Mula sa outreach ay dumerecho muna sina Paulo at Melvin sa isang coffee shop para pag usapan ang nangyari sa evacuation center. Hindi kasi nila maintindihan ang mga nangyayri kay Lady kayat hindi sila mapalagay at kailangan malaman nila ang totoong dahilan sa mga kakibang kilos ni Lady. Nag usap ang dalawa over a cup of hot coffee and a pair of donuts.
'"melvs anu kaya nangyayari ke lady... me iba talga sa kanya... "
sambit ni paulo
"sabi ko nga.. me iba cyang mahal... pansin ko naman..."
sagot ni melvin
"owwws talaga lang ha.. kanino?.. wala namang nababanggit sa akin yun... nde naglilihim un sa amin ni Ben"
sambit ni Paulo
"Pau.... i dont know if your just too blind to know or you dont want to entertain the fact taht lady is in love with Ben.... alam ko sa mga tingin pa lang.... iba basta iba ang tingin nya kay Ben"
sagot ni Melvin..
"Thats impossible... wala kaming taluan... matagal na naming promise yan... mga bata pa lang kami... "
sambit ni Paulo
"pau... mag karoon man kayo pact o wala... hindi nyo mapipigilan ang mga sarili nyo na ma in love... palagi kayong magkakasama.... matibay ang friendship nyo... hindi maiiwasan na mag flourish into love"
sagot ni Melvin
"haist so complicated.... ewan ko ba.... pero may iba pa rin sa kanya.. nde normal eh.."
sambit ni Pau...
"basta ako..... hindi ako susuko... imposible na sila ni Ben dahil anjan na si Che... kahit sinabi nya pa na wala na akong pag asa.... dapat maging persistent lang ako..."
sagot ni melvin
"yan dapat ang spirit... ano gusto mo... sundan natin sya... kasi me gusto din kasi ako malaman sa mga pinagagawa nya ngayon"
sambit ni Paulo...
"ano i sstalk nayin sya? bawal yan ah... baka lalo cyang magalit sa akin"
sagot ni Melvin
"cge na... concern lang ako sa bff ko... alam mo ngayon lang ako nag alala jan... kasi alam ko naman independent minded yan... kaya nyang ipaglaban ang sarili nya... pero ngayon me something na nag papahina sa kanya..."
sambit ni paulo
"panu.... ?"
tanong ni melvin..
"gamitin natin ung auto mo...tapos kung san man sya mag punta... sundan natin... bukas wala naman tayo practice..."
sagot ni paulo.
"naku alam ni lady ang plaka ng auto ko.... hiramin ko na lang ke daddy..."
sambit ni Melvin...
"cge cge... "
sagot ni paulo
"o cya umuwi na tayo...at gabi na"
sambit ni Melvin.
"cge... teka lang... me plastic ka ba jan? babalot ko lang tong natirang donut... di ko na maubos"
sagot ni Paulo
"anu ba yan.... e di pa pabalot mo dun sa counter..ikaw talaga."
sambit ni Melvin
Pagkatapos ay umuwi na nga ang magkaibigan...Habang pauwi sila iniisip pa din ni Paulo kung ano talaga ang nangyayari sa kanyang kaibigan... alam niya sa puso nya....na me nangyayariing hindi tama sa kaibigan nya.. Naisip din Paulo ang sinabi ni Melvin... tungkol sa pagkaka inlove ni Lady kay Ben..palaisipan pa rin sa kanya yun.... maaring sa sobrang close nila sa isat isa ay hindi na napansin ni Paulo na may pag tingin na pala si Lady ke Ben....
Samantala... Kinabukasan, mga 8 ng umaga ay me tumawag ke Lady at ito ang gumising sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Nang kanyang tingnan ang kanyang cepllphone ay nakita nya na si Rosalie ang tumatawag..Agad nya itong sinagot at ito ang kanilang naging pag uusap...
Lady: Hello Tita Rosalie... napatawag po kayo..
Rosalie: Lady may favor sana ako sayo..
Lady: Ano po un tita?
Rosalie: Pwede ba ako makahiram ng koche nyo... wala kasi ako makitang mag ddrive para sa akin me pupuntahan lang kasi ako...importante lang..
Lady: Sure Tita... pero Tita wala po si Kuya Billy ngayon... naka day off cya.. ako na lang po magddrive para sa inyo...
Rosalie: Naku.. nakaka abala pa ako sayo eh... at teka lang me lisensya ka na ba kaka 18 mo lang ah...
Lady: Naconvert na po ang student lisence ko to non pro... at tita matagal na po ako nag ddrive...
Rosalie: Sigurado ka ba?
Lady : Opo.. sunduin ko po kayo jan sa bahay nyo...
Rosalie: Thanks Lady..
Pagkababa ni Lady ng kanyang cellphone ay agad syang naligo para masundo niya si Rosalie.. Iniisip nya kung ang lakad na ito ay ang pakikipagkita ni Rosalie kay Eduardo....
Pagkalabas ng gate ng bahay nina Lady ay nakaabang sina Paulo at Melvin sa isang malayong distansya.... itinuloy na nila ang kanilang balak sundan si Lady.... nag usap ang dalwa habang pinagmamsdan ang kotse ni lady na lumabas....
"Naku koche ni lady un ah...saan kaya sya papunta... "
sambit ni Melvin..
"halika sundan natin... hwag natin hayaang makalayo..
sagot ni Paulo
Sinundan nga nina Paulo at Melvin si Lady... hanggang sa makarating ito ng Calauan para sunduin si Rosalie...Pagkadating sa bahay nina Rosalie ay pumasok ng saglit si Lady.....
Nang lumabas ng bahay si Lady ay kasabay nya na si Rosalie.... Habang patuloy pa rin na nag mamatyag sina Paulo at Melvin...
"Si ate rosalie un ah... un ung madre na nag volunteer sa evacuation center kahapon"
sambit ni paulo
"Oo nga.. bakit cla magkasama ni Lady.... ?"
sagot ni melvin
"Me relasyon kaya ang dalwa?... naku shibuli si Lady?"
pabirong sagot ni Paulo.
"Ano ka ba... hindi tomboy si Lady.... or baka naman mag mamadre na cya.... naku naman.... mas lalo akong mawawalang ng pag asa nito.."
sambit ni melvin.
"at wala ding balak mag madre yan... wala sa bucket list nya ang maging madre ano... naku ayan paalis na sila... sige na sundan mo na ulit...
sagot ni paulo
Samantala, pagkasundo ni Lady kay Rosalie ay nagtungo sila sa evacuation center para daanan si Eduardo....
Habang naglalkbay sila patungong evacuation center ay may sinabi si Rosalie kay Lady
"Lady.... si Eduardo..ung tatay ng batang me sakit dun sa evacuation center... sya ung lalakeng nag ligtas sa akin mula dun sa snatcher nung 1st night ko sa Laguna..Gusto ko sana cyang tulungan.... maxado cyang malayo sa Diyos...binibigyan sya ng mga pagsubok ng Diyos para marealize nya na kelangan nya ulit tumawag sa Kanya....hindi pa nya nakikita un sa ngayon.... Hindi sya masamang tao.... actually.. hindi nya anak ang dalawang bata... napulot lang nya ang mga ito....inabandona ang mga ito ng mga magulang nila.... pero sya.. pinili nyang buhayin ang mga ito.... maging siya din kasi ay inabandona din ng kanyang nanay...
salaysay ni Rosalie..
Kahit alam na ni Lady ang kwentong kanyang narinig mula kay Rosalie ay natutunaw pa rin ang puso nya habang pinapakinggan ito... nakaramdam din sya ng awa ke Eduardo
"Talaga po.... ang bait pala ni Eduardo.... ano po balak nyo... panu nyo po sya tutulungan...?
sambit at tanong ni Lady...
"Sya ang pupuntahan natin sa evacuation center... basta pag drive mo lang ako... me inatasan na din ako magbabantay ng mga anak nya...ipagdrive mo lang ako ha... me pupuntahan lang tayo na maaaring makapagpa bago ng buhay ni Eduardo"
sagot ni rosalie
Nang dumating sila ng evacuation center ay agad sumakay si eduardo sa sasakyan ni lady...
Habang nakaupo si eduardo sa back seat ay pinag masdan nya mukha ni Lady...
"neng parang pamilyar sa akin ang mukha mo.... nagkita na ba tayo...."
sambit ni Eduardo ke Lady..
"ay sorry di ko pa pala kayo napakilala sa isat isa ...si Lady pala family friend namin...Lady si Eduardo.... kilala mo na cya..."
sambit ni Rosalie..
"kilala ko na talaga sya.... ako po ung nag sauli sa inyo ng drivers lisence nyo na napulot ko malapit sa bench sa may hospital.."
sagot ni Lady..
"salamat ulit Ineng ha..."
sambit ni Eduardo. .
Samantala... nakasunod pa din sina paulo at melvin sa isang safe distance..
"nakita mo ba ung pumasok sa kotse kanina di ba un ung tatay ng sanggol na may sakit sa evacuation center?"
sambit ni melvin
"bakit kaya kasama nila un?
sagot ni Paulo
"basta sundan na lang natin"...
sambit ni Melvin
Nag drive si Lady hanggang sa makarating sila sa Lipa, Batangas... nag tungo sila sa isang simbahan kung san naroroon ang isang kaibigang pari ni Rosalie....
Bumaba sina Rosalie, Lady at Eduardo mula sa kotse....
"Lady... iwan mo muna kami dito... may malapit na coffee shop jan sa may kanto... dun mo na lang kami antayin..bawal kasi magpark dito malapit sa gate ng simbahan ok lang ba?"
sambit ni Rosalie..
"Ok no problem po.."
sagot ni Lady.
Agad na nag drive si Lady papuntang coffee shop....
Habang nag ddrive ay binuksan ni Lady ang kanyang cupid pad para subaybayan ang mga pangyayari sa kanyang 1st pair
Agad namang sinundan nina Melvin at Paulo si Lady papuntang coffee shop..
Samantala.. si eduardo ay nag tataka kung bakit sya dinala ni Rosalie sa isan simbahan.
"Anong ginagawa natin dito"
Tanong ni Eduardo ke Rosalie.
"Di ba sabi mo me tiwala ka sa akin..mag tiwala ka lang... halika pumasok tayo...
sagot ni Rosalie habang hawak ang kamay ni eduardo at hatak hatak papasok ng simbahan...
"Hindi ako papasok jan..."
galit na sambit ni Eduardo
"Mangugumpisal lang tayo... tapos iappakausap kita ke fathet Derek... hindi lang sya isang pari... isa din syang spiritual adviser.. matutulungan ka nya na mapalapit ang loob mo sa Diyos... kailangan mo to eduardo... mabuti kang tao hindi ka pababayaan ng Diyos..."
sagot ni Rosalie
"ano ba ang akala mo sa akin ha... kriminal... demonyo...akala ko ba di mo ako huhusgahan... hoy para sabihin ko sayo wala kang karapatan na pangunahan ako sa mga desisyon ko sa buhay... sino ka ba? kakakilala lang natin...
galit na sambit ni eduardo
"Ano bang balak mo sa buhay mo? ano ipapakain mo sa mga anak mo? ... gusto mo bang maging ganyan habang buhay?
sagot ni Rosalie
"Ang maging ano? ang maging puta habangbuhay... ..para sa mga anak ko... lahat gagawin ko... alam mo kung ano ang hinding hindi ko gagawin? ang lumapit dyan sa Diyos mo.... ang dami ko ng naranasang kahirapan sa buhay.. nung inabandona ako ng nanay ko.... nung mga panahon na wala akong makain....may Diyos bang umagapay sa akin
.. ni anino ng Diyos mong yan... di ko nakita... di ko naramdaman...kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin na magbalik loob dyan sa Diyos mo... dahil kahit kelan... wala naman Diyos na pumasok sa buhay ko...
Sambit ni Eduardo habang dumadaloy ang luha mula sa kanyang mga mata...
"huwag kang magsalita ng ganyan... lahat ng nararanasan mo ay mga pagsubok lang ng Diyos sayo.... "
paiyak na sagot ni Rosalie ..
"Nasasabi mo lang yan dahil di mo naman naranasan lahat ng naranasan ko.... ipinanganak kang mayaman at nung lumaki ka na at nagsawa sa.buhay mo ay pumasok ka ng kumbento para magdasal ng magdasal.... eh ako... lahat lahat ng meron ako ngayon.. kelangan ko muna gumapang bago ko makuha... kailangan ko muna ibenta ang sarili ko... kulang na lang mamlimos ako...
sambit ni Eduardo...
Bigalang umalis si Eduardon palabas ng gate ng simbahan... agad siyang sinundan at hinabol Rosalie...
"Eduardo .. eduardo.. sandali lang... gusto ko lang naman na mapabuti ang buhay mo....
Sambit ni Rosalie... habang hawak ang kamay ni eduardo....
"Wala kang karapatan na husgahan ako... akala ko iba ka... pero katulad ng ibang taong mapang husga... bakit ikaw ba... kahit madre ka hindi ka nagkakasala... bakit hindi ka ba tinatablan ng libog sa katawan mo.... anong gusto mo ha... sunod ka ng sunod sa akin eh... gusto mo ba makatikim...
galit na sambit ni eduardo
Biglang nasampal ni Rosalie si Eduardo ng di nya sinasadya....Umiiyak syang matindi dahil masyado syang nasaktan sa sinabi nito....
Natauhan naman si Eduardo mula sa matinding galit pagkatapos nyang masampal ni Rosalie....
Agad na tumakbo si Eduardo palabas at palayo sa lugar ng simbahan... nadaanan nya ang coffee shop na kinaroroonan ni. Lady at ang kotse ni melvin kung saan patuloy na nagmamatyag ang dalwa ke lady....
Samantala..habang pinapanood ni Lady ang mga pangyayari mula sa kanyang cupid pad ay lumuluha cya ng matindi.... masyado syang nasaktan sa pag uusap ng dalawa....
Nasisilayan naman ni Melvin at Paulo mula kanilang pagkaka park si Lady na umiiyak habang pinanonood ang mga nangyari mula sa kanyang cupid pad...
"naku bakit sya umiiyak..lapitan kaya natin?
sambit ni Melvin
"wag.... mabibisto tayo na sinusundan natin..baka naman naonood lang ng koreanobela ay nadala sa mga eksena.. paborito nya un eh... sya...halika na alis na tayo baka mapansin tayo dito...
sagot ni Paulo
"ok cge..
sambit ni Melvin....
Umuwi sina Paulo at Melvin na nag tataka pa rin sa mga kinikilos ni Lady...Napansin ni Melvin na si Paulo ay walang imik habang nag ddrive sya pauwimmm hinyaan nya na lang ito at hinatid pauwe sa kanilang bahay...
Samantala dumating na si Rosalie sa coffee shop....na umiiyak... agad siyang nag yaya kay Lady na umuwi...
Nagusisa sya kay Rosalie kung anong nangyari kahit alam naman nya ang lahat....ngunit tumanggi si Rosalie na lag usapan ang mga ito....
Umuwi ang dalwa sa Laguna na may bigat sa damdaming dinadala..