webnovel

Kaibigan

Editor: LiberReverieGroup

"Simple lang!" Walang kamalay-malay sa iniisip ng mga nakapaligid sa kanya, ngumiti si Zhang Xuan at sinabing, "Kahit na kilala ang Chi Xiong dahil sa pambihira nitong tibay at depensa, ang katawan naman nito ay balingkinitan na tulad ng isang matalim na espada. Bihasa ito sa mabilisang pag-atake at dinadaig ang mga kalaban gamit ang bilis at hindi ang lakas! At dahil dito, mas mainam itong ipagpalagay bilang isang espada kesa isang mabigat na bundok. Buhat na nagkamali ang pintor sa ibig sabihin ng savage beast, malinaw na ito ay isang interpretasyon lamang."

Nanginig ang katawan ni Master Lu Chen.

Hindi dahil sa mali si Zhang Xuan sa kanyang pagkilatis, kung hindi ay eksaktong eksakto ang kanyang pagkilatis dito.

Ang buong akala niya, dahil sa kilala ang Chi Xiong sa pambihira nitong depensa, ito dapat ay ipinapalagay bilang isang bundok. Dahil sa pagpapaalala ni Zhang Xuan ay naalala nito ang isang panimula sa isang aklat tungkol sa savage beast. Nakasaad dito na ito'y napakabilis, na napapatay nito ang kanyang kalaban ng di ito nakikita. Kaya iilan pa lamang ang nakakakita sa tunay nitong itsura!

Isa sa pinaka malaking pagkakamali ng isang pintor ay ang magkamali sa pagbibigay kahulugan sa kanilang mga ipininta. Kung ang kahulugan ay hindi angkop para sa paksa, kahit ang pinakamamahaling larawan ay mawawalan ng halaga. Isinasalba na ni Zhang Xuan ang dignidad nito sa pamamagitan ng pagsasabi na di na masama ang painting, kesa sa magsabi pa ng malala tungkol dito.

"Magaling! Mahusay!" Pagpuri ni Master Lu Chen sa magaling na pagkilatis ni Zhang Xuan habang namumula sa tuwa.

Kung ito ay iisang larawan lamang, posible na ito ay dahil lamang sa suwerte o sadyang nagkataon lamang. Kaso, dalawang painting ang nahanapan niya ng kamalian kaagad, kaya masasabi ni Master Lu Chen na si Zhang Xuan ay bihasa sa pagpipinta kahit na kung titignan ay tila baguhan lamang siya!

Ang kanyang kakayahan ay marahil higit pa sa kanya!

Madali lamang makahanap ng kaibigan, ngunit mahirap makatagpo ng isang soulmate. Sa buong karera niya bilang isang pintor, hindi siya makahanap ng kaparehas niya sa buong kaharian ng Tianxuan. Sa tuwing magpapaliwanag siya kung ano ang ibig sabihin ng isang painting sa iba, kaagad lang silang sumasang-ayon at pinapaigting na lang nila ang pagpuri sa kanya. Wala lang man ang makaunawa, at higit sa lahat, makapuna sa mga mali sa kanyang mga naipinta.

At ito ang dahilan kung bakit pakiramdam niya ay may kulang sa buhay niya at ito din ang dahilan kung bakit siya nagpapatuloy ng mga junior sa kanyang tahanan upang makahanap ng taong pwedeng humalili sa kanya.

At sa puntong ito, dahil sa pagkikita nila ni Zhang Xuan at pagpuna nito sa mga kakulangan ng kanyang mga naipinta, pakiramdam niya ay nakahanap na siya ng isang soulmate. Papaanong hindi siya masisiyahan sa pangyayaring ito?

Kung hindi dahil sa kanyang disiplina sa sarili ay baka napalundag na siya sa tuwa.

Nang makita nilang masaya si Master Lu Chen, sina Huang Yu at Bai Xun ay natigil sa pagtatalo at napatitig sa isa't isa. Nanlaki ang kanilang mga mata na kulang na lang ay lumuwa na ito sa kanilang mukha.

Kilala na nila si Master Lu Chen simula pa nung bata sila. Lagi itong kalmado, at kahit na anong pangyayari ang maranasan nito, ay hindi nito hinahayaan na makagulo ito sa kanyang isipan. Nung isang beses na nagpadala ang emperador ng [Harsh Lands Night Illumination Pearl] para sa kanya, isang regalo na katumbas ng pantubos para sa isang hari, ay hindi lang man ito tinignan ni Master Lu Chen bago iutos na itago ito sa bodega.

Ngunit, sa isang simpleng sagot lamang ni Zhang Xuan ay nagkaganito na si Master Lu Chen... Ibig bang sabihin ay totoo lahat ang sinabi niya?

Sa puntong ito, nabaling ang kanilang atensyon kay Zhang Xuan. Ngunit kahit na ilang beses nilang titigan ito, pangkaraniwan lamang siya para sa kanila.

"Xiao Yu, hindi mo ba ipapakilala sa akin ang gongzi na 'to?"

Umalingawngaw ang boses ni Master Lu Chen sa buong kwarto habang si Huang Yu naman ay di makakibo sa pagkagulat.

"Ipakilala? Siya..." Nang tanungin siya ni Master Lu Chen, hindi makasagot si Huang Yu. Ngayon lang niya napagtanto na hindi niya pa alam kung ano ang pangalan ni Zhang Xuan. Namula si Huang Yu at napakamot ng ulo sabay baling kay Zhang Xuan at nagtanong, "Ah, oo nga pala, anong pangalan mo..."

Nang marinig niya ang mga salitang ito, si Bai Xun, na nakaupo sa tabi ni Huang Yu, ay namilipit ang mukha.

Kanina lang, nagseselos siya, sa pag-aakalang may nakabihag na sa damdamin ni Huang Yu, na naging dahilan para gustuhin niyang bugbugin si Zhang Xuan. Ngayon lang niya nalaman na... hindi pala alam ni Huang Yu ang pangalan nito!

Kung nalaman niya lang 'to agad, hindi sana siya nagalit para sa wala.

Ngunit, hindi pa natapos ang problema ni Bai Xun dito. Pagkatapos nito ay narinig niya ang galit na boses ni Master Lu Chen, "Anong ibig mong sabihing siya! Walang galang! Siya ay kaibigan ko, at sa mga susunod na panahon ay tatawagin nyo din siyang Master!"

"Kaibigan?"

Sa pagkakataong ito, hindi lang sina Huang Yu at Bai Xun ang nakaramdam ng pagkahilo, pati ang butler na si Uncle Cheng ay napahinto sa sobrang bigla. Ang tatlo ay napatitig kay Zhang Xuan na tila nakakita sila ng isang halimaw.

[Ano bang katungkulan ang meron si Master Lu Chen?

Siya ang guro ni Emperador Shen Zhui, isang tunay na guro ng emperador!

Walang sinuman sa buong kaharian ang nangahas na nagsabing kaibigan sila ni Master Lu Chen. At kung sino man ang magsabi nun, ibig sabihin nun na sinasabi nilang senior sila ng emperador ng bansang ito!

Para sabihin ng katulad niyang may mataas na katungkulan na kaibigan niya itong binatang ito na halos wala pang dalawampu ang edad? Guni guni ko lang ba yun?]

"Hindi niyo ba narinig ang mga sinabi ko?"

Pagkakita na nakatulala pa din ang dalawa, pinagsabihan uli ni Lu Chen ang mga ito.

"Opo!" At mabilis na yumukod sina Huang Yu at Bai Xun. "Pagbibigay pugay sa master!"

"Hindi na kailangan na maging masyadong pormal!" Hindi inaasahan ni Zhang Xuan na magiging ganito kagalang si Lu Chen. Siya ay napatango at sinabing, "Ako si Zhang Xuan. Nagkataon lamang na naintindihan ko ang mga painting ni Master. Hindi ako karapat-dapat na tawaging isang Master!"

"Ikaw pala ang aking kapatid na Zhang Xuan. Hindi mo pwedeng isantabi ito, ang paggalang ay paggalang! Napuna mo ang mga pagkakamali ko sa mga larawang ipininta ko sa isang tingin lang, ibig sabihin nito'y isa ka ding bihasa sa pagpipinta, at may angking talento ka sa pagkilatis ng mga ito. Kung hindi ka karapat-dapat na tawaging 'Master', ibig sabihin din nito ay wala din akong karapatan sa titulong ito di ba?" Ang sabi ni Lu Chen.

Pilit na natawa si Zhang Xuan.

Totoo na nahanap niya ang mga mali sa mga painting, ngunit hindi dahil sa kakayahan niya sa aspetong ito. Nagawa lamang niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng "Library of Heaven's Path".

Kung wala ito, hindi niya ito makikilatis, baka napakamot na lang siya sa kanyang ulo dahil sa pagkalito, at hindi din niya maintindihan kung ano ang ipinipinta.

"Sige na, huwag ka nang mahiya. Malaya kang pagsabihan ang mga batang ito pagdating ng panahon!"

Dahil sa hindi siya sigurado sa iniisip ni Zhang Xuan, nasabi ito ni Lu Chen.

"Mga Junior? Malaya akong pagsabihan ang mga 'to?"

Halos maiyak na sila Bai Xun at Huang Yu.

[Anong kalokohan 'to, magkakaedad lang kami tapos bigla kang magiging senior ng henerasyon ng lolo ko... Pare, masyado kang malakas!]

Habang hindi pinapansin ang dalawang di makakibo, nagtatakang napatingin si Master Lu Chen, "Mahal kong kapatid, para sundan si Xiao Yu dito, siguradong hindi ka naparito para maglibang. Maaari ko bang malaman kung ano ang maitutulong ko sayo?"

"Narinig kong may malaking koleksyon ka ng libro master. Ang dahilan kung bakit ako naparito ay upang makahanap ng mga libro tungkol sa mga Fighter 6 - dan cultivation technique na maari kong mabasa..."

Nang marinig niyang magtanong si Master Lu Chen kung ano ang pakay niya dito, nagmadaling sumagot si Zhang Xuan.

Ito ang dahilan kung bakit siya naparito, kaya dapat lang na hindi niya palampasin ang pagkakataon na ito.

"Ang aking koleksyon ng mga libro ay sadyang malaki, ngunit karamihan dito'y tungkol lamang sa pagpipinta. Kakaunti lamang ang mga libro ko tungkol sa mga cultivation technique. At kung libro tungkol sa Fighter 6 - dan naman, iilan lang ang meron ako. Ito'y nasa aking silid aklatan. Tara, sasamahan kita dun upang makita ang mga ito!"

Nang marinig niya ang pakay nito, hinaplos ni Master Lu Chen ang balbas niya ng may ngiti at siya'y tumayo.

"Laoye, ang iyong silid aklatan..." Agad na lumapit kay Master Lu Chen ang butler na si Uncle Cheng at nagtanong.

!

Ang silid aklatan ni Laoye ay puno nga ng mga natatanging libro, at lahat ng ito'y mamahalin. Wala pa siyang hinayaan na makapasok dito, pati nga ang Emperador na si Shen Zhui ay hinarangan sa pinto pa lamang nang bumisita siya dito!

May isang kasambahay na walang alam tungkol sa patakaran ng lugar at pumasok sa kwarto upang linisin ito. Sa bandang huli, siya ay binugbog hanggang sa namatay!

At ito ang dahilan kung bakit ang silid aklatan ng mga Lu ang pinaka ipinagbabawal na lugar sa lahat, at walang sinuman ang nagtangkang pumasok dito...

Ngunit, desididong dalhin ni laoye ang binatang ngayon lang niya nakilala dito, kaya hindi siya makapaniwala.

"Ang dahilan kung bakit hindi ako nagpapasok ng kung sinu-sino sa aking silid aklatan ay sa takot na mahawaan nila ito ng kanilang kawalan ng delikadesa. Si Zhang Xuan ay aking kaibigan at isang bihasang pintor. Karangalan ko na siya ay nandito upang mabigyan niya ako ng ilang payo. Wala akong makitang dahilan upang hindi siya papasukin sa aking silid aklatan."

Dumilim ang mukha ni Master Lu Chen.

"Opo!" Natarantang umatras si Uncle Cheng.

Wala man siyang alam tungkol sa pagpipinta, ngunit pati siya ay aminadong walang mali sa pagkilatis ni Zhang Xuan sa mga ito!

Kung hindi, imposible para kay laoye na magbago ang ugali ng ganun ganun na lang.

"Tara na!"

Pinangunahan ni Master Lu Chen ang faan papunta sa silid habang nakasunod sa kanyang likuran si Zhang Xuan. Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa isang malawak na silid.

Tulad ng inaasahan sa isang master na hinahangaan ng lubos ni Huang Yu, ang mga koleksyon ng libro nito sa kanyang silid aklatan ay napakarami. Punong puno ang mga eskaparante ng iba't ibang klase ng libro, at ito'y higit daang libo ang dami. Ang pakiramdam tuloy ni Zhang Xuan ay pumasok siya sa isang library.

Habang sila'y naglalakad sa pagitan ng mga hilera ng mga libro, sumilip si Zhang Xuan sa mga ito. At katulad nga ng sabi ni Master Lu Chen, ito ay puro lamang tungkol sa pagpipinta, at kakaunti lamang ang tungkol sa mga cultivation technique at sa martial arts.

"Ang mga libro tungkol sa mga cultivation technique ay nandito. Iilan lamang ang mga ito. Nakuha ko ang mga ito noong nagku-cultivate pa ako!"

Ang nakangiting pagpapakita ni Master Lu Chen kay Zhang Xuan sa mga libro habang papunta sila sa sulok ng silid.