webnovel

Love Me or DIE

DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.

snowy_wynter · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 2

"Ano ba naman po yan Kuya, nagjojoke kana naman po. Baka mapag initan pa ako lalo ni Tiya." tinalikuran ko na siya at tinuloy nalang ang pagwawalis.

Pero hinatak naman niya ang braso ko.

"Bakit mo ako tinatalikuran? Kinakausap pa kita ah?" kung kanina seryoso na siya, ngayon naman ay sobrang seryoso niya.

Sobra na parang nakakatakot na.

Binawi ko muna ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil humihigpit na ito.

"Ahh kasi po may pasok pa po tayo, dinadalian ko na po ang magwalis."

"Kahit na. Masamang tinatalikuran mo ako habang kinakausap pa kita." nabawasan naman na ang pagkaseryoso niya.

Bat kaya ang sungit sungit netong taong to, umagang umaga palang?

"Sorry po, di na po mauulit. Pwede na po ba ako tumuloy sa pagwawalis ko?" Nginitian ko naman siya baka sakaling umokay din mood niya.

"Tsk. Ako na magwawalis. Upo kana lang."

Kinuha niya pa sa akin ang walis at nag simula na ngang mag walis.

Aba aba. Ayan ang gusto ko.

Dali Dali ko namang kinuha ang isa pang walis. Tinignan niya pa ako habang nakahawak na sa baywang at nakatungkod ang isang kamay sa walis.

Muntik na ako mapatawa kung hindi lang nakakunot na naman ang noo niya.

Meron ba to ngayon?

"Ang tigas ng ulo mo. Ako na nga ang magwawalis." naiinis pa ang tono nito.

Pero kahit ganon di parin ako dapat mainis. Ako na nga tinutulungan e.

"Kasi po mas mapapadali ang paglilinis kung tayong dalawa." tsaka ko inumpisahan na talaga ang magwalis. Puro na kami daldal nito. Lumiliwanag na ang paligid at maliligo pa ako. Wahhh.

"Hmm gusto ko yan, tayong dalawa." para naman siyang tanga na nangingiti. Uminom siguro siya ng kape at napaka hyper niya.

"Pansin ko po ang daldal daldal mo ngayon. Ano nakain mo?" tanong ko na dito.

"Wala naman. Maganda lang siguro bangon ko."

Di na ako nakatingin sa side niya ng sumagot siya. Nakangiti kaya siya nung sabihin yon?

Hayyy naku hayaan na.

"Sana pala lagi nalang hindi maganda gising mo." pumunta ako sa kaniya at kinuha ang dust pan.

Lumingon siya sa akin at tinignan ako ng masama.

Hala kayo. Nagalit na siya. Haha.

"Joke lang po." nag peace sign pa ako dito at ngumiti.

Saka naman ako bumalik na sa pwesto ko kanina at tinapos na ang pagwawalis.

May paminsan minsang tumitingin ako sa gawi niya.

Kahit kasi sa pagwawalis napaka seryoso niya.

Madali na kaming natapos at umakyat na agad ako sa kwarto ko at naligo. Ganon din siya sa palagay ko.

Sumisilip na kasi si Haring araw at iniisip ko baka malate na kami.

Baka magalit din sa akin si Tiya at pinag walis ko ang anak niya. Pero sana naman hindi. Di ko naman pinilit si Uno e. Di ko nga lang pinigilan.

Nang makapag bihis na ako sa uniform ko, kinuha ko na ang bag ko sa baba ng kama ko at ang nakacharge kong phone bago lumabas at bumaba na.

Nakita ko doon si Tiya. Siya ang nasa dulong upuan ngayon ng mesa. Dahil na rin sa wala pa si Tiyo. Nakaupo na din doon si Uno at mukhang nag uusap sila ng papunta ako sa kanila. Hanggang sa makaupo ako ay nakasunod parin ang mata nila pareho sa akin.

Umupo naman na ako kahit naiilang na ako. Yumuko na lamang ako. Pakiramdam ko kasi may laman ang tingin nilang iyon.

"Magandang umaga po Tiya." bati ko dito. At tango lang ang tugon nito.

Hindi na ako bumati pa kay Uno dahil nabati ko naman na ito kanina.

"Mag simula na kayong kumain. Baka mahuli pa kayo." striktong pahayag ni Tiya na hudyat na para kumain.

Kumuha naman ako ng sinangag na kanin at itlog.

Mayroon na ring gatas sa gilid ko. Nakaugalian na rin ito ni Tiya sa tuwing umaga. Bata pa lang kasi ako di na talaga mawawala ang gatas sa almusal ko.

Kaya kahit masungit at palautos si Tiya sakin di ko parin makuhang mainis din dito. May mga bagay parin kasi siyang ginagawa na tulad ng dati.

Matapos kumain ay pumunta na kami ni Uno sa labas ng bahay at pumasok sa sasakyan niya. Nabigla naman ako ng pinatawag niya ang driver ng mama niya. Kaya naman lumabas na muna ako.

"Bakit po?"

"Wala naman." maikli niyang sagot sa akin saka na pumasok sa loob ng sasakyan. Tinignan ko lamang siya.

Nang makaupo na siya ay hindi niya pa sinasarado ang sasakyan.

"Katarina, papasok kaba o ipapasok pa kita?" nagulat naman ako ng may magsalita sa likod ko.

Si Tiya pala.

"Paumanhin po Tiya."

Nagmadali na lamang akong pumasok at baka mainis na siya sa akin.

"Natakot kaba kay Mama?" nagsalita bigla si Uno.

"Nakakatakot naman po talaga siya."

"Bakit sa kaniya ka natatakot?"

Sa huling sinabi niya ay naguluhan na ako.

"Ikaw kasi, napakamaloko mo. Di ka takot kila Mama mo. Ako hindi."

Saad ko nalang. Pumasok na ung driver at pinaandar na ang sasakyan.

Bigla naman inihiga ni Uno ang ulo niya sa balikat ko.

"Anyare po sayo?" tanong ko.

"Inaantok pa ako." Sagot niya.

Naguilty naman ako.

"Bakit po kasi gumising ka ng maaga e hindi ka naman po sanay?" hinawakan ko ang ulo nito dahil nahuhulog na sa balikat ko.

Mukhang inaantok nga. Di na naman naimik. Nakita ko din sa salamin na nakapikit na ang mata nito.

Ano kaya pumasok sa isip niya at sinamahan niya ako kanina?

Wag naman sana sa iniisip ko.

Alam ko namang maloko siya, at sutil kila Tiya. Pero wag naman na niya sana akong idamay pa.

Sana nga.