webnovel

Chapter 5

Anna Point Of View

Naramdaman kong parang may mabigat na nakayakap sakin pero diko na lng pinansin at natulog ulit.

Babalik na ulit sana ako sa pagtulog ng maramdaman akong parang sumisiksik sa may leeg ko at niyakap ako ng mahigpit.

Kaya naman dahan dahan kong minulat ang mata ko tinignan kong sinong yung nakayakap sakin. Ng medyo malinaw na ang paningin ko ay agad nanglaki ang mata ko ng makita ko kung sino yung nakayakap sakin.

Walang iba kung hindi si Sorren! Yes si Sorren! Si Sorren nagustong gusto ko na ngayon ay nakayakap sakin at parang ayaw akong pakawalan! Putangina gurl kalma!.

Wahhh! Shit ang lakas ng tibok ng puso ko! Panaginip ba toh? Kung oo please lng wag niyo napo ako gisingin!.

Habang tinititigan ko siya ngayon ko lng narealize na ang gwapo gwapo niya pala kapag tulog mukha siyang anghel, pero kapag gising lagi naka busangot pero okay lng mahal ko padin naman siya.

Ang aga aga ang harot harot.

Tsk manahimik ka self minsan na lng mangyari toh kaya lubos lubosin mona.

Kung ganito ba naman ang bubungad sakin araw araw mas gugustohin kopang wag na matulog.

Habang busy ako sa pagtitig sa maganda niyang mukha ay narealize kona kailangan kona mag ayos kasi mamaya ay uuwi nako baka mamaya tanghali nako makauwi.

Kaya naman dahan dahan kong inalis ang mga kamay niya sa bewang ko at dahan dahan tumayo at dumiretso sa cr niya para maligo.

Pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ko ay agad nakong lumabas ng banyo.

Nakita ko si Sorren na nakaupo at mukhang kagigising lng. Medyo nataranta ako nong lumingon siya sakin parang gusto kong humimlay sa sobrang kilig syempre kailangan mona natin mag panggap na parang wala lng para hindi halatang gusto ko siya diba?.

Tama tama dapat wag tayong palahata kasi mahirap na baka mamaya iwasan niyako diba?.

Akala ko ba mag momove on kana sakaniya?.

Pwede naman siguro ireschedule yun ih siguro tsaka na lng kapag nakagradute nako ng highschool para tuloy tuloy diba.

Dahil busy ako kakausap sa sarili ko diko namalayan na kaganina pa pala ako mukhang tanga nakatulala nakakahiya kingina.

Buti na lng talaga ay nakatayo na si Sorren at nag liligpit ng hinigaan namin.

Kaya naman pumunta ako sa direksyon niya at tinulongan siya. Inilagay ko sa sofa ang mga naitupi kong sapin at kumot pati narin yung mga unan habang si Sorren naman ay binuhat yung kama na hinigaan namin at binalik na don sa guests room nila.

Kaganina kopa gustong itanong kay Sorren kung pano siya nahulog don sa hinihigaan ko kagabi kasi sa totoo lng ang lawak ng kama niya impossible namang basta basta siya mahuhulog don.

Pero syempre di ako nag tanong kasi mas lalong impossible na sinadya niyang tumabi sakin noh apaka assumera ko naman masyado.

Pagkababa naming dalawa ay agad kaming binati ng mga magulang niya ng magandang umaga at binati ko din sila.

"Iha. Bago ka umuwi, come eat breakfast with us para may laman yang tyan mo." Nakangiting sabi sakin ni tita Elize kaya namarn nakangiti akong tumango at sinundan namin siya papuntang hapagkainan.

Pagkadating namin sa hapagkainan ay nakaupo nayung mga kuya ni Sorren at ang daddy niya may dalawa pang nakaupo don mukhang bisita nila mga kasing edad lng ata ng mommy at daddy ni Sorren.

"Oh Sorren long time no see ang lalaki laki mona ah." nakangiting pag bati ng tita ni Sorren at binesohan siya.

"Long time no see tita,you still looks beautiful." Nakangiting pag puri ni Sorren sa kanyang tita.

"Aysus nangbola ka pang bata ka, by the way girlfriend mo ba siya? Nice to meet you iha I'm Sorren Auntie Melissa you can call me Tita Issa."

"N-nice to meet you din po i am Anna kaklase po ako ni Sorren hehe." Nahihiya kong pagpapakilala sakaniya at nginitian niya naman ako.

"My bad iha, i thought you were Sorren's girlfriend bukod kasi kay Jilian ikaw pa lng ang nakilala kong babae na malapit kay sorren Hahaha."

Dahil sa sinabi niya ay ngumiti na lng ako umupo na kami so bali magkatabi kami ni Sorren.

Habang nakain kami ay nagkekwentohan parin sila pero diko na lng yun pinansin hanggang sa marinig ko ang pangalan ni Sorren kaya naman pasimple akong nakinig sa usapan.

Dika lng pala assumera,chismosa ka din.

"So Sorren kelan mo balak mag girlfriend? O baka mamaya may nagugustohan kana come on tell us we will help you." Pag tatanong ng tito ni Sorren kaya naman napatigil siya sa pagkain.

"I actually like someone but I don't know if i have a chance from her and I don't wanna know." Palihim akong sumulyap sakaniya at nakatingin na pala siya sakin habang Walang emosyon niyang sinasabi yun at pinag patuloy ang pagkain niya.

Parang may kung ano sakin ang nagugulohan dahil sa sinabi niya pero diko na lng pinansin at pinag patuloy ko na lng ang pagkain ko para matapos nako at makauwi na agad.

Nakaramdam naman ang buong angkan ni Sorren kaya dina siya tinanong ulit at nagfocus na lng kaming lahat sa pagkain.

Ng matapos kaming lahat kumain ay nag presinta ako na ako na ang mag huhugas ng pinagkainan namin pero tumanggi si Tita Elize at sinabing yung mga yaya na daw ang bahala don.

Kaya naman umakyat ulit ako sa taas para kunin yung mga gamit ko sa kwarto ni Sorren ng saganon ay makauwi nako baka kasi hinahanap nako ni mama.

Matapos kong kunin lahat ng gamit ko ay bumaba nako para makapag paalam na uuwi nako.

Pagkababa ko ay nakita ko silang lahat sa salas nanood at nagkekwentohan kaya naman kahit nahihiya ako ay pumunta ako sa harapan nila.

"Ahm sorry po sa abala pero kailangan ko napong umuwi baka po kasi hinahanap nako ng parents ko salamat po sa pagpapatulog sakin dito." Nakangiti kong pag papaalam sakanila.

"No problem iha, bumalik ka ulit dito ha. Sige na Sorren ihatid mona si Anna."

"Ha? Hindi napo nakakahiya okay lng po kaya ko naman pong umuwi mag isa." Pag tanggi ko sakaniya.

"No ihahatid na kita sainyo, tara na." Pagkasabi non ni Sorren ay kinuha na niya yung mga dala ko at lumabas na.

Kahit nahihiya ako ay nag paalam nako at sumunod na kay Sorren.

Pagkalabas ko ng bahay nila ay agad akong dumiretso sa garahe nila at nakita ko don si sorren na nakasandal sa pintuan ng sasakyan niya.

Kahit medyo magulo ang buhok niya at simple lng ang suot niya ang gwapo gwapo niya parin.

Ang swerte siguro ng taong magugustohan niya kasi mala basketball player ang height ni Sorren tas ang ganda pa ng katawan idagdag mopa ang medyo singkit na mga mata na kulay gray at mga labi niyang  mapupula tapos ang bait pa pero medyo gago nga lng.

Di nako nagpatumpik tumpik pa at agad nakong pumasok sa kotse niya at umupo sa passenger seat at ikinabit kona yung seatbelt mahirap na baka madisgrasya pa kami.

Tahimik lng kaming pareho sa buong byahe ang awkward kasi bwiset.

Dapat nag commute na lngs ako hay buhay parang life.

Ng medyo natanaw kona yung bahay namin ay pinahinto kona siya.

"Dito na lngs baka kasi kung ano isipin ng mga kapitbahay namin atsaka ng mga kuya ko hehe, salamat sa pag hatid." Pagkasabi ko sakaniya non ay dali dali kong kinuha ang mga gamit ko atsaka kumaripas ng takbo.

Muntikan pa ngako madapa ih bwiset kasi ih.

Yari ka talaga sakin Syria (⁠〒⁠﹏⁠〒).

To be continued...

A/N: Sorry for the short update, enjoy reading everyone!