webnovel

First Gesture First Casualty

Nagulat si Lady nag makita niya si ben sa veranda. Bakas sa mukha nito ang pag aalala.... habang papalapit sya dito ay may naramdaman syang kakaiba.... Alam nya na sa pagpasok nya sa cupid dimension.. marami na ang mga nag bago... pwede ma sacrifice nito ang pagkakaibigan nilang tatlo ni Ben at Paulo. Kailangan nyang protektahan ang pamilya nya sa anumang epekto ng kanyang mga magiging decision. Sa pagkaktaong ito alam ni Lady na me nararamdaman siya ke Ben... napatunayan nya ito ng nasaktan sya nung nakita niya sina Ben at Che sa Feb Fair.. ngunit kailangan niya itong paglabanan... iba ang magiging kapalit pag hinayaan nya ang nararamdaman nyang ito na yumabong pa.... Hindi niya alam kung papano harapin si Ben... Nilapitan siya ni Ben at hinawakan ang kanyang mukha...

"Lads, ano ba ang problema?" ang sabi mo something came up... pero tinanong ko si Paulo... nag text din  ako ko kina tito at tita.... wala na man daw problema... di ako makatiis kaya pumunta na ako dito..."

sambit ni Ben

"Wala.. ok lang ako... me tinapos lang ako sa research project namin.... importante lang"

sagot ni Lady.

"mas importante pa ba yan sa akin? nangako ka sa akin... at hindi ka naman sumisira sa mga pangako mo... alam mo ang mga priorities mo. simula pagkabata kilala na kita.. kaya alam ko me something sayo ngayon"

sambit Ni Ben

"wala nga... usap na lang tayo some other time..mejo pagod lang ako."

sagot ni lady sabay walk out from the veranda..

Hinabol siya ni Ben papasok kwarto nya... hinawakan ni Ben ang kamay ni Lady...

"bakit ba? bakit ayaw mong sabihin sa akin.. naglilihim ka na sa kin ngayon...

sambit ni Ben

"ah so ako pa ngayon ang nag lilihim... hwag ka ngang mag pretend ben na ikaw ang tama dito.... ikaw ang unang naglihim sa atin... nilihim mo na me nililigawan ka pala... u think its fair for me and Paulo... me pact tayo na kung sino man ang maiinlove  unang makakaalam ang tropa.... but apparently.... i was the last to know.... "

pasigaw na sagot ni lady...

"sasabihin ko naman sayo eh... nag aantay lang ako ng tamang pagkakataon... "

sambit ni Ben...

napansin ni Ben ang cupid pad na hawak ni Lady....

teka lang ano ba yang hawak2x mo...ipad... regalo ba yan sau ni melvin..?oo nga naman.... mayaman kasi.. wow.. so nagpapaligaw ka na rin ngayon na di mo sinasabi sa amin.... so quits na tayo"

sambit Ni Ben

"alam mo na matagal na ako ni rereto ni paulo ke melvin... at kung nanliligaw man sya akin.. dapat alam mo din eventually mangyayari talaga un.... alam mo walang patutunguhan ang pag uusap natin.... umalis ka na nga.. ang dami dami ko pang gagawin... mag usap na lang tayo pag wala ng talangka jan sa utak mo...

pasigaw na sagot ni Lady

Biglang hinila ni Ben si Lady at niyakap...

"Ulol sorry na... hindi ko kaya masira ang friendship natin.... hindi ko talaga intention na saktan ka.... sana maintindihan mo nahihirapan ako.... hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko.... ang hirap... na hindi ko maipahayag sayo ang tunay kong nararamdaman dahil ayoko na masira ang friendhsip natin.."

sambit ni Ben habang yakap yakap si Lady ng mahigpit..

Naramdaman ni Lady ang init ng katawan ni Ben... minsan lang ang pagkakataon na niyayakap siya nito ng ganito kahigpit....Ginantihan din ni Lady ng mahigpit na yakap si Ben.... habang yakap niya ito ng mahigpit ay unti uting dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata... sa pagkakataong iyon... na realize ni Lady kung gaano nya kamahal si Ben.... Habang nagyayakapan ang magkaibigan ay bigla silang may narinig na sumisigaw paakyat ng 2nd floor....

"Maam Lady.. Maam Lady... tulong po... "

Sigaw ni isang katulong...

Biglang binitawan ng magkaibigan ang isat isa at dali daling  lumabas ng kwarto... doon nakita nila ang isa sa mga katulong na paakyat ng hagdanan.... na sumisigaw

"Maam Lady.. Maam Lady... si Ate Mitch po.."

Sigaw ng katulong...

"Anong nangayari ke yaya mitch...?"

tanong ni Lady

"Inatake po sya sa puso... nahihirapan po syang huminga kanina hanggang sa hinimatay na sya...

Sagot ng katulong

"nasan sya?

Tanong ni ben

"sa maids quarter po... "

sagot ng katulong...

"ate tumawag ka po ng ambulansya kelangan natin syang madala sa ospaital..."

sambit ni Ben sa katulong..

"ben puntahan natin sya.... puntahan natin si Yaya."

sambit ni Lady habang uniiyak

At dinala nga nila sa Hospital si Mitch... agad agad nilagay sa intensive care unit para ma monitor ang vital signs nito....nastroke ang buong katawan ni mitch habang inaatake sya puso.....Umiiyak si Lady habang pinagmamasdan nya ang kanyang yaya... Si mitch ang isa sa nagpalaki sa kanya... hindi katulong ang turing niya dito kundi isang ina... kaya sobrang nasasaktan sya sa mga pangyayari...

Dala dala  pa din ni Lady ang kanyang cupid pad sa  hospital.. bilin ni Prof A na wag na wag itong ilayo sa kanya.. Tumunog ang cupid pad ng parang emergency siren... bigla nya itong kinuha sa kanyang backpack at tiningnan ang mensahe... nabasa nya ang mga mensaheng ito...

"YOU HAVE JUST VIOLATED ONE OF THE CUPID RULES.... ITS FOR YOU TO FIND WHAT RULE  YOU VIOLATED AND THE CORRESPONDING CONSEQUENCE FOR THIS... I AM VERY SORRY"

Nang mabasa ni lady ang mensahe ay bigla niyang naalala ang cupid rule # 5... narealize nya ng gumanti cya ng mahigpit na yakap kay  Ben ay nag express sya ng love gesture.... at ang naging kapalit nito ay ang pagakkastroke ng kanyang Yaya Mitch... humagulhol si Lady habang tinitingnan nya si Mitch sa loob ng ICU...

humingi sya ng tawad dito... biglang tumakbo si Lady palabas ng hospital... ngunit pagkadaan niya sa lobby ay nakasalubong nya sina Paulo at Ben..

"Ladz.. saan ka pupunta?

Sambit ni Pualo...

"Guys... gusto kong mapag isa..."

sagot ni Lady...

"Bakit..?Nandito kami para damayan ka.. alam namin kung gaano kaimportante sayo si Ate mitch...kaibigan mo kami hayaan mo naman na damayan ka namin"

sambit ni Paulo

"Umuwi na lang kayo at gabi na... at huwag na muNa tayong magkita kita...kelangan ko lang talaga ngayon ng space... i need to be alone"

sagot ni Lady..

"Ladz... kung iniisip mo ang nagyari kanina...

sambit ni Ben...

Biglang pinutol ni Lady ang pagsasalita ni Ben

"Please Ben... utang na loob wag ngayon please.... "

sagot ni Lady.

"'Bakit ano. ba ang nagyari kanina?"

tanong ni paulo..

"Umalis na kayo dito... please ano ba... !"

"Ayoko na madamay pa kayo"

sambit ni Lady

"Di kita maintindihan... ipaliwanag mo... napaka unfair naman..."

sagot ni Ben.

"Ben, pagbigyan na natin sya... kelangan nga nyang mapag isa.."

sambit ni Paulo...

"papunta na sina nanay at tatay dito...wag na kayong mag alala.."

sambit ni Lady...

Labag man sa kanilang damdamin ay iniwan nga ni Ben at Paulo si Lady.. Umuwi silang nagtataka at nalilitio sa mga sinambit ni Lady sa kanila..

Mga ilang minuto pagkatapos umalis ang magkaibigang paulo at ben.... ay lumabas si Lady sa Hospital at nag pahangin.... habang nakaupo sya sa isang bench malapit sa hospital ay may nakita syang isang drivers license sa malapit kanyang mga paa.... pinulot nya ito at tiningnan kung kanino nakapangalan... at nalaman nya na ang drivers license na ito ay kay EDUARDO YOUNG....

Makikilala ni Lady ang lalake sa kanyang first pair...

abangan