Isang magandang babae ang pumunta sa kasalukuyang tirahan ni Zhang Xuan-- ang prinsesa ng alliance, si Zhao Feiwu.
Nang makita siya ay nagmadaling lumapit si Sun Quiang. Ngumiti siya ng may halong pait sabay sabing, "Prinsesa, hindi pa nakakabalik ang young master…"
Simula nang umalis ang young master, bumibisita si Prinsesa Zhao rito mga isang beses makailang araw. Ang lugar na ito ay halos maging permanenteng tirahan niya na rin sa dalas ng kanyang dalaw.
"Alam ko. Nandito lang ako para maglakad-lakad…"
Nang marinig niya ang mga salitang iyon, saglit na nahalata ang pagkadismaya sa mukha ni Zhao Feiwu pero tinago niya ito kaagad gamit ng isang ngiti.
Dahil alam ni Sun Quiang na mayroong nararamdaman ang prinsesa para sa young master, nagmadali siyang magsalita, "Hindi mo kailangang mag-alala, Prinsesa. Magpapadala kaagad ako ng tao sa inyo para balitaan kayo kung nakabalik na ang young master…"
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com