webnovel

May

Ang kaluluwa ni Lady ay agad dumerecho sa Calamba para hanapin ang pamilya San Pedro...nagtungo siya sa isang barangay sa clamaba kung saan mas malimit mayayaman ang nakatira... alam ni Lady mayaman ang pamilya San Pedro....mabubuting tao ang mga ito... ayon sa kanyang tatay tommy. hindi man nya personal na nakilala ang mga ito marami na ring naging mga contribution ang pamilya sa social welfare offices hindi lamang sa calamba kundi sa buong laguna... sa katunanyan ang pamilya san pedro ang isa sa mga contributors ng evacuation center na pinagawa ng kanyang tatay tommy... kaya hindi lubos maisip ni lady na kung ang bunsong san pedro nga ang nagddrive ng pulang altis, malayo ito sa pagkkakailala niya sa pamilya.

Pumasok si Lady sa bahay ng mga san pedro... napansin niya na may nag tatalo sa living room... naroon ang mag asawang Evelyn at Ruel kausap ang bunsong anak nila na si May....nakikinig si Lady habang nag tatalo ang mga ito...

Ruel: Bunso... bakit naman ganun... ? tama naman pagapapalaki namin sa iyo... kung hindi ka namin nakita ng mommy evelyn mo siguro wala ka na sa amin nayon... anak... sabihin mo ano ba problema?

Evelyn: Anak.... please... 3 years ka nang lutang... binibigyan ka na namin capital para makapag simula ng negosyo.. para makapag libang at maaliw ka... kaso wala pa rin... at may balak ka pang wakasan ang buhay mo.... anak.... hindi ko kayang mawala ka... sabihin mo na kasi... ano ba ang problema.... ? hindi naman kami nag kulang ng daddy mo sayo...

May: Kaya nga po... ayaw ko na mahirapan kayo.... masama ako.... matagal na akong masama... anak nyo ako... pero di nyo ako kilala.... marami akong insecurities... maraming gumugulo sa akin... wala na akong pagasa... kaya tingin ko kalilangan ko ng mawala sa mundong ito...

Ruel: Anak wag ganon... lahat tayo me purpose sa mundo... kung kaya ko lang akuin lahat ng sakit na nararamdaman mo... aakuiin ko na lahat... wag ka lang mahirapan....

Evelyn: Bunso.... tungkol pa rin ba ito sa nobyo mo? anak matagal na yun....kailanagn mo na talga mag move on... hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo.... nandito pa kami ng pamilya mo... ang ate at kuya mo... sana maramdaman mo na nandito lang kami sayo...

May: Sorry Mommy.. Sorry Daddy... ang hirap ng nararamdaman ko... hindi po ako natatahimik...

Biglang nag walk out si May sa kanilang living room patungo sa kanyang kwarto...

Naiwan ang mag asawang san pedro sa kanilang salas na nagtataka pa din sa dahilan ng pagkka depress ng kanilang bunsong anak....

Si Lady ay pautuloy nag mamatyag sa isang sulok.... nakaramdam si Lady ng awa kay May...Biglang nag dalawang isip si Lady kung si May nga talaga ang nagddrive ng pulang altis na naging dahilan ng kanyang pagkakaratay... ang panlabas na imahe ni may ay larawan ng isang babaeng mahinhin at sweet.... habang ang altis na kanilang muntikan ng makasalpukan ay parang minamaneho ng isang lalaking lasing.... marami nang pumasok sa isip ni lady hanggang sa narinig niya si Evelyn na nagsalita...

"Kailangan ni May ng psycological help... masakit mang isipin na naapektuhan na ng pagkakadepress nya ang kanyang utak... iba na sya mag isip daddy....naaawa ako sa anak natin" sambit ni Evelyn

"Mommy ang kailangan ni May ay makawala sa kanyang insecurities.... masayahing bata sya pero hirap syang magtiwala... gawa din siguro ng nasaksihan nya ang mga kasalanan at pambababae ko dati.... pero mommy... lubos na pinagsisihan ko yun.... parang hinahambalos ako ng sankalan sa mukha ko pag nakikita ko ang bunso ko na nagkakaganyan... para bang...sya ang naging parusa sa akin ng Diyos... " sagot ni Ruel

Biglang nagyakapan ang mag asawa.... habang dumadaloy ang luha sa knilang mga mata..

Sa isang sulok habang nasasaksihan ni Lady ang hinagpis ng mag asawang san pedro ay parang dinudurog ang puso nya... naalala niya ang kanyang nanay tina at tatay tommy. Inisip niya... maswerte pa din sya at di nya nararanasan ang mga nangyayari kay May... Bigalang naisip ni Lady... Hindi na lang to tungkol sa pagreresolba sa kaso na maaaring kinasasangkutan ni May o di kayay sa pag didiscover sa kanyang 2nd pair... may mas malalim na misyon pa siyang kailangan gampanan....

Patuloy na nagmamatyag si Lady sa bahay ng mga San Pedro... tatlong araw niyang nasaksihan ang pagkaka depress ni May.... palaging di kumakain at umiiyak ang dalaga.... sa di alam na dahilan.... may mga pagkakataong nag riring ang cellphone niya ngunit hindi niya ito sinasagot..... hanggang sa isang araw may kaisa isang tawag na kanyang sinagot mula sa kanyang bestfriend na si Xane.

May: O ano.... wala ako time makipag usap ..

Xane: Hay naku... sawang sawa na ako sa depress depressan effect mo ha... ano... labas tayo at may ibibigay ako sayo....

May: Saka na lang... ayoko muna mag lalalabas....

Xane: Tigilan mo nga ako... kung hindi ka magpapakita sa akin pupuntahan kita jan sa inyo at sasabubutan kita... uubusin ko yang bol2x mo...

May: Oi loka2x wala akong panahon sa mga joke2x mo.... ok cge para matahimik ka.... magkita tayo sa tindahan namin sa bayan.... malapit lang yun sa inyo....ayoko muna pumunta sa mga matataong lugar...

Xane: Matao din kaya sa tindahan nyo.... ewan ko sayo... naapektuhan na ta utak mo sa kadepressan mo... o sya sige... go.. kitakits later...mga 3 pm ako pupunta dun...bye ..

Malaki ang tiwala ni May sa kanyang matalik na kaibigan na si Xane...Sabay silang lumaki at nag dalaga.... alam ni Xane lahat ng secreto ni May pati ung mga hindi niya kayang ipagtapat sa pamilya niya..

Nagkita ang dalawa sa back office ng grocery store ng mga san pedro sa may bayan ng calamba... Habang si Lady ay sinusundan pa din si May kung saan man siya mag punta..... Nag usap ang dalwa sa office ng Daddy Ruel ni May....

"Tagal ko ng di nakabalik dito... ang laki ng pinagbago ng opisina ng daddy mo....malaki siguro kinita ng tindahan nyo for the past few years... " sambit ni Xane..

"May pinagbago o wala pareho pa rin naman.... negosyo... pera... un lang... wala ng mas malalim na dahilan..." sagot ni May..

"At kelan ka pa naging pilosopo....ipapa alala ko lang sayo... etong tindahan na to ang bumuhay sayo... hindi lang pera ang pinuhunan ng mga magulang mo dito.... dugot pawis... at pagmamahal sa inyo ang inalay nila para mapalaki ito.... kaya wag kang nega jan.." sambit ni Xane habang nakirap ang mga mata..

"Dami mong sat2x... ano ba bibigay mo sa akin..." sagot ni May

"Eto... buksan mo" sagot ni Xane... sabay abot kay May ang isang envelop....

"Ano to?" tanong ni May...

"Buksan mo naman muna kasi.." sagot ni Xane...

Binuksan ni May ang envelop nakita niya ang tour package passes for 2 patungong SAGADA..

"oh.... talaga... thank you friend..pero im not ready to travel...at teka lang para sa inyong dalawa ni Van to... bakit nyo bibigay sa akin...?" tanong ni May.

"well nag bago plans namin... im pregnant magiging tita ka na ulit... sabi ng doctor...1st trimester... bawal muna magtravel.. alam mo naman ako delikado mag buntis..kaya yan bibigay na lang namin sayo ang passes... pwede kang magsama ng kahit sino.... for 2 naman yan... " sagot ni Xane

"talaga... im so happy for you friend.... but....no... no.. thank u..... im better at home these days...very generous friend... pero no.." sambit ni May....

"How can you say no to Sagada.... napakatahimik na lugar... pwede kang magnilay2x... makakapag isip ka ng mabuti... May you need this... alam natin pareho un.... sa mga pangyayari sa buhay mo ngayon... kailangan mo ng breather... at hindi lang ito isang ordinary tour... isa din itong retreat... may mga madre kayong kasama... para mag sagawa ng retreat.... "  sambit ni xane..

"At sino naman isasama ko? Xane di pa ako ready humarap sa Diyos... sa laki ng kasalanan...ko.... " sagot ni  May

"Its about time to let go.... baka dun makalimutan mo na si Miguel... isama mo si Karen... " sambit ni Xane .

"Si Karen.... " sagot ni May

Biglang matahimik si May na parang naapektuhn sya sa panagalan ni Karen....Si Karen ay head cashier ng kanilang grocery store... pinasok siya ni May bilang cashier sa kanilang Tindahan 3 years ago.. at na promote ito as head cashier nila... close si Karen kay May.... parang kapatid ang turing niya dito...

"..hoy.... May...tulala ka na naman...alam mo ang ibig kong sabihin... kailangan mo na harapin ang lahat.. the truth will set you free.... binbagabag ka ng konsyensya mo... kaya ka depress... baka dun sa sagada... maipagtapat mo lahat sa kanya.... please pag isipan mo iiwan ko muna yang mga passes sayo.... mauna na ako... may check up pa ako..." sambit ni Xane..

Nang unalis si Xane sa tindahan ay nagisip ng malalim si May.... umiiyak siya habang naktulala ....

Habang naka matyag si Lady sa buong pag uusap ng magkaibigan ay maraming tanong na pumasok sa isip niya... ano kaya talaga ang lihim  ni May... Ano ang kinalaman ni Miguel at Karen dito...Mayat maya pa ay pinatawag ni May si Karen ...

"ate karen... nakapunta ka na ba ng sagada...?"

tanong ni May...

"ay hindi pa po.... gustong gusto ko ngang pumunta dun.... kaso walang budget...teka lang po bat nyo po natanong " sambit ni Karen

"sama ka sa akin.... me tour passes na binigay si xane... for 2 kasi.... wala akong ibang misip isama... busy sina mommy.... " sambit ni May

"pano po work ko dito...mejo marami lang tatapusin..." sagot ni Karen...

"ako na bahala jan... baka dun mahanap mo na ang iyong forever... para makalimutan mo na din ang mga pangyayari noon....at ako din baka me forever ako dun.... " sambit ni May..

"kayo po bahala maam... " sagot ni Karen....

Pumayag na nga si Karen na sumama kay May sa Sagada..... Agad bumalik si Lady sa Bahay nila sa Los Banos para ibalita kay Benjie ang mga developments... Dumating si Lady sa bahay nila ng hating gabi... bigla siyng pumasok sa kwarto ni Benjie... at ginising ito mula sa mahimbing na pagkakatulog....

"Kuya Benjie... Kuya Benjie....gising.... " sambit ni Lady...

Nagising si Benji at nagulat sa kanyang nakita...

"Diyos ko po multo....!!!! hay naku Maam Lady.... bakit naman bigla bigla ka na lang sumusulpot...nakakagulat naman po kayo... akala ko kaluluwa ng manananggal ang nakita ko..." takot na sambit ni Benjie ..

"Kalahati pa rin ag tingin mo sa akin.... wierd talaga yan..." sambit ni Lady

"Opo... nakakagimbal po...." sagot ni Benjie...

"May latest developments.... kilala ko na ang bunsong anak ng mga san pedro....May ang oangalan niya... pupunta sa Sagada si May at ang empleyado sa kanilang tindahan na si Karen... sa tingin ko malaki kinalaman ni karen sa lahat... kung nandun man siya sa pinangyarihan ng aksidente o wala... malakas ang kutob ko... me sagot tayong makukuha sa kanya... kuya... kailangan mong makasama sa tour.... " sambit ni Lady...

"Pano po yun...ano idadahilan ko sa mga magulang mo.... at sigurado ako fully booked na yang tour na yan.... sa dami ng nag totour sa Sagada... nag driver din po kasi ako ng Van dati... kaya alam ko po kalakaran jan...?" sagot ni Benjie...

"OMG... kuya benjie.... your so genius... kailangan ikaw ang magiging driver ng van nila papuntang Sagada.... " sambit ni Lady..

"Pano po yun..? may driver na un sigurado..... " sagot ni Benjie...

"Ako na bahala dun... di ba multo ako...kaya ko controlin ang mga bagay2x... at tungkol naman sa pag papaalam mo kina nanay at tatay.. sabihin mo na lang na kailangan mo umuwi ng province para mabisita si kuya billy..." sambit ni Lady...

"sige po maam... alam ko po kaya po kita nakikita bilang isang kaluluwa ay may purpose ito.... handa po ako tumulong sa anu mang paraan... basta wag lang po kayong bumitaw maam.... kailangan nyo po mabuhay...." sagot ni benjie...

"salamat kuya benjie... salamat....sige po maiwan ko na po kayo.... samakalwa ang biyahe nila pa sagada... ako na bahala ikaw ang magiging driver ng van.. kaya natin to....aja! ihanda lang natin mga sarili natin sa mga madidiskubre natin doon"....sambit ni Lady....

Hinintay ni Lady hanggang sa makatulog ulit si Benjie bago niya nilisan ang kanilang bahay.... pagkaalis ay pinuntahan niya ang kanyang katawang lupa sa hospital... Nakita niya doon ang tatlong lalaking nagmamahal sa kanya.... si Ben, Paulo at Melvin... bakas sa mga mukha nito ang sobrang kalungkutan.... habang pinagmamasdan niya ang tatlong binata ay sinabi niya sa kanyang sarili....

"Mabubuhay ako para sa inyo.... kapit lang lady.... kapit lang.... "

Abangan.....