webnovel

Love Me or DIE

DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.

snowy_wynter · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 9

Leaving

Umaga na at nasa isang kwarto na si Lola. Maayos naman daw ang lagay niya dahil lang daw sa panghihina ay nahimatay sila. May edad na din sila kaya madali na sa kanila ang mapagod. Ginamot na din ang pasa sa leeg at panga nila. Matindi kasi ang pagkakasakal ni Uno sa kaniya kaya nagkapasa ito.

Naawa naman ako kay Nanay Saling. Ako ang dahilan bakit siya nandito. Hindi siya madadamay kung hindi ako naging pasaway kay Uno.

At hindi ko rin akalain na hanggang doon ang aabutin ni Uno. Hindi kaya baliw na siya?

Maaari kong sabihan si Tiya dito. Baka sakali pwede namin siyang maipagamot. Advance na ngayon ang technologies. Habang maaga pa, maganda na ding maipagamot siya.

Naawa din ako sa kaniya kung sakaling may sakit nga siya. At kila Tiya at Tiyo din. Nag iisa nilang anak si Uno. Hindi na nasundan dahil na rin daw sa kagustuhan ni Uno dati. Spoiled kasi ito at ayaw na naaagawan. Kaya ang tingin nito sa kapatid ay kaagaw. Wala na din nagawa sila Tiya dahil mahal na mahal nila ang unico ijo nila.

Napansin ko naman si Nanay na dumilat na.

"Nanay?" pagtawag ko dito. Lumingon naman ito sa akin at ngumiti.

Pinindot ko naman ang isang button sa taas ng kama nito. Mag aalarm kasi ito sa mga Doctor at para makapunta sila dito.

"Okay naba pakiramdam mo Nanay? May masakit po ba?"

"T-tubig." medyo hirap pa siyang magsalita pero nagmadali naman ako nagsalin sa baso ng tubig at binigay sa kaniya. Inalalayan ko din siya na umangat ng kaunti para makainom siya.

Dumating na din ang mga Doctor at sinuri nila si Lola. Sinabihan na din ako na maayos na si Lola at pwede na siya umuwi. Pahinga lang muna sa bahay at iwasan ang mapagod.

Kung nagtataka kayo wala sila Tiya, umuwi muna sila sa bahay. Dahil papasok si Kuya Uno. May pasok din naman ako pero pinili ko nalang na lumiban para mabantayan si Nanay. Medyo puyat din ako at di ko alam kung makakapag focus ako sa tinuturo ng mga teacher ko.

"Nanay, pwede na daw po tayong umuwi." pag uumpisa ko ng topic dito. Dahil umpisa ng umalis ang doctor ay hindi parin ako nito kinakausap. Ni tingnan man lang ay hindi.

Narealize kong baka sinisisi nga ako ni Nanay sa nangyari sa kaniya.

"Nasaan ang Tiya mo?" seryoso na din itong nakikipag usap sa akin. Hindi na tulad ng dati na may halong paglalambing.

"Nasa bahay po. Pero papunta na po sila dito."

Nagkausap kami ni Tiya kanina habang sinusuri si Nanay. At papunta na daw ito ngayon dito.

"Mabuti." yon lamang ang sinabi nito.

"Nagugutom po ba kayo?" pagtutuloy ko parin sa usapan.

"Hindi naman." sagot nito. At ganoon parin. Parang wala sa mood na kausapin ako. Walang gana ung lumalabas na mga salita sa bibig nila.

Kaya tumango na lamang ako.

Ganito pala ang pakiramdam kapag ang nakasanayan mo ay bigla nalang mawawala?

Ganito din ba ang pakiramdam kapag ang isang tao ay malapit ng umalis?

Inaayos ko na lamang ang mga gamit namin dito sa hospital. Aalis na din daw kami pagkarating ni Tiya. At para mabawasan ang mga salitang pumapasok sa isip ko.

Hindi ko kasi kayang mawala si Nanay sa buhay ko. Pero hindi ako dapat maging makasarili. Mapapahamak lamang siya pag kasama niya ako.

At kahit siya na lamang ang nag iisang taong takbuhan ko, hindi ko na lamang siya pipigilan kung nais niyang magpakalayo sa amin.

Kung dito siya mapapanatag at hindi mapapahamak ay ayos lang.

Siguro magiging maayos din ang pakiramdam ko. Knowing she'll be safe, ease the pain of her leaving me alone.

Yeah, maybe.