webnovel

Life Is So Complicated

Kambal sila kaya magkasundong- magkasundo sila. Wala silang sikretong nililihim sa isa't-isa. Paano kaya kung kasal na ang isa sa kanila ng hindi nila nalalaman. At ang lalaking ikinasal sa isa sa kanila ay ang syang magpapa-kumplikado ng buhay nilang kambal.

nelleternally · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
6 Chs

LISC 4

SABRINA'S POV

Weeks passed like a blur. Na-ikwento ko na kay Sev ung tungkol sa cuisine simula nung nangyari ung sa may parking lot. Nagtampo pa nga sakin kasi daw ung sa kanya kinuwento nya pero yung akin daw hindi. Unfair daw.

First day na namin ngayon ni Sev. Papunta na kami ni Sev sa Stanford University. Sabi ni dad ayos na daw lahat kaya ang gagawin na lang namin ay alamin ang section at kuhanin ang I.D. namin.

"Sev sana magkaklase tayo." Sabi ko kay Sab. Kasi diba ung classification ng section ay about sa grades? 'Eh di hamak na mas matalino si Sev kesa sakin.

"Sana nga. Pero kung hindi rin malay mo pwede nating sabihin kay daddy para ipaayos natin." Sabagay.

Nang makarating kami sa Stanford University ay agad kaming bumaba at sinabi sa driver na i-tetext nalang namin kung magpapasundo na kami. Agad kaming pumunta sa Gymnasium kasi daw may ia-annouce daw muna.

"Ang laki naman pala ng school. Hindi na masama. Pwede na." Sabi nu Sev.

"Oo nga. Sabi nila may mga dorm daw dito yung mga seniors." Sana kami din hehe. 'Inggetara'

Natapos ng mag-announce yung Principal ata yon. Di naman kasi kami nakinig. Namuri lang kami ni Sev ng mga bagay bagay dito. Hehe.

"Tara na punta na tayo sa auditorium. Tignan natin section natin." Aya ko kay Sev.

Narinig ko ung ibang estudyante dito na naka-post daw yung mga sections dun sa may bulletin board malapit sa auditorium.

Pagdating namin ng auditorium nag-sisiksikan sila. Yung mga lalake nadadaganan na yung mga girls pero wala pa rin silang pakialam. Yung mga girls naman ayaw umalis. Ganyan ba talaga ka-halaga na malaman agad-agad? Pwede namang maghintay nalang muna hanggang sa maging konti yung mga tao.

"Tara Sab makisiksik tayo." Tignan mo to kasasabi ko lang na pwedeng mag-intay eh.

"Ikaw nalang 'noh madaganan pa ako dyan eh. First day na first day 'eh mamaya mabangasan pa ako dyan eh." Mamaya paglabas ko sa kumpol ng mga tao hindi na ko presentable. Baka malukot yung uniform.

"Sige Sabi mo 'eh. Antayin mo nalang ako dyan. i-chechek ko na din yung sayo." Tapos umalis na sya.

Habang ina-antay ko sya nag muni muni muna ako ang ganda talaga dito sa Stanford di sya mukang school, muka syang palasyo. Kanina sa may entrance may fountain don. Ang luwag ng School Grounds.

"Ano Sab tapos ka na ba magmuni muni? Mukha ka na bang tao?" Di ko napansin na andyan na pala siya.

"Che! Mukha na akong tao dati pa" Totoo naman kase. Kambal nya ko tas ganyan sya saken. Ang sama huhu.

"Magkaiba tayo ng section." Sabi na nga ba tama instincts ko eh.

"Ano section mo? Ano section ko?" Malamang mas mataas yung sa kanya.

"11-A ako tas ikaw 11-B" Sabi na talaga eh. Hiwalay talaga kami hala pano na yan. Ang hirap pa namang mag-isa wala kang kakilala.

"Hay! Tara punta tayong Principal's Office kuhanin natin I.D. natin." aya ko sa kanya.

Nang makarating kami ng P.O. kumatok muna kami bago buksan yung pinto. Pagpasok namin shete andito yung dalawa. Yung Mr. Gentledog tsaka Mr. Reserved Pero di nila kami napansin nung pumasok kami. HAHAHAHA saya sobra. 'note the sarcasm'

"Good Morning po! Kukuhanin na po namin I.D namin tsaka po ung sched." Sabi ko sa principal. Yung principal hindi pa gaanong katanda. Ang bata nya tignan. Clear skin. Hehe.

Napalingon samin ni Sev yung dalawa pero ung isa lang yung ngumiti ung Mr. Reserved. Yung isa naman naka-poker face lang.

"Good Morning Ladies. Ito na yung sched nyo for the whole year. " Sabi ng principal tapos tinignan yung sched namin. "Mr. Salvador and Ms. Sabrina Razon Same magka-block pala kayo. Jaycee sabay mo na syang pumunta sa room nyo." Oh Sh*t galing naman manadya ng tadhana.

"Tara na." Bastos 'to nauna na ngan lumabas tapos di man lang inaantay na makalabas ako bago isara yung pinto.

"Sev una na ako ha. Text nalang tayo mamaya. Bye" Sumunod na ako kay Mr. Reserved. Nagtataka alng ako bakit first name basis ang tawag sa kanya nung Principal? Siguro madalas na sya dati dito sa P.O.? Siguro nga tama. Yon nga.

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang huminto kami sa isang classroom . Ito na siguro room namin.

"Oh mauna ka na pumasok. May nakalimutan lang ako." Sabi nya tas iniwan ako bigla.

Pumasok na ako sa room tapos umupo ako sa bandang sulok and then may pumasok na teacher. Sakto kala ko late na ako.

"Good Morning Class." Bati nya sa amin.

"Good Morning din po."

Mukha syang istrict. Napatingin sya sa akin habang nakakunot yung noo.

"New Student?" Tanong nya.

"Opo" Sabay tango ko.

"Ang pagkaka-alam ko wala dapat bago sa klase ko. Ano bang section mo iha?"

"11-B po."

"Mali ka ng napasukan na room. 11-D 'to" Sabay tawa ng mga katabi ko.

Hala sabi nung Jaycee mauna na ako. Dito kasi sya sa tapat huminto eh.

"Dun sa may unang classroom malapit sa hagdan yung 11-A" Pagkasabi nya nun agad agad na akong umalis at nagtungo sa section ko. Nakakainis naman yon. Dagdag pahiya experience.

"Good Morning po" Hala ka nagsisimula na sila.

"Transferee?" Mukang terror yung teacher.

"Opo. Sorry po I'm late." Kasi naman po ung isa dyan. Speaking of isa dyan nakita ko na syang nakaupo at halatang nagpipigil ng tawa. May araw ka rin leche.

"Okay Introduce first then you may take your sit."

Pumunta na ako sa harap. "Sabrina Leigh Razon. 17."

Tapos naghanap ako ng upuan. Dooms day ba ngayon? Ang malas isang upuan nalang tas sa tabi ng bintana pero sa kanan katabi ko ung lalaking mahilig mamahiya.

"Okay you may take your sit." No choice dun na ako uupo.

Tapos na ang klase namin para sa araw na ito. At hindi na rin nadagdagan yung pamamahiya sakin nung lalaking epal.

Tinext ko si Sab kung saan kami mag kikita. Bago ako pumunta dun bumili muna ako sa canteen. Buti naman wala masyadong tao kaya mabilis akong makakabili. Nang makabili ako ay lalabas na sana ako kaso may nabangga akong babae. Mukhang nagmamadali sya tapos kagagaling lang sa iyak.

"Sorry Miss." I said.

"No I'm sorry. It's my fault." Sige sabi nya ayoko na pahabain pa to kung sino lang magsosorry samin.

"Sabrina" Sabay abot ko sa kanya nung panyo ko. Kasi naman basa pa rin yung mukha nya.

"Thanks. Michelle" Pagpapakilala nya.

"Sige na bye na. baka nag-hihintay na yung kakambal ko."

Papunta na ako sa meeting place namin at naabutan dun si Sev na parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Hoy Sev anyare?" tanong ko habang tini-text yung driver namin.

"Sa bahay na ako magku-kwento. Baka mamaya di ako makapagpigil at sugurin ko yong leche na yon. Atleast sa bahay wala akong susugudin." Sabagay.

"Tara na dun na natin antayin sa Main gate yung sundo natin." Aya ko sa kanya.

Nang makauwi na kami sa bahay ay nag-kwento na sya tungkol dun sa 'leche' daw. Nag-election daw agad sila tapos yung gentledog daw ginawa syang presidente tapos ayon inutos-utusan sya ng teacher. Sinabi ko rin sa kanya yung ginawang pamamahiya sakin nung Jaycee. Kaya ayon tinapos namin ung araw namin ng kaka-plano kung paano gaganti sa dalawang yon.