webnovel

Love Me or DIE

DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.

snowy_wynter · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 20

Napatigil naman kami sa pagtawa nang lumabas sa pinto ang Doctor kasama si Uno. Malaki ang pagkakangiti ng doctor at umaasa akong kasingganda ng ngiti nito ang resulta.

"You don't have to worry Ma'am, Froilan don't need to run any other tests because he's fine. He's totally fine." sabi ng doctor. Napangiti naman ako.

Nabigla din naman ako nang lumapit sa akin si Uno. Hinarangan na niya ang doctor sa paningin ko. Kumunot tuloy ang mga kilay ko.

Kahit na gano'y naririnig ko pa rin naman sila.

"And about his acts?" tanong ni Tiya. Napaisip din ako. His rough actions is quietly odd.

"There's some circumstances wherein people do actions because of adrenaline rush. He's just too overwhelmed on what he feel right now. I think you need to help him adjust." paliwanag ng doctor. Ngunit hindi ko na napakinggan ang iba nang yakapin ako ni Uno.

Nagulat ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Iniisip ko kung tatanggalin ko ba ang pagkakayakap niya sa akin o kung hahayaan ko lang ba siya.

Pero nag sink in sa akin ang sinabi ng doctor. And it left me realized, maybe he needs this hug. He just need this hug.

Kaya hinayaan ko na lamang siya. Tinapik ko pa ang likod niya. Hindi rin nagtagal inalis na niya ang pagkakayakap sa akin.

Maybe pagbibigyan ko siya, just this one. Last na 'to. I need to stay away from him. I need to know what I really feel about him.

Because, I too, needs clarification of what I feel towards him.

Natapos na ang usapan nila Tiya at ng Doctor at nakabalik na din kami sa sasakyan. At mula no'n ay hindi na ako muling tumingin pa kay Uno. Lalapit man siya ay hinahayaan ko lang. Pero sa tuwing hahawakan na niya ako, kusa na akong lalayo o di kaya'y tatanggalin ko na agad ang pagkakahawak niya.

Nauna din akong sumakay sa sasakyan at doon ako sa harap pumwesto.

Hindi naman bobo si Uno at alam kong naiintindihan niya ang ginagawa ko. .

"Uno, Rina, saan niyo gustong kumain?" tanong ni Tiya ng ma-settle na kami sa sasakyan.

Hindi muna ako sumagot at inantay nalang ang sasabihin ni Uno.

"Kung saan ang gusto ni Serina." sumagot nga siya, pero kailangan ko rin ibigay ang sagot ko. Ano ba 'yan.

Inisip ko naman kung saan pupwede. Gusto ko sana ng fast food pero baka magalit sila.

"Kahit saan pong malapit na kainan Tiya." maikling sagot ko. Sakto naman ay may nadaanan kaming restaurant. Dito na namin napagpasyahang kumain at sumabay na din sa amin si Manong.

Pagkababa ko ng sasakyan, nakaabang na naman sa akin si Uno. His eyes were darkly staring into mine. Naramdaman kong muli ang takot sa kaniya. Pero hindi maaari. Dapat magpakatatag ako.

Kung totoo mang may nararamdaman siya para sa akin, ayoko siyang saktan. Ayoko siyang paasahin na meron din akong nararamdaman para sa kaniya.

Kaya nang hawakan ako nito sa palapulsuhan ko, nagpumiglas ako. Ngunit dinidiinan nito ang pagkakahawak sa akin. Wala akong magawa lalo na ng tuluyan niya akong hilahin papasok ng restaurant.

Binitawan na niya ang palapulsuhan ko ng nasa tapat na kami ng bakanteng mesa. Pinaghila rin niya ako ng upuan at umupo sa tabi ko. At sa lahat ng ginawa niya, walang salitang namutawi sa bibig ko. Ni hindi rin siya nagsalita. Pero ang tingin niya sa akin ay ganoon pa rin.

May lumapit sa amin na waiter. Tumingin ako dito. May ibinigay din itong menu sa amin. Aabutin ko na sana ng unahan ako ng kamay ni Uno. Kaya binawi ko na lamang ang kamay ko.

"Bakit? Gusto mo hawakan kamay niya?" Mariin na tanong sa akin ni Uno. Napakunot noo naman ako sa tanong niya. Hindi naman ako ganoon katanga para 'di maintindihan ang sinabi niya.

'Ganoon kababaw tingin niya sa akin?' litanya ko sa isip ko. Pero hanggang isip lang din iyon. Dahil magagalit siya kapag sumagot pa ako.

Tumingin lang siya sa akin ng sandali saka tumingin muli sa menu.

Inalis ko nalang ang tingin ko sa kaniya at tumingin kay Tiya na nakatingin pala sa amin. Base sa tingin niya ay sinusuri niya kami ni Uno. Alam kong okay na kay Tiya, pero may bahagi parin talaga sa kaniya ang ayaw sa nararamdaman ni Uno.

"Magseafood nalang tayo." nabigla ako ng magsalita si Uno. Siya na ang nag desisyon para sa akin. Okay lang naman sa akin iyon dahil wala din talaga ako mapili.

Hanggang sa makaorder at makakain na kami, wala na akong imik. Nag uusap naman sila Tiya at Uno, pero hindi na ako nagsalita pa.

Ramdam kong muling nagagalit si Uno pero kinakailangan ko talagang dumistansya sa kaniya.

Baka naguguluhan lang din ako sa nararamdaman ko. Siya lang din kasi ang lalaking lumalapit sa akin.

Kaya hindi ko alam kung may gusto ba talaga ako kay Uno o komportable lang ako sa kaniya. O baka takot lang ako sa kaniya at naooverwhelmed lang ako sa pinapakita niya.

Hay nako, ewan. Napakagulo.

Bakit kasi wala akong alam dito?