webnovel

An Encounter at a Volleyball Match

Alas 10 ng umaga ang flight ni Lady mula Bicol papuntang Manila...Sinundo si Lady ng kanyang Tatay Tommy sa airport.... Nag tanghalian muna ang mag ama sa isang resto sa loob ng airport.. Habang kumakain ay nag usap ang dalawa...

"Anak... ako na mismo ang sumundo sayo... miss na miss na kasi kita... Malaki ka na talaga... kaya mo na mag travel mag isa...well you were always been independent.... and im so proud of you ever since.... "

mabilis na sambit ni Tommy

"Ay sus Tatay.... dahil yun sa inyong dalawa ni Nanay... pinalaki nyo ako na hindi palaging nakasandal sa inyo....I miss you too Tatay... sayang nasaan ba si Nanay Tina..Bakit di sya nakasama?"

tanong ni Lady

"Alam mo naman yun anak... pag marami papeles na di pa natatapos ay ngarag... ayun.. andun sa office... nag babad sa mga papeles kasama ang Tita Chelle mo.... lumantak ang lumantak ng pizza... lalong tataba un..."

mabilis na sambit ni Tommy

"Tay.... kahit maging balyena pa si nanay... alam ko naman di mo sya kailanman ipagpaplit.. alam ko kung gaano mo sya kamahal... alam mo Tay.... ang Love pala... can be expressed in so many ways... pwedeng kahit sa mga pagkakataon na akala mo walang pagmamahal.... pero in the end marerealize mo... kaya pala nangyayari ang mga bagay bagay because they were brought about by Love.... haist Tay ang dami kong natutunan ng naging trip ko sa Bicol... "

sambit ni Lady..

"Ang lalim nun anak ah... parang inspired ka ngayon... Si Melvin ba?.. You know what anak....i never had the chance to tell you this pero boto ako sa batang yun... galing sya sa isang maayos na pamilya....pogi din naman... at may inclination sa sports.....ganyan na ganyan ako dati eh..."

mabilis na sambit Ni Tommy

"'Tay... hindi ko po type si Melvin.. at ang focus ko ngayon maitawid ang college.... alam nyo yun commitment ko yun sa inyo ni nanay...

sagot ni Lady..

"Nak.... I never remember a time na sinabi ko sayo na magpapakamanang ka dahil sa pag aaral... minsan dapat magkaroon din tayo ng time para sa lovelife... ako... nag aral ako ng mabuti habang minamahal si Nanay Tina mo... hindi sya kailanman naging hadlang sa pag aaral ko... in fact siya ang naging driving force ko to graduate Cum Laude..si Ben meron ng lovelife... si Paulo naman.. alam ko will find his destiny soon... kaya anak explore... Eto na nga o... im trying to be the coolest tatay...kung ibang ama yan... naku...."

mabilis na sambit ni Tommy

"Haist Tatay... kaya nga na sobrahan ako sa liberty kaya grateful lang ako... I want to be the best daughter of Mr and Mrs de Luna.."

sambit ni Lady

"By the way anak.... nagpunta si Paulo sa bahay habang ikay nasa bicol... parang umabot na naman ang UPLB mens volleyball team sa championship... eto inabot.. complementary ticket sa match...ay naku anak... nagyon na pala to.... well hahabol ka pa naman... malapit lang naman ang MOA arena... baka magkita pa kayo ni Ben doon..."

mabilis na sambit ni Tommy..

"Tay uwi na lang tayo pagod ako eh...."

sagot ni Lady

"Anak.... you never missed any of Paulo's game.... nakikipagtalo ka pa sa akin pag di kita pinapayagan dati... and in the end wala naman ako magagawa.... kasi andun naman si Ben at sasabihin sa akin na sasamahan ka pauwi... at babantayan ka... naninibagao ako sa yo ah.."

mabilis na sambit ni Tommy..

"Tay.. pagod ako..."

sagot ni Lady...

"Anak.. I will drive you to MOA arena whether you

like it or not... nakakhiya kay Paulo...sasama ang loob nun pag di ka nya makita sa venue.... pacensya ka na at di kita masasamahan manood me meeting pa ako sa Pasig... mag text or call ka pag uuwi ka na... para mapasundo na kita... "

mabilis na sambit ni Tommy

Walang nagawa si Lady kundi sundin ang kanyang Tatay Tommy... sa loob loob nya.. gusto din naman niya

mapanood ang laro.. miss na miss na nya ang kanyang kaibigan...kailangan lang niyang umiwas kay Ben... dahil baka di nya na naman mapigilan ang kanyang mararamdaman ay may masama na naman na mga mangyayari... nagpapasalamat din si Lady na masyado syang naging involve sa mga nangyari kina Eduardo at Rosalie dahil nakaiwas sya sa maaring encounters nya kay Ben... Pero sa pagkakataong ito alam nya na maaring magkrus muli ang kanilang mga landas ...

Habang nagbbyahe mula airport hanggang MOA arena ay tahimik lang si Lady habang busy at may kinakausap sa phone ang kanyang Tatay Tommy.. Naalala ni Lady ang mga moments nilang magkakaibigan pag me laro si Paulo.... pagkatapos ng laro.. panalo man o hindi ay palagi silang nag cecelebrate... kahit silang tatlo lang ay masaya sila.... at ngayon bigla na lang hindi na sila nagkikita ng madalas..

Isang magaling na volleyball player sina Paulo at Melvin. Nagsimula ang paglalaro ni Paulo ng naturang na sports mula ng siya ay bata pa... at sa twing sa sya ay may laro ay palaging nanonood ang kanyang matalik na kaibigan na sina Lady at Ben.... Bilang lang ang mga pagkakataon na hindi nakakapanood ng laro ni Paulo sina Lady at Ben...Aside sa kanilang pagkakaibigan at sa pamilya niya, ang volleyball ang isa sa mga kaligayan ni Paulo... itinuring niya itong parte ng buhay niya... Si Melvin naman on the other hand ay MVP mula ng siya ay nasa highschool pa lamang. Nagkakilala sila ni Paulo dahil sa volleyball... naging common friend ni Paulo sina Lady at Melvin... Nang makilala ni Melvin si Lady ay lubos na ang kanyang paghanga sa dalaga...Maraming pagkakataon na nagpahayag si Melvin ng kanyang nararamdaman ke Lady... subalit may iba nang tinitibok ang puso nito.

Samantala pagkahatid ni Tommy kay Lady sa MOA arena ay agad na itong umalis patungong Pasig para isang importanteng meeting... Pagkapasok ni Lady sa arena ay dinig na nya ang hiyawan ng mga tao. Malapit si Lady sa court dahil complementary ang kanyang ticket. Umupo si Lady sa ikatlong baitang ng bleacher mula sa main court... Nakita niya sina Paulo at Melvin .. Kumaway siya sa mga ito... halatang halata ang katuwaan ng dalawa ng makita siya... para bang inspired na inspired sila at nag double ang kanilang energy level...

Biglang kinabahan si Lady ng me humawak sa balikat niya... nang ito'y kanyang nilingon nakita niya si Ben... kasama si Che na magkahawak kamay... Hindi na siya nagulat sapagkat inaasahan nya naman na darating ang mga ito... ngunit di nya mapigalan ang kaba sa kanyang dibdib... Hindi nagsalita si Lady... ni pagbati kay Ben ay di nya magawa...Alam niya na sa huling pagkakataon na nagkita sila ni Ben ay may nagyaring masama... Todo ang kaba sa dibdib ni Lady.. isama mo pa ang presence ni Che na sadyang nagdadagdag ng awkwardness sa sitwasyon. Umupo si Ben at Che sa tabi ni Lady.... Maingay ang paligid ngunit may katahimikan sa gitna ng dalawang magkaibigan...Walang isa man sa kanila ang nag initiate ng kahit isang casual conversation. Magkawak kamay sina Ben at Che.. ngunit kapansin pansin na palihim na sumusulyap si Ben kay Lady. Maingay ang paligid dala ng mga hiyawan na ng mga fans ng magkabilang koponan... Ngunit katahimikan ang nangingibabaw sa gitna nina Ben, Che at Lady...

Nagsimula ang 1st set ng game na gitgit ang labanan... 1st set pa lang ay extended na ang score... lahat ng mga atake ni melvin ay pumapasok sa kabilang court.. at yun ay dahil sa mga excellents sets ni Paulo... maraming din magandang combination plays ang naipakita ng koponan ng UP... sa ikalawang set ay lamang pa din ang UP....

Bago mag 3rd set ay nagtungo muna si lady sa restroom... wala syang imik habang papalayo kina Ben at Che...pagkadating ng restroom ay pumasok sya sa huling cubicle... habang nasa loob ng cubicle si Lady sa loob ng CR ay may na overhear syang isang conversation... mula sa tatlong babae....

Girl 1: Nanjan pala ang dakilang lovelife ni melvin... OMG..... akala ko ba ayaw nya ke melvin..bakit sya nandito... at ewan ko ba kung bakit baliw na baliw si melvin jan... ?

Girl 2: Ay naku di ba anak mayaman yan... anu pa nga ba... ang mayaman ay sa mayaman.... ikaw Jaz mahirap ka lang kaya di ka papansinin nyan...

Girl 3: Hindi nanaman ako nag eexpect...mahirap na... kung sino ang mahal nya at kung saan sya masaya dun ako... at sa sitwasyong to... si Lady ang mahal nya... theres nothing i can do with that...

Girl 1: anu ka ba jaz... umiral na naman yang pagka martyr mo....

Girl 3: i had my chance sinayang ko lang yun...nagyon hes in love with someone...

Girl2 : hay ewan ko sayo... nasaan na ba yang babaeng yan at masabunutan na...

Girl 3: anu ba kayo guys... hindi ako war freak ano... at one thing more.. im so over him... ayaw naman nya sa akin... kung saan sya masaya dun ako... i only want whats best for him.

Narinig ni Lady ang pag uusap ng 3 babae... hindi niya natiis at bigla syang lumabas sa cubicle..

"Ako ba ang pinag uusapan nyo?"

Sambit ni Lady..

Biglang natulala ang tatlong babae ng makita nila si Lady..

"Hi, Im Jaz.. kaibigan ako ni Melvin."

Sambit ni Girl 3

"Ok lang naman na pag usapan nyo ako... sana lang di ko nadinig.... kasi awkward.... at saka yung sabunot... parang mejo brutal yun ha... dont worry... wala naman kaming relasyon ni Melvin... kaya ok lang..."

Sambit ni lady

"Hay naku lagot narinig tayo.... halika na nga... Jaz iwan ka na namin... usap muna kayo.."

Sambit ni Girl 2

Iniwan ng dalwang babae sina Jaz at Lady sa CR...

Si Jaz ay naging kapit bahay nina Melvin nung sila ay nakatira pa sa Cainta.... magkababata ang dalwa.. sabay silang lumaki.... tulad nina Lady, Ben at Paulo ay close ang dalawa at marami na ring pinagsamahan... hayagang nag tapat si Jaz sa kanyang damdamin para kay Melvin nung sila ay nasa high school pa lamang ngunit si Melvin ay naging honest sa kanya at nagsabing parang kapatid lang ang turing nya kay Jaz... hanggang sa nagpasya ang pamilya ni Melvin na lumipat na ng Los Banos para mamahala sa mga naiwang negosyo ng kanyang lolo... patuloy pa din ang communication ng dalawa... nakkuwento din ni Melvin kay Jaz ang kanyang tapat na pagmanahal para kay Lady..... marmi na ding alam si Jaz ke Lady....

Samantala....

Habang nakatulala lang si Jaz na pinagmamasdan si Lady ay bigla syang tinapik nito sa balikat..

"Ui Jaz... bat mo ako tinititigan jan... "

Sambit ni Lady.

"Ah ah... nde na bigla lang talaga ako...talaga palang maganda ka... kaya di ko masisisi si Melvz na magkagusto sya sayo..."

Sambit ni Jaz.

"May gusto kay Melvin right... ? Dont worry Im not a threat.... Melvin is just a friend"

Sambit ni Lady

"Its not what you think... tanggap ko na .... matagal na panahon na wala talaga romantic feeling si Melvs sa akin... even before ka pa nya nakilala..."

Sagot ni Jaz

"Alam mo parang magkakasundo tayong dalawa... meron tayong something in common.... "

Sambit ni Lady

"Oo nga... pwede ba kitang yakapain Lady?"

Sambit ni Jaz

Mejo nagulat si Lady sa mga gustong mangyari ni Jaz... ngunit wala na syang nagawa ng bigla na lang syang niyakap nito ng mahigpit....

Habang yakap ni Jaz si Lady....

"Salamat sayo Lady.... ang bait bait mo palang tao... salamat sa pagiging inspiration kay Melvz..."

Sambit ni Jaz

"Jaz i dont understand... di ba sabi ko sayo wala naman kami ni Melvin...

Sagot ni Lady.

"Ang gusto ko lang maging masaya kayong dalawa... "

Sambit ni Jaz

Biglang tumakbo palabas ng comfort room si Jaz... habang naiwan si Lady na naging palaisipan ang naging mga kilos ni Jaz...

Lumabas si Lady ng comfort room na maraming iniisip... ang mga pangyayari sa kanyang 1st pair... na nagbigay sa kanya ng roller coaster of emotion... si Ben na hindi minsan man lang nawalay sa kanyang isipan.... namimiss na rin nya ang masasayang araw nila ng kanyang tropa... kung paano nya makikila ang kanyang 2nd pair....nakadagdag pa ang mga naging kilos ni Jaz... alam nya na walang impossibleng mangyayari ngayong alam na nya na isa syang cupid...

Lumabas si Lady ng CR na nakatulala.... hanggang sa narining nya any boses ni Ben...

"Nakatulala ka na naman... ano ba talaga ang problema mo?"

Tanong ni Ben

" Ano ba ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?"

Sagot ni Lady

"Nag CR din ako..... Bakit? Bawal ako mag CR at oo sinusundan nga kita.... gusto kitang mkausap... hindi na tayo magkakausap ng matino simula nung debut mo hanggang sa pumunta ka ng Bicol ng hindi man lamang nagpapaalam sa amin ni Paulo... ano ba talaga Lady.... tinuturing mo pa ba kaming mga kaibigan? Bakit ka ba nagkakaganyan?"

Sambit ni Ben

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo... dahil kahit kelan di mo ako miintindihan... "

Sagot ni lady..

"Bakit ba? Nagseselos ka ke che.... Lady... sabihin mo sa akin ang totoo... ako na mismo ang lalayo... hindi yung puro panghuhula ang ginagawa ko... wala akong masamang nagawa ladz... pero bakit feeling ko pinaparusahan mo ako.. parang gusto mong mangyari ay itatapon ko na lang ang almost 15 years of friendship.. .. para saan? Para sa isang bagay na di mo kelan man naipaliwanag... thats too unfair.. "

Galit na sambit ni Ben

Biglang natauhan si Lady sa mga sinabi ni Ben... Tama nga naman... walang nagawang masama sa kanya si Ben... isang mabuting kaibigan na kahit kelan walang hinangad ay ang kaligayahan nya.... Biglang na lang dumaloy ang luha sa mga mata ni Lady.... napaiyak sya sa sobrang inis sa kanyang naging sitwasyon..... Nang nakita ni Ben ang luha sa kanyang mga mata.. at bigla syang niyakap nito... ng mahigpit na mahigpit... habang sambit ang mga salitang...

"Kung sanay malaya pa ako..... mamahalin kita ng buong buo....

Biglang hinawakan ni Ben ang mukha ni Lady.... unti unting nilapit ang kanyang mukha sa dalaga... hanggang sa naglapat ang kanilang mga labi.... nadama ni Lady ang pagmamahal ni Ben sa halik na iyon.... ito ang first kiss ni Lady...walang nagawa si Lady kundi ang ipikit ang kanyang mga mata.... hindi nya alam kung paano sya magrereact... ngunit habang magkalapat ang kanilang mga labi ay bigla nyang naalala ang mga cupid rules.... biglang sinampal ni Lady si Ben..

"Bakit mo nagawa yun!!?"

Sambit ni Lady....

"Im sorry... di ko lang talaga mapigilan ang sarili ko"

Sambit ni Ben.

"Ben... tapusin na natin ang pagkakibigan natin... this is so unfair kay che.... hanggat may nagdudugtong sa ating dalawa ay may mga masasaktan.... please.."

Sambit ni lady habang humagulgol sa iyak.

"Pano tayo?...hindi ko kaya wala ka sa buhay ko... "

Sagot ni Ben

"Ben this is a mature decision... para sa kabutihan ng lahat....balang araw... you will understand kung bakit ko gagawin to... please... layuan mo na lang ako... focus on your relationship with che... wala tayong future.... "

Sambit ni Lady.

"Lady please... wag ganito..... "

Sambit ni Ben habang dunadaloy ang luha mula sa kanyang mga mata...

Habang emosyonal ang magkaibigan ay bigla nilang narinig ang boses ni Che...

"Mahal mahal... si Paulo...

Pasigaw na sambit ni Che.

"Anyare ke Pau?"

Sagot ni Ben..

"Major injury sa knee... natapakan ni Melvin melvin ang tuhod nya pagkatapos mag block.... mahal mukhang seryoso... sobrang nasaktan si Pau..."

"Halika puntahan na natin... nde kasi mag iingat eh..."

Sambit ni Ben

Humagulgol ng iyak si Lady... alam nya na ang pangyayaring ito ay dulot ng mga namagitan sa kanila ni Ben ilang sandali lang ang nakalipas... iniisip nya... magaling na manlalaro sina Paulo at Melvin... bihira silang nagkaka injury o di kayay nagkaksakitan sa kanilang mga laro...

Samantala... pagdating ng magkakaibigan sa court ay nadala na si Paulo sa ospital... habang nakita nila si Melvin sa isang sulok na umiiyak na tila ba sinisisi ang sarili sa mga pangyayari...tuloy pa rin ang 3rd set... hindi na pinaglaro si Melvin gawa ng hindi na sya masyadong maka focus dulot ng mga pangyayari...naipanalo pa din ng koponan ang championship tila ba inalay nila kay paulo ang kanilang mga nagung performance sa 3rd set... hanggang sa na sweep nila ang kalabang koponan... panalo man sila ay hindi buo ang kasiyahan ni Melvin.... alam nya na ang kanyang closest team mate ay nagdurusa ngayon sa sobrang sakit na nararamdaman dulot ng pagkakatapak nya sa tuhod nito... habang nagsasaya ang lahat ay nasa isang sulok lang si Melvin at umiiyak... habang kino comfort sya ni Jaz ay biglang lumapit si Lady...

"Melvz, puntahan natin si Paulo sa ospital. Ako na ang mag ddrive ng auto mo" sambit ni Lady

"Oo nga hindi na to makakpagdrive gawa ng mejo emotional na... " sagot ni Jaz.

Nagtungo ang magkakaibigan sa Makati Med kung saan dinala si Paulo. Bakas sa mga mata ni Lady ang guilt sa sa mga pangyayari. Wala syang ibang maisip na dahilan kundi ang kanyang nararamdaman kay Ben na kelan man ay di nya mapipigilan...

Si Melvin naman ay hindi ap rin napipigilan ang sariling mapaluha sa mga pangyayari... Alam nya na pwedeng hindi na makakapaglaro ng volleyball kailan man si Paulo kung magiging malubha ang tama nito.

Si Ben naman ay patuloy na nag aalala sa kanyang kaibigan..... habang mahigpit ang yakap niya kay che ay naiisip nya pa rin ang mga nagyari sa kanila ni Lady...

Pagdating sa ospital ay agad na pinuntahan ng magkakaibigan sa emergency room si Paulo.... Ngunit ang naabutan nila ay ang nanay ni Paulo na si Alma....

"Ben, Lady.... si Paulo... kailangan niyang operahan... pag hindi daw cya ma operahan ay maari nya itong ikapilay... natatakot ako... ayokong mangyari sa anak ko yun... " sambit ni Alma habang humahaulgol at yakap si Lady.

"Tita I'm sorry po... hindi ko po sinasadya... " sambit ni Melvin

"Iho... huwag mong sisihin ang sarili mo... wala kang kasalanan dito...nasa operating room na si Pau ngayon. Sana maging successful ang operation nya" sagot ni Alma.

Nagtungo ang magkakaibigan pati na si Alma sa chapel ng Makati Med para ipagdasal ang successful operation ni Paulo. Habang tahimik ang lahat at taimtim na nagdadasal ay nag ring ang cellphone ni Lady... Lumabas sya ng Chapel para sagutin ang tawag...ng kanyang tingnan ang kanyang phone ay nakita nyang si Prof A ang tumatawag sa kanya agd na ni receive ni LAdy ang tawag at nag usap ang dalawa

Lady: Ninong... bakit naman ganun ang bilis naman... pinilit ko namang pigilan ang sarili ko....

Prof A: Lady makinig ka muna sa akin.... marami ka ng ng nabbreak na rules.... kumapit ka anak... marami pang pwed mangyari...

Lady: Ninong naman... hindi ko na kayang may magyari pa....

Prof A: Lady makinig ka...naiwan mo ang iyong cupid pad sa koche ng daddy mo... sa kahabaan ng EDSA habang matulin na nagddrive ang Tatay Tommy mo ay nakita nya ang cupid pad mo...dinampot nya ito.. bigla syang napatingin dito... bigla itong tumunog para i message sayo ang naging violation mo kanina.... hindi na sya nakatingin sa daan kaya naaksidente sya sa may kanto ng Ayala at EDSA.... Lady.. lakasan mo ang loob mo.... alam ko matapang kang bata....nanjan din sa Makati Med ang Tatay Tommy mo.... nandito na din ang Nanay Tina at Tita Richelle mo. Lady.... Lady....

Hindi na nakapag salita si Lady habang nakikinig sya sa mga sinabi sa kanya ni Prof A... para bang biglang nag slow motion ang lahat.... nakita nya na biglang dumaan si Jaz sa harap niya... tumatakbo ito....habang umiiyak..... bigla na lang nag hang up sa tawag nila si Prof A... Sa di malamang dahila ay bigla nyang hinabol si Jaz... sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa front desk ng hospital.... nakita nya ang kanyang Nanay Tina at Tita Richelle habang kausap ang mga pulis...

"Nay... kamusta si Tatay?" sambit ni Lady...

"Anak.... ligtas na ang tatay mo..." sagot ni Tina

"Si Mama ko po.... kamusta sya...?" tanong ni Jaz.

Biglang di nakapagsalita si Tina... nagtataka din si Lady kung bakit tinatanong ni Jaz ang kanyang Nanay Tina sa kalagayan ng Mama niya... Hindi maintindihan ni Lady ang mga pangyayari... Biglang nagsalita si Tina...

"Ligtas na din ang Mama mo" sambit ni Tina

"Teka lang.. di ko maintidihan to... ano to nay?... bakit? magkasama si Tatay Tommy at ang mama ni Jaz.... sya ba ang ka meeting ni tatay sa Pasig?" sambit ni Lady

"Naku... Ate... panahon na siguro para malaman ni Lady ang lahat... karapatan din naman ng bata na malaman ang lahat..." sambit ni richelle

"Richelle ano ka ba... " sagot ni Tina

"Ate... ngayon pa ba tayo mag sisinungaling ... nanjan na o... nasa harapan na natin ang lahat...ate... tagal nating tinago to... nakokonsensya na din ako sa bata... ang alam nya..perpekto ang pamilya nya.... " sambit ni Richelle

Humagulgol na lang sa iyak si Tina.... Hindi nya mapigilan ang sarili nya.... alam nya na may tinago syang sekreto sa anak niya ng mahabang panahon.....

"Lady.... ako si Jaz... anak ako ni Gina Paclibar... ang tatay ko ay si Tommy de Luna....sabay tayong pinagbuntis ng mga nanay natin...halos sabay din atyong ipinanganak....pero alam ko... alam namin ni mama na pagkakamali kami.... kaya tinuruan namin ang mga sarili namin na lumugar sa tama.... hindi naman ipinagkait ni Tatay Tommy sa akin ang pagmamahal niya ... sa katunayan... sa lahat ng birthday ko andun sya... nung debut ko 3 days after ng debut mo....sumaglit sya... para ibigay sa akin ang aking regalo.... Matagal na kitang gustong makita....at makilala... dahil alam ko.... mabait kang tao...." sambit ni Jaz

"Iha... maaring ang mama mo pagkakamali ni Tommy pero ikaw.... hindi ka pagkakamali... mahal ka ng Tatay Tommy mo..." sambit ni Tina

"Nay... ang labo naman..... bakit nyo ako pinaglihiman....para namang naging tanga ako sa lahat ng to... ako lang ang walang alam... di ko naman kailangan ang perpektong pamilya... gusto ko... maging totoo tayo... yun na nga akala ko perfect ang family ko.... kaso... ngayon... wala na... ang sakit..sakit nay...." sambit ni Lady..

"Sorry... Ate... Ate Lady... hindi ko kailanman intensyon na sirain ang family nyo.... sa katunayan.... magkikita kami tatlo nina mama at tatay para ipaalam kay tatay na aalis na kami ni mama.... naapprove na kasi nag immigration application namin for Canada... kay kanina... sa CR.. hinigpitan ko na yakap ko sayo kasi alam ko maaring yun na ang huling pagkakataon na magkikita tayo.... kahit di mo ako makilala... at least nayakap kita na mahigpit....pero tadhana na ang nagtakda para magkakilala tayo....

Humagulgol na lang si Lady.... hindi nya alam kung paano nya tatanggapin ang lahat... hindi na nya napansin na tumatawag pala si Prof A sa cellphone nya....

Samantala... tuloy pa din ang pagdadasal nina Alma sa chapel... habang inooperahan si Paulo ... bakas pa rin ang kalungkutan sa mukha ni Melvin... hindi na nya napansin ang paglabas nina Lady at Jaz sa Chapel...makalipas ang isang oras ay

May isang nurse na lumapit sa kanila para ibalita na tapos na ang operation ni Paulo.... bigla silang nagtungo sa labas ng operating room... para kausapin ang doctor....

"Doc... kamusta ang anak ko..."

Sambit ni alma....

"Well he needs therapy for like 3 to 6 months... then he can go back sa training na."

Sagot ng doctor..

"Thank God.... pero doc.. is he consious already... ?

Tanong ni Alma

"He is still unconsious but he is safe.... but I have another concern.... can I talk to you in my clinic Ms Alma? In private"

Sambit ng Doctor...

"Ok doc..."

Sagot ni Alma

Nagtungo sina Alma at ang Doctor sa kanyang clinic at nag usap ang dalawa..

"Well pina general x ray ko si Paulo at nag ct scan din tayo to check if may mga naapetuhan sa ulo nya during his breakdown sa game... I just found out na may clot sya da isang nerve sa utak.... but dont worry.... hindi ito ung dinadaluyan ng dugo.... this is something to do with his receptors.... well may tanong ako... nagkakroon ba ng short term memory loss si Paulo?"

Tanong ng Doctor..

"Doc nagiging forgetful sya lately... which i think is not normal... kasi he really has good memory recall.... "

Sagot ni Alma

"Im afraid Ms Alma that your Son will experience early dimensia..... this is a one in a million syndrome... dimensia could be felt in the later part of the human'S life... pero etong sa anak mo... as early as now.... you need to have paulo be checked up by an expert.... para malaman natin ang mag remedies... hindi naman nya ito ikakamatay pero this would greatly affect his life... Ms Alma..... your son needs you now....

Lumabas si alma ng clinic..na umiiyak... napansin agad ito nina Melvin, Che at Ben.... ..

"Tita... whay happened?"

Tanong ni Ben...

"Ben... ang kaibigan mo..."

Sambit ni Alma habang humahagulgol ng iyak....

Ano kaya ang magiging kapalaran ni Paulo?...

Matatanggap kaya ni Lady si Jaz bilang isang kapatid....

ABANGAN....