webnovel

Love Me or DIE

DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.

snowy_wynter · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 16

Napatigil na lamang ako sa pagmumuni muni ng mapansin kong tumigil na ang sasakyan.

Nasa bahay na kami.

And I know we need to act normal. Uno can't make mistake infront of Tiya. Iba magalit si Tiya at alam ko malapit na ito masagad ni Uno.

"Woy, labas na tayo." Nagising ulit ako sa pagmumuni muni. Kanina pa pala nakalabas si Uno sa sasakyan at kanina din pa ako nakatunganga.

Kaya bumaba na din ako.

"Sorry po." banggit ko ng makababa na ako. Nag smile nalang sa akin si Uno. Nakakapanibago na hindi siya nagagalit o naiinis man lang sa akin.

Pumasok na kami sa loob. At struggle is real. Sinusubukan niya ako hawakan ulit sa bewang pero lumalayo na ako. Okay na makita na yon ni Manong, wag lang kay Tiya.

Naabutan namin si Tiya sa salas. Nagpupunas siya ng mga bagay bagay na nakapatong sa isang aparador.

Kinuha naman namin ang atensyon niya.

"Nakauwi na kami Tiya. Mano po!" ako na ang unang lumapit. Nagmadali kasi akong maglakad para di ako mahawakan ni Uno.

"Andito kana pala. Sige magbihis kana at magluto. Malapit na ang hapunan." tugon ni Tiya sa akin.

Tumango na lamang ako at pumanhik na sa taas.

Nagmadali na rin ako. Narinig ko na lamang na kinausap na ni Uno si Tiya ng nasa hagdan na ako. Hindi na ako lumingon pa sa kaniya at nagmadali na.

Pagkarating ko sa kwarto ko, inilocked ko na ulit ang pinto. Saka ako naghugas lang ng kamay at naghilamos atsaka nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng cotton shirt at cotton short. Para komportableng gumalaw kapag magluluto na ako. Inipit ko na din ang aking buhok. Para wala talagang sagabal. Ganito ko kasi lagi gustong magtrabaho sa bahay.

Pagkatapos ko, bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Naabutan ko doon si Uno na nagcecellphone. Nag angat naman ito ng tingin. Napansin siguro niya na may ibang tao ng nakatingin sa kaniya.

"Magluluto kana ba?" ang ganda ng bungad nito sa akin. Nakangiti ulit siya.

Mukhang maganda ang gising niya netong umaga dahil nakangiti siya buong maghapon.

"Opo. May gusto ka bang ipaluto?" tanong ko sa kaniya habang inilalabas na ang karne na nasa fridge.

"Hmm, gusto ko ung niluto mo nung bakasyon. Gusto ko ng adobo." Oo nga pala. One time nagluto na ako ng pagkain dati. Sa pagkakaalala ko, yon ang unang beses na nagluto ako na walang nagtuturo sa akin. Hayyy, na miss ko si Nanay Saling. Siya nagturo sa akin magluto.

"Sige po." sagot ko lamang dito.

Habang binababad ko muna ang karne sa tubig para matanggal ang pagkakatigas nito at ang lamig nito, nagsaing na muna ako.

Naggayat din ako ng mga sangkap para sa adobo.

"Ako nalang dyan. Masugat ka pa." may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Mabalandito!!!" nagulat naman ako sa kaniya. Ayan tuloy kung anu ano nasasambit ko.

"What?" tanong nito ng natatawa. Ang saya niya pa na nagulat ako.

"Wala." sagot ko nalang.

Sisimulan ko na sana ulit ang maggayat ng kuhanin nito ang kutsilyo sa kamay ko.

"Ako nalang sabi!" naiinis niya nang sabi. Kaya binitawan ko na ang kutsilyo. Akala ko pa naman good mood na siya tong araw na to. Hindi pala talaga mawawala na magsungit siya bigla.

Iniwan ko naman na siya doon at pinuntahan ang karne na binababad ko. Tinanggal ko na ang tubig at sinimulan na itong hiwain.

Pagkatapos niprepare ko na ang kaserola sa stove at pinainit.

"Alam mo natutuwa ako." bigla bigla ulit siya nagsasalita.

Sanay ako sa tahimik, at ang alam ko tahimik siya. Kaya ako nabibigla lagi sa tuwing magsasalita na siya. Hindi kasi ako palasalita.

"Alam mo din ba na ang daldal mo?"

"Anong sabi mo?" Napansin ko nalang na katabi ko na ito.

Hala! Ung naiisip ko, naibigkas ko na pala.

"Wala po. Bakit ka po pala natutuwa?" kinuha ko na ang nagayat nitong bawang at sibuyas. At nigisa na ito sa don sa kaserola. Pero una nilagyan ko muna ng margarine.

"Kasi para na talaga tayong mag asawa."

"Na naman?" nakakunot noo na lang ulit ako.

Bakit andami dami niya ngayong naiisip?

"Oo kaya. Diba ung mga mag asawa nagtutulungan magluto?"

"Hindi naman lahat. May mga magkapatid din namang nagtutulungan." pambabara ko dito.

Hala sige Rina, magalit yang si Uno bahala ka.

"Pero may mga mag asawa din. Doon lang tayo magfocus sa mag asawa." ang positive naman niya.

"Magfocus nalang kaya sa pag aaral?" pambabara ko parin dito.

Dito lumingon na siya sakin ng may asar sa mukha.

Natawa naman ako. Ayan kasi, andami dami naiisip.

At natapos na akong magluto hindi parin natigil sa pagsasalita si Uno. Kung anu ano na ang sinasabi na minsan ay di ko na pinapakinggan at minsan naman binabara ko na talaga.

Wala e, ang saya niya lang barahin minsan haha.

"Luto na. Tikman mo nga kung okay na ang lasa." nag lagay ako ng sabaw ng adobo sa kutsara at hinipan ito saka inilapit ko kay Uno.

Agad agad naman niya itong tinikman.

"Sakto naman na ang lasa. Okay na kay Mama yan."

"Hindi maalat?"

"Sakto nga lang." naiinis ulit ang tono niya. Okay ayaw niya sa inuulit haha.