webnovel

Hospital

Tatlong araw pagkatapos ng accidente ni Paulo ay bumalik na ang kanyang alaala mula sa pansamantalang pagkawala nito.... Kinagalak ito ng kanyang Nanay Alma... ngunit binalaan siya mg doctor na maaring makakaranas pa rin si Paulo ng mga pag atake ng kanyang sakit... kaya kailangang ma maintain niya ang kanyang mga medications....

Laging nakabantay si Lady at Ben kay Paulo mula ng ito ay ma-admit hospital. Si Lady ay hindi pa rin makapaniwala sa mga pangyayari... Halata sa kanya ang pagkabalisa. Hindi niya mapigilan na sisihin ang sarili sa mga pangyayari... lalo na't alam niya na ang dahilan ng pagka accidente ni Paulo ay ang mga nangyari sa kanila ni Ben... Nakadagdag pa sa kanyang pagkabalisa ay ang presence ni Ben... hindi niya mapigilan ang paglalapit nila... alam niya isang maling kilos lang nila ay maaring masamang mangyari sa kahit sino man sa kanyang mahal sa buhay o di kaya sa sarili niya mismo... Iniiwasan ni Lady na makipag usap kay Ben para makaiwas  maaring maging gulo...

Bago lumabas ng hospital si Paulo ay  nagkaroon ng munting salosalo sa loob ng hospital room. Bumili ng mga pagkain si Alma para mapagsaluhan nila. Ito ay bilang pasasalamat sa recovery ni Paulo.  Bakas sa mukha ni Paulo ang saya.... lalot na kasama niya ang kanyang mga BFF..

"Salamat sa inyo Lady at Ben... Hindi niyo talaga iniwan ang anak ko... well alam ko naman mula pagkabata pa matalik ba kayong magkakaibigan... " sambit ni alma

"Walang anuman yun Nay Alma.. si Pau pa.... magkadikit na bituka namin nyan.. " sagot ni Ben

"Higit pa sa kaibigan ang turing namin ke Paulo... kaya Nay Alma... asahan mo kami sa kahit anuman... nasa likod mo po lang kami parati... nga pala po..... ung hospital bills wag niyo na po isipin... nailapit ko na po ke Nanay Tina... tapos ung therapy shoulder na rin po  g school.. " sagot ni Lady

"Salamat talaga sa inyo mga BFF... di ko na lam ang gagawin kung wala kayo... " naiiyak na sambit ni Paulo.

"Bestie ano ka ba.... para sayo gagawin namin lahat ni lady... di ba Lads?" Sambit ni Ben

Hindi sumagot si Lady sa mga sinabi ni Ben... Iniiwasan niya ang mga pasaring nito.... at napansin ito ni Paulo

"Teka lang bakit parang me something sa inyong dalawa... nagkakatampuhan ba kayo?" Sambit ni  Paulo.

"Wala naman mejo magulo lang isip ko... sa mga pangyayari...ang pagkakadiagrasya ni Tatay Tomm at yung mga nadiscover ko sa kapatid ko labas... but nandito ako for Paulo kaya as much as possible gusto sayo lang ako nakafocus Pau.. pag uwi ko nga bahay saka ko na haharapin naman ang mgaproblema dun." Sagot ni Lady

"Nandito lang naman din kami para sayo... Sana wag mo solohin yung mga problema... me mahihingahan ka naman ng sama ng loob.... Lady... sana katulad lang ng dati... walang barrier between us... " sambit ni Ben

"Iba na ngayon Ben... merong mga bagay na di kailangan sa sarili ko lang.... matatanda na tayo... kelangan nating mag adjust sa mga demands ng pagkatao natin... " sagot ni Lady

Hindi na nagsalita si Ben.. alam niya isa sya sa mga pasanin ni Lady....

"Ang lalim naman ng mga sinabi mo Ladz.. teka lang kamusta na si Tito Tommy?" Sambit ni Paulo

"Ayun ok na naman siya... kaso si Tita Gina mejo on her way to recovery pa...kaya gusto ni Tatay sa amin muna tumira silang dalawa ni Jaz habang nagpapagaling... bago sila tumulak pa Canada..."

Biglang sumabat si Alma sa pag uusap ng magkkaibigan...

"Ano? Pumayag ang Nanay Tina mo? Parang awkward yun ah..." sambit ni Alma

"Oo nga po... naaawa po ako ke Nanay... kaso wala naman po kasing matutuluyan sina Tita Gina dito sa pinas.. nabenta na rin po nila ang bahay nila sa Rizal... haist nay alma... mejo durog na durog po ako ngayon.. " sagot ni  Lady.

Habang ganap ang pag uusap sa loob ng hospital room ay biglang me kumatok sa pinto...

"Pasok" sambit ni Alma

Bumukas ang pinto at nakita nila na pumasok si Melvin...

"Bro... kamusta? Ayos na ba? Pede na ba mag laro ulit? " patawang tanong ni Melvin habang papalapit sa kamang kinahihigaan ni Paulo...

"Panu men? Nakabenda pa ang paa ko... ikaw talaga..." patawang sagot ni Paulo.

"Wow daming pagkain ah... tamang tama me dala ako maraming plastic jan... balutin natin mamaya ung tira tira...hahahaha!" Pabirong sambit ni Melvin.

"Gago to... dialogue ko yan... haha!" Patawang sagot ni Paulo.

Habang nagtatwanan sila... ay di makaiwas sa pagtingin si Melvin  kay Lady....

"HI Ladz... kamusta?" Kinikilig na tanong ni Melvin...

"Hi melvs... eto ok lang.... mejo nag sstruggle lang emotionally... alam mo naaman siguro ang mga nangyari sa family ko....." sagot ni Lady..

"Small world... half sister mo pala si Jaz.. no wonder pareho kayong maganda at mabait... "

Sambit ni Melvin

"Aysus... hoy pare... wag kayong mag ligawan sa harap ko... sige na bagay na kayo...hhaa..akoy tatayo at kakain na.... nagutom ako sa inyo" pabirong sambit ni Paulo

Inanalalayam ni Ben si Paulo habang tumatayo...Habang tuloy pa din ang pag uusap nila Lady at Melvin. Lumipat sila ng pwesto sa me sofa malapit sa pintuan ng silid. Gagamit pa ng saklay si Paulo hanggat hindi natatanggal ang benda kanyang mga paa...

Habang inaalalayan ni Ben si Paulo ay nakatingin pa rin siya sa dalawang nag uusap... napapansin ito ni Paulo...

"Hoy bestie... kung saan saan ka nakatingin eh... baka mauntug ako dito... kasi naman nakikiusyoso pa sa nagliligawan...wag mong sabihing nagseselos ka... " sambit ni Paulo...

"Hindi ah.... inaantay ko lang si Che... darating din kasi sya..." sagot ni Ben..

Maya't maya pa ay may kumatok ulit sa pinto...

Nang bumukas ito ay pumasok si Che...

"Kamusta kayong lahat?" Bungad ni Che..

"Hi che..." sambit ni Lady...

"Hi Ladz.." sagot ni che...

Nagbesobeso ang dalawa... tila may akwardness sa kanilang mga kilos...

Napansin agad ito ni Ben kaya di niya maiwasan na kabahan....

"Halinat kumain" sambit ni Alma...

Pinagsaluhan nilang lahat  ang mga pagkaing inihanda ni Alma... bakas kay Paulo ang saya.... kumpleto ang kanyang mga kaibigan....iniisip niya kung hndi pa dahil  sa accidente ay hindi sila magkakasama sama...

Pagka discharge sa hospital ay tumulak na patungong calauan ang mag inang Paulo at Alma... hindi muna makakpasok at makapaglaro ng volleyball si Paulo ng isang buwan habang nagpagaling... bakas din sa mukha ni Alma ang pag aalala na maaring bumalik abg pagkawala ng memorya mi Paulo dulot ng kanyang kalagayan...

Samantala dumerecho sa chapel ng hospital sina Lady, Ben, Melvin at Che para ipagdasal ang mabilis na recovery ni Paulo.... Pagkatapos mag dasal ay nagtungo sina Ben at Che sa isang balcony malapit sa chapel.... at nag usap ang dalawa..

"Mahal, may isang bagay  sana akong gustong malaman mula sayo... matagal na itong bumabagabag sa akin... alam mo naman buo ang tiwala ko sayo... kaso... iba eh... siguro woman's instinct lang.... palaisipan sa akin kung ano ginagawa niyo ni Lady malapit dun sa CR ng MOA arena during that volleyball game... its been bothering me.. Pinalipas ko lang ang  mga pangyayari..hanggang sa maging maayos na si Paulo.... ngayon..i have to confront you...how long have you been hiding something from me? Hindi naman ako tanga Mahal.... alam ko there is something going on.. tell me... " paiyak na tanong ni Che...

Bakas sa itsura ni Ben ang paghahalong kaba at pagkabalisa sa mga narining nya mula kay che...Walang nagawa si Ben kundi sagutin ang mga tanong ni Che.

"Mahal.... Im sorry.... I was always in love with her.... pero she never gave me a chance... i dont know pero... i cant keep myself from thinking of her..." paiyak na sagot ni BEN

"Sinasabi ko na nga ba... so ano ako...? Panakip butas.? Ben please... ayoko ng ganito.... i told you before.. i can never compete with her... shes your best friend.. " Sambit ni Che...

"Mahal...hindi ganun.. I love you so much... pero... mahirap ipaliwanag.... basta dalawa kayo.... dalawa kayong mahal ko.... " nanginginig na Sagot ni Ben...

"Ben, ano ba.. alam mo ba ung mag sinasbi mo.... please.... lets end this talk... isipin mo muna kung among gusto mo sa buhay mo... lumayo ka muna sa akin... huwag mo akong sundan pakiusap" sambit ni Che habang dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata....

"Mahal... Please!" Sagot ni Ben na tila di makaalis sa kantang kinaroroonan...

Hindi napansin ng dalawa sumunod pala si Melvin sa balcony habang hinihintay si lady na nagtungo sa restroom.

Naoverhear ni Melvin lahat ng pg uusap ng dalawa.. biglang napatingin si Ben kay Melvin...

"Ayun..so lumabas din ang katotohanan... pare. Alam ko bestfriend mo si Lady... pero she dont deserve a two timer like you... alam ko mahal ka ni Lady... pero sisiguraduhin ko na she will not end up with you.." galit na sambit ni melvin

"Huwag ka ngang makialam epal ka...  hindi ikaw ang mahal ni Lady... ako lang...kaya tigilan mo na sya.... " nanggigil na sagot ni Ben...

"Ikaw ang epal... pakinggan mo nga yang sarili mo... you just lost your girlfriend because you are secretly swooning over your bestfriend... gago ka pala eh.." galit na sagot ni melvin..

Biglang sinuntok ni Ben si Melvin hanggang sa nagsuntukan ng matindi ang dalawa sa balcony... Nang dumating si Lady ay nagulat sya sa kanyamg mga nasaksihan at agad niyang inawat ang mga ito...

"Hoy... ano ba kayong dalawa... tumigil nga kayo...please tumigil na kayo....pasigaw na sambit ng Dalaga

Biglang dumating mga guards ng hospital at tumulong ito sa pag awat sa dalawa...

Dinala ang dalawa sa prisinto at kakasuhan sana ng hospital... ngunit ginamit ni lady ang kanyang mga connection para i urong ang kaso sa dalawa.. Matapos niyang asikasuhin ang lahat ay nag desisyon si Lady na hwag na munang kausapin ang dalawa.... Umuwi na ang dalawa sa Laguna habang si Lady ay nag paiwan muna sa Maynila.. pumunta muna siya sa baclaran para mag simba... Tila gulong gulo na ang dalaga sa mga pangyayari....alam niya sa sarili niya na sya ang naging dahilan ng pag aaway ng dalwang binata.... umiiyak siya habang nagdadasal ng taimtim... Nang makalabas ng simbahan ay may tumawag sa kanyang cellphone.... hindi naka register sa.phone book niya ang number... sinagot nya ang tawag...

"Hello good evening... sino ito" tanong ni Lady..

"Lady.. ninong A mo to...kamusta ka? Sagot ni Prof A

"Ninong hwag ngayon please... ang dami dami pang mga dapat kong ayusin....hindi pa ako handa para sa second pair ko.. " sambit ni Lady...

"Magkita tayo somewhere else... I have an important thing to tell you..Ittext na lang kita fr the details" sagot ni Prof A..

"Ninong sandai lang...please..

Biglang nag hung up si ProfA sa kanilang telephone conversation....

Ano Kaya ang sasabihin ni Prof A kay Lady...? tungkol kaya ito sa kayang 2nd pair?

ABANGAN...