webnovel

Light and Shadow

Masayang bumalik sa retreat house ang mga bakasyonista..... manghang mangha sila ganda ng Sagada...Pagkatapos nilang pumunta sa hanging coffins ay marami pa silang napuntahang mga attraksyon..... Patuloy lamang silang pinagmamatyagan ni Lady... buo na ang plano niya kay May at JC.... maaaring ang dalawa na ang kanyang 2nd pair... Habang nag mamatyag sa mga bakasyonista ay may bigla syang naalala na sinabi sa kanya ni Prof A... Sa kanilang pag uusap sa starbucks paseo bago ang accidente ay sinabi sa kanya no Prof A na kailangan bantayan nya ang bawat pangyayari sa buhay nya sa mga susunod araw dahil maaring ito ang magdadala sa kanya sa kanyang 2nd pair at sa iba pa nyang magiging pairs... muling nabuhayan ng loob si Lady... kailangan maisakatuparan na niya ang kanyang mga plano...habang siya ay nag iisip ay bigla niyang narinig ang boses ni Benjie.....

"Maam Lady... ui...Maam Lady..." bulong ni Benjie...

"Ui kuya Benj... nakakagulat ka naman..." sagot ni Lady...

"Pambihira... ikaw lang ung multong ngugulat eh.... dapat ako nga ang magulat sayo eh.... nga pala.... kanina nakita kita... nagsasalita ka po mag isa..... me kinakausap ka dun malapit mga hanging coffins... may ibang kalukuwa ka bang nakita dun?" sambit at tanong ni Benjie...

"Hay naku kuya benjie.. alam mo namang... di pa ako multo talaga... me buhay pa ang katawang lupa ko... Oo me nakausap akong dalawang matandang multo... pero may tinanong lang ang mga yun...sa akin..wag kang mag alala sa mga yun... teka... di mo sila nakikita? Nakikita mo ako.... kaya i assume nakikita mo din sila...kahit kalahati lang ng katawan nila.... " sambit at tanong ni Lady..

"Hindi po maam kayo lang po talaga nakikita ko... " sagot ni Benjie...

Hindi na dinetalye ni Lady ang mga napag usapan nila nina Maura at Cecilia dahil itoy may kinalaman sa kanyang misyon bilang isang cupid... ito ay di dapat malaman ni Benjie.... ang kailangan niyang ibahagi kay Benjie ay ang plano nya para kay May...

"Anyways Kuya.... kelangan na nating i fast track lahat... kailangan malaman ko na ang lahat tungkol kay May..... kung sya ba talaga ang nagmamaneho mg pulang altis na naging dahilan ng ating pagkaka accidente natin... mamaya....may one on one ang mga participant ng retreat sa kanilang retreat master.... balak kong pumasok sa loob ng katawan ng retreat master at kontrolin ang lahat... sa ganoong pagkakataon baka mapaamin ko si May..." sambit ni May..

"Naku maam delikado yan..baka masaktan mo ang taong sasapian mo.... Sigurado na kayo sa plano nyo? " tanong ni Benjie

"Kailangan na Kuya... nauubusan na tayo ng oras..." sambit ni May....

"O cya sige maam. lagi mo lagi nyo lang ingatan ang katawang sasapian nyo po... delikado para sa kanila un..." sagot ni Benjie...

Samantala ang buong grupo ay nagtipon tipon sa retreat hall....  marami sa kanila ang nag uusap tungkol sa kanilang mga naging natunghayan sa tour.... hinihintay nila ang retreat master at si Sister Rosalie para pangunahan ang retreat....ang kaluluwa ni Lady palagi lang nakamatyag kay May... kung saan man ito ay nandoon siya...sa isang table kapansin pansin ang lungkot sa mga mata ni Che... tila ba ito ay may malalim na iniisip....napansin ito ni May....nilapitan cya nito at kinausap...Si Lady ay mesa tabi lamang dalawa habang nag uusap...

"Che... kamusta... muntikan ka ng sumuko kanina ah.." sambit ni May

"Oo nga... masama talaga ang pakiramdam ko...nahihilo ako... pero hindi naman ako gutom..." sagot ni Che..

"Pero Che... di nga... bakit ka sumama sa tour na to na mag isa.?..kasi sa lahat ikaw lang talaga ang walang companion.. " tanong ni May

"Mahabang kwento po... kung iniisip nyo if sadness and lonliness ang dahilan kung bakit ako sumama sa tour nato... eh tama po kayo.... iniisip ko.... sa buhay natin... minsan kailangan pakawalan ang isang bagay na alam mong hindi magiging sayo.... dahil sa sa simula pa lang... iba naman ang hindi naman talaga sya naging sayo... pagmamay ari na sya ng iba... nakiki agaw ka lang.... mahal mo.. mahal ka nya pero may feeling of insecurities pa din..." kwento ni Che

"Well... im not in the position to tell you what to do.... kung pag ibig yan ay mejo sablay din ako jan... pero isa lang ang sigurado ako.... pag sinabi ng isang tao na mahal ka nya ay may pinanggaglingan ito.... deep in his heart... may place ka dun.... you just need to have faith...." sambit ni May.... 

"Ginawa at binigay ko naman lahat... I always have faith in him.... pero alam ko... may ibang laman ang puso nya.... pagod na akong makipag compete... di nya matimbang kung sino mas higit.... ang tagal ko nang tinatanong sa kanya... kung sino ba talaga..... kasi kung sakaling hindi man ako ang pipiliin nya.... pakakawalan ko sya.. ng buo.... dahil ako.... sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.... handa akong mag paraya.... para sa kaligayahan nya..... ngunit kailangan ko lang malaman soon... para man lang... makapagsimula na ako sa paglimot sa kanya.... dahil hanggat di malinaw sa akin ang lahat.... patuloy akong aasa... " sambit ni Che habang dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata

"Che.. naiiyak naman ako sayo... kung sino man ang taong tinutukoy mo ay sana he'd be man enough to decide and choose... " sagot ni May sabay yakap sa umiiyak na so Che....

"May.....malamang ikaw may mga dahilan din kung bakit ka nandito.... tayo tayo lang naman... pwed mo i share sa akin..." sambit ni Che..

"Mahabang kwento... pero may kinalaman ito sa isang secretong matagal ko nang tinatago.... maraming tao na akong nasasaktan... hirap na hirap ang loob ko.... insecure din ako.... kaya hirap akong magtiwala..... dahil sa mga lihim dito sa puso ko..... nasasaktan ko ang mga taong mahal ko...mga magulang ko.... kapatid... pati ang ex boyfriend ko... ang totoo.... wala naman talaga akong planong pumasok sa isang relasyon...dahil nga.... hindi pa handa ang pusot isipan  ko... gawa ng lihim na to... kaso.. para man lang makatakas sa mga bangungot ng nakaraan at kailangan kong maidivert ang mga inhibitions ko sa ibang bagay.... ayun pumasok ako sa isang relasyon na walang kasiguraduhan.... marami syang demands na di ko kayang ibigay.... madalas ang pagtatalo namin....hanggang sa isang araw... nakipaghiwalay ako sa kanya... ng walang dahilan... di ko masabi sa kanya ang mga lihim ko..... masyado syang nasaktan..... isang gabi pumunta sya sa bahay namin... para makiusap na balikan ko sya.... kaso... di ko sya hinarap... para mapansin ko sya.... binasag nya ang salamin ng koche ko.... at sinubukan paandarin.... hanggang bumaba ako at pinilit paalisin sya... pero sinabi nya..sya aalis sya pag sumama ako sa kanya da huling pagkakataon... sumama nga ako sa kanya... dinrive nya ang koche ko... pupunta sana kami ng tagaytay... para pag usapan ang lahat... kaso habang nagddrive sya nagtatalo pa rin kami... expressway pa lang ay nagsisigawan na kaming dalawa hanggang sa nakarating kami  ng eton city... doon.. tinangka kung agawain sa kanya ang manibela ng sasakyan.... hanggang sa nainvolve kami sa isang accident sa may boundary ng eton at greenfield.... wala syang nakita pero ako... kitang kita ng dalwang mata ko...me tumawid.... kaya pilit kong kinabig ang manibela.... di ko nakita ma may nakasalubong pala kami.. isang SUV.... bumangga sila sa isang poste... sigurado ako malubhang nasaktan ang mga sakay dun... or maaaring kinamatay nila ito... dumagdag na naman un sa mga burden ko.... minsan naiisip ko... kelangan mawala na ako sa mundong ito...wala akong kwentang tao.... ang sama sama ko...

tinakasan ko ang lahat.... sana mapatawad ako ng Diyos sa mga ginawa ko...at sana mapatawad din ako ng mgavtaomg na apektuhan sa aking kapabayaan....

Habang nagkkwento si May ay unti unting lumuluha si Lady.... malinaw na sa kanya ang lahat.... may kinalaman nga si May sa kanyang sinapit... si Che naman ay na shock sa mga kwento ni May... pinipilit nyang iniisip na gumagawa lang ng kwento si May... ngunit alam nya na ito ay seryoso sa kanyang mga sinalaysay.... hanggang sa kusa na lamang itong naluha.... at bigla na lamang itong tumakbo palabas ng retreat hall....biglang nagtaka si May sa naging reaction ni Che sa mga kwento nya....

Sa isang banda ay hindi makapaniwala si Lady sa kanyang mga nadiskubre kay May...lumingon sya sa paligid para hanapin si Benjie ngunit hindi niya ito mahanap... kapansin pansin din na wala din sa paligid si Karen... Bigla niyang sinundan ni Lady si Che palabas ng retreat hall... sa Labas malapit sa isang matandang puno ay may tinatawagan si lady sa cellphone nya... habanh nag dina dial ni Che ang kanyang cellphone ay nagsasalita ang dalaga....

"Ben.... sagutin mo ang phone please....kailangan mong malaman ang tao sa likod ng aksidente ni Lady... please please...."

Biglang naluha si Lady sa kanyang mga natunghayan.... alam nya may atraso siya kay Che...dahil sa lihim nya na pagmamahal kay Ben... ngunit nalaman nya na concern din pala si Che sa kanya...hanggang sa nasakihan nyang bigla na lamang hinimatay si Che.... gustong lapitan ni Lady si Che para tulungan... ngunit alam nya na wala naman siyang magawa.... usa syang kaluluwa... walang nakakakita sa kanya at makakarinig.....

Si May ang syang tumulong kay Che...sinundan din ni May ang dalaga palabas. Humingi sya ng alalay sa ibang mga participant sa retreat para maihatid si Che sa kanyang kwarto.... Tumawag na rin ng Doctor si  Sis Rosalie para matingnan amg kalagayan ni Che...

Nakamatyag lamang si Lady sa lahat ng pangyayari... naaawa sya sa sinapit ni che... naisip nya... wala syang kwenta... ni hindi nya matulungan si Che... at hindi nya makompronta si May.... kaya hinanap nya si Benjie para ituloy ang susunid nilang mga balak.... ngunit di pa rin niya iyo makita sa paligid...  lumabas siya para hanapin si Benjie... sa lahat ng sulok ng mga lupaing nakapalibot sa retreat house... ngunit hindi pa rin nya ito makita... habang siya ay naghahanap sa bakuran ng retreat house ay muli nyang nakasalubong ang dalawang matatandang kalukuwa na si Maura at Cecilia....

"Aba iha.... wala ka pa atang ginagawa... akala. ko ba tutumungan mo kami na mahanap ngvapo namin ang kanyang future.... " sambit ni Maura

"ah kasi po may iba pa kasi akong inasikaso.... at saka... di ba kakasimula pa lang ng kasunduan natin... dumi diskarte lang ako... " sagot ni Lady...

"Nakita mo na ba ineng? ang babaeng dalawang beses nagkamali....? di ba sya ang nakatakda para sa JC namin... ?" tanong ni Cecilia

"Me mga clue na po ako... pero mejo hindi pa rin ako kombibsido... pasasaan bat malalaman ko din kung sino sya... manalig lang po kayo sa akin" sagot ni Lady

"Bilisan natin iha... tumatakbo ang panahon.. teka lang ano bang ginagawa mo dito...? parang may hinahanap ka ah..." sambit ni Maura...

"Ah ano po.... hinahanap ko po ung driver ng van ng mga bakasyonista sa retreat house... " sagot ni Lady

"Naku..  Bakit mo hinahanap ang driver na yun... haist naku...sobrang malandi nun....naku naman... nakakdiri sya..." sambit ni Maura..

"Bakit naman po? hindi naman ninyo kilala si kuya benjie...wala po kayong karapatang... sabihan sya ng ganyan... " sambit ni Lady...

"Kilala namin lahat ng tao na tumuloy sa retreat house na yan... lagi kaming nag mamatyag sa mga pangyayari... kasi nanjan ang apo namin... kinikilala namin lahat ng pwede nyang makasalamuha... para ma protektahan namin sya..." sambit ni Maura. .

"Ineng.... ung driver ng van....may nasaksihan kami ni Ate Maura... mag ginawa sila ng isa sa mga bakasyonista... sa kakahuyan.... kani kanina lang... " sambit ni Cecilia

"Ano pong ibig nyong sabihin...? malabo po... di ko po naiintindihan..." sambit ni Lady...

"Hoy cecilia... hwag mo nang banggitin sa bata... maxadong malaswa ang nasaksihan natin... for adults only yun... "  galit na sambit ni Maura..

"Ano pong malaswa....? sige na po sabihin nyo na... may nangyari bang masama kay kuya benjie? naku po isa na po akong kaluluwa kubg ani man po ang malaman ko malaswa man o hindi.... i doesnt matter na po..." nag aalalang sambit ni Lady

"May point ang bata ate...  dabuhin na natin sa kanya..." sambit ni Cecilia

"Hay naku ewan ko sayo ceceilia.... bahala ka sa buhay mo...palibhasa malandi ka din nung bata ka pa...ikaw na mag kwento... nandidiri ako..." galit na sambit ni Maura..

"Ineng.. ung Benjie at yung isang babaeng bakasyonista.... nakita namin sa kakahuyan.... nag aano sila.... ahm... aahhhm.... nag tatalik sila... hay susmaryosep ang sama ko... Lord patawarin mo ako..." takot na sambit ni Cecilia..

"Ano po? panu nangyari yun... sino po ang kasama nya dun sa kakahuyan? maari niyo bang i describe siya sa akin... ?" sambit ni Lady..

"Iha di na namin kailangang i describe sya sa yo...yung babaeng galit na galit dun sa driver.... ay bibigay din pala....haist mga kabataan ngayon.... mapupusok... makakita lang ng pagkakataon... gagwin lahat ng gusto nila... " galit na sambit ni Maura..

"Si ate Karen.... talaga?"

Hindi malamam ni Lady kung ano ang magiging reaksyon nya.... matutuwa... magagalit... matatawa.. ala nya na parang sagad hanggang buto ang galit ni Karen kay Benjir....

"Ate... sa tingin ko hindi lamang yun... tawag ng laman.... may pag ibig na namamgitan sa kanila habang ginagawa nila yun... nainiwala ako na mahal nila ang isat isa.... " sambit ni Cecilia

"Po... eh nito lang sila nagkakilala.. kaya impossibleng ma fall sila sa isat isa agad agad.... " sambit ni Lady...

"Ineng... me iba sa mga kilos nilang dalawa... pero may isa ka  pang dapat malaman... may isa pang bagong kalukuwa na gumagala sa area....hindi namin sya kilala.... at di namin alam ang pakay niya...  kung may masama man syang balak.... kailangan mag ingat na lang tayo...." sambit ni Cecilia

"Isang lalaking.... may takip ang isang mata.... may iba din kaming nararamdaman sa kanya.... guato namin syang matayagan kaso... nakafocus kami sa JC namin... iha...kailangan mo nang bumalik sa retreat house nararamdaman namin... may isang pangyayaring maaring magpagimbal sa lahat...." sambit ni Maura...

Biglang naalala ni Lady... ang kaluluwang lalake na may takip sa kabilang mata sa eton.... alam nya na nangako sya dito na tutulunhan nya ito... pero bigla nya itong iniwan sa ire.... Nag isip si Lady.... ano kaya ang balak ng kalukuwang ito.... Biglang natakot si Lady...Mas naguluhan na si Lady sa mga pangyayari.... Ang panagako niya sa dalwang matandang kalukuwa, ang pagkadiskubre niya sa kinalaman ni May da accident nya, ang pagatatalik nina Benjie at Karen, ang health condition ni Che at ngayon ang kaluluwang sumusunod sa kanya....

Ano kaya ang magyayari sa mga susunod na kabanata..? konektado kaya ang mga pangyayari sa kamyang pagtuklas sa kanyang mga next pairs.... ?

Abangan....