webnovel

Love and Switch (Tagalog)

Panganay si Carmen, maganda at sexy ang problema lang, masama ang ugali. Si Charlotte naman ay isang average teenager girl na mahiyain. Dahil sa kasamaan ni Carmen isang sumpa ang pinataw sa kanila ng Dark Witch na si Switch. Sa alternate nilang pagpapalit ng katawan magugulo ang takbo ng buhay nila. Mahanap nga kaya nila ang lunas sa ginawang sumpa ng mangkukulam na si Switch? Mabago nga kaya ng sumpa ang masamang pag-uugali ni Carmen? Matagpuan kaya nilang magkapatid ang tunay at wagas na pag-ibig? Ang dalawang lalaki na nga kaya sa buhay nila ang magiging susi upang makawala sa sumpa? Ang Act of true love and a true love’s kiss ang makakatanggal sa sumpang? Ito ang kwentong may ‘Love and Magic’

Mai_Chii · Fantasi
Peringkat tidak cukup
21 Chs

Kabanata - III : Wrong Feeling

BALIK kami sa tunay naming katawan ni ate, pumasok siya sa trabaho at ako sa school. Naglalakad ako sa koridor papunta sa classroom, pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Ano na naman kaya ang ginawa ng mabait kong ate kahapon?

"Wit wew!!" Sipol ng estudyanteng lalaki sa gilid.

Nayuko ako, naglakad nang mabilis. Bakit ganoon tinititigan nila ako mula ulo hanggang paa. Naku! Ano kayang ginawa ni ate habang wala ako sa sarili kong katawan?

"Lottie!!"

May sumigaw mula sa likod ko, hindi ko iyon pinansin.

Sinong Lottie? Bigla niya akong tinapik sa balikat. Natigil ako at napaharap sa kanya. "I-Ikaw pala Luke?" may pagtataka sa aking tinig.

Ang lalaking tumapik sa akin, si class President Luke: Matalino, mabait, palangiti, athletic, nasa kanya na ang lahat ng gusto ko sa isang lalaki. Crush ko siya mula grade 7 hanggang ngayon.

"Sorry, nagulat ba kita? Ayaw mo kasi akong lingunin kanina," nakangiti niyang sabi habang nakapamulsa ang magkabilang kamay.

"H-Hindi ko alam, a-ako pa lang ang tinatawag mo?" alanganin kong sagot.

Nakakapagtaka hindi naman ako noon pinapansin ni Luke bakit ngayon todo ngiti pa siya sa akin?

Tumawa siya nang malakas. "Ano ka ba? 'di ba sabi mo kahapon—Lottie na lang ang itawag ko sa 'yo?"

Ang weird nakatingin siya sa dibdib ko? Teka, kahapon? Siguradong si ate ang may pakana nito. Walang ibang tumatawag sa akin ng Lottie, kundi sina mommy, daddy at si ate. Wala akong nagawa kundi hayaan na lang siyang tawagin akong Lottie. Maliban dito, ano pa kaya ang ginawa ng super bait kong ate?

"Lot-Lot!!" masiglang sigaw ni Aleyah, kumakaway kitang-kita ko siya agad.

Sa harap ng pinto ng classroom nag-aabang si Aleyah ang best friend ko mula grade 7. Lot-lot ang tawag niya sa akin, siya ang unang lumapit at nakipagkilala sa akin noon. Masayin siya at malambing. Opposite kaming dalawa, kung ano ang kinadaldal niya siya namang kinatahimik ko. Mahiyain kasi ako hindi palaimik, ayokong maging sentro ng usapan. Si Aleyah, para siyang si ate, talkative.

"Morning, Aleyah!" bati ko.

"Morning beshie!" bati niya sabay akbay sa akin.

"Lottie!!" sigaw ng mga kaklase ko.

Nagulat ako sa pagsigaw nila. "A-Ano'ng mayroon?" taka ko.

Hindi naman nila ako pinapansin noon, pero ngayon ang lahat ay nakatingin sa akin. Wari mo'y nakakita silang lahat ng artista samantalang hangin lang ako sa paningin nila noon, hindi pinapansin. Biglang natawa si Aleyah nang malakas. Sinisiko ako sa tagiliran, hindi ko talaga alam kung ano'ng mayroon at ganyan sila sa akin ngayon. Hanggang sa maupo ako sa aking silya ang lahat ay nakatingin pa rin, hindi ko talaga gusto ang ganito. Si ate talaga! Agaw atensyon.

"Lot-lot, mukhang hindi ka hyper ngayon ah," nakapamewang na sabi ni Aleyah.

"H-Hindi naman talaga ako hyper," alanganin kong tugon habang inaayos ko ang bag ko sa upuan.

Naupo siya sa ibabaw ng desk sabay titig sa akin. "Hmm… mukhang bumalik ka sa original form mo, beshie."

"Ha? b-bakit, a-ano ba ako kahapon?" nawiwindang kong tanong.

"Kahapon, tapos no'ng isang araw at no'ng mga nakaraang araw para kang wild woman. May sakit ka ba? bakit parang alternate ang personality mo, beshie?" pagtataka niya.

Hindi ko masabi kay Aleyah ang sitwasyon namin ni ate. Hindi ko masabing hindi ako ang wild woman na inaakala nilang ako.

"Siguro may dual personality ka, noh?" dugtong pa ni Aleyah.

Nginisian ko lang siya bilang tugon. Bumalik si Aleyah sa upuan niya, nang dumating ang lalaking nakabangga sa akin sa Baclaran. Lumapit siya sa katabing silya, teka? Katabi ko ba talaga siya? Parang hindi ko siya pansin noon ah.

"Morning!" bati niya nang may masungit na tono.

"M-Morning, i-ikaw 'yung sa Baclaran 'di ba?" Nilapag niya ang bag saka naupo. Hindi niya ako nililingon, nakatuon lang ang mata niya sa pisara, nakapangalumbaba't nahikab sa ibabaw ng desk.

"Ah, Oo ako nga…" walang buhay niyang tugon.

Mukhang inaantok pa ang ang lalaking 'to, muli akong nagtanong. "A-Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Ervine, Ervine Morales, huwag mo nang kalimutan, Okay?" masungit niyang sabi na may kasamang matalim na tingin.

Nakaramdam ako ng kakaibang init sa katawan. Ang masungit niyang facial expression habang nagsasalita, hindi ko mapigilang mangiti at kiligin.

"Pangako, hindi ko na kakalimutan…" nahihiya kong sagot.

Binigyan ko siya nang isang matamis na ngiti bilang bati sa maaliwalas na umaga. Namula ang buong pisngi niya, agad nilihis ang ulo at sinubsob ang mukha sa ibabaw ng desk. Nahihiya ba siya? A-ang cute… ngayon ko lang siya nakausap ng ganito pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Nakapagtatakang hindi ko siya pansin noon, parang hindi ko ramdam ang presensya niya kailan nga siya lumipat dito sa school? Hindi ko matandaan.

Nang matapos ang klase, nagulat ako kay Luke bigla kasi siyang sumabay sa akin pauwi. Ngayon lang 'to nangyari, ni minsan hindi ko pa siya nakakasabay sa pag-uwi. Lumulukso ang puso ko sa kaba ngayong kasama ko siya. Ang lapit naming sa isa't isa, kinakabahan ako!

"Alam mo, Lottie…" Nahinto siya't biglang napakamot sa batok.

Huminga si Luke nang malalim saka buong pwersang nagsalita. "Gusto kita!" sambit niya.

"Ha?!" Agad kong reaksyon sa sinabi niya. "A-Ano'ng sabi mo? S-sorry h-hindi ko kasi—"

"Lottie, will you be my girlfriend?!" bigla niyang pagtatapat.

Hindi ako nakaimik, natulala ako sa sinabi niyang 'yon. Lumulukso ang puso ko sa tuwa, napahawak ako sa magkabilang pisngi, ramdam ko ang init na umaangat sa aking katawan. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kailangan kong sumagot, ano bang isasagot ko sa kanya?

"L-Luke, a-ano'ng nagustuhan mo sa akin?" nahihiya kong tanong.

Gusto kong malaman kung bakit bigla niya akong nagustuhan. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako sa isasagot niya, a-ano nga kayang nagustuhan niya sa akin?

"Ang lakas kasi ng dating mo, nitong mga nakaraang araw ko lang napansin na—ang lakas mo palang tumawa." Bahagya siyang natawa. "Gusto ko talaga sa babae ang sexy kumilos, napaka-energetic mo pa lang babae. Gusto ko ang mga babaeng sporty type."

Para akong estatwang bato sa kinatatayuan ko nang marinig kong ang sinabi niya. Hindi ako babaeng gusto n'ya! Biglang kumirot ang puso ko, a-ang sakit.

"O-Okay ka lang? Lot—"

"Huwag mo akong tawaging Lottie!!" pabigla kong sigaw kay Luke.

Sa sobrang sakit ng nadarama ko, nagawa ko siyang sigawan. Alam kong wala siyang ginawang mali pero, nakakainis!

"Hindi ako ang gusto mo—hindi ako 'yon!" sigaw ko.

Na-disappoint ako sa ginawa niyang pagtatapat. Yukom ang palad ko nang talikuran siya, nangingilid ang luha ko sa mata nang iwan ko siyang nakatayo. Lumakad ako nang mabilis, hindi ko napigilan ang sarili ko't tuluyan akong napa-iyak.

"Lottie sandali!!" tawag pa ni Luke.

Hindi ko siya nilingon lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Muli ko siyang sinigawan habang naglalakad nang nakatalikod sa kanya. "Huwag mo akong sundan!!"

Sa paglalakad nadaan ako sa parke, parang ayoko pang umuwi. Ayokong makita si ate, nagseselos ako sa kanya. Naupo ako sa duyan, malungkot na nakayuko, pahuhupain ko muna ang sama ng loob ko bago umuwi. Tumutulo ang sipon ko sa ilong, patuloy pa rin ang pagluha ng mga mata ko. Hindi ko lubos akalain na ang gusto pala ni Luke ay katulad ni ate, hindi tulad ko.

"Oh, kunin mo!"

Isang masungit na tinig ang aking narinig. Bigla akong tumingala sa lalaking nasa harap ko, inabot niya ang kanyang panyo. "E-Ervine? A-Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Wala, napadaan lang, Oh kunin mo na." Pinagpilitan niyang kunin ko ang panyo niya, inabot ko ito, nakakahiya namang tanggihan ang kabutihan niya.

May kasungitan pa rin sa pananalita niya pero, ang mukha niya namumula. Bigla akong nangiti sa hindi malamang dahilan. Pinahiran ko ang aking luha gamit ng panyo niya, nasingahan ko pa ito dahil sa sipon na kanina pa gustong lumabas.

"Lalabhan ko itong panyo, bago ko ibalik sa 'yo." Alanganin kong ngiti sa kanya.

Tumango siya bilang pagsang-ayon, nakakatuwa ang panakaw niyang tingin sa akin. Nakangiti lang akong nakatitig sa kanya.

"Hoy, huwag mo nga akong titigan nang ganyan, tsk!" sita niya.

Naupo siya sa katabing duyan, nakalihis ang mukha niya't nakatuon sa ibang dereksyon. Nang bigla siyang nagsalita nang mahina't mahinahon. "O-okay ka na ba? Sasamahan kita rito hanggang sa maging okay ka."

Pumintig bigla ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Kahit na may kasungitan siya, likas sa kanya ang kabaitan at pagkamaaalalahanin. "Okay na ako salamat, Ervine."

Tumayo ako't humarap sa kanya, binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Sa wakas, napatitig din si Ervine sa akin. Tumatama ang sikat ng papalubog na araw sa mga mata niyang kumikinang. Nang mapagmasdan ko ito bigla akong nakaramdam ng kalungkutan, anong mayroon sa lalaking ito at gano'n na lang kalakas ang dating niya sa akin?

"Alam mo, cute ka pala?" Pansin ko sa mukha n'yang namumula.

Hindi ko alam kung saan galing, bigla ko lang nasabi sa kanya pero, totoong cute talaga siya.

"Tumigil ka nga! Hindi ako aso!!" nahihiya niyang sigaw.

Natawa ako sa kakatuwang kilos ni Ervine, hindi ko maintindihan, biglang nawala ang kirot sa puso ko dulot ng kabiguan kay Luke. Napalitan ng saya dahil sa masungit at misteryosong lalaking si Ervine.

"Huwag mong isipin may ibang dahilan kaya kita sinamahan ngayon, sige paalam!" Bigla niya akong tinakbuhan.

Kumaway siya't sumakay ng jeep naiwan akong nakangiti habang pinagmamasdan ang pag-andar ng sinasakyan niyang jeep. Sumakay na rin ako ng jeep, bahagya akong natawa habang nakaupo, si ate ang nakabihag sa puso ng dati kong crush?