webnovel

Lost With You (Tagalog BL)

Sumabog ang sinasakyang cruise ship nina Cyan at nang lalaking pinangalanan niyang Red—nagkaamensia ito matapos makaligtas sa trahedya—na papuntang Japan. Kapwa sila nangangapa sa pagsubok ng survival sa isla. Magkatuwang sila sa paghanap ng pagkain, tubig at matutuluyan upang mabuhay habang naghihintay ng tulong. Lumipas ang mga araw, ang dating magkakilala ay napalapit sa isa't isa, kasabay nito ang pagtayo nila ng sarili nilang kastilyo sa paraisong sila ang namumuno. Bumuo ng pangako sa isa’t isa na ang isla ang tanging saksi. Dumating ang tulong na dati’y inaasam nila—pero ngayo’y kinakatakutan na nila. Bumalik din ang mga alaala ni Red, at natuklasan nilang pareho na nakatali na pala ito sa iba. Paano na ang mga pangakong binuo nila? Paano na ang pagmamahalan nila?

xueyanghoe · LGBT+
Peringkat tidak cukup
31 Chs

FOUND: CHAPTER 19

Nang gabing iyun, nahirapang makatulog si Riley. Lumabas siya nang kaniyang kwarto at ang halos lahat ng tao sa bahay ay tulog na rin. Subalit sa labas, ay napakaingay pa. Lumabas siya para malibang at makapag-isip isip.

Pumasok si Riley sa resort nina Lorimel, at dahil guest siya sa bahay ng mga ito, pwede siyang makapasok kahit walang entrance fee. Nakasarado na ang beach area dahil gabi na, kaya mga bars na lang ang bukas sa loob ng resort.

Naupo siya sa counter at umorder ng isang beer. Tahimik siyang nagmamasid sa paligid, maraming tao at masaya ang mga itong nag iinuman at nagtatawanan. Samantalang siya ay mag isang umiinom.

"Do you mind if I sit with you?" agad siyang napatingin sa may-ari ng boses. Si James ito, ang kuya ni Lorimel.

Ngumiti siya dito. "O sige, walang problema." Umupo ito sa tabi niya.

"Anong problema at nandito ka mag-isa?"

Lumagok siya ng beer. "I think I just need a break." Tanging na sabi niya.

"Hulaan ko...pag-ibig?" agad siyang napatingin dito. Nakangisi ito sa kaniya. Nagkibit balikat nalang siya, ayaw naman niyang makipagdebate dahil totoo naman.

Hindi siya sumagot at lumagok ulit ng beer. Naramdaman niya ang kamay ni James sa balikat niya. May kakaibang hagod ang paglapat ng kamay nito sa kaniyang balikat. Napatingin siya dito.

"Are you flirting with me?" prangka niyang tanong dito. James was taken aback. Hindi naman siya manhid para hindi makaramdam. At mas mabuti nang magtanong kaysa mag assume.

Tinanggal nito ang kaniyang kamay at tumawa ng mahina. "Paano kung oo?"

"I'm sorry but I already love someone." Deretcho niyang wika.

"I like your frankness. Chill, I have a boyfriend too. Gusto ko lang namang makilala ka nang lubusan." Preskong wika nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ganito na lang, bakit hindi tayo mag bar hopping ngayong gabi? Total, heartbroken ka...at gusto mong uminom, edi sulitin na natin."

"Ayaw kong magbar-hopping. Okay na ako sa isa o dalawang bar. Dalhin mo ako sa pinakasikat na bar dito sa Siargao." Pagaanyaya niya.

Ngumisi ito. "Rum Bar, it is."

***

Dinala siya ni James sa tinatawag nilang Rum Bar, isa itong open space na bar. May mga lamesa't upuan, mga taong nag iinuman at nag sasayawan. Masayang tignan ang mga turista at locals na nakikipaghalubilo.

Pinainom siya ni James ng rum at coke na merong pinigang calamansi. Hindi siya sanay sa ganoong klase ng mix kasi nakasanayan niya ay beer. Uminit ang kaniyang katawan sa nainom. Marami silang napag-usapan ni James tungkol sa kani-kanilang mga buhay, kasabay din noon ang dami ng basong nalagok niya.

"James, ilang taon na kayo dito sa Siargao?" tanong niya dito sabay gala ng tingin sa buong paligid.

"Sampung taon na rin."

"Oh, matagal na din pala." Wika niya sabay tunga ng alak. "Bago kayo napunta dito, saan naman kayo nakatira?"

"Dati kasi, nakatira ang buong pamilya ko sa bahay ng mga Baltazar bilang kasambahay si mama, at si papa naman family driver. Kami naman ni Lorimel, doon na din lumaki't nagkamulat."

"Baltazar?" pagmamaang-maangan niya. Alam niyang si Cyan ang tinutukoy nito pero gusto niyang magtanong nang hindi napaghahalataan.

Ngumisi si James at makahulugan ang tinging pinukol sa kaniya. "Si Cyan, anak siya ng amo ni mama at papa. Magkasabay din kaming tatlo lumaki." Sagot ni James sabay tunga ng beer.

"Paano naman kayo napadpad sa Siargao?"

"Nang mamatay si Papa, tumigil na rin si mama sa pagtatrabaho sa mga Baltazar. Kasi noong panahong iyun, si Cyan, hindi naman na inaalagaan ni mama kasi nga malaki na si Cyan noon. Mga high school na din kaming dalawa ni Lorimel, tapos parang nag iba na yung takbo ng mundo ni Cyan, parang hindi na niya kami kailangan. Kaya ayun, lumipat kami dito, may konting lote naman kami dito." Kwento pa niya.

"Konting Lote? Paanong nagka-resort kayo? I mean, ang astig, paano niyo napalaki ang resort?"

"Mahabang kwento eh." Balewalang wika nito.

"Sige na, ikwento mo na!" wika niyang may halong inis.

"Kiss muna!" biro nito. Ngumuso pa ito sa kaniyang gawi.

"Baliw ka ba? 'Sabing may minamahal na ako!" sambit niya dito.

"Hindi!" tawang tawa si James sa reaksyon ni Riley. "Ang seryoso mo naman. Ganito kasi yan, noong lumubog ang sinasakyang barko ni Cyan, nag alala kaming lahat, parang pamilya narin kasi si Cyan sa amin. Tumulong kami sa paghahanap sa kaniya, palagi naming ipinagdasal ang kaligtasan niya. At isang buwan ang lumipas, natagpuan na nga siya."

Sumakit ang dibdib ni Riley sa narining nitong kwento. Alam niya ang parteng iyun dahil magkasama sila ni Cyan sa isla. Magkasama silang bumuo ng paraiso. Magkasama silang nagmahalan at nagbitaw ng mga pangako sa isa't isa.

May parte ding natutuwa siyang may mga taong nag-aalala kay Cyan noong nawawala ito. Isa ito sa mga dinadalang hinanakit ni Cyan na walang taong maghahanap sa kaniyang pagkawala.

"Oh tapos, paanong naging may ari kayo ng resort sa Siargao? Anong connect 'nun?" wika ni Riley.

"Eto na! Sabi ko naman diba, mahabang kwento?" natatawang banat nito. "Pagkauwi ni Cyan sa mga Baltazar, sinabi niya sa mga ito na gusto niyang umalis sa bahay nila. Humingi din siya ng malaking halaga sa mga ito. Binigyan naman siya. Pagkatanggap ni Cyan ng pera, sumama siya sa amin sa Siargao. Binigay niya ang pera kay mama at umiyak nang umiyak."

"Bakit daw?"

"Ang sabi niya, hindi niya maintindihan ang mga magulang niya. Kasi kakadating lang niya 'ni walang amor ang mga ito sa kaniya. Hindi man lang ito nag alala. At noong gusto niyang umalis, pumayag lang ang mga ito na parang okay lang sa kanilang mawala siya ulit."

"Hindi naman siguro..."

"Sa tagal kong nanirahan sa mga Baltazar, ganoon silang klaseng magulang. Mabuti pa noong buhay pa ang lolo ni Cyan, masayang masaya siya."

"Si Orion,"

Biglang kumunot ang noo ni James sa sinabi niya. Miski siya ay nagulat sa kaniyang nasabi. Naalala niya kasi ang Orion constellation na ikwenento ni Cyan noon nasa isla sila. "Paano mo nalaman ang pangalan ng lolo niya?"

"H-ha? Anong pangalan ng lolo?" pagmamang-maangan niya. Kinurot niya ang sarili sa kaniyang katangahan.

"Sabi mo Orion,"

"Oo, sabi ko nga Orion...ayun oh, Orion constellation!" turo niya sa langit. Hindi niya alam kung Orion constellation nga ba ito. Hiling niya lang na sana hindi din ito alam ni James.

"Ah, pero yun nga si Sir Orion, lolo ni Cyan, na palagi kaming dinadala sa mall tuwing pasko. Good old days!" masayang wika ni James. "Kung buhay lang sana yung matanda, edi hindi malungkot si Cyan."

"Ganun pala," tanging nasabi niya. Naalala niya ang mga kwento ni Cyan tungkol sa lolo niya noong dinala siya nito sa Japan at noong unang beses nitong nakatikim ng firefly squid.

"Oo, pagkatapos hindi naman tinanggap ni mama ang pera ni Cyan nang ganun ganun nalang. Kaya ang ginawa ni Cyan, bumili siya ng property dito sa Siargao at naging kasosyo namin siya sa negosyo. Sa loob ng limang taon, napalago namin ang resort at dormitel namin."

"Eh si Baby Red?" biglang natanong ni Riley. Matagal na niyang dala dala ang katanungan iyan sa kaniyang dibdib.

"Anak ni Lorimel," kaswal na wika nito.

"At ni Cyan?"

"Hindi. May asawa si Lorimel, namatay na din—nalunod, diver kasi yun."

"Pero bakit naikwento ni Lorimel na si Cyan ang ama?" naguguluhang tanong niya dito.

"Ah, kasi gusto din ni Cyan na lumaking may tatay si Red." Biglang gumaan ang pakiramdam ni Cyan sa narinig na balita.

"Hindi naging sila ni Lorimel?" tanong ni Riley sabay lagok ng rhum.

"Hindi."

"Oh..." Nakahinga na nga siya ng maluwag sa narinig na confirmation mula kay James.

"Pero naging kami." Bigla niyang nailuwa ang kaniyang nainom. "Oh, Direk! Anong nangyari sa'yo?" naramdaman niya ang kamay nito sa likod niya at tinatapik ito.

"Ano? Ibig sabihin...si Cyan ang sinasabi mong boyfriend mo ngayon?"

Ngumisi ito. "Oo, si Cyan ang boyfriend ko."

Lumagok si Riley ng isang basong rhum na may coke. Mas lalong uminit ang kaniyang pakiramdam. Nasundan pa ang isang baso ng isa pa, hanggang sa hindi na niya mabilang ilang shot ang natapos niya.

Ang sunod na nangyari, nasa gitna siya ng mga taong hindi niya kilala. Humihiyaw ang mga ito habang siya ay sumasayaw sa gitna. Hindi niya mawari kung anu-ano ang pinagsasayaw niya, sinasabayan niya lang ang tugtog at pagkakataong iyun, wala sa bokabularyo niya ang salitang 'huminto'.

Hinubad niya ang kaniyang damit dahil sa init na kaniyang nararamdaman. Iwinasiwas niya iyun paitas at mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao sa paligid.

May mga taong humahawak sa kaniyang katawan, sa iba't ibang bahagi kasali ang kaniyang pribadong parte. Hindi na niya kontrolado ang sitwatsyon. Alam niya ang nangyayari sa paligid niya at hindi na ito masaya. Pero hindi siya makaalis mula sa mga mga taong pumapalibot sa kaniya.

Nang biglang may humila sa kaniya, hindi niya alam kung sino dahil sa pagkakataong iyun ay bumagsak na siya.