webnovel

Love Me or DIE

DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.

snowy_wynter · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 7

Tikman

Naaawa ako sa kaniya dahil ramdam na ramdam ko ang panginginig nito. Pati ang pagkabasa ng likod niya ay pansin sa suot nitong gray na t-shirt.

"Sandali, nagluluto ako. Maupo kana muna." tinutulak ko naman ito papunta sa isang upuan. At buti nalang nagpapatulak ito.

Aminado akong matangkad ito at syempre mabigat.

Bumalik naman ako sa niluluto kong noodles at naisip na baka siya ay nagugutom rin.

"Nagugutom ka din ba?" tanong ko sa kaniya. Maaari ko naman siyang lutuan ulit. Nilagay ko na ss isang mangkop ang noodles ko atsaka pumunta sa mesa kung saan andoon ang upuan na inuupuan din niya.

"Inaantay kita kanina." nakayuko nitong saad.

"Bakit naman?"

Tumingin lang ito sa akin at umirap.

Aba!

Parang kanina lang mukha siyang batang kawawa at nawawala. Ngayon bumalik na naman ang pagkasungit niya.

Tinaasan ko nalang siya ng kilay at tumayo para kumuha ng tubig. Napakasupladong lalaki. Madaling araw pa lang pero para na siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Pagbalik ko sa mesa nakita kong kinakain na niya ang noodles ko.

"Gutom na ako. May isa kasi dyan pinag antay ako." tumalim naman ang mata ko dito.

"May sinabi ba ako na mag antay ka? Nasa akin ba ang kanin at ulam kagabi?" sarkastikong sagot ko dito.

"Tinataasan mo ba ako ng boses?" napatigil naman ako dito. Sumeryoso bigla ang tingin nito pati na din ang boses nito. Sa sobrang seryoso ng pagkakasabi niya, pakiramdam ko ay may banta na nag aantay sakin.

"H-hindi po." sagot ko dito.

Bumibilis ang tibok ng puso ko. At alam ko ang ibig sabihin nito. Takot.

"Bakit ganon ang sagot mo? Hindi kana ba marunong gumalang?" tumayo ito sa pagkakaupo niya at dahan dahan naglakad papunta sa akin.

Pinatayo ako nito at para akong nahipnotismong sumunod.

Bakit ba napakabilis para sa kaniya ang magbago ng ugali? Kanina akala ko ay kaya ko na siya. Akala ko ay kakayanin ko na siya. Pero eto, at natatakot ako sa kaniya.

Pagkatayo ko ay iniyakap nito ang isang kamay sa bewang ko at hinapit pa ako palapit sa katawan neto. Habang ang isa naman niyang kamay ay humawak sa pisngi ko.

Nanghina ang mga kamay ko at di ko ito magawang igalaw. Dahil ang kaninang hawak sa bewang, hinawakan nito ang dalawa kong kamay at nilagay sa likod. At naka steady naman sa mukha ko ang isa nitong kamay.

Sa position na to ay wala akong laban sa kaniya. Dahil tulad nga ng sinabi ko matangkad ito at mabigat. May laman ang katawan nito dahil sa pagkakaalam ko ay nag gi gym ito.

Habang ako, ay natural ng payat. Kaya kaydaling ibalibag kung nais.

Napaiyak naman ako sa sitwasyon ko ngayon. Walang laban.

Ipinikit ko naman ang mga mata ko nang hindi ko makita ang mukha niyang nakakatakot.

Oo gwapo siya, pero nakakatakot siya pagmasdan kapag ganitong nagiging dominante siya.

Bakit mo po ito ginagawa? Tanong ng isip ko pero di ko magawang isatinig. Tila nawalan ako ng boses at napabuka ang labi ko. Kaya tinikom ko ito at kinagat na lamang.

Narinig ko naman siyang natawa ng mahina.

"Nais mo bang halikan ko ang labi mo?"

Agad ko namang tinigilan ang pagkagat sa labi ko at tumingin sa kaniya. Sinubukan ko ding tanggalin ang pagkakakapit niya sa kamay ko at umiling ng ilang beses.

"Hahaha. Sige pagbibigyan ko ang munting hiling mo ngayon. Pero sa susunod, matitikman ko din to." hinawakan niya pa ang labi ko. Iniwas ko na lamang ito dahil nandiri ako sa sinabi niya.

Hindi maaari. Hindi dapat niya ito magagawa.

"UNO!" Nagulat naman kami pareho sa sigaw.

Si Tiya.