webnovel

Lady

Isang gabi bago mag debut si Lady ay nagkaroon sya isang makahulugang panaginip. hindi nya mawari ang ibig sabihin ng kanyang panaginip... tila ito'y nagpapahiwatig ng kakaibang senyales o di kayay pangyayari sa kanyang buhay. bigla siyang kinabahan sa kanyang pagkagising. dumerecho sya sa kanilang kusina para uminom ng tubig. pagka inom ay bigla syang napadasal

"Lord, ngayon ko lang po naranasan ang ganoong klaseng panaginip... ano po ba ang ibig sabihin ng mga ito? Kayo na po ang bahala sa akin at sa aking pamilya. Laking pasasalamat ko po at ako ay nabigyan nyo ako ng 18 years to experience this life.."  panalangin ni Lady

Biglang pumasok ang kanyang Nanay Tina sa kusina at bahagyang narinig ang kanyang panalangin. Nilapitan sya nito at kinausap...

"'Anak ano ba yang pinagsasabi mo jan?"

"Debut mo na bukas dapat nag bbeauty rest ka."

ang sambit ni Tina

"'Nay masamang panaginip... Hindi yung super sama na parang may humahabol sa akin... walang ganun..parang meron lang nagpapakitang lalake sa panaginip ko na di ko naman kilala... parang meron siyang gustong sabihin. ah ewan ko ba nay...

ang sagot ni Lady

"Naku nak... ganyan talaga yan.. pag malapit na ang birthday mo.. kung anu anong pumapasok sa isip ng isang tao... yung iba pa nga.. me mga napapanaginipan na kamatayan.. pagkakaroon ng sakit at kung anu pa man... wag mo nang isipin yun..

ang payo ni Tina

"Natatakot lang talaga ako nay... ngayon lang kasi nangyari to...  "

ang sagot ni Lady

"Gusto mo samahan kita matulog sa kwarto mo? Namimiss mo lang ang mga hele ni Nanay eh... Ewan ko ba sa dalagang ito.... batang isip pa rin..  dapat nga me jowa ka na ngayon eh.. hindi naman kita pinagbabawalan eh...

ang sambit ni  Tina

"Nay tulog na tayo... kung anu ano na naman naiisip nyo eh... aral muna ako....3 yrs na lang o.. mag kaka degree na ako"

Ang sagot ni Lady

"Hay naku... ang sinasabi ko lang naman.... maganda ka anak...hindi impossibleng may magkakagusto sayo....kaya lang mga BFFs mo puro lalake.... minsan  iniicp ko kabagang mo si Jake Xyrus...

Pabirong sambit ni Tina.

"'Nay naman... iba ako... pero hindi ako tibo... sure yan... yang mga tropa kong yan... since grade school pa yan..  hanggang ngayon hindi ako iniwanan ng mga yan...

Ang sagot ni Lady

"Wala man lang pumorma sayo sa dalawang mokong na yon? Yung Ben... palagi ka ng kinakantahan nun ah.... di ba nag compose pa nga ng kanta un para sayo...."

Sambit ni Tina

"Nay, song yun para sa aming tatlong mag tropa...Hindi yun para sa akin lang... me malisya agad2x..."

Sagot ni Lady

"Eh yung isa naman si Pau... diba palaging to the rescue yun pag me mga problema ka... daig pa si the flash... pag tinawagan mo ay anjan na agad2x... at parang nakakaamoy yun pag masarap ang ulam natin.. palagi syang nandito para makikain... nagbabalot pa nga minsan eh....

Sambit Ni Tina

"Haynaku... matulog na nga tayo... past 12 na... beauty rest diba....

Sagot ni Lady.

"Teka lang... di ba sabi mo wala sa dalwang tropa mong yun ang magiging escort mo bukas? eh sino nga ba ang escort mo?.. naka blanko ung pangalan nun sa invitation mo ah....nak nde pwede wala kang escort...

Ang sambit ni Tina.

"Nay sabi ni Pau.. sya daw ang bahala sa escort ko...surprise daw... si Ben naman kaya di ko na sinama sa 18 roses at di pwedeng maging escort,. kasi habang isasayaw daw ako ng lahat.... kakantahan daw nya ako....ewan ko ba kung bakit me pa escort escort pa.. pwede naman si Tatay Tommy na lang ang escort ko eh....."

Sagot ni Lady.

"Nak...hindi pwde ang Tatay ng debutante ang escort... dapat yung escort mo... yun bang tipong pwde mong makitang magiging future boyfriend mo... di naman lingid sayo na yang tatay mong mabilis magsalita ang escort ko sa debut ko.... di ko pa sya boyfriend nun.. pero sinabi ko sa sarili ko.... sya...sya ang future ko kaya ayun... nadali ako sa bilis nyang magsalita... ang bilis ko din syang sinagot..

Sambit ni Tina.

"Ayy.. kakakilig naman..."

Sagot ni Lady

"O cya sige tulog na nga tayo..

tabi tayo ah... naku ang laki na ng baby namin... sana magkajowa na to....

Sambit ni Tina

"Baliw ka talga nay."

Sagot ni Lady.

Pumasok sa kwarto at  mahimbing na natulog ang mag ina. Yakap yakap ni Tina ang kanyang anak na para bang wala ng bukas.

Nag iisang anak si Lady ni Tina at Tommy De Luna. Si Tina ay isang real estate broker. Meron syang sarilng brokerage and realty firm na pinatatakbo nila ng kapatid nyang si Richelle.. Si Tommy naman ay isang Government Employee sa munisipyo ng Los Banos. Parehong laking Laguna ang mag asawa.  Maayos na pinalaki ng mag asawang De Luna si Lady. Isang simpleng bata na bagamat kayang ibigay ng mga magulang nya ang kanyang mga luho ay pinili nya na mabuhay ng payak. Sa public school nag aral si Lady ng elementarya at high school hanggang sa sya ang pumasa sa UPCAT at makapag aral sa UPLB ng college. Mahilig sya sa pagpipinta at pagsusulat. Madalas na theme ng kanyang painting ay ang kalikasan. Nag eexcel din si Lady sa academics. Valedictorian sya mula elementary hanggang highschool at consistent deans lister naman sa college. Ito marahil ang naiisip dahilan ng kanyang mga magulang  kung bakit hindi pa tumibok ang puso nya pagdating sa usaping romantic love. Never nyang naisip ito. Ni naramdaman na magkagusto sa isang lalake. Pero ang malaking katotohanan sa likod nito ay ang kanyang pagiging cupid.. kinokontrol ng Mentor Cupid mula pagkabata ang nararamdaman ng kanyang mga alagad hanggang sa ito ay umabot ng 18... kusang mawawala ang kontrol nya sa mga ito.. kaya sa kaarawan ng isang cupid ay kelangan na maiparating na sa kanila ang kanilang mga tungkulin... Pinili sila ng diyos para maging instrumento ng pag ibig. Pero habang ginagampanan nila kanilang tungkulin ay kailangan nilang kontrolin ang kanilang mga sarili na ma in love. Kailangan makompleto nila ang 5 pairs na quota.. bago sila makapamuhay ulit ng normal. Ito ang simula ng isang masalimuot na adventure ni Lady sa kanyang  pagiging isang cupid.