webnovel

Love Me or DIE

DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.

snowy_wynter · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 22

Natapos ang lunch namin ng masaya dahil sa asaran nila. At doon ko din namalayan na ang daldal ko pala.

Nakisama agad ako sa asaran nila, ang gaan kasi sa pakiramdam kasama sila.

Pero ganon din ang titig sa akin ni Gray. At kung mahuhuli ko ulit ay iiwas na ito ng tingin.

Pinagsawalang bahala ko na lang.

Hanggang sa mag-uwian na ay di ko na kasabay pa si Heidi. Pero naabutan ko naman si Gray na nakatayo sa pwesto kung saan madalas kong hintayin si Manong.

"Uyy, hi.".bati ko dito pero di man lang ito nagsalita.

"Galit ka ba sa akin?" tanong ko pa.

"Bakit naman?" at dito ay nagsalita na siya. Akala ko pa naman pipe to.

"Kanina ka tingin ng tingin sa akin, pero di mo naman ako kinakausap."

"Bakit? Gusto mong kausapin kita?" tanong niya ulit. Napakunot naman ang noo ko. Sasagot na sana ako ng may bumusina sa likuran ko.

"Rina!" pagtingin ko, si Manong pala.

"Alis kana. Ayan na sundo mo." sabi niya bago maglakad palayo.

Nagkibit balikat naman ako saka pumasok nalang sa sasakyan.

Nasa bahay na ako ng maalala kong hindi ko nahintay si Uno.

Lagot na naman ata ako doon.

Ipapaliwanag ko nalang siguro sa kaniya mamaya, sana naman maintindihan ako non.

Si Tiya naman, hindi na ako pinagpalengke. Siya na ang gumawa dahil may kukunin din daw siya sa palengke. Kaya naman andito ako sa garden.

Iniisip ko pa ang biglaan kong pagkakaroon ng mga kaibigan.

Parang biglang nagbago ang mundo ko. Hindi na siya boring. May mga kaibigan na talaga ako.

Habang busy ako sa pagdidilig, may narinig akong mga yabag sa likod ko. Inisip kong si Tiya lang iyon kaya hinayaan ko na muna. Pero nabigla naman ako ng hawakan ako nito sa braso.

Hinihila ako ng isang lalaki papunta sa kaniyang silid. Kahit nasasaktan na ako sa higpit ng pagkakahawak niya ay hindi ako makapagreklamo.

Baka kapag nagreklamo ako ay mas lalo pa siyang magalit sa akin.

Lumalabas ang mga ugat sa leeg niya sa tuwing tatalim ang mata niya at iigting ang panga niya.

Nang madala na niya ako sa kaniyang kwarto agad niya akong tinulak sa kama niya. Napaupo na lamang ako doon. Buti nalang malambot.

"Sir, ano pong ginagawa niyo?"

Nakita ko kasing nilalock niya ang pinto. Napatayo ako sa bigla.

Pero mas lalo naman tumalim ang tingin niya. Ramdam na ramdam ko na ang galit sa awra niya.

Anytime, mapapatay na niya ako base sa tingin niya.

"Didn't I told you to wait for me at the gate, para sabay tayong umuwi? But what did you do? You made me wait there for freaking 3hours. Do you know how stupid I looked like there?"

Parang patalim ang bawat salita na lumalabas sa kaniyang bibig.

"S-sorry po, Sir. Ak-akala ko po kasi nauna na kayo. Kaya nauna na din po ako umuwi." nakayuko kong sabi. Gusto ko nalang lamunin na ako ng sahig. Ayaw ko na muna makausap pa ang lalaking ito. At alam kong kasinungalingan ang sinabi ko sa kaniya.

"And you even called me Sir ha? How respectful of you my love."

Hinawakan niya ang panga ko at pinaharap sa kaniya.

"P-pero po yon ang sabi ng Mama niyo. M-magagalit po siya sakin." pagsumbong ko dito. Tama, kaya Sir na ang tawag ko sa kaniya ay dahil sa sinabi ni Tiya. Dahil binilinan niya ako kanina pagkauwi ko.

Kumunot naman ang noo niya.

"Oo nga pala. Ang pakielamera kong Mama. Nakinig ka naman sa kaniya? Mas takot kana ngayon sa kaniya kaysa sakin?"

Hindi na ako muling nakasagot ng unti unti nalang bumababa ang kamay niya na mula sa panga ko ay nasa leeg ko na.

Hinawakan ko ito at sinusubukan alisin ng unti unti itong humihigpit. Sinasakal na niya ako. Ngunit sa tuwing susubukin kong alisin ay mas lalo niyang hinihigpitan.

Mas lalo na akong nanghihina.

Unti unti ng nagsisipatakan ang mga luha sa mata ko. Bakit nagiging marahas ulit siya? Bakit niya ako sinasaktan?

"Sa susunod, sakin ka sumunod ng hindi ka nahihirapan ng ganito."

Pinatakan niya pa ng halik ang mga luha ko at tinanggal na ang pagkakasakal niya sa akin.

"Bakit ba Sir ang gusto niya ipatawag sakin? E magkapatid naman tayo. Yon nga lang, ampon ka."

Nawala na ang nakakatakot niyang awra at napalitan ito ng medyo nakakaasar. Nakangisi na siya ngayon sa akin. Ang aking Kuya. Kuya nga bang maituturing kung may gusto siya sa akin?

Naamoy ko naman sa kaniya ang amoy ng alak. Uminom ba siya?

Niyakap naman niya ang bewang ko at iginiya kami pahiga sa kama niya. Kinuha niya pa ang mga kamay ko para iyakap din sa kaniya.

Ngiting ngiti naman siya sa position namin.

"Bakit ba tutol na tutol sila sa pagmamahalan natin, e ampon ka naman?"

Doon na lamang ako napasuko sa kaniya. Wala na akong ibang magagawa dahil mapapatay na niya ako kung makakagawa pa ako ulit ng ikakagalit niya.

At dito ko nasiguradong nakainom nga siya. Sa bawat salita niya ay mahuhulaan mong hindi siya ito.

Pati ang pagsakal niya sa akin at pagtingin niya ay hindi siya to.

"Bakit ka uminom?" tanong ko sa kaniya. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kaniya at umupo. Hinayaan naman ako nitong makaupo pero nakayakap parin siya sa tiyan ko.

Umamo na muli ang mukha niya, "Ayaw mo ba? Kapag ba nangako akong hindi na iinom, mangangako ka rin bang mamahalin mo na ako?"

Napatigil naman ako sa tanong niya. Andito na naman kami. Kakayanin ko ba siyang mahalin kahit marami ang tutol sa amin?

"May nagsabi sa aking may kausap ka daw na lalaki. Totoo ba? Kung sasabihin mong hindi, sayo ako maniniwala." Magaan ang pag kakasalita niya. Kahit nakainom ay klaro pa rin sa pandinig ko ang sinabi niya.

"K-kanina ba?" hindi ko alam bakit ako nanginginig. Tumango naman siya.

Tumingin naman ako sa mga mata niyang nag aantay ng isasagot ko.

Hindi ko tuloy alam kung magsasabi ako ng totoo, o magsisinungaling nalang. Pero para saan pa kapag nagsinungaling ako? Bakit pa ako magsisinungaling sa kaniya?

"Ahhh... Oo totoo. Si Gray, bagong kaibigan ko." dahil sa sinabi ko ay napaupo din siya.

"Gusto mo siya?" mariin niyang tanong. "Hindi mo siya maaaring gustuhin. Ako lang dapat, Serina." kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Hindi mo ako pwedeng diktahan kung sino ang mamahalin ko Uno. Hindi pwedeng diktahan ang puso." pagpapaliwanag ko sa kaniya. Pero ganoon na lang kung paano manlisik ang mata niya.

"Alam kong ako ang gusto mo Serina. Ramdam ko yon." paghawak niya sa kamay ko ay lalong humihigpit.

Pero kahit na gano'n, nagtuloy parin ako sa pakikipagtalo sa kaniya.

"Gusto palang kita Uno, hindi mahal." at ito ang totoo.

"Mamahalin mo ako Serina o magpapakamatay nalang ako?" Seryoso niyang tanong sa akin na nagpagulat sa akin ng totoo.

"Hindi... Hindi mo yan kayang gawin. Hindi mo iyan gagawin Uno."

"Gano'n na kita mahal Serina. Kaya kung mas pipiliin mong magmahal ng iba, pipiliin ko nalang din ang mamatay." niyakap ako nito sa bewang at nagsumiksik sa leeg ko.

"It's to love me Serina, or I'll die. You choose." pagkatapos niyang banggitin ito ay tumayo na siya. "Isarado mo ang pinto kapag lalabas kana." utos niya bago siya pumasok sa banyo.

Agad agad akong lumabas at pumasok sa kwarto ko.