webnovel

A Night to Remember

Pumasok si Lady sa loob ng retreat house ng hindi alam ang gagawin...Sa kanyang mga nasaksihan ay maaring magbago ang kanyang mga plano... Hindi niya inaasahan ang pagsunod ng kaluluwang me kalahating mata.... Ano nga ba talaga ang pakay sa kanya ng kaluluwang yun?... Sa kanyang pag pasok ay tila tahimik na ang retreat room...una nyang hinanap si Benjie.... sa pagkakataong ito ay nasilayan na nya ang binata... sa isang sulok... tila malayo ang tingin at nag iisip ng malalim...Nilapitan niya ito at kinausap....

"Kuya Benjie... Hoy Kuya Benjie.." sambit ni Lady....

Tila tulala pa rin si Benjie at di sya naririnig nito... Inihipan ni Lady ang batok ni Benjie para makaramdam ito ng lamig...

"Maam Lady...." sambit ni Benjie sabay lingon sa kanyang likuran.. 

Biglang natulala si Benjie ng nakita na nya ng buo ang kaluluwa ni Lady... Hindi na hati ang nakikita nya sa dalaga...

"Maam Lady... buo ka na sa paningin ko... pano kaya nangyari yun...? "  sambit ni Benjie

"Talaga... hindi ko alam... pero kuya Benjie... eto lang ha... wala naman ako karapatan na makialam sa personal mong buhay pero....kuya naman.... magsabi ka ng totoo.... bakit ka biglang nawala kanina....? hinanap kita... kasi may natuklasan na ako kay May... wag kang mag sinungaling may nakakita sayo at kay ate karen sa kakahuyan...  gumagawa ng milagro...  " sambit ni Lady. 

"Po, ahhm... Maam di ko na po napigilan ang sarili ko... iba talga ang tingin ko kay karen... para bang matagal ko na syang kakilala... sinubukan ko pa syang halikan... hindi po sya pumalag... hanggang sa hinalikan na namin ang isat isa.... hindi na namin napigilan ang mga nararamdaman namin... tumakbo kami sa kakahuyan para gawim na ang dapat naming gawin... Maam Lady... masama po ba loob nyo sa akin...?" salaysay at tanong ni Benjie..

"Naku Kuya Benjie di ko alam kung pano ako mag rereact.... wala na akong karapatan na manghimasok sa personal mong buhay... pero...  basta... napaka awkward na... buti na lang hindi ako nakakita sa inyo.... kung hindi baka binato ko kayo ng troso... teka lang.... mahal mo ba talaga...? eh kahapon lang inaaway ka non... dahil na preskohan sayo maxado... tapos nag ano kayo kaagad.... hay... kuya Benjie...

Biglang pinutol ni Benjie ang pagsasalita ni Lady...

"Bakit Maam? nakakadiri yung gunawa namin..? tanong ni Benjie..

"Ahh.... ahhhm... hindi naman... natural naman ginagawa ng mga tao yan... kaso lang bakit sa kakahuyan?  natatatwang sambit ni Lady

"Eh kung di doon,  saan po? hindi pwede sa  mga rooms ng retreat house parang binaboy naman namin ang lugar" sagot ni Benjie...

"Hay naku kuya benjie... napapatawa nyo ako kahit mejo may nararamdaman akong takot ngayon..." sambit ni Lady

"Ano po yun mA'am? may nagyari po ba? tanong ni Benjie

"Yung sinasabi ko sayo na dalawang matandang kalukuwa na nakilala ko dun sa may hanging coffins... ? sila ang nakakita sa inyo ni ate Karen sa kakahuyan... pero... aside kabablaghan niyong ginawa, may ibang kaluluwa pa silang nakikita sa paligid... kuya... hindi ko nakkwento pa sayo to pero.... may nakilala akong ligaw na kaluluwa... sa pinangyarihan ng aksidente... bago pa ko nagpunta ng hospital at pumunta sa inyo.... nakilala ko na sya.... me takip ang isa nyang mata... tinulungan nya akong makita ang katawang lupa ko.... pero nangako ako sa kanya na tutulungan ko din sya sa hinahanap niya....kaso nagkagulo na ang lahat at bigla syang nawala... di kaya sinusundan nya ako... para singilin ako sa pagpapabaya ko sa kanya...? Kuya benjie... magmatyag ka lang... may banta ang dalawang matandang kaluluwa... baka daw may mangyaring masama ngayong gabi..." sambit ni Lady..

Habang nag uusap ang dalawa ay bigla nilang narinig ang boses ni Sister Rosalie...

"Mga kaibigan... magsisimula na po tayo...sisimulan natin ang ating activity sa isang dasal..." sambit ni Rosalie

Naging mataimtim at makabuluhan ang dasal ni Sister Rosalie....ilan sa mga pinagdasal nya ay ang kaligtasan ng lahat ang tagumpay ng retreat at ang paggaling ni Che sa kanyang dinadamdam...kapansin pansin din na si Karen ay umiiyak sa whole duration ng pagdadasal ni Rosalie..

Matapos magdasal si Rosalie ay nagsagawa sya ng paunang salita...

"Mga kaibigan... ako poy nagagalak at tayoy nagkaroon ng ganitong klaseng activities... nag eenjoy na kayo sa sa tour at the same time nakakapag reflect... anyways.... malungkot lang dahil hindi tayo maasamaham ni Che... wag kayong mag alala... she being talen care off....so ngayon...dahil  nangyari kay Che... maramt tayong panahong hindi na utilize... ang first part ng recollection ay di na natin nagawa... by this time mag pproceed na tayo sa ating one on one... Bago ang lahat ay ipapakilala ko muna ang magiging truat person nyo sa one on one... mga kaibigan... Brother Joseph Carlo Alcabasa... or you can call him... JC.... " sambit ni Che

Lumabas si JC at nag palakpakan ang lahat.... kapansin pansin na sa pagpasok nya ay nabaling ang tingin niya kay May.. tila ba nakaramdam sya ng kakaibang tibok sa puso nya....habang si May naman ay nakakatitig din sa kanya....

Sa isang banda si Lady ay gumagawa na ng plano sa isip nya kung pano nya paglalapitin ang loob ni JC at May... hindinpa sya sigurado kung si May talaga ang babae da pangitain ng dalawang matatandang multo.... pero eilling na sya mag tale ng chance... at kung ano man ang madiscover nya along the way.....bahala na si Lord.  ang importante ginawa niya ang lahat para mahanap ang kanyang second pair...

Samantala...Nagsalita si JC sa harap ng lahat...

"Mga kaibigan.... ikinagagalak kung makilala kayong lahat....hundinko na kayo irerequire na i introduce ang mga sarili nyo... dahil sa konte nyo... sigurado ako na kilala nyo na ang isat isa...atvmamaya naman ay magkakausap naman tayo ng masinsinan sa one on one.." sambit ni JC

Tahimik lang ang lahat habang nagsasalita si JC. Para bang namangha ang lahat sa malamig at relaxing na boses ng binata. Lalo na si May talaga nang nakatitig lang sa kanya...

"Aking mga kaibigan...sana ay nag enjoy kayo sa naging tour nyo kanina... ngayong gabi naman ay ating bigyan ang mga sarili natin na mag reflect.... mag muni muni muna tayo... sana ay mabigyan natin ng panahon ang mga puso natin na i open sa Panginoon..

Habang nagsasalita si JC ay palihim siyang sumsulyap kay May.... ang dalaga naman ay di mapakali... na para bang may nakikita siya kay JC na ni nya maipaliwanag..

Nagsimula na ang retreat... nagkaroon ng mga group activities na tungkol sa kanilang mga naging experience sa buhay.. makalipas ang isang oras ay nagsimula na ang one on one with bro JC.... bago magsimula ang lahat... ay nilapitan muna ni Lady si Benjie..... para kausapin..

"Kuya... alalay ka lang mamaya ha.... lalong lao na kay JC.... siya maapektuhan ng matindi dito sa mga plano natin..." sambit ni Lady...

"Basta maam huwag ka lang gumawa ng isang bagay na maaaring ikapahamak ng katawang sasapian mo... maam tandaan mo... may katawang lupa ka pang babalikan..."

"Kuya Benjie... magtiwala ka lang sa akin..."sambit ni Lady....

Agad tumungo ang kaluluwa ni Lady sa private room kung saan gaganapin ang one on one... pagpasok nya sa loob ay agad niyang nakita amg kaluluwa ni Cecilia at Maura na nag uusap....nagsalita si Maira

"iha... mag ingat ka.... pinapaubaya na namin sayo ang JC namin... sigurado naman kaming di mo sya papabayaan... " sambit ni Maura..

Hindi na nakapagsalita si Lady at ngumiti na lamang sya sa dalawang matatandang kaluluwa... inisip ni Lady... gagawin niya ang lahat matuklasan lamang ang bumabagabag kay May sabay pag  sa pag pair nya dito kay JC.... maya maya pay pumasok na si JC sa kwarto... halatang nakangiti lamang ang binata.... maaaring ito ay sa kadahilanang nakita nya ang isang babaeng maaaring magpapatibok ng puso nya....

Umupo si JC sa isang upuan kasalungat ang isang silyang uupuan ng kanyang mga participant.... ipinikit nya ang kanyang mga mata at nagdasal ng mataimtim... hanggang sa nakaramdam sya ng isnag malamig na hangin na pumapagaspas da batok niya.... nagsisimula ng pumasok ang kaluluwa ni Lady sa katawan ni JC.... habang nangayayri ang lahat ng ito ay may naramdaman ang kaluluwa ni cecilia...

"Ate... nandito sya.... ang kaluluwang may takip ang kabilang mata.... hindi ko sya nakikita... pero nararamdaman ko... nasa paligid lamang sya... " sambit ni Cecilia..

"Magmatyag ka lang cecilia.... hindi natin pababayaan ang batang Kaluluwa... " sagot ni Maura...."

Nang matapos magdasal si JC ay agad niyang dinilat ang kanyang mga mata... sa pagkakataong ito..nakapasok na sa sistema nya si Lady.... Nasa control na ni Lady ang kanyang katawan.....

Mayat maya pa... ay may kumatok sa pintuan...pumasok si Jam... una ito sa pila ng one on one....

"Hi po brother JC.... kamusta po..." Bati ni Jam

"Mabuti Jam.... ikaw kamusta ka? tanong ni JC

"Haist Bro JC.... magtitiwala po ako sa inyo..." sambit ni Jam.

"Lahat ng pag uusapan natin dito ay mananatili lamang saloob ng silid na ito." sambit ni JC 

"Mejo may pinagdadaanan po kasi ako ngayon sa love life ko.... may nanliligaw kasi sa akin na matagal ko nang tropa... ang hirap kasi nito ay matagal na din kasi akong may gusto sa kanya... kaso lang po... parang natatakot po akong mag commit... dahil po sa kaibigan ko sya ay kilalang kilala ko po sya.... kaya may mga doubts and inhibitions pa rin po ako." salaysay ni Jam

"Jam... lahat tayo sa mundo ay may takot sumugal.... sa kahit anumang aspeto nito.... kaya ako nandito para makinig... para kahit sa paanong paraan ay   makapag guide ako sayo sa tamang landas... " sambit ni JC

Sa mga sandaling iyon ay lumalabas sa mga pananalita ni JC ang combination ng wisdom  nila ni Lady... Habang knonontrol ni Ladya nd buong katawan at pagkatao ni JC ay subconciously lumalabas pa din sa kanyang pananalita ang kanayang malalim na pagkatao....tila nilalabanan nya ang pagsapi sa kanya ni Lady... tila may dalawang taong nakikinig at ngapapayo kay Jam kayat ganun na lamang ang naging tiwala niya sa pag uusap nila.

Ibinahagi ni Jam kay JC ang kanyang mga saloobin tungkol sa kanilang pagtitinginan ni Santi. Sigurado siya sa nararamdaman niya kay Santi... ngunit ang hindi tiyak ayang  feelings ni Santi para sakanya. Alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso na si Santi ay hindi seryoso sa buhay. Marami na itong naging mga babae at wala itong sinersyoso kahit isa kaya nung ngaparamdam ito sa kanya ay hindi niya ito binigyan ng pansin. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay iniibig niya ito...Marami pa silang napag usapan ni Jam... tungkol sa kanyang buhay bikang isang bread winner.... at ang mga failed relationship niya before... at ang matagal na pagkakaibigan nila  Joyce at Maan.... Sa paraang ito ay mas nakilala pa ni Lady si Jam....

"Hay naku Bro JC hindi ko na alam ang gagawin... hindi po ako sigurado sa kanya.... Wala naman ako kayang gawin kundi ang mahalin lang siya. Wala akong maiiaalay sa kanya kundi ang pagmamahal ko lang. Alam ko naman ang mga gusto niyang makuha sa akin.... Kasi sa mga tipo niya... isa lang naman ang kailangan ng mga yan.... Alam nyo na yan po..... pero hindi ko pa po kayang ibigay sa kanya yun.... Naniniwala pa din po ako sa sex within the seal of marraige.. " sambit ni Jam

Napapangiti na lamang si JC na ang diwa ay ang kaluluwa ni Lady. Naisip ni Lady kaya niyang tulungan si Jam... pwede na niyang maging 2nd pair sina Santi at Jam..... ang kailangan lang niyang matiyak ay ang tunay na nararamdaman ni Santi..... dapat niyang malaman kung si Santi ay pinaglalaruan lamang si Jam o sadyang may nararamdaman ito sa dalaga. Biglang naalala ni Lady ang sitwasyon nila nina Ben at Che.... Wala din katiyakan.... Ang tiyak lamang ay sigurado sya sa nararamdaman niya kay Ben... ngunit alam niya na si Ben ay confuse kung sino talaga ang matimbang sa puso nya. .... May nabuong plano si Lady sa sisp nya.... Matapos ang one on one session niya kay Jam ay agad niyang pinatawag si Santi kahit hindi pa ito ang kasunod sa pila.....

"Jam, gusto ko na si Santi ang susunod kung kausapin.... Gusto ko lamang na makausap din siya....nais ko sanay maging maayos kayong dalawa... sana paglabas nyo sa retreat house na ito ay tiyak na kayo sa mga feelings nyo.... kung kayo... kayo... kung hindi... dapat hindi mawala ng mahabang panahon ng friendship....." Sambit ni JC

"Sige po... sasabihin ko po sa kanila sa labas.... Maraming salamat brother JC... ang laking gaan sa pakiramdam na makausap kayo.... sana lang po pag nakausap niyo na si Santi ay maliwanagan na siya.... at sana marealize nya..... may tao namang nagmamahal ng totoo.... " sagot ni Jam

"Sana nga Jam... lahat tayo may karapatang magmahal at mahalin... kailangan lang natin maghintay ng tamang panahon at sa tamang tao...kung kailan man at kung sino man... Diyos na ang bahala... " sambit ni JC

Lumabas si Jam ng silid na magaan ang pakiramdam... ngayon wala na syang inhibitions....parang nalinawan na siya na kailangan bigyan niya ng chance si Santi.... sa mga narinig niyang kay JC at Lady ay naging mas magaan ang loon niya... at nawala lahat ng kanyang mga iniisip... 

Ilang sandali lang ay pumasok na si Santi..... tila may idea na sya kung bakit sya ng kasunod na mag one on one with Brother JC.

"Good Evening po" Sambit ni Santi...

"Good Evening Santi... kamusta ka naman"  tanong ni JC

"Parang alam ko na po kung bakit ako ang pinatawag nyo kasunod..... dapat si Joyce pa ang kakausapin nyo po diba? " Ano po bang pinagsasabi sa inyo ni Jam? baka siniraan niya ako sa inyo... Sinabi niya po ba sa inyo na manyak ako.... na babaero ako... na wala akong kwenta.... naku... hwag po kayong mag alala lahat na po narinig ko sa kanya.... ang hirap lang po na tanggapin.... wala syang tiwala.... well di ko naman po sya masisisi.... nakita nya lahat ng pinagagagawa ko.... pero ang mahirap lang po sa akin... hindi po sya nagtiwala dun sa pagkakaibigan namin... haist.... nakakapanghina lang po talaga..." sambit  ni Santi.

"Kaibigan, walang ganyang sinabi si Jam.... nais ko lamang malaman mo na kung titingnan mo lang ang mga bagay bagay sa isang mas malawak na perspektibo..... mas maiintindihan mo kung bakit ganun na lamang ang reaksyon nya.... mas mamahalin mo sya ng buo... mas magkakaroon ka ng sense of realization... wag mo lang ibase lahat sa fact na friend mo sya at kakalimutan na nya lahat... isa din syang babae.... kaya mahirap sa kanya na magtiwala sayo....Gaano mo ba sya kamahal? Sambit at tanong ni JC

"Simula pa lang ng nagkasama kami sa trabaho,.... simula ng naging close kaming mag ttropa... pero sa simula pa lang kasi alam ko na wala na akong pag asa.... kakaiba nag standards nya.... kaya wala akong lakas ng loob... pero naisip ko at one point.... kailangn ko isugal na lahat.... msyado lang napprolong ang agony ko.... kasi hanggat nanjan sya di ko maiiwasan ang nararmdaman ko sa kanya.... ayw ko naman pong lumayo kasi parang hindi ko po kakayanin na di ko sya nakikita araw2x....." 

Biglang pinutol ni JC ang pagsasalita ni Santi

"Kaya naghanap ka ng ibang mapag aaliwan... sa ibang mga babae.... naglalaro ka ng apoy kaibigan.. ngnit kung bibigyan mo ng pansin ang mas importanteng mga bagay sa buhay mo.... mas marerealize mo na mas may nakatagong kaligayahan pa na dapat mong matuklasan besides sa mga makamundong pagnanasa.... tatanungin kita kaibigan... ano ang idea mo ng isang tunay na pagmamahal?"sambit ni JC

Biglang natahimik si Santi.....nag isip siya ng malalim..... at bigla na lamang dumaloy ang luha mula sa kanyang mga mata....  nagsalita si JC

"Kaibigan.... ano nga ba ang tunay na laman ng puso mo? sabihin mo sa akin...."  sambit ni JC

"Borther JC.... lumaki po akong hindi kapiling ang mga magulang ko.... inaamin ko po.... may mga desisyon akong mali.... alam ko naman po yun... kaso... minsan gusto ko lang makalimot sa lahat ng masasamang bagay sa buhay ko.... Nung nakilala ko po si Jam mga 16 years old kami nun..... mas nagkaroon ako ng drieksyon... sa totoo lang po... simula ng naging magkaibigan kami ni Jam... lahat po nag bago... mas nag pursige po ako na magtapos ng college.... hanggang sa nakapag trabaho ako.... lahat po yun dahil kay Jam.... siya po ang naging inspirasyon ko.... wala na naman din po kasi akong pamilya na pag aalyan ng mga accomplishments ko.... pero ng nalaman ko na wala akong pag asa sa kanya.... nag back off po ako.... ginawa ko po lahat ng bagay na maaaring makapag divert ng attention ko.... ayoko po masira ang friendship namin....Nunga nagka boyfriend sya... mas lalo akong lumayo... puamsok ako sa ibat ibang short term relationship.... pero ang totoo nyan si Jam lang talaga ang laman ng puso ko.... Nung naghiwalay siya ng boyfriend niya.... sinubukan ko na manligaw... pero nagkaroon na sya ng impression..... wala na syang tiwala...." salyasay ni Santi.

"Kaibigan.... walang masama kung sasabihin mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman... yung seryoso ha.... walang halong kalokohan o kalibugan..... malay mo.... mali ka pala.... " sambit ni JC....

Habang nakikinig si Lady na nasa loob ng katawan ni JC ay marami syang mga naalala... naalala na naman niya is Ben... si Paulo ang pagkakaibigan nilang tatlo.... kung paano ito nagkalatak gawa ng mga nararamdaman nila... ngunit sumgi sa isip niya si Eduardo... kung paano nito ginawa ang lahat para maramdaman ni Rosalie na mahal na mahal niya ito.... sa Pagsuko niya kay Rosalie ay naipadama niya dito ang walang hanggang pagmamahal....

"Santi kaibigan.... lumabas ka sa silid na ito.... gawin mo kay Jam ang isang simbolo ng pagmamahal na unag pumasok sa isip mo.... at tingnan mo ang reaksyon nya..... pag di sya pumalag.... ibig sabihin ... may future....." sambit ni JC

Lumabas si Santi mula sa silid at mayt maya pa ay narning ni Lady na nasa loob ng katawan ni JC na nag palakpakan ang mga tao.... 

Makatapos ang ilang sandali ay pumasok na si May sa loob ng silid..... 

Ano kaya ang nangyari kay Santi at Jam sa labas....? Bakit nagpalakpakan ang mga tao? 

Ano ang magyayari sa mgiging pag uusap nina JC na sinapian ni Lady at ni May.... may matutuklasan kaya si Lady mula sa pag uusap na ito...

Abangan.....