webnovel

Half Hearted Half Headed

Nakalabas na ng emergency si Paulo pagkatapos malapatan ng mga paunang lunas..... patuloy pa rin ang pagsakit ng kanyang ulo kahit il nakapikit ang kanyang mga mata. tila ba siyay nananaginip ng isang matinding pangyayari.... na lalong nagpapahirap sa kanyang nararamdaman.... hanggang sa bigla na lamang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata... habang sinasambit nya ang pangalan ni lady.....

"Lady...Lady.... patawad..... sana mapatawad mo ako...." sambit ni Paulo habang umiiyak..

"Anak... anak... ano ba ang nangyayari sayo.. Melvin... tawagin mo si Doc please...Anak... please... " sambit ni Alma habang nababahala sa kalagayan ng kanyang anak....

Agad na tinawagan ni Melvin ang nurse station para ma inform ang attending physician ni Paulo... habang si Ben ay pautuloy na nakaantabay sa kung anu mang mangyari sa kanyang kaibigan....

Pumasok ang Doctor sa hospital room...

"Kamusta ang pasyente.? may mga nararamdaman pa ba syang kakaiba.... OMG..... I was not able to introduce myself... Im Doc Sheena.... may operation lang so Doc Tin... kaya ako muna ang aattend sa kanya....." sambit ni Sheena..

"Doc.... parang nag hahallucinate cya.... may mga sinasabi syang mga bagay na kakaiba.. humihingi sya ng tawad sa kanyang kaibigang nakaratay sa ICU.... Im afraid po.... lumalala ang dimencia niya... last check up nya po me findings sya ng early dimencia.. " sambit ni Alma

"Well antayin natin syang magising.. Kailangan natin syang makausap... We need to check

if he will partially forget about any matter with his life.... i understand for the past weeks... marami pa syang naaalala.... ganyan ang dimensya....it will attack anytime especially when the person is stressed or may mga matinding iniisip.... sa situation nya... his close friend is in coma kaya lagi niya itong inaalala... kaya malamang ang kaibigan lang na ito ang kanyang maalala when dimensya hit him... " salaysay ni Sheena

"My God... please pagalingin nyo po si paulo... hindi ko po alam kung kakayanin ko kung mawawala ang alaala ng anak ko... please Lord... " biglang dasal ni Alma...

"Nay Alma.. nandito lang kami para sayo... para kay Paulo.... hindi ako papayag na parehong mawala sa akin ang mga kaibigan ko.... si Lady... nakaratay.... ngayon si Paulo baka makalimutan na ako.... alam kung matatag ang mga kaibigan kong yan.... kaya lalaban yan sila..." sambit ni Ben habang dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata...

"So for now... we just have to wait.... baka naman may maalala pa sya paggising nya.... we never know when would dimecia take a toll on him.... well just need to pray... " sambit ni Doc Sheena...

"Melvin, Ben... bumalik na kayo sa pagbabantay kay Lady.... baka magkaroon ng developments sa mga vital signs nya... kayo naatasan dun... ako na bahala dito sa kaibigan nyo.... " sambit ni Alma..

"Sige po Tita... balitaan nyo.po kami for any developments kay Pau... " sagot ni Melvin..

"ill do.. cge bumalik na kayo sa ICU.... " sambit ni Alma..

Bago bumalik si Melvin at Ben sa ICU ay nag usap muna ang dalawa sa cafeteria ng Hospital...

"Melvin.... sorry... alam ko mali ako.... pero ipaliwanag ko man sayo o hindi ....di mo rin maiintindihan ang nararamdaman ko.... sana mapatawad mo ako sa mga nangyari sa atin....parang pina parusahan na ako ng Diyos... ang mga kaibigan ko parang nilalayo sila sa akin... nagmahal lang naman ako ng dalawa.... alam kong mali...pero sobrang parusa naman ata ito...." sambit ni Ben

"Pre ... hindi ko alam kung ano mararamdaman ko... matutuwa or magagalit sayo....bakit ngayon mo lang kasi narealize yan.... kung mahal mo si Lady..... sana pinursue mo na sya even before che came into your life.... no hurt feelings.. pero you are being unfair... to the both of them.... but most especially naging unfair ka din sa sarili mo... you never give yourself the liberty to choose who you really love... kasi nakatatak at dinidictate ng utak mo... dalawa silang mahal mo....pero ang totoo nyan.... may isang mas nakakahigit sa kanila...alam ng puso mo yan.. . di mo lang ito naramdaman dahil naging manhid at bulag ka sa paniniwalang you can love them both at the same time.... pare you need to choose..... before things get worse.... para man din maging fair ka sa kanila at maging free sa lahat ng unnecessary feelings mo...." payo ni Melvin...

"Alam ko na naman kung sino... pero tama ka... siguro naging manhid lang talaga ako... pero sa ngayon.... mas mabuti siguro na mag isa muna ako...marami na akong nasasaktan.... " sambit ni Ben....

"I understand pare... sana maging magkasundo na tayo.... sigurado ako sina Lady at Pau nais na maging magkaibigan tayo... FRIENDS...." sambit ni Melvin sabay abot ng kamay niya kay Ben

"FRIENDS.... " sagot ni Ben sabay hawak sa kamay ni Melvin...

Pagakatapos mag usap ng dalawa ay bumalik sila sa ICU para patuloy na magbantay kay Lady....

Samantala sa Sagada.....

Dumating na ang grupo ng manglalakbay sa kanilang destination ang Sagada.... Dahil pamilyar si Benjie sa buong Sagada... siya na rin ang magiging tour guide ng grupo.... ang kalukuwa ni Lady ay patuloy lang na sumasabay sa grupo kung saan man sila mapunta para mag matyag sa mga maaring madiscover mula kay May....Tititra sila sa isang retreat house malapit sa bayan ng Sagada....Manghang mangha ang grupo sa gandang taglay mg Sagada... tinuturing na puso ng cordillera ang Sagada.... doon nag pupunta amg mga taong gustong mag relax at mag relieve ng stress..... Nakarating ang grupo sa retreat house mga alas 5 ng madaling araw.... bago sila tumulak sa unang itinerary ay magkakaroon muna ng mini orientation para i explain ang mga mangyayari sa susunod na tatlong araw.... gagawin ito habang nag aagahan ang grupo.....

Mga 6 ng umaga ay ready na lahat sa tour... nasa cafeteria na sila ng retreat house para sa agahan at orientation..... Nasa isang table ang grupo nina Joyce, Maan, Jam at Santi... sa kabilang table naman sina May, Karen, Che at si Benjie....Si Benjie ay hindi parin mawaglit ang tingin kay Karen... si May ay ngakakape... habang malalim ang mga buntong hininga.... si Che naman ay tulala at tila may malalim na iniisip..

Nagsalita si Karen...

"Hoy ano ba.. bakit ka ba tingin ng tingin sa akin....kagabi ka pa ah... tuktukan kita jan eh..." sambit ni karen habang nakatingin kay benjie....

"Alam mo ba ang salitang Deja Vu...?. parang nangyari na lahat ng to.... bakit ba sa tuwing nakikita kita ay nag iiba ang tingin ko sa lahat.. sayo na lang ako naka focus.... sana makilala pa kita karen" sambit ni Benjie

"Ah ewan ko sayo.... lakas ng tama mo...

tumitergas ka ba ng marijuana.... shabu.... alam ko na... nga rurugby ka ano.... lakas ng tama nito... " sagot ni Karen

"Tumahimik ka nga kayong dalawa jan... nakakahiya kayo... napakatahimik ng lugar.... ngawa kaya ng ngawa..." sambit ni May...

"Sorry na.... ngumiti ka naman jan... dapat nagsasaya lang tayo dito....kung ano man yang iniisip mo maam may.... tanggalin mo muna sa isip mo yan....chillax lang dapat tayo dito.... " sagot ni Karen...

"Oo nga maam.... mawawala ang mga problema mo pag nalibot mo na itong Sagada.... sa ganda ng mga tanawin ay talaga namang breathtaking..." sambit ni Benjie

"Hoy di naman hinihingi nag advice mo.... lakas ng tama talaga nito..... pag drive mo na lang kami.... yan lang naman ang gagawin mo.... huwag ka nang umepal jan...." sambit ni Karen..

"Naku... may balak pa naman akong umepal sa puso at sa buhay mo.... epal talaga ako lalo na pag may gusto ako sa isang babae..." sambit ni Benjie...

"Gago ka... wala ka nang magawa sa buhay mo.... abnormal!" sagot ni Karen..

"Hoy ano ba..? di ba kayo titigil... ibubuhos ko sa inyo tong mainit na kape... mahiya naman kayo kay Che.... tahimik lang sya...at ingay2x nyo..." sambit ni May..

Si che ay tila natatawa na lamang sa bangayan nina Karen ay Benjie.... nagsalita ang dalaga...

"Ok lang May... nakakaaliw nga sila eh.... kinkilig ako.... o sya ..mamaya tabi kayo matulog ha.... " sambit ni che habang pilit na tumatawa...

"Alam mo ma'am che.... halata sa inyo na may malalim kayong problema... kaya siguron kayo nandito sa tour na to para makalimutan ang mga yun..." sambit ni Karen...

Napatawa na lang si Che... sa mga sinasabi ni Karen...

"Maging kami man may mga iniisip din.... etong trip na to.... siguro temporarily malilimutan ko ang lahat pero pagbalik ko ng Laguna.... maiisip ko na naman ang mga problema... " sambit ni May...

"Ganun nga talaga siguro.... mahirap talaga ang makalimot... hindi ko naman ginustong masadlak sa mga suliranin... pero parang kailangan ko na cyang harapin... for now... i just need to be alone..." sambit ni Che..

Habang naguusap ang lahat ay biglang nasilayan ni Benjie kaluluwa ni Lady sa isa pang table.... kalahating katawan pa rin ang nakikita ni Benjie kay Lady.... tila tinatawag sya ng dalaga at parang me gusto itong sabihin sa kanya.... lumabas si Benjie para magtungo sa CR....

"Karen.... CR lang ako ha.. " pabirong sambit ni Benjie

"Pakialam ko.... kadiri ka naman pati ba naman yan kailangan mong sabihin..." sagot ni Karen..

"Masanay ka na... lagi nyo akong kasama sa.mga tours.... " sambit ni Benjie..

"Umalis ka na nga...tuktukan kita jan eh..." sagot ni Karen..

Nagtungo na nga si Benjie sa CR ng mga lalaki... agad naman syang sinundan ni Lady....

"Kuya Benjie.... Kuya..." sambit ni Lady

"Maam ano ba naman.... nasa CR ka ng mga lalaki.... balak naman kita kausapin eh... kanina mo pa ako tinitingnan... kaso nde dito sa loob...."

sambit ni Benjie

"Ano ka ba... wala namang nakakita sa akin eh... hello ghost nga ako di ba?..dito na tayo mag usap... wala namang tao eh... yang babaeng kasama nyo sa table... si Che...." sambit ni Lady

"Ano namang meron sa kanya... sure ako hindi sya kaluluwa nakikita sya ni Karen at May.... " patawang sambit ni Benjie

"Oo naman alam ko yun... kilala ko sya... girlfriend siya ng bestfriend ko....di mo pa sya nakikita kasi bago ka pa lang sa amin.... ano ba mga sinabi nya... di ko kasi masyado marinig kasi napakaingay niyo ni Karen... "

"Maam sure ako..me malaking problema yan... mejo tulala minsan eh... at parang maputla sya... di kaya may sakit yan? " sambit at tanong ni Benjie...

"Hindi ko alam...matagal na rin kasi kaming di nagkakausap ng bestfriend ko....pero isa yan sa dapat nating malaman.. mag observe ka na lang din" sagot ni Lady

"Opo..." sambit ni Benjie

Habang nag uusap ang dalawa ay bigla nilang narinig na pinakilala ang magiging facilitator ng retreat... lumabas si Benjie ng CR para bumalik sa table.... habang ang Kaluluwa ni Lady ay patuloy na nag mamatyag.....

"Mga kaibigan ako po si Sister Rosalie.... I will be your facilitator on your retreat.. so you will be touring during daytime and when you arrive from your tour we will have a recollection.... so this retreat will be a simple one.... its about opening yourself to God.... letting go of your fears... I would not be able to be with you during your tour... I have to pray all day for the fast recovery of a very close person to me... she is coma right now... sorry for the sad atmosphere i just gave you... i hope you enjoy your tour..tapusin nyo na ang breakfast ang proceed with your first itinerary... thank you.." ang bungad ni Rosalie...

Natulala na lang si Lady nang makita nya ulit si Rosalie.... biglang dumaloy ang kanyang mga luha nya ng marining nyang ipagdarasal sya buong araw ni Rosalie.... alam ni Lady na siya ang tinutukoy ni Rosalie na kaibigang nakaratay.... muling nabuhayan ng loob si Lady.... nag karoon sya ulit ng drive na ituloy ang kanyang nasimulan...

Ano kaya ang mga madidiscover ni Lady kay May..? Malapit na kaya nyang makilala ang kanyang 2nd pair?

Abangan....