webnovel

Eton and Greenfield

Habang nagbbyahe pauwing Los Banos si Lady ay biglang tumunog ang kanyang cupid pad.... nag dadlawang isip syang ilabas ito dahil natatakot sya na makita ito ng driver na si Benjie. Sa kabilang banda ay inisip din na man nya na hindi naman siguro ito tatanungin pa ni Benjie... madilim ang daan tila pundido ang mga street lights....dapat naka focus lang siya sa kanyang pag ddrive... katakatakang nasa isang daan sila ng isang property na in the verge of development at mejo hindi napapaayos ang mga street lights...sa mga nakaraang pagkakataon ay maayos na man ang street lights sa lugar na ito.. binuksan ni Lady ang kanyang cupid pad... at napansin nya na may isang unread message sa mailbox... niya...binuksan ni Lady ang email at nabasa nya ang isang m3ssage mula sa cupid world...

Hi Cupid Lady

You are about to discover your next pair... we are very glad that you succeeded on your first pair..but please hold on to the next moments coz its gonna be life changing...

Cupid World

Matalinghaga ang naging mensahe sa cupid pad... tila nagbabadya ito ng isang kakaibang pangyayari. naisip ni Laday na sa kanyang pagiging isang cupid ay expected na nya na may mga kakaibang pangyayari syang mararanasan na malayo sa normal niyang buhay noon.... ang nagiging motivation na lamang nya ay ang buhay pagkatapos ng kanyang responsibilidad... looking forward sa isang normal na buhay na walang limitations and boundaries....

Habang nag mumuni muni si Lady ay narinig niyang nagsalita si Benjie...

"ma'am lady... mag seatbelt po tayo maam... mejo madilim po ang daan.... di ko po maxado matantsa ang mga lubak sa daan..." sambit ni Benjie...

"cge kuya... wait lang po at ayusin ko lang gamit ko..." sagot ni Lady

Pinasok ni Lady ang cupid pad sa kanyang back pack ... at inayos ang kanyang ibang mga gamit.... subalit habang ginagawa nya ito ay biglang pumreno si Benjie...narinig ni Lady ang tunog ng brake ng kanilang sasakyan at ang pagsigaw ni Benjie sa kanyang pangalan....

"maam lady.... kumapit po kayo!!"

biglang tumilapon si Lady papunta sa windshield ng knilang SUV. hindi na niya nagawang ikabit ang kanyang seat belt... ..... at bumbanga sila sa isang poste ng ilaw malapit sa sa boundary ng eton at greenfield.... iniwasan ni Benjie na mabangga nila ang isang kulay pula Toyota Altis na tila dinadrive ng isang lasing....pa gewang gewang ang takbo nito sa daan....

Ang mga pangyayaring inyon ang huling naalala ni Lady.... nasadlak siya sa isang malagim na aksidente.....

Samantala....

Nagkamalay si Lady sa isang kakaibang lugar.... isang kubo na mahahalintulad sa tahanan ni Eduardo sa Saimsim... Nang kanyang minulat ang kanyamg mga mata... ay nakita niya ang isang lalaki may nakatakip sa isang mata...

"ayun at last gising na sya" sambit ng lalaki

" sino ka? at nasaan ako?... may balak ka bang masama sa akin.. Diyos ko po.... bakit ba ganito?" sagot ni Lady

"relax ka lang... mukha lang akong adik pero hindi ako masamang tao... wala akong balak na masama sayo... nakita lang kita nakahigang walang malay sa talahiban sa may eton.... " sambit ng lalaki....

"ano? teka lang.... sa eton? ...naalala ko na... naaksidente kami ni kuya benjie... ung driver namin... bakit parang walang nangyari sa akin..nasaan si kuya benjie... bakit siya di mo nakita....? " sagot ni Lady

"hindi ko alam .. ikaw lang ang nakita ko dun... pasalamat ka na lang...nakita kita... kundi baka pinag piyetshan ka na ng mga sawa ang sa talahiban ang katawan mo..." sagot ng Lalaki

"pwede mo ba ako dalhin kung saan mo ako nakita? kailangan ko mabalikan ang lugar na yon...para makatulong man lang ako if ever may mga investigation na gagawin.. sigurado ako may mga pulis dun... ang naalala ko kasi may ka bangga kami na auto..." sambit ni lady

"sige... jan lang naman yan sa malapit.... " sagot ng lalaki

Umalis ang dalawa mula sa kubo papunta sa kung saan nakita siya ng lalaking nakatakip ang isang mata si Lady... napansin ni Lady na walang ni isa mang kapitbahay ang lalaki nagligtas sa kanya...at kataka takang... nakapag tayo sya ng bahay sa eton.... ang eton at greenfield ay mga luaping pag mamay ari ng mga business tycoon ng real estate developments... kaya hindi nya lubos maisip ang na nakatira doon ang lalaki.... labis na pinag babawal ang pagtatayo ng anumang structure sa loob ng property.... Naglakad ang dalawa ng mga 500 meters hanggang sa makarating sila sa talahiban kung saan nakita ang katawan ni Lady ng lalaki...malapit na ito sa kalasada kung saan nangyari ang aksidente...

"teka lang.... di ba un ang welcome arc ng greenfield..?. malapit jan nangyari ang aksidente... halika punatahan natin.." sambit ni Lady...

Napatakbo si Lady patungo sa welcome arc.... at nakita nya na hindi pa naaalis ang dalawang sasakyang nawasak sa muntikang pagsasalpukan... mas labis ang naging damage sa ford explorer nina Lady dahil ito ay bumunggo sa isang poste ng ilaw.... samantalang ang toyota altis ay napa buwelo lang sa talahiban... maraming pulis sa paligid at halata na may imbestigasyong ginagawa.... lumapit si Lady sa isang pulis at nagsalita..

"sir... sir... ako po si Ladilyn De Luna... isa po ako sa mga casualty ng akisidente.. ako po ang nakasakay sa ford explorer na yan.... anak po ako ni Tommy de Luna... head po sya ng social services team ng Los Banos... makakatulong po ako sa imbestigasyon...." sambit ni lady...

Ngunit katakatakang hindi siya pinapansin ng pulis ... parang hindi siya nakikita nito...

"Sir.. Kuya...Mamang pulis.... makinig po kayo... ano ba... bingi po ba kayo?... pasigaw ba sambit ni Lady...

"huwag mo nang ipilit.... hindi ka talaga maririnig niyan..." sambit ng lalaking nakatakip ang kabilang mata...

"ano? so bingi nga siya...naging pulis pa sya lagay nayan... " pagalit na sagot ni lady

"hindi siya bingi.... hindi ka lang talaga niya naririnig at nakikita.... tingnan mo ang ford explorer nyo.... di ba wasak na wasak... sa tingin mo mabubuhay pa kaya ang kung sino mang sumakay jan?" sambit ng lalaki habang nakangiti

Biglang nakaramdam si lady ng panginginig sa kanyang mga kalamnan...at parang gumaan siya na tila nakalutang na siya sa hangin... nanindig din ang kanyang mga balahibo sa mga sandalaing iyon....

"so you mean.... im a ghost now? patay na ba ako....?" maluha luhang tanong ni Lady sa lalaki....

"dalawang related questions.... dalawang magkaibang sagot.... yes isa ka ng ghost..... but technically you are not yet dead... " patawang sagot ng lalaki...

"ang labo ha... pano nangyari yun.... wait.... hindi pa ako handang mamatay... may malaki akong misyon sa buhay....hindi mo ba naiintindihan yun....hindi...! hindi...!!panaginip lang lahat ng ito.... sampalin mo ako please ng magising ako... sige na..." sambit ni Lady habang dumadaloy ang luha mula sa kanyang mga mata....

"alam mo.... hindi ka ba nagtataka.... bakit may bahay sa loob ng isang privately owned property na ito... at hello..ang katawang lupa mo ay malamang gulay gawa ng aksidente... nasa different dimensyon ka na... accept mo na lang yun... "

"so ibig sabihin ghost ka din?.... bakit ka ba nagliliwaliw ang isang kaluluwa dito sa eton at greenfield... sinasabi ko na nga ba eh... haunted itong place na ito...siguro ikaw ang may pakana ng aksidente ano?" galit na sambit ni Lady

"wait...grabe naman na accusation yan... FYI lang ha... ang mga aksidente ay kagagawan ng mga buhay.... huwag nyong isisi sa mga kaluluwa... kaya ako nandito dahil may isang open book sa buhay ko na kailangan kung maisara....di tulad mo.... matagal na akong patay.... mga 3 years na.... aksidente din dito sa area na to ang dahilan... tumatambay lang ako dito para mag abang ng mga pwede tumulong sa akin para tuluyan na akong makawala dito.... may kailangan lang ako ayusin.... hanggang ngayon kasi... malaya pa ang taong guilty sa mga nangyari sa akin....ikaw naman ang katawan mo nasa coma state... pwde ka pang mabuhay.." sagot ng lalaki...

"wait.. panu mo nalaman na nde pa ako completely dead...? paano naman kita matutulungan? tanong ni lady...

"may mga palatandaan kung ang isang kaluluwa belongs to a completely dead person or sa isang taong may babalikan pa sa mundo.... and a ghost like you ang pwede tumulong sa akin.......pwede kitang dalhin sa hospital kung saan ang katawan mo naka confine.... pero promise mo.... tutulungan mo ako sa mga kelangan kong tapusin.... " sagot ng lalaki

"ok sige... please.... tatapusin natin kung anuamn ang kailangan mong tapusin... pero please... dalhin mo ako sa pamilya ko... im sure nasa hospital sila ngayon.... grieving... please..." sambit ni Lady

"ipikit mo ang mga mata mo.... hawak sa mga kamay ko at wag kang bumitaw...kapit ka lang.." sagot ng lalaki...

pinikit ni lady ang kanyang mga mata... humawak sya sa kamay ng lalaki.... naramdaman nya ang lamig sa mga palad nito... at tila lumilipad sila alapaap....

"lady.... idilat mo na ang mga mata mo...." sambit ng lalaki...

pagdilat ni lady ay nakita nya ang kayang katawan sa isang ICU.... naka kabit ang isang reapirator... habang hinahabol ang kanyang hininga..... biglang dumalaoy ang luha sa kanyang mga mata.... hindi na makapagsalita si Lady.... walang kahit isang salita ang makapag describe sa sobrang lungkot na kanyang nararamdaman.... pagtingin niya sa labas ng ICU ay nakita niya ang kanyang mga mahal sa buhay na nag yayakapan at nag iiyakan.....

Nandoon ang kanyang tatay tommy at nanay tina...ang kanyang mga bff na sina paulo at ben.... naroon di si jaz at gina.... pati sina che alma at melvin.... lubos ang kalungkutan ng mga katauhan... napansin din ni Lady na naroroon din ang kanyang ninong A.... ngunit kapansin pansin na ito ay hindi nakatingin sa katawan nya.... kundi nakatingin sa kanya as a ghost... at bigla itong nag smile sa kanya....

ano kaya ang mga susunod na pangyayari?..ano kaya ang magiging papel ni lady sa misyon.ng lalaking nakatakip ang isang mata.... ?at bakit nasisilayan siya ni Prof A bilang isang kaluluwa?

abangan