ma complete mo din ang iyong mga pairs..... para makapamuhay ka na ng normal.... mabubuhay ka ulit lady.... malapit na yang magyari..... " salaysay ni Maura..

"Ate... tayo na... kailangan nating makahabol sa huling bihaye" sambit ni Cecilia..

"Lady... ikaw na ang bahala kay May at JC... alam ko isa sila sa mga magiging pairs mo... paalam iha....." sambit ni Maura...

"Salamat po.... promise po.... susubaybayan ko si JC at May....paalam po.... maligayang paglalakbay.... " sambit ni Lady....habang umiiyak....

Biglang lumiwanag ang paligid.... at nakita ni Lady ang paghayo ng dalawang matatandang kaluluwa... habang kinukuha sila ng liwanag...

Pagkatapos matunghayan ni Lady ang pag alis ng dalawa ay agad niyang pinuntahan si Benjie sa isang silid kung saan naroroon si Karen na mahimbing na natutulog.... pinagmamasdan ni Benjie si karen habamg dumadaloy ang luha mula sa kanyang mga mata....

"Kuya Benjie.... " sambit ni Lady

"Ma'm Lady... bakit ganon? parang unti unti kang nawawala sa paningin ko...." sagot ni Benjie...

"Ano? pano? ...kuya benjie... kuya benjie..." sambit ni lady.

Unti unting nawalay sa paningin ni Benjie si Lady.... para ba itong nilamon ng isang mausok na liwanag....

Samatala sa Laguna....

"Nurse!!  Nurse!!" malakas na sambit ni Melvin habang papalapit sa nurse station ng hospital kung saan nakaratay ang katawang lupa ni Lady..

"Sir... bakit po?" sambit ng isang nurse....

"Gumalaw na po ang mga daliri ni Lady... baka naka recover na mula sa coma... please tumswag kayo ng doctor...." sambit ni Melvin.....

Magigising na kaya si Lady mula sa pagkakaratay? Ano kaya ang magiging epekto ng mga pangyayari sa Sagada sa kanyang misyon?

Abangan ang nalalapit na pagtatapos sa mga susunod na kabanata.....