webnovel

A Pentagon Outreach

Sa dami ng pangyayari nung nakaraang gabi ay late nang nagising si Lady. Mag aala una na ng hapon ng siya ay tumayo mula sa kanyang pagkakahiga sa kanyang kama... Naiwan ang kanyang Nanay Tina sa hospital para bantayan ang kanyang yaya mitch... samantalang umuwi naman ang kanyang Tatay Tommy para i meet ang isang bisita.. Bumaba si lady mula sa 2nd floor ng kanilang bahay para kumain... me narinig siyang nag uusap sa kanilang hardin... agad siyang pumunta doon para silipin ito... nakita nya ang kanyang Tatay Tommy na may kausap na isang matandang lalake at isang babae.... wari niya ay mag ama ang mga ito... Lumapit pa si lady para makita ang mukha ng mga bisita...hanggang sa nakita sya ng kanyang Tatay Tommy....

"Anak... gising ka na pala... hindi na kita inabala na gisingin... alam ko pagod na pagod ka kagabi.... halikat ipapakilala kita sa mga bisita... Eto pala ang Lolo Jess mo.... kumpare sya ng Lolo Arnie mo...ito naman ang bunso niyang anak si Tita Rosalie mo... "

mabilis na sambit ni Tommy

Napatualala si Lady ng makita niya si Rosalie... Sigurado siya na ang babaeng kaharap niya ngayon ay ang babae sa kanyang first pair... ang babaeng sinubaybayan nya kagabi sa kanyang cupid pad... ang isa sa mga babaeng mag tutupad sa isa mga task niya bilang isang cupid..

Napansin ni Tommy ang pagkatulala ni lady...

"'Anak... are you ok.... ? you are acting strange...

mabilis na sambit ni Tommy

"'ok lang ako dad... na tulala lang ako sa sobrang ganda ni Tita Rosalie...

sagot ni Lady

"naku iha..si Tita Rosalie mo ay isang Madre...She will have her final vow on August this year..temporarily she will be having her 6 months feee time with her family at para makapag decide finally to fully dedicate her life to the Lord."

sambit ni Jess

"ah ganun po ba... sayang hanggang tingin na lang pala ang mga lalake sayo Tita"

sagot ni Lady.

"Hi lady nice to meet you... thank you sa complement.... ikaw din. you are a beautiful young woman.... baka gusto mo din mag madre"...

sambit ni Rosalie

"Naku hindi pwede iha.... alam mo naman nag iisa namin yan... mahihirapan na mga buntis si Tina.... gusto ko naman makakita ang mga apo ko..."

mabilis na sambit ni Tommy.

"tay..masyado pa akong bata para isipin ang mga apo mo...."

sagot ni Lady

"Well iha apparently... ikaw lang talaga ang pag asa ng tatay tommy at nanay tina mo to have their grandkids... syempre nag iisang anak ka...kaya u have to be ready for that...ako ...kaya pinayagan to si bunso ko na mag madre kasi naka 5 apo na ako with my other children.

sambit ni Jess

"pero sa ngayon pag aaral muna atupagin mo.... make us proud muna anak..."

mabilis na sambit ni Tommy..

"By the way, kaya pala nandito si Lolo Jess at Tita Rosalie mo kasi they will be part of th incoming outreach program sa evacuation center ng LB... nag bigay Lolo Jess mo ng financial assistance at si Tita Rosalie mo naman ay i dedevote most of her time sa evacuation center sa 6 months na nandito sya sa Laguna....naku mejo mainit na dito sa garden... pasok tayo sa library... dun natin pagusapan ang lahat over coffee...."

Habang papasok sila sa library ay tumatak sa isipan ni Lady ang sinambit ng kanyang Tatay tommy tungkol sa pagkakaroon ng apo... alam niya na pag hindi nya nagampanan ng maayos ang kanya tungkulin bilang isang cupid ay hindi na nya kailanman mabibigyan ng apo ang kanyang mga magulang... habang iniisip nya ito ay tinitingnan nya si Rosalie... nag iisip sya kung papanu maiinlove si Rosalie ke Eduardo.... posible kaya? Biglang naalala ni Lady ang sinabi sa kanya ni Prof A na love knows no boundary.... muling nabuhayan ng loob si Lady.....

pansamantalang iniwan silang dalawa ni Rosalie nina Tommy at Jess... ipapakita ni tommy ang kanyang bagong bili na kabayo ke Jess...habang wala si Tommy at Jess ay nagkaroon ng pagkakataon makapag usap si Lady at Rosalie...

"Tita, kamusta ang 1st day outside the convent...?"

tanong ni Lady

"well ang sabihin mo 1st night.. kagabi pa ako dumating... it was an adventure....

sagot ni Rosalie

Napangiti si Lady... spagkat alam nya lahat ng pangyayari kagabi....

"ill be very honest to you.... kagabi hinablot ung cellphone ko ng isang snatcher... pero someone returned it to me.... parang naging hero ko sya.... ewan ko ba pero 1st time ko humanga sa isang lalake... but not for waht youre thinking... i mean... napaka honest nya kasing tao at me paninindigan.... un nga lang mejo napalayo ang puso nya Diyos.....

sambit ni Rosalie

"Talaga..."

nakangiting sambit ni Lady...

"ui lady.... iba ang iniisip mo.... nakatali na ako ke Lord... ang gusto ko lang naman lahat ng tao mag tiwala ke Lord...kasi Siya... di kailan man nawalan ng tiwala sa atin...yun ang gusto ko mangyari sa lalakeng un... kasi alam ko mabuti siyang tao....

sagot ni Rosalie

"ang dami pala talga nangayayri pag labas mo ng convent ano... mga trials ni Lord.... "

sambit ni Lady...

Nang makabalik na sina Tommy at Jess sa Library ay nagyaya nag umuwi si Jess ke rosalie...

"Ano Tito Jess kita na lang tayo sa outreach and rosalie iha salamat sa tulong this mean so much to me."

mabilis na sambit ni tommy

"'naku kuya.. wala pa nga akong nasisimulan... pero salamat po sa opportunity... at least me pagkakaabalahn man lang ako bago ako bumalik ng kumbento."

sagot ni Rosalie

"Ano tommy... sa out reach na lang....

sambit ni Jess..

"OK po tito.... ingat po kayo sa pag uwi..."

mabilis na sambit ni Tommy.

Nang makaalis ang mag amang Jess at Rosalie ay binalita ni Tommy ke Lady na nakalabas na ng ICU ang yaya mitch nya....pero kailangan pa itong i confine ng 5 days para obserbahan....

nagdasal ng mataimtim si Lady para sa paggaling ng Yaya mitch niya... humingi din sya ng guidance para kanyang journey with eduardo and rosalie....

Sa outreach...

Makalipas ang tatlong araw ay ginanap ang outreach program na pinamunuan ni Tommy sa evacuation center ng LB.... ang mga evacuees na mula sa malaking sunog sa brgy masiit ang umuukupa sa buong evacuation center...

Maagang dumating dun si Rosalie... namigay siya ng mga de lata at bigas sa mga nasunugan.... Sabay na dumating ang pamilya de Luna....pag pasok ni Lady ay agad nyang tinulungan si Rosalie... mahaba ng pila ng mga nasunugan na humihingi ng tulong...

Mayat maya pa ay may iba pang dumating na mga tutulong sa out reach.... nagulat si Lady ng makita niya na dumating si Ben at Che.... Nilapitan niya agad si Tina at nag tanong...

"Nay bat nadito sina Ben at Che...anong ginagawa nila dito.... ?

Tanong ni Lady...

"Naku anak nag volunteer sila.... eh di na ako nakatanggi.... kelangan natin ng maramimg volunteer dito sa outreach... at saka si Ben naman .. palagi naman yan sa mga outreach activities ng tatay mo ever since... bakit ba anak anong problema?

sambit ni Tina..

"wala naman po..wala naman kasing sinasabi si Ben sa akin na pupunta sya ngayon.."

sagot ni lady.

Iniiwasan ni Lady tumingin kina Ben at Che na kasalukuyang nakikipag usap sa mga nasunugan..

Mayat maya pa ay dumating din sina Paulo at Melvin...

Agad silang lumapit ke Lady...

"Hi Lads...kamusta.... ?"

sambit bi Melvin...

"ui tulala lang...pansinin mo naman si Melvin...

sambit ni Paulo...

"ay sorry me iniisip lang ako...."

sagot ni Lady...

"tulungan na kitang magdistribute ng mga relief goods..."

sambit ni Melvin...

"ui Ladz... di kaman lang nagparamdam simula nung na ospital si ate mitch.... anu bang nangyayri sau...

tanong ni Paulo..

"Wla naman... busy lang talaga ako..."

sagot ni Lady

"aba you are acting so wierd kaya... especially nung me nangyari ke ate mitch.... bigla na lang di ka nakikipag communicate sa amin ni Ben....Lads naman weve been friends for the past 15 years... kung me something sayo alam ko na agad.."

sambit ni Paulo

"alam mo pau kung pumunta ka dito para ungkatin yan... you are not in the right place...we should be doing charity works... hindi para pagusapan ang problema natin"

sagot ni Lady...

"concern lang naman sya sayo.... "

sambit ni Melvin...

"ok you want an honest answer... melvs, i am not ready to fall in love.... i know youve been very vocal about youre feelings towards me.... pero ako wala... waley...."

"teka lang... ladz... akala ko ba bibigyan mo xa ng chance... di ba nag usap tayo a day after your debut...

sambit ni paulo...

"so naniwala ka sakin... pau naman... madalas tayong nagkaka biruan... and u took it seriously...

sagot ni Lady...

"of course... nde ka nag bibiro ng sinabi mo yun... ladz naman nabigyan ko pala ng false hope tong si melvin..."

sambit ni Lady...

"me iba kang mahal diba?, kaya di mo ako mabigyan ng chance...

sambit ni Melvin..

"hwag mo yang ituloy melvs.... hindi mo magugustuhan ang gagwin ko sayo..

sagot ni Lady...

"Lads ano ba ang nangyayari sayo, hindi ikaw yan..."

sambit ni Pau....

Kahit na nasa kabilang dako ng evacuation center si Ben ay pansin nya na nagtatalo ang sina lady, paulo at melvin. Gusto nyang lumapit sa mga ito ngunit pinipigilan sya ni Che..

Samantala narinig ni Rosalie na nag tatalo ang tatlo... lumapit sya sa mga ito at nag salita

"Guys. hindi ito ang tamang lugar para sa pinag uusapan nyo.... we are here because of them

sambit ni Rosalie habang nakaturo sa mga evacuees...

Mayat maya pa ay my narinig silang malakas na iyak ng isang sanggol... ang iyak nito ay para bang sya ay may sakit... nakahiga ang sanggol na ito sa isang kama malapit sa pintuan ng evacuation center... kung saan malapit si Ben at Che.... agad agad na nilapitan... ni rosalie at lady ang bata... may kasamang mahigit kumulang sampung taog gulang na bata

aang sangol .... umiiyak din ang batang ito...at may dinaing sa kanila...

"ate tulungan nyo po kami.... mataas po ang lagnat ng kapatid ko..

sambit ng bata...

"Nasaan ba mga magulang nyo..."

tanong ni Lady...

"wala po kaming mama... papa lang po... umalis po xa para bumili ng gamot.."

Hindi pa rin tumitigil ang bata sa pag iyak...kaya kinuha ito ni rosalie sa pagkakahiga at kinarga....

"wala ba tayong gamot na pang infant jan? sadyang mataas talaga ang lagnat ng bata.."

tanong ni Rosalie

"ichecheck ko po sa mga container outside"

sambit ni Ben.... habang nakatingun ke Lady...

"Sasamahan na kita.."

sambit ni Che...

Mayat maya pa ay dumating na ang ama ng mga bata.... nagulat sina Lady at Rosalie ng makita nila na ang ama ng mga bata.... Si Eduardo pala ito....

Nagulat din si Eduardo ng makita nya si Rosalie....

Agad nyang kinuha ke Rosalie ang sanggol at niyakap ito...

"pasensya ka na anak.... wala talaga nadelihensya si papa na gamot.."

sambit ni Eduardo habang dumadaloy ang luha nya....