webnovel

Chapter 22: Brothers for life

Jace woke up excited the next morning and glanced at the mirror. Nakahawak ito sa kanyang baba at sabay ngiti ng nakakaloko. Hinawi nito ang kanyang buhok at pumorma na para bang s'ya ang pinaka-gwapong nilalang sa mundo. He feels excited and happy because he'll finally get to see her girl after months of not being with her. He immediately grabbed his red towel as he walked like a model. May pa kendeng kendeng pa itong nalalaman at atras abante at sumayaw ng cha-cha.

"Wait, what am I doing?" Bulong nito sa sarili sabay ngiti. Maging s'ya ay hindi makapaniwala na umaakto ito ng kakaiba. Kahit natatawa sa sarili ay iniayos nito ang tindig at nagmadaling naglakad papuntang banyo.

Pagkatapos maligo ay agad na dumiretso si Jace sa kanyang maleta at naglabas ng mga damit. He picked his favorite black shirt because he thinks it's comfy to wear. But then, he immediately dropped it when he saw his favorite white Gucci shirt. Kunot noo nitong nilatag ang mga damit sa kanyang kama and stared at those for seconds.

"How come na ang tagal mong mamili ng susuotin? Like, can you just grab a shirt and jeans so you could go on your date?"

Jace's eyes widened as he turned around and saw his younger brother. Nakatingin ito sa kanya na para bang naaasar at natatawa. Agad nitong naalala na nakatapis lang ito ng tuwalya at wala pang pang-itaas. Agad itong tumalikod at sinuot ang puting t-shirt na kanina pa niya pinagmamasdan. Hindi ito sanay na may nakakakita sa kanyang mga pandesal.

"Kung makatalikod naman akala mo tsiks," Justin whispered. "l got those too." Dugtong nito sabay hawak sa kanyang six-pack abs.

Pagkatapos magsuot ng pang-itaas ay agad na ibinaling ni Jace ang tingin sa kapatid na nakahiga sa kama. Mukhang pagod ito dahil nakapikit pa ang kanyang mga mata habang ang dalawang kamay ay nakapwesto sa likod ng kanyang ulo.

"I'm going out with Regina. Magpahinga ka na muna." Hindi ito nakarinig ng sagot mula sa lalaki at napagtanto na baka nga pagod ito. Kaya tahimik s'yang nagpalit at nag-ayos at pagkalipas ng kinse minutos ay nakahanda na itong lumabas ng kwarto.

He stood and stared at him for a few seconds. Hindi sila lumaki ng magkasama pero bilang nakatatandang kapatid n'ya ay alam nito kung may dinaramdam s'ya dahil minsan na n'ya itong inalagaan.

"Aren't you feeling well?" Tanong ni Jace habang papalapit sa binata. Kahit hindi nakarinig ng sagot ay hinawakan nito ang kanyang noo at nagulat dahil sa taas ng kanyang temperatura. He tapped his shoulders, but still didn't hear any words. Kumuha ito ng maaligamgam na tubig at pinunasan ang kapatid.

"Hyung... "daing ng batang si Justin. Dahil may pagkamahiyain si Justin noon ay nahihiya itong makipag-usap o humingi ng pabor sa kanyang ama, lalo naman sa kanyang step-mom. Kaya kahit may sakit ito ay hindi s'ya nagsasabi. Pero kahit ganoon, batid n'yang mababait ang mga ito sa kanya, siya lang naman ang lumalayo dahil sa hiya nito.

"Hyung..."

Dinig ni Jace ang mahinang sambit ng binatang nakahiga sa kama. Hindi ito agad nakagalaw dahil sa narinig. He just thought he misheard him, but it brightened up his face when he called him 'kuya' for the second time. Agad s'yang tumayo at muling pinagmasdan ang kapatid. Hindi n'ya akalain na masaya pala sa pakiramdam ang tawagin s'yang 'hyung.' Sanay kasi itong sa pangalan lang siya tinatawag. Sandali pa ay muli n'ya itong nilapita at nagsalita, "I'm here. Do you need something?"

Justin slowly opened his eyes. He felt a little groggy but still helped himself sit on the bed. Pinagsabihan s'ya ni Jace na humiga na lang pero makulit ito kaya inalalayan n'ya ang lalaki.

"May kailangan ka ba? Bakit hindi mo sinabing hindi maganda ang pakiramdam mo?" pagtatanong nito sa kanilang unang lengguwahe.

Ngunit imbis na makarinig ng sagot ay isang tingin lamang ang kanyang natanggap. Gusto man n'ya itong batukan ay hinayaan n'ya nalang ito. Magsasalita pa sana s'ya nang maalala nito ang nobya. He immediately contacted her and asked if they could reschedule their date.

"Thank you. Please take care. I love you," mahinang sabi nito sa kabilang linya. Nagpapasalamat ito dahil napaka-maintindihin ng nobya. Pagkatapos mag-usap sa telepono ay nakarinig ito ng mahinang tawa mula sa kapatid. He looked at him and made a blank face.

"What's funny?" he asked seriously. Pero hindi nanaman ito nakarinig ng sagot. Bigla nalang humiga si Justin, ngunit bago ito bumalik sa dating pwesto ay nagbigay ito ng isang makahulugang ngiti. Jace doesn't know why his brother is acting weird. Magtatawag ng kuya pero hindi naman sasagot. Tapos ngayon ay bigla bigla nalang ngumi-ngiti. He thought that maybe someone broke his heart to pieces at hindi na nakayanan ang nangyari kaya umupo ito sa higaan at nagsalita, "Hey, who hurt you?"

He thought he wouldn't hear an answer, but seconds after, Justin gave him a quick look and smiled. "Thank you," he mumbled before shifting his gaze to the ceiling.

Jace didn't utter a word. Muli itong napangiti at imbis na magtanong kung para saan ang pasasalamat ay humiga din ito sa kama at ginaya ang pwesto ng kapatid. Their right foot was over their left one. Their hands were behind their heads and both of them were looking at the ceiling, imagining things.

"We searched for you. Dad and Mom looked for you. I looked for you."

Justin's smiled slowly faded when he heard those words. Iginawi nito ang kanyang ulo at tinignan ang lalaki. Hindi man n'ya direktang tinignan ang kapatid pero alam niyang nakatingin din ito sa kanya.

"I know," Justin responded. Pagkasabi nito ay may pagkagulat sa mga mata ni Jace. Hindi kasi ito nagparamdam sa kanila kaya sobra ang pag-aalala ng mga ito. Batid n'yang pakiramdam ng kapatid ay sawsaw lang s'ya sa pamilya pero hindi 'yun totoo.

"I'm sorry. I'm so sorry if you felt left out. But believe me, mom and dad never stopped looking for you. I never did too." Ilang minuto ang lumipas ay wala uli itong narinig na sagot mula sa katabi.

Bigla nalang itong napabangon ng tumunog ang kanyang cellphone which he left on top of the mini table. Ang kaso lang ay nasa bandang kanan ito ng kapatid, habang s'ya naman ay aasa kaliwang bahagi ng higaan. Dahil sa katamarang bumangon ay pinilit nitong abutin ang gamit kahit pa maipit nito si Justin. Hindi naman sinasadya ni Jace na masagi ang kaliwang bahagi ng ulo ng kapatid at nagulat nalang s'ya dahil napasigaw sa sakit ang binata.

Nakahiga si Justin ngunit nakapwesto itong nakatagilid at parang batang naka baluktot ang mga tuhod. He was holding the left part of his head while trying to calm himself by not making too much noise because of the pain. Hindi alam ni Jace ang gagawin dahil ngayon lang n'ya nakita ang kapatid na umakto ng ganito. Dahil nakatalikod sa kanya ang lalaki ay tinapik nito ang kaliwang bahagi ng kanyang likod upang tanungin ang kanyang pakiramdam, ngunit nakita n'ya itong umimpit sa sakit at para bang umiiwas na mahawakan s'ya.

Jace gave him a strange look at dali-daling bumangon sa kama. Unti-unti ay inayos ni Justin ang kanyang pwesto ngunit nakatalikod padin sa kanyang kuya. Maglalakad na sana ang nakatatandang kapatid para kunin ang cellphone ng mapansin n'ya ang isang pasa na hindi gaanong nailantad. 'What the hell is that?'Kunot noong tanong nito sa kanyang isipan.

Hindi n'ya gaanong makita ito dahil konting bahagi lang ng pang-itaas ng lalaki ang nakaangat. But he can't be wrong, he's sure that his brother has a bruise. He slowly walked to get his phone. Pero ang totoo ay gusto n'yang makita ang itsura ng kapatid. Nakapikit ang mga mata nito na para bang pagod na pagod. Wala itong mga pasa sa braso at mukha pero hindi niya mawari kung may sugat ba o wala ang ulo nitong kanina lang ay tinatakpan n'ya dahil sa sakit. Naalala nito noong bata sila na may mga pasa ito gawa ng mga bully sa kanilang eskwelahan, pero hindi man lang ito nagsumbong, "No. Not again," he said in his mind.

Alam niyang magagalit o mabibigla si Justin sa gagawin n'ya pero bilang kuya ay hindi mapakali ito. Kaya walang anuman ay bigla nitong itinaas ang suot na t-shirt ng kapatid at napamura ito sa nakita. Hindi lang isa, hindi dalawa, ngunit apat na malalaking pasa sa tagiliran at likod ang tumambad kay Jace.

"Who did this to you?!" hindi niya napigilan magtaas ng boses. Hindi s'ya makapaniwala na hindi n'ya man lang ito napansin simula ng pagpasok ng kapatid sa pinto. Muli n'ya itong tinapik pero hindi manlang gumalaw si Justin sa pagkakahiga.

Agad na hinawakan ni Jace sa bandang ulo at balikat ang kapatid ngunit para itong lantang gulay na wala man lang reaksyon. Lalong s'yang nataranta nang lalong inapoy ng lagnat ang binata, kaya naman agad itong nagtawag ng tulong.

Justin was immediately admitted to the nearest hospital.

"JACE!" Sigaw ng dalaga habang papalapit sa nobyong kanina pa'y nakatanaw sa loob ng kwarto kung saan dinala ang kapatid. Inaabangan nito ang doktor dahil mag tretrenta minutos na simula ng dalhin sa loob ang binata, ay hindi pa ito lumalabas.

"He has bruises. Why? Hindi lang sa tagiliran, pati sa likod. Sa bandang ulo. Hindi naman siya palaaway. May kaaway ba s'ya dito? I'm gonna kill those... sh—" pagpipigil na mura nito. Wala na s'yang pakialam kung mapabalita pa s'ya, basta wag lang galawin ang pamilya at mga mahal niya sa buhay.

Pinigilan naman siya ni Regina at sinabihan na huminahon muna. Maya-maya pa ay lumabas ang doktor at kaya agad nila itong nilapitan.

"Well, may panibagong pasa na naman ang pasyente. Ilang beses ko na siyang sinabihan," sabi ni Dr. Santos.

May pagtataka sa mukha ni Jace dahil sa narinig. Para bang dati ng pasyente si Justin dito at ganun nalang ang payo ng Doktor. Gusto sana n'yang linawin ito pero agad na nagpaalam ito sa kanila at sinabihang babalik ito mamaya para kamustahin ang pasyente.

"Are you okay? Let's wait for him to wake up. I'm sure he'll explain what really happened," sabi ni Regina sa mahinahong boses. Hindi naman umimik ang binata at inaya nalang ang dalaga na maupo muli.

She looked outside of the room and turned to the guy beside him. Tama ang hinala nitong magkapatid nga ang dalawa kaya ganun nalang ang hitsura ng mga ito ng magkaabutan sila sa tinutuluyan n'ya.

Gusto n'yang sabihin na ikinabubuhay ng kanyang kapatid ang magpabugbog pero alam n'yang wala s'ya sa lugar para pangunahan si Justin. Mas maigi na sa kanya manggaling ito.