webnovel

Love Me or DIE

DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.

snowy_wynter · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 28

Today is Graduation day, for Uno. Yes, gagraduate na rin sa wakas si Uno.

Kaya lang nagkaroon ng problema sa paggraduate si Uno. Kaysa mabilisang pasahan niya lang ng mga requirements niya, nagtagal pa kami dahil nawala niya ang mga ito.

May pinaglagyan daw kasi siya ng mga requirements niya at hindi niya alam saan niya nailagay. And worst baka natapon na daw ni Manang dati.

Kaya naman, pinaulit nalang sa kaniya ng mga teachers niya ang mga requirements. Pero triple ang bilang nito.

Eto ang rason kung bakit may eyebags kami ni Uno. Ang sarap niya kasing bigwasan. Andami niyang nawala, halos lahat. At di ko naman kayang hayaan lang siya na gawin iyon mag-isa. Kaya naman tinulungan ko na. Kawawa naman.

Nandito kami ngayon sa school niya at kasalukuyang ginaganap ang pagtatapos niya ng high school.

Magtatapos naman ako ng grade 11 sa susunod na araw. May seremonyas din sa paaralan namin at bunga ng pagtiyatiyaga may nakuha rin akong parangal.

Isa ako sa mga naka Honor. Masaya si Tiya at Tiyo dito. At nais nilang mag celebrate kami sa isang restaurant. Isasabay na rin ang celebration para kay Uno.

Nandito lamang ako sa gilid ng stage nakaantabay habang hawak hawak ko ang dslr camera ko.

Gusto kong kunan ang masayang memoryang ito para kay Uno. Kaya naman todo kuha ako ng mga pictures sa kaniya.

Mula pa nung nasa bahay kami at nagsuot siya ng kaniyang Uniporme. Nagpagwapo din siya ngayon at inayos talaga ang buhok niya. Kung dati ay bagsak ang bangs niya sa noo, ngayon naman ay naka side ito at nabibigyang pansin ang buong mukha niya.

Gwapo na siya noon, pero mas kapansin pansin ang kagwapuhan niya ngayon.

Ayaw ko na lamang palakihin pa ang papuri ko sa kaniya dahil alam kong lalaki lamang ang ulo niya.

Ngayon na nakaupo siya kasama ang mga classmates niya, napapansin kong madami ang napapatingin sa kaniya. Kaya lang walang kumakausap sa kaniya. Mabuti na lamang at hawak niya ang kaniyang cellphone at kahit papaano'y nakakausap niya ako.

At ito ngang katatapos ko lamang siyang kunan ng litrato ng nakatutok ulit siya sa cellphone niya. Narinig ko ring nag vibrate ang cellphone ko kaya hinuha ko'y nagtext ulit siya sa akin.

Uno:

Matagal pa matatapos to. Mangawit ka dyan. Upo ka muna doon kila Mama.

Basa ko sa texts niya. Mukhang matagal pa nga dahil puro speech pa ang nagaganap.

Rina:

Okay po.

Iyon lamang ang nireply ko at pumunta kila Tiya. Naupo na muna ako at uminom ng tubig.

Nagpatuloy lang kami sa pagtetext ni Uno hanggang sa tawagin na ang lahat ng parents para pumunta sa kani-kaniyang mga anak. Pumwesto na rin ako malapit sa stage para kumuha ulit ng litrato.

Sunod sunod ng tinawag ang mga graduates at isa na rito si Uno.

Kita ko ang saya sa ngiti ni Tiya. Masaya rin si Uno ngayon dahil nakauwi na si Tito. Kumpleto silang aakyat ng stage.

Craig, First Froilan Z.

Natawag na ang pangalan niya kaya naman umakyat na sila papuntang stage. Tuloy tuloy lang ako sa pagkuha ng litrato. At dito ay nasilayan kong muli ang tunay niyang ngiti. Nakarinig din ako ng ilang hagikhikan sa likuran ko.

Mag-iinit na sana ang ulo ko dahil napansin kong nakatingin sila kay Uno. Kaya lang ng tignan ko si Uno, sa akin naman ito nakatingin.

At dahil dito kumalma ako at hindi na binalak na bungguin ang nasa likuran ko.

Bumaba na sila Uno at agad siyang pumunta sa akin. Napatingin naman ang mga nasa paligid ko sa amin, nahihiya man pero ipinagsawalang bahala ko nalang sila. Hindi ko naman sila kilala.

Kusa na rin akong umalis doon at sinalubong na lamang si Uno. Niyakap agad ako nito kaya wala akong nagawa kundi yakapin din siya.

"Congrats, Uno!" masayang pagbati ko sa kaniya. Humigpit naman ang yakap niya sa akin. Makaraa'y humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at buong ngiti ang kaniyang ipinakita.

Simbolo na masaya talaga siya.

"Ang saya ko lalo andito ka na sa akin." sambit niya at ikinangiti ko lang ito lalo.

"Talaga lang ha?" paninigurado ko pa. Kumunot naman ang noo niya at umakbay ulit sa akin.

"May reward ako sayo diba? Kailan mo ibibigay?" bakas sa kaniya ang excitement. Natawa naman ako ng para siyang bata ulit kung umasta.

Ginulo ko lang ang buhok niya na ikinasimangot niya. "Mamaya yon. Di pa nga tapos graduation niyo oh. Punta kana don." nagpout naman siya ay sobrang nababakla na siya hahahaha. Kaya lang di ko yon pwedeng sabihin. Baka biglang maging tigre to.

"Mamaya sa bahay, pag wala yon ako kukuha ng reward ko." seryoso niyang sambit saka pumunta na siya sa dati niyang upuan.

Ako nama'y napailing nalang at umupo na sa tabi nila Tiya.

"Serina? Saan mo nais kumain mamaya?" tanong sa akin ni Tiyo.

Nilingon ko naman sila at sumagot, "Kahit saan po ayos lang."

"Mamaya nalang yan, si Uno nalang tanungin natin." sabat ni Tiya na siyang ikinatango ni Tiyo.

Napayuko naman ako. Ramdam ko pa rin ang pagkadisgusto sa akin ni Tiya. Mukhang ayaw niya talaga sa akin para kay Uno.

At naiintindihan ko naman iyon. Kahit sinong Ina naman siguro ay aayaw sa akin.

Wala ng muling nagsalita ni isa sa amin. Nakatutok na lamang ang mata namin sa seremonyas na nagaganap.

Hanggang sa matapos ito at makapag ayos na kami, hindi na muling bumalik ang sigla ko. At halos pilit na ngiti na lamang ang naipapakita ko ng makasama na namin si Uno.

Nakaakbay ito sa akin at nasa harapan namin sila Tiya.

Hindi naman dumadaldal si Uno at ayos ito sa akin. Wala rin kasi ako sa mood na makipag-usap. Nawalan nga talaga ako ng gana.

These past few days, halos ipamukha talaga sa akin ni Tiya ang pagkadisgusto niya. Sa harapan man ito ni Tiyo o ni Uno.

Sinasaway naman siya, pero sa tuwing sasawayin siya ay mas lalo lang siyang magbibitaw ng masakit na salita. Kaya naman sinabihan ko na lamang sila Tiyo at Uno na hayaan na lamang siya. Mas mainam iyon at para hindi na rin sila madamay.

Nawala lamang ako sa pag-iisip ng tumigil si Uno at bahagya akong niyakap ng patagilid. Ang kamay niya ay nasa bewang ko na.

Tumingin ako sa kaniya at nakitang seryoso na ang aura niya.

"Bakit po?" tanong ko sa kaniya.

"Andaming tumitingin sayo. Nakakainis." bigkas niya na siyang ikinatingin ko sa paligid. Kaya lang hinigit niya lang muli ang ulo ko paharap sa kaniya. "Huwag ka nga tumingin sa iba, sa akin lang dapat."

"E tinitignan ko lang naman kung totoo sinasabi mo. Wala naman kasi akong napapansin."

"Tsk! Maigi yan, wag mo nalang silang pansinin. Halika na nga, gutom na ako." nakangisi na siya ngayon.

"Kasalanan mo po, humihinto ka bigla e. Ayan tuloy, mas napatagal tayo." napatawa naman siya at hinila nalang ako para mapabilis kami sa paglalakad.

Nang makarating na kami sa sasakyan, hindi natanggal ang tingin ni Tiya sa braso ni Uno na nakaakap sa bewang ko. Tinanggal ko naman ito at nauna nalang na pumasok sa sasakyan.

Narinig ko naman sa labas si Tiya na pinagsasabihan si Uno.

"Uno, akala ko ba nagkaintindihan na tayo na bawal pa kayo sa public?"

Hindi ko naman narinig na sumagot si Uno. Bagkus pumasok na lamang siya sa loob ng sasakyan sa tabi ko. At masama ang tingin sa sahig.

Nakita kong dumating na si Tiyo galing kung saan at sabay na sila Tiya na pumasok ng rin sa sasakyan.

Umandar na ito at umalis na kami.

"Saan mo gustong kumain, Uno?" mahinahong tanong ni Tiya. Tumingin lang sa kaniya si Uno.

"Kahit sa'n." labas sa ilong niyang sagot. Napikon din ata siya ni Tiya.

"Hahaha. Katulad mo si Rina, ganyan din sagot. Hala at makagawa nga ng restaurant na ang tawag ay 'Kahit Saan'. Panigurado ay andoon kayong dalawa palagi. Hahaha." and Tiyo try to lift the mood. Marahil ramdam niya ang inis ni Uno kahit wala siya dito nung magkasagutan ang mag-ina.

At kahit papaano ay natawa ako kahit napaka corny nito.

At dahil nasa kotse naman na kami, siguro hindi magagalit si Tiya kung hahawakan ko ang kamay ni Uno. Wala namang makakakita e.

Pagkahawak ko nito ay siyang paglingon niya sa akin. Umaliwalas na din ang mukha niya at ngumiti na siya.

Lumapit naman siya sa akin na ikinabigla ko at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Sorry Ma, di na mauulit." sambit niya na ikinabigla ko.

Pero kalaunan ay natuwa rin.

Dito ay nakita kong napangiti rin si Tiya.

Atleast okay na ang mag-ina.

Napangiti na lamang din kami ni Tiyo na siyang nagmamaneho.

"Okay! On the way tayo saaaa... Charaaaannn, Jollibee!!!" natawa ulit ako sa sinabi ni Tiyo. Ang joker niya para sa akin, kahit ang corny niya. Hahaha.

"Ano ka ba, Arturo, bakit dito pa? Hindi dito healthy." saway ni Tiya at ayaw pang bumaba.

"Ano ka ba, Lilith, ngayon lang naman." panggagaya ni Tiyo kay Tiya na siyang ikinabusangot pa lalo ni Tiya. Tinamaan tuloy si Tiyo ng hampas galing kay Tiya.

At doon ay gumaan na ang pakiramdam naming lahat. At sa palagay ko ay ayos na ito kahit papaano.