webnovel

Love Me or DIE

DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.

snowy_wynter · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 8

Mad Uno

Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Uno kaya ginamit ko ito upang makawala sa kaniya. Nagtagumpay naman ako kaya dali dali akong dumistansya.

Isang malaking distansya sa kaniya.

Bumalik ang tingin niya sakin. At ngayon ay doble ang tindi ng tingin nito sa akin.

"Ano ang ginagawa niyo? Madaling araw ay magkasama kayo dito sa kusina?" tanong ni Tiya.

Di naman ako makasagot o makasumbong dahil natatakot akong hindi ako nito pakikinggan.

"Wala naman Mom. Kumakain lang ako ng luto ni Serina." sagot ni Uno pero parang walang pakialam si Tiya dahil nasa akin pa rin siya nakatingin.

Ayaw kong tumingin kay Uno dahil matatakot ako at baka di ko masabi ang totoo, pagtakpan ko siya.

"Tiya, si Kuya po kasi..." pumikit muna ako bago sabihin. "...hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang ako nitong hinawakan. At Tiya, pumapasok po siya sa kwarto ko ng di ko alam kahit po nilalock ko po ito."

Pagsumbong ko dito at lumapit ng makita kong nakakuyom na ang palad ni Uno. Pero ang mukha naman nito ay kalmado.

Hindi ko mabasa ang naiisip niya dahil tila napakagaling niyang magtago ng nararamdaman.

"Pinagsabihan na kita Uno sa kalokohan mong ito. Hindi kana nadala. Ni makinig sa akin ay di mo ginagawa. Mabuti pa ay ipadala na lamang kita sa Ama mo marahil doon ay tumino kana." seryosong saad ni Tiya kay Uno.

Mukhang alam nga ni Tiya ang ginagawa ni Uno umpisa pa lamang. Mabuti na lamang at labag dito si Tiya.

Dito lumabas ang nararamdaman ni Uno. Nahalata ko agad na mula sa pagiging kalmado ng mukha nito ay tumalim na ang tingin nito sa amin.

"Hindi na po mauulit, Ma." tila labag sa loob nitong sabi.

"Ganyan na din ang sinabi mo nung nakaraan. Ginagalit mo ba ako, First Froilan?" ginagamit na ni Tita ang buong pangalan ni Uno.

"Bakit mo ba kasi ako tinututulan? Hindi ko naman siya kapatid ha!" sigaw ni Uno kay Tiya. Dumating naman sa gilid ko si Nanay Saling. Mukhang narinig niya kaming nagtatalo na dito.

Hinihila niya ako paalis doon at doon ko lamang napansin na hindi na dapat ako naroon dahil away ito ng mag ina.

Pero ako ang pinag aawayan nila diba?

Hindi pa man kami nakakaalis ay narinig ulit ang sigaw ni Uno.

"Sinong nagsabing aalis ka?" nakatutok sa akin ang nagliliyab sa galit nitong mga mata.

"ANO BA UNO! Hindi kana talaga nagpapapigil. Kapatid mo iyan Uno, kasama mong lumaki. Maghunos dili ka iho." sumabat naman si Nanay Saling.

"Kapatid? Hahaha. Bakit ba gumagawa kayo ng salitang hindi naman totoo para lang pigilan ako?"

"Kung ayaw mong umalis dito, isa na lamang ang paraan na naiisip ko."

Tumingin naman kami kay Tiya. Mahinahon na uli itong magsalita.

"Ang ipakasal kami?" natatawang sagot ni Uno. Kumuyom naman ang palad ko at nais sana siyang sampalin o kaya suntukin ng magising na siya sa kabaliwan niya.

Napakabata pa namin. Anong alam niya sa salitang pakasal?

"Si Serina na lamang ang ipapadala ko sa Ama mo." pinal na sagot ni Tiya atsaka ako hinila. Umakyat kami sa silid ko pero hanggang ngayon ay hindi mag sink in sa utak ko ang sinabi ni Tiya.

"Mag empake kana Serina. Bukas din ay lilipad kana sa States. Doon kana muna at ng hindi ka magalaw ni Uno."

Hindi naman ako sumagot. Sa tingin ko ay ito ang makakabuti. Kaya lang maiiwan ko si Nanay Saling.

"Wala doon ang Tiyo mo. Nasa Europe siya ngayon. Pero mas maiging sa States ka dahil may mga kamag anak ako doon. At hindi malalaman ni Uno na andoon ka."

Marahil nga. Saad ko na lamang sa utak ko at sinunod ang nais ni Tiya. Lahat ng gamit ko ay inimpake ko.

Habang nag eempake naman ako ay nibook na ako ni Tiya ng flight. Advance na ako nitong pinagawahan ng mga dokumento dahil naisip na daw niyang mangyayari ito.

Pagkababa namin ay doon namin nakita si Uno. At gulat kami sa nasasaksihan namin.

"Subukan mong umalis, papatayin ko ang pinakamamahal mo." sabi nito habang hawak hawak si Nanay Saling sa leeg. Tila nahihirapan na si Nanay.

Agad naman akong lumapit dito at pinipilit tanggalin ang pagkakasakal niya. Naiiyak na ako.

"Huwag please. Itigil mo na ito. Oo na, hindi na ako aalis. Huwag mo lang gagawin ito. Please?"

Binitawan na niya si Nanay at agad ko itong hinawakan ng manghina ito.

"Nay?"

Hindi lamang ito nanghina kundi nahimatay na.

Diyos ko po, huwag naman sana siya kuhain ng Maykapal. Di ko kaya.

Agad agad namang binuhat ito ni Uno at dinala sa isang sasakyan. Saka kami sumakay ni Tiya.

"Tignan mo itong ginagawa mo Uno. Tignan mo. Pati ang kawawang tagapag alaga sayo ay sinasaktan mo. Nais mo pang patayin dahil lamang sa isang babae? Uno nababaliw kana ba?"

Masakit ang sinasabi ni Tiya. Pero wala na lamang sumagot. Mabilis na din ang pagmamaneho nito kaya kaydali kaming nakarating sa hospital.

"Kung hindi niyo lamang ako ginagalit, wala sanang mangyayaring ganito." saad ni Uno na siyang binigyan ni Tiya ng sampal.