webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
97 Chs

CHAPTER 46.5 - Unusual Facade

CHAPTER 12.5 - Unusual Facade

NO ONE'S POV

"Y—You don't really like me! Si ate parin ang gusto mo!"

Mabilis na tumakbo ang labing limang taong gulang noon na si Pristine pagkatapos nilang magtalo ng kaniyang kasintahang si Charles. Tumakbo siya ng tumakbo kahit malabo na ang kaniyang paningin dahil sa mga nakaharang na luha sa kaniyang mga mata. Walang pake si Pristine kung saan man siya mapadpad. Ang mahalaga ay makalayo siya sa taong nanakit sa damdamin niya.

Nang tuluyang mapagod ang mga paa ay humahangos siyang tumigil. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha bago napa-ikot ng tingin sa paligid. Nasa isang tahimik na parke siya at ang tanging naroon lamang maliban sa kaniya ay isang lalaking naka t-shirt na puti, maong na pantalon at nakasumbrero na nakaupo sa isang bench.

Tumayo ang lalaki at napagawi ang ulo sa direksyon niya. Matangkad ito at may kapayatan. Maputi rin ito na tipong parang nyebe. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil sa nakukubli ito ng hair dress pero kita niya kung paano nagkaekspresyon ito.

"Hi," bati ng lalaki saka ngumiti.

Nagtaka si Pristine dahil nakaanggulo ito sa direksyon niya. Tumingin siya sa likod pero wala namang tao roon. Binalik niya ang tingin sa lalaki at agad siyang kinabahan nang unti-unti itong humakbang papalapit sa kaniya.

Alam ni Pristine na maraming nagbabalak sa buhay niya at noong panahong iyon ay mag-isa lamang siya.

Nanginginig na umatras si Pristine.

"Who made my princess, cry?" alo ng lalaki.

Bago pa man makapagtanong si Pristine sa kung sino ito ay hindi na siya nakapagsalita pa nang may kamay galing sa kaniyang likod ang nagtakip ng panyo sa kaniyang bibig. Mabilis na napapikit ng kalakip na kemikal sa panyo ang kaniyang mga mata.

♦♦♦

Nagising si Pristine sa isang madilim na silid. Nakahiga siya sa sahig at nakatali ang kaniyang mga kamay at paa. Naka-tape rin ang kaniyang bibig.

Nag-ingay si Pristine at nagpumilit na makawala. Binigay niya ang kaniyang buong pwersa ngunit wala itong naidulot. Napaluha na lamang siya sa pag-iisip kung nasaan nga ba siya at kung ano ang maaaring mangyari sa kaniya.

Habang humihikbi ay narinig ni Pristine ang pag-krik ng pinto. Tumitig siya sa direksyon ng tunog at maya-maya'y nagbukas ang liwanag dahilan para makita niya ang lalaking huli niyang nakita bago siya mawalan ng malay. Wala itong pang-itaas kaya kitang-kita ang napakaputi nitong balat pati na rin ang dragon na tattoo sa dibdib nito. Chinito ang mga mata ng lalaki at may asul na eyeballs. Meron din itong blonde na buhok na tila ba natural na messy ang style. Bata pa ang lalaki sa paningin ni Pristine. Siguro nasa early 20's sa isip-isip niya.

"Good morning, princess," nakangiting bati ng lalaki gamit ang kaniyang malalim na tinig. Lumuhod ito at pwersahang hinila ang tape sa bibig ng bihag niya bago naglapag sa sahig ng pagkain. Roasted chicken at half-cooked vegetables.

"A—Anong kailangan mo sa a—akin?" Kinakabahan na tanong ni Pristine.

Tinignan siya ng lalaki pero hindi nito sinagot ang tanong niya.

"Kumain ka na," tanging sabi ng lalaki. Ma-awtoridad ngunit sa paraang parang ina-alala siya. Tinanggal ng lalaki ang tali sa mga kamay ni Pristine.

"Gusto mo bang subuan kita?"

Kahit gaano naging kaamo ang pagkakatanong ay hindi nabura ang pangamba ni Pristine. Hindi niya maintindihan ang aksyon ng lalaki. Hindi siya sumagot at napa-iyak na lamang siya. Humagulgol siya nang sobra.

"Gusto ko nang umuwi, pauwiin mo na po ako please," pagmamaka-awa niya.

Tumayo ang lalaki at lumapit sa kaniya. Lumuhod ito at pinantayan siya saka pinunasan ang luha niya.

"You really do look like her… Well, you are her twin afterall," saad ng lalaki saka siya bumalik sa crate.

Ilang araw nanatili si Pristine sa madilim na silid na iyon. Kapag nababanyo ay hinahatid siya ng lalaki sa isang malinis na CR. Binigyan rin siya ng mga damit at underwear para pamalit. Kapag kakain naman ay laging masasarap na pagkain ang nakahanda sa kaniya at kapag matutulog na ay pina-painom siya ng sleeping pills.

Dumaan ang mga araw na tanging ang lalaki na iyon lamang ang nakikita niya. Nakaupo sa crate at nakatitig sa kaniya. Minsan ay nilalapitan siya nito at hahawakan ang kaniyang pisngi, hihimasin ang kaniyang bunbunan o di kaya'y ang kaniyang kamay.

"Pakawalan mo na ako please. Ano ba talagang kailangan mo sa akin?" muling tanong ni Pristine nang may pagkakataon na tinanggal ang tape sa kaniyang bibig.

Lumapit ang lalaki sa kaniya at umupo sa tabi niya. Nagulat si Pristine pero mas nagulat siya nang unti-unting ilapit ng lalaki ang mukha nito sa kaniya. Natigil lamang ito nang may biglang pumasok sa silid.

"Sir Gil, may mga kahina-hinalang lalaki kaming namataan na pumapalibot sa atin," pahayag ng lalaki na naka- itim na leather jacket. Bakas sa mukha nito ang tensyon. Katamtaman lamang ang taas nito at katulad sa sir niya ay tila bata pa.

Sumunod pang pumasok sa silid ang isa namang babae na nakaitim na long sleeves at maiksing short. Pare-pareho sila ay may mga dragon na tattoo sa iba't ibang parte ng katawan.

"Sir Gil, mga armado sila," seryosong sabi ng babae. Magkasing tangkad lamang sila ng naunang lalaki pero naka-mask ang babae kaya hindi makita ni Pristine ang mukha niya.

"Are they from the Vicereals?" tanong ng lalaki na tinawag na Gil.

"I doubt Sir, wala po sila sa list ng mga tao nila," sagot ng babae na nagpa-tight sa ekspresyon ni Gil.

Tumayo si Gil at minanduhan ang lalaki na ilayo si Pristine.

"This is not good, Art ilayo mo siya. I bet they're from the Opposing Clan. She's their target. They saw what I did as an opening to get her. Contact the Vicereal household. I will regret that I said this but we need their help."

Agad na tinanggal nang nagngangalang Art ang mga lubid na nakatali kay Pristine. Sunod ay madali siyang hinila nito patungo sa likod ng abandonadong building na kanila palang pinaglalagian. Aapela sana si Pristine sa ginagawa ni Art pero agad nagulo ang utak niya nang makarinig siya ng putok ng baril.

Napatigil siya dahil sa pagkagulat.

"Ano ba't? 'Wag ka tumigil dyan," inis na sabi ni Art habang hinihintay na may sumagot sa ginagawa niyang tawag.

"Wh—What is happening?" nagugulantang na tanong ni Pristine.

Inis na tinignan ni Art si Pristine, "Tsk, long story short my boss just wanted to play with you but someone wants to kill you."

Nagpatuloy sa paglayo ang dalawa hanggang tuluyan silang nakalabas ng building. Napalingon naman si Pristine sa establisyimento at inalala ang dalawang tao na kanilang naiwan. Rinig na rinig niya ang pagputok ng mga baril kaya nabahala siya.

"Bwiset! Bakit walang sumasagot sa mga security mo?" Inis na reaksyon ni Art. Akmang ibabato na niya ang kaniyang cellphone dahil sa frustration ngunit may isang kamay galing sa kaniyang likod ang pumigil sa kaniya.

"Walang sasagot dyan dahil nandito na kami."

Napalingon si Pristine sa pamilyar na boses.

"Tito Marcus!" Ito ang head bodyguard niya.

Parang naglaho lahat ng takot at pangamba ni Pristine nang makita niya si Marcus. Agad siyang lumapit dito.

"Miss Pristine ito ba yung kumidnap sayo?" tanong ni Marcus pero hindi si Pristine ang sumagot sa kaniya.

"Oo kami, pero wala kaming balak na masama sa kaniya," depensa ka agad ni Art dahilan para magdilim ang paningin ni Marcus sa kaniya.

"Kinuha niyo siya nang sapilitan, simula't sapol palang masamang balak na 'yon," ani Marcus saka binaliko ang braso nang tinuturing niyang kidnapper.

"Aw!Aww! Ang sakit ano po ba! My boss just wanted to play with his fiancée pero ngayon nasa peligro ang buhay niya dahil sa mga gustong pumatay sa alaga mo."

Napakunot ng kilay si Marcus sa sinabi ni Art. Binitawan niya ang braso nito. Tinignan niya si Art na may pagdududa sa kaniyang mga mata pero naagaw ang ekspresyon niya nang dumating si Irene.

"Sir, I was just informed that a lot of Opposing Clan members are here and they are all armed. It is also confirmed that Mister Gilbert Frost is here and it looks like he's the one currently exchanging shots with them."

Naghigpit ang ekspresyon ni Marcus. Iyon ang unang pagkakataon na makitang ganoon ni Pristine ang reaksyon ng head bodyguard niya at ni isang hinagap ay hindi niya akalaing iyon na rin pala ang huli.

"So, they really broke the Truce Agreement," malungkot na sambit ni Marcus

♦♦♦

"Art, nasaan na kayo? Papatakas na kami sa kanila," saad ni Gilbert noong tumawag siya kay Art.

Papalabas silang apat noon, si Marcus, Pristine, Irene at siya sa isang eskinita nang makarinig sila ng putok ng baril. Napatigil sila ng takbo at napalingon sila sa pinanggalingan ng tunog. Nadatnan nila ang halos sampung lalaki na may kani-kaniyang armas na humahabol sa kanila.

"Irene, secure the front. Gawin mo lahat para makaligtas kayo nila Miss Pristine dito."

Nagulat si Irene sa iniutos sa kaniya.

"What do you mean Sir? Paano kayo?" nag-aalalang tanong ni Irene.

"We became blind by their false peace. It is my duty to protect my lady but I believe them and let my guard down."

Masinsinang tinignan ni Marcus si Irene. Para bang gusto niyang iparating ang nais niyang sabihin sa pamamagitan na lamang nang kaniyang mga mata.

Tinignan ni Irene ang paligid niya at alam niyang iyon na lamang ang tanging paraan. Tumango siya sa senior niya at mahigpit na hinawakan si Pristine.

"Pristine, Charles may be hard-headed at times but he really is a good child. I know he hurt you but I hope that you will forgive him. I loved him so much, and so you are and Miss Natalie. Para ko na rin kayong mga anak. Sana ay magka-ayos kayong tatlo," naka,ngiting sabi ni Marcus kay Pristine.

"Tito Marcus," may bahid ng pait at lungkot sa tono nang pagsambit ni Pristine. Biglang pumatak ang luha galing sa kaniyang mga mata. Ayaw man ng utak niyang isipin ay nauna na ang puso niyang makaramdam kung anong pinahihiwatig ng kaniyang taga-silbi.

"Tito Marcus!"

Hinatak ni Irene ang humahagulgol na si Pristine.

"I will do everything I can to hold these traitors," seryosong sabi ni Marcus bago talikuran sina Irene.

Dahil sa isang masikip at diretsong eskinita ang dinaraanan nila ay kailangang maging mabilis ang pagpapaputok ni Marcus. Isang lagpas lamang kasi ng bala sa kaniya ay maaaring matamaan ang mga pinapatakas niya. Mabuti na lamang ay konti lang ang mga kalabang nanggagaling sa harapan kaya mabilis na naka-abante sina Irene at Art ngunit nang makarating sila sa bukana ay may dalawang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa magkabilang gilid ng eskinita. Parehong tinutok nang mga ito ang kani-kanilang baril sa ulo ni Art at Irene.

"Checkmate," sambit ng dalawang lalaki pero hindi na nila pa nagawang kalabitin ang gantilyo ng kanilang baril nang paputukan ni Marcus ang mga ulo nila. Parang hinugot sa hukay ang isang paa ni Irene pero hindi niya akalain na ang napaka-iksing sandali na iyon pala ang magbibigay ng pagkakataon sa mga natirang kalaban upang paulanan ng putok si Marcus. Sunod-sunod ang naging pagputok mula sa direksyon ni Marcus at kitang-kita nila kung paano nito iharang ang sarili para hindi sila matamaan.

"Tito Marcus!" umiiyak na sigaw ni Pristine.

♦♦♦

"Carl, are there any problems?" nabulabog ang atensyon nang nakatulalang si Charles noong marinig niya ang tinig ni Aldred. Lito siyang napalingon sa kaibigan ngunit agad niyang inalis ang kaniyang ekspresyon nang masalubong ng kaniyang mga mata ang nang uusisang tingin ni Aldred.

Kakatapos lamang nilang kumain at kasalukuyan silang nagliligpit ng ilang gamit sa kanilang booth. Hindi maalis sa isip ni Aldred ang naging pagtrato ni Charles kay Pristine. Pareho sila ni Jerome ay napansin ang kakaibang aksyon ng kanilang kaibigan. Gusto man sana nilang magtanong dito kaagad kanina ay hindi sila makahanap ng tyempo dahil pare-pareho silang may mga abalahin at tila mainit ang ulo ni Charles.

Ngayon, dahil sa wala masyadong costumer at break rin ni Jerome ay di na nakapagtimpi ang dalawa. Nang mapansin ni Aldred ang kaibigan na tila malayo ang iniisip ay minabuti na nilang lapitan ito at paaminin.

Nagulat si Charles ngunit dahil sa ayaw niyang magpahalata ay pinilit niyang ngumiti. Ngumiti siya na nauwi sa pagkibot ng kaniyang mga labi. Isang unusual na reaksyon kung sa kaniya magmumula. Napailing siya dahil sa kinahantungan nang kaniyang naging ekspresyon at tumawa na lamang upang makubli ang kaniyang nabigla na damdamin.

Parang ibang tao siya kung titigan nina Aldred at Jerome.

"Oya, what's with those faces?" masiglang tanong ni Charles na nakaani ng pagbuntong hininga mula kay Aldred. Siningkitan ng tingin ni Aldred si Charles.

"Carl, I'm asking kung may problema ka ba? Kasi it looks like you have," pag-uulit ni Aldred.

"You are acting odd bro these past few days," pagpunto naman ni Jerome.

Tinitigan sila ni Charles. Makailang segundo ay ngumiti muli siya at malugod na sinagot ang dalawa.

"Imagination niyo lang 'yon," Nilipat niya ang kaniyang atensyon sa mga silyang aayusin niya. Binuhat niya ang mga bangko papunta sa isang sulok. Sinundan naman siya nila Aldred na tila nakalimot na mayroon din silang mga gawain.

"Okay, sige if that is what you want us to believe in," agad na pagsuko ni Jerome. Ayaw niyang pilitin pa si Charles kung ayaw nitong magsalita. Ito ang tipo na agad naiinis kapag pinipilit at ayaw niyang paabutin ang usapan nila sa puntong iyon. Naniniwala siya na may panahong magsasabi rin ito sa kanila.

Babalik na sana si Jerome sa kaniyang ginagawa ngunit nakalimutan niyang may isa pa nga pala siyang concern na kaibigan.

Nanatili si Aldred sa harap ng kaniyang best friend.

"Hey, we heard it, the rumor spread fast. Is it true that you had a confrontation with Natalie? Is that the reason why you're acting like that?" seryoso pero nag-aalalang tanong ni Aldred.

Parehong napahinto sina Jerome at Charles. Ibinaba ni Charles ang upuan na kaniyang hawak habang si Jerome ay pumihit naman pabalik.

"Baliw," Tumawa si Charles, "Al, how many times should I tell you that I already moved on from her? Yeah, we had a confrontation but it's a FRIENDLY confrontation nothing more, nothing less," paliwanag ni Charles.

Saglit na tumahimik si Aldred. Tipong nag-iisip bago siya nagtanong muli.

"You broke up with Eunice, maybe that's the real reason? Are you affected?" Hinuha ni Aldred na nakaani ng flat na reaksyon mula kay Charles.

"Sira, hindi. I broke up with her simply because I'm not enjoying her anymore," may pagkairitang tugon ni Charles. "I can't be affected by a spare. I have plenty of them around," mayabang na dugtong niya.

Tumango man si Aldred ay alam ng kaniyang mga kaibigan na hindi pa siya satisfied sa kaniyang mga nalaman. Gusto mang makialam ni Jerome sa usapan ay minabuti niyang ipaubaya na lamang kay Aldred ang lahat lalo na't may sarili itong diskarte pagdating sa pakikipag argumento kay Charles.

Pagkatapos ng ilang tanungan at sagutan na iyon ay pumagitna ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Tila naging background music ang mga ingay sa paligid habang seryoso silang nagpapalitan ng mga tingin. Sa pagaakalang tapos na ang usapan ay babalik na sana si Charles sa kaniyang ginagawa nang muli ay magtanong nanaman si Aldred na ikinairita na niya.

"So, why are you acting differently?"

Dumaing si Charles bago idirekta niya ang kaniyang tingin kay Jerome at ang atensyon niya kay Aldred.

"Ang kulit mo Al, gusto mo bang masapak kita?" Inis na reaksyon ni Charles.

Hindi umimik si Aldred sa halip ay inangasan niya lamang si Charles.

Inis na inis na si Charles ngunit ayaw niyang patulan si Aldred kaya bumuga na lamang siya ng hininga, "Okay, sige, give me proof. If I'm really different then in what way?" paghahamon niya.

"You daydream a lot," mabilis na tugon ni Aldred na sinegundahan naman ng pagtango ni Jerome.

Impit na tumawa si Charles, "Can I not dream of sexy girls after a break up?" Nakangising tanong niya.

Umiling si Aldred.

"Nope but, that is also what makes you odd this whole time. No, you don't waste your time dreaming of sexy girls. That's not the Carlo we know. The Carlo we know immediately flirts with girls after a breakup," giit ni Aldred.

Nilingon ni Charles si Jerome. Hindi man siya nagtanong dito ay tila may dialogue bubble na nabasa si Jerome sa ulunan niya.

"Yep," humagikgik si Jerome.

Napabuga ng hininga si Charles bago ibalik kay Aldred ang kaniyang paningin.

Napansin ni Charles ang pagbabago ng tingin ni Aldred. Parang gusto na siya nitong saksakin. Isang trait ni Aldred sa tuwing uhaw siya sa mga kasagutan. Kilala ni Charles si Aldred at hindi ito titigil nang hindi nasasagot ang kaniyang katanungan. Mga katanungan na alam niyang tutungo sa mga bagay na aayawan niyang sagutin.

"Can I not take a break and be a good boy for a while? Iyon lang ba yung dahilan kaya nasabi mong kakaiba ako nitong mga nakalipas na araw?" agad na balik ni Charles. Huli na nang ma-realize niya na isang malaking pagkakamali pala na nagtanong pa siya.

"No, hindi lang 'yon. Carl, you lied to us," mariing sabi ni Aldred. Isang mapait na ekspresyon ang puminta sa kaniyang mukha.

Lumunok si Charles nang marinig ito, "When?" diretso niyang tanong. Ayaw niyang magpatinag kaya seryoso niyang tinitigan si Aldred pero sa iba pala manggagaling ang pagpapatotoo sa sinabi ng kaniyang bestfriend.

"Sabi mo bro hindi mo kilala si Pristine, pero kung makaasta ka kanina daig mo pa ang isang tatay," pagpupunto ni Jerome. Napakagat si Charles sa kaniyang pisngi dahil tunay na natamaan siya sa sinabi nito. Mariin siyang nagdaop ng palad.

Kung na-control niya lamang ang emosyon niya kanina. Kung hindi siya nagpadala ngayon sa mga tanong ni Aldred. Nayayamot siya dahil ayaw niya sanang may makaalam pero wala na siyang magagawa.

Hindi siya agad na kumibo. Kailangan niyang kumalma dahil mahirap sumagot ng clouded ang pag-iisip.

"Idiots, of course I know her. She's Natalie's cousin afterall. Nagloloko lang ako nung nakaraan," nakangiting paliwanag ni Charles.

"The best way to not know that you lie is to admit that you did intend to lie," sabi ni Charles sa sarili.

Kinuha ni Charles ang silya na inaayos niya. Bubuhatin niya sana ito pero hinila ito ni Aldred sa kaniya.

"Ulol," reaksyon ni Aldred na nakaani ng impit na pagtawa mula kay Jerome. Gusto niyang humalakhak dahil sa biglaang reaksyon nito ngunit ilang beses itinuro sa kaniya na masama ang pagmumura.

Hinatak ni Charles pabalik sa kaniya ang silya, "Gago ka." Nagsisimula ng umukit ang mga ugat sa noo ni Charles.

Pareho sila ay gigil na naghilahan sa iisang silya at dahil dito ay nagsisimula na silang mapansin nang kanilang mga kaklase.

Umiling na lamang si Jerome dahil wala na siyang masabi pa.

"Fu—" Gusto pa sanang gumanti ng mura ni Aldred ngunit pinigilan na siya ni Jerome.

"Stop that guys, kung gusto niyong mag-away magsuntukan na lang kayo basta huwag lang 'yan."

Parehong hindi makapaniwala ang mukha nina Aldred at Charles nang tapunan nila ng tingin si Jerome.

"Ano? Para lahat kami dito mag-enjoy," biro ni Jerome.

Parehas humugot ng hininga ang dalawa. Isinuksok ni Charles ang kaniyang mga kamay sa kaniyang pocket purse habang nakangiti namang humalukipkip si Aldred.

Nag-iisip na yumuko si Charles. Malalim siyang lumunok saka nilapat ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang batok. Nakatitig lamang si Aldred at Jerome sa kaniya at naghihintay ng kaniyang sasabihin.

Pagkatapos mag-stretch ng leeg ay tumindig si Charles, "Punyeta ang sakit niyo sa utak. Mga kaibigan ko nga talaga kayo. Kilalang-kilala niyo ako e," natatawa niyang sabi. Nawala na ang inis sa kaniyang kalooban.

"Phew, siyempre, kami pa ba?" saad ni Aldred, "Kaya alam namin kapag may mali sayo," nakabusangot niyang dugtong.

Tila kinurot ng sinabi ni Aldred ang puso ni Charles at napaganda nito ang loob niya. Matipid pero sinsero siyang napangiti.

"Talaga? I'm glad, salamat. At least someone will remind me of who I really am once I lost myself."

Napakurap ang mga mata nina Aldred at Jerome. Nagtaka ang dalawa sa sinabi ni Charles lalo na't pakiramdam nila ay may pinaghuhugutan ang kanilang narinig.

Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Aldred, "Drama mo boy," aniya sabay tawa.

"Ganoon ba? Tawa ka dyan e parehas lang naman tayo." Kumamot ng ulo si Charles. Nais sana ni Aldred na umangal sa sinabi nito ngunit natigilan siya ng magsalita pa si Charles.

"Hey, guys, okay I admit it. Magko-confess na ako. This is really hard kaya una sa lahat gusto kong hingiin ang tulong niyo. You wouldn't mind right? You are my friends afterall."

Parang nakaramdam bigla ng mabigat na responsibilidad sina Aldred at Jerome nang i-emphasize ni Charles ang huli nitong pangungusap.

Nagulat si Aldred kaya't halfhearted siyang napatango. Si Jerome naman ay piniling hindi muna sumagot hanggang di niya nalalaman ang magiging rason ni Charles.

"I like someone and I madly want her to be mine. It's weird right? Mahirap akong paniwalaan kasi playboy ako kaya hindi ko sinasabi sa inyo. Baka kasi isipin niyo na nagloloko lang ako. Baka hindi niyo ako paniwalaan," malungkot na sabi ni Charles sabay yuko na agad namang ikinaalala ng dalawa.

"Oy, Carl. Baliw ka, syempre hindi ka talaga namin agad papaniwalaan," malokong pahayag ni Aldred, "Pero kung sasabihin mo naman ng maayos katulad nito mauunawaan ka namin, di ba Je?"

Tumango si Jerome kay Aldred bago nilingon si Charles, "Yeah, what you said is really weird, but I won't judge you since we have living proof here."

Tinignan ni Jerome si Aldred.

"I always think that weird is a good thing. Iyon ang nagpapahayag kung sino talaga tayo. Parang sa pag-ibig, sabi nga nila kapag nakita mo na ang the one ay siya ang magiging daan para lubusan mong makilala ang sarili mo. Maybe liking someone really pulls out not just the love but also the weirdness inside of us. Afterall, love is really weird."

Napatanga ang dalawa kay Jerome. Umiral na naman kasi ang malawak nitong pang-unawa at nagsalita nanaman ng mga bagay na tumatagos sa puso nila. Nagpapasalamat sina Charles at Aldred dahil sa kabila ng makasalanan nilang mga dila ay nandyan pa rin si Jerome sa tabi nila.

"Thanks," nahihiyang sambit ni Charles.

Bumuga ng hininga si Aldred at ngumiti naman si Jerome.

"I hate to say this but, you are our friend. Syempre, bro, tutulungan ka namin," sabi ni Aldred na nagpagalak kay Charles.

"Really? tutulungan niyo ako? Promise?" Hindi man masukat ang tuwa sa reaksyon ni Charles ay mapapansin ang pag-asa at pagkadesperado sa tono niya.

Tunay na kakaiba nga sa isip-isip ni Aldred at Jerome kaya't nangingiti sila dahil naiintindihan nila ito. Wala silang karapatang pagdudahan ang kaibigan dahil isang cliche at napakaraming beses ng nangyari na may isa talagang taong makakapagturo ng pag-ibig sa isang playboy na kagaya ng kanilang kaibigan.

Sumang-ayon ang dalawa sa pagtulong sa kaniya.

"So Carl, sino naman 'yang malas na babae na dahilan ng pagiging weirdo mo?"

Napalunok nang malalim si Charles ng rumehistro sa utak niya ang tanong.

Isipin pa lamang niya ang pangalan na iyon ay parang sasabog na ang utak niya kaya't kinailangan niyang kumalma. Pinasok niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pants at patagong kinuyom doon ang kaniyang mga palad.

"Oo nga, sino bang malas na babae 'yang nakursunadahan mo?" natatawang tanong din ni Aldred at sa pagkakataong iyon ay handa na si Charles na sagutin sila.

Isang malapad na ngiti ang pinairal ni Charles.

"Si Pristine. Si Pristine Vicereal," nakangiting tugon ni Charles. Parehong nagulat sina Aldred at Jerome sa kanilang narinig kaya't hindi na nila napansin ang blangkong ekspresyon ng mga mata ng kanilang kaibigan. Blangkong tingin na sumasalamin sa kaniyang blangkong damdamin.

♦♦♦