Nang mabangga ang likod ni Roan sa pader ay alam na niya sa kanyang sarili na corner na siya at wala nang matatakbuhan pa. Kaya't nag isip siya ng ibang paraan para maka ligtas sa sitwasyong ito.
"Ahmm. Baka pwede nating idaan sa usapan to? ....Ganito nalang, hatiin nalang kaya natin kung ano ang laman nito. Deal?"
Tumingin ng seryoso ang Masked player pero hindi ito sumagot sa alok ni Roan, instead, sumenyas ito gamit ang dalang espada na ipa baba ang hawak-hawak na Box sa ground.
What.. ano ako tanga?
Pero kahit anong gawin ni Roan ay wala siyang laban sa Masked player dahil alam niya na mataas ang level nito at tsaka may hawak itong espadang umiilaw. Napa gitil nalamang siya na kanyang ngipin.
Siguro Aspect Gear ang gamit niyang armas..
Kasabay ng pawis sa mukha at paglunok ng gabundok na laway ay huminga siya ng malalim, "Sige 4:6 ang hatian. Akin ang 4, sayo ang 6. Deal?"
Batid niyang walang idudulot na maganda ang pumalag sa mga high level players, instead na mag matigas, mas mabuti nalang i-share ang treasure na nakuha at makaiwas sa gulo.
Ngunit lalong lumakas ang ilaw ng armas na hawak ng Masked player, kasunod nito ang pag labas ng mga kulay pink na flower petals na umiikot sa katawan ng espada.
Seriously!?
Di makapaniwala si Roan na hindi sumang-ayon ang Masked player.
[Petals of Death]
-Attack increased by 100%
-Critical Damage increased by 100%
-Critical Chance increased by 50%
Ito ang mga dagdag buffs na lumabas sa harapan ng Masked player bilang isang notification.
Pagkatapos ay umatake ng walang pag alinlangan ang de maskarang player kay Roan na siya namang ikinagulat niya.
Ok im dead! im dead! im dead! Hinagpis ng buong puso ni Roan.
Booom..
Malakas na explosion na dumagundong sa Cave. Yumanig at nag si liparan ang mga debris ng mga bato. Dahil sa lakas ng impact ng atakeng iyon ay parang lumindol ng magnitude 8 sa buong cave.
Ahhh.. Anong nangyari? Bu-buhay pa ba ako? Ito ang tanong ni Roan matapos halos mawalan siya ng malay.
Idinilat niya ang kanyang mga mata at pinagmasdan ang paligid. Tumingin siya sa likuran kung saan naka sandal ang kanyang katawan sa pader ngunit halos mahulog ang bunganga niya sa gulat dahil sa kanyang nasaksihan.
Nakita niya ang malaking butas na sumira sa cave bunsod ng pag atake ng Masked player, kasing laki ng bahay ang nagawang butas sa pader!
Ang scale ng atakeng ito ay kayang pumatay ng isang Dragon, ano pa kaya kung si Roan.
Potek! Buti nalang hindi ako natamaan! ...isa ba siyang Ranker?
Nang tinignan ni Roan ang kanyang health bar ay nabigla siya sa kanyang nalaman.
7℅ nalang ang natira!? Nabawasan ang HP ko kahit hindi diretsong tumama?
Bago pa siya nagpatuloy sa pag pasok ng tunnel ay puno ang kanyang HP bar, sa isang iglap, dahil sa wave lamang ng atake ay halos ma-wipe out ang buo niyang pagkatao.
Habang tulala si Roan sa pangyayari ay lumapit ang Masked player at kinuha ang Box sa mga kamay ni Roan.
Pero sa pagkakataong ito, hindi na pumalag si Roan dahil sa takot na baka atakihin nanaman siya nito.
Excited na binuksan ng Masked player ang mystery box subalit nang makita ang mga laman nito ay napakunot ito ng noo at halatang dismayado.
Sa ilang sandali ay nilagay ng Masked player ang box sa ground at sinipa ito papunta kay Roan. Wala itong kinuha sa loob at bigla na lamang umalis na walang anong sinabi.
Nagtaka si Roan kung anong ginagawa ng Masked player, nang makita itong umalis ay hindi na ito pinigilan pa ni Roan.
See? Siguro kaya wala siya kinuha ay walang halaga ang laman ng box para sa kanya!
Ibig sabihin, talagang high level player siya! Mga ganitong insignificant na mga items ay walang kwenta para sa mga Rankers na katulad niya.
Kumbinsido si Roan na isang Ranker ang nakaharap niya pero ang tanong, kung sino ang misteryosong Masked player na ito. Pero isinantabi muna ni Roan kung sino at ano ang identity ng Masked player.
"Ang importante ay akin na ang mga nilalaman ng box na'to haha"
Umaapaw ang kaligayahan niya, kung walang kwenta sa ibang players ang laman ng box, para kay Roan ang box na ito isang heaven sent treasure!
Dahil sa excited, nilapitan agad ni Roan ang box at tinignan kung ano ang laman nito. Ngunit biglang nasira ang mukha expression ng mukha nito at naging dissapointed.
"Kaya pala umalis nalang siya bigla dahil talagang walang kwenta ang laman ng letseng box na ito!"
Shit! Muntik pa akong magka penalty dahil sa box nato.
Nalaman ni Roan na isang Unknown Hammer ang nasa loob nito at wala nang iba pang kasamang items.
[Unknown Hammer]
Requirements: Lv. 1
Job Class restriction: None
Description: Hammer na ginagamit ng mga apprentice blacksmith. Walang special sa hammer nato.
....
Napaka weird naman ng description ng hammer nato?
Napansin ni Roan na para yatang purposely na sinasabi sa description na walang kwenta ang hammer nato.
"Di kaya'y may hidden ability to?" Dumilat at nag niningning ang mga mata ni Roan, parang may hint na siya tungkol sa hammer na'to.
Naalala ni Roan sa ibang nilalarong games, na kapag ang isang items na unknown ay kailangan muna itong i-appraise para makita at ma-unlock ang nakatagong nilalaman nito.
"Tama! Appraisal!"
Perfect appraisal skill!
Tulad ng kanyang bagong slime at tamer skills ay may blacksmith skill rin si Roan na pwede niyang magamit.
Pagkatapos ma-activate ang appraisal skill ay biglang umilaw ang unknown hammer sa kanyang mga kamay.
Nag vibrate ito at nag shrunk hanggang sa naging kasing laki nalang ng kanyang palad. Ang kaninangnormal size na puting hammer ay bigla nalamang lumiit at naging kulay gold!
Ba't naging mini hammer to? Diba kapag na appraisal ang isang items ay mag e-evolve ito, depende sa stats? pero bakit?
"Wag mong sabihing.. imbes na i-upgrade ay aksidento kong na downgrade ang weapon nato?"
Tinignan ni Roan ang bagong appraise na weapon.
[Filicitous Advent Hammer]
Requirements: Lv. 1
Job restrictions: Blacksmith
Option: Can transform into 10 types of Weapons.
WTF! Talagang pang blacksmith tong hammer in the first place! Tapos may options ring kasama?
Dahil sa bagong appraise, nag evolve at nag iba rin ang pangalan at description ng Hammer.
Tinest ni Roan ang options ng weapon kung talaga bang kayang mag transform ng hammer na ito sa ibang uri ng armas.
[Transformation Failed]
[Option condition not met]
Huh?
...
| Garge Cave |
"Akala ko isang unique items na ang makukuha ko sa cave nato! Che.. yun pala puro mga basura!"
Di maiwasan ng Masked player na medyo ma dissapoint. Bago pa siya makarating sa kwebang ito, ay isa siya sa mga naghahanap sa Hidden cave na bago lamang na discover.
Umaasa siyang makakuha ng magandang loots para sa upgrade ng kanyang Avatar Rings, instead aksidente niyang nahanap ang Garge Cave na kalaunan nalaman niya na puro basura pala ang nakatagong mga treasure.
Nagsasayang lang ako ng oras rito....
Nagmadaling umalis ang Masked player para i-resume ang paghahanap sa Hidden cave.
"Meow! Bakit hindi mo tinapos ang noob na yun? meow" Tanong ng isang puting pusa na biglang lumabas galing sa isang maliit na portal at pumunta sa balikat ng Masked Player.
"Nevermind, hindi ko pag aksayahan ang mga katulad niyang weaklings! Hmp! Isa pa, kinontact ako ni Master Elvine at may pinahahanap siya saakin na isang player."
"Sigurado kaba na dito sa Human Continent ang player na hinahanap mo? Meow!"
"Ayon kanina sa world message ay isang Human ang mga nakakuha ng special class, dahil andito rin naman ako sa Human continent ay gagawin ko nalang ang inutos ni Master Elvine. Pagkakataon ko na'to para makalikum ng guild points..." Naging seryoso ang expression ng mukha ng Masked player na nakatago sa maskara.
"Meow! Pero bago ang lahat, pwede bang kumain muna tayo?"
......
Toink. Toink. Toink.
Lumapit pa isa-isa ang mga slimes kay Roan, at kanyang pinagtataka ay kung ba't ngayon lang lumabas ang mga monster na ito.
"Master, kalaban wala na?" Nagmasid masid sa paligid ang mga slime, sinugarado nila na bago sila lumabas ay wala na ang Masked player sa paligid.
"Oi, bat kayo nagtago habang ako ay nakikipaglaban sa kalaban? Diba pet ko kayo? Hahayaan niyo nalang ba na mapatay ako?" Galit na tanong ni Roan sa mga slime, hindi niya alam kung bakit biglang naglaho ang mga slime nang mag umpisa ang labanan.
"Kami slime, takot sa mga tao!"
"Ou, kain at patay sila ng slime!"
"Gawa din sila items galing sa belly namin!"
Nag iba ang kulay ng mga slime habang nag explain, tila ba naging pale ang kanilang mga katawan.
Takot sila sa mga tao? Pero tao rin naman ako diba?
Pero naisip ni Roan na baka connected ang takot nila sa mga malalakas na tao tulad ng Masked player.
Dahil weak ako, kaya hindi sila natatakot? Ganon?
Kahit tumaas ang stats ni Roan, comparison sa Masked player, ay parang araw at gabi ang pagitan. Kaya malabong matatakot ang mga slime kay Roan dahil hindi nila na se-sense ang danger sapagka't low level siya.
Matapos i test ni Roan ang hammer ay hindi na siya nagtagal sa lugar na iyon, sinundan niya ang lagusan kung saan dumaan ang Masked player. Ngunit nang makarating siya sa dulo ay maraming mga lagusan na lamantad sa kanya.
"Asan kaya ang tunay na labasan rito?" Nag-iisip si Roan habang naka titig sa limang lagusan na hindi tiyak kung saan papunta.
"Slimes, sa tingin nyo, saan ang pwede nating daanan?"
May idea si Roan na baka alam ng mga slime ang pasikot-sikot sa cave nato. Dahil andito sila ng magising siya at posible na dito rin sila ipinanganak at lumaki.
Lumapit pa isa-isa ang mga slimes sa limang lagusan at nag ponder, hanggang sa nakapili sila ng daan.
"Yosh!"
Tinahak agad ni Roan ang daang iminungkahi ng kanyang mga slime. Ilang oras na ang lumipas ngunit hindi parin niya na aabot ang dulo ng lagusan.
Mali ata tong dinaanan namin...
Nagsuspetsya siya na baka sa hunch lamang ng mga slime na pumili ng daan, ngunit sa ilang sandali ay nakarating siya sa isang bakanteng espasyo ng cave.
Nabigla siya sa kanyang nakita, nadatnan niya ang mga patay na mga iba't ibang cave monster na naka handusay sa sahig.
"Woah.. Ba't ang daming monster na walang buhay ang nagkalat rito?"
Nilapitan niya ang mga ito para tignan kung ano ang kanilang ikinamatay, laking gulat niya na puro bakas ng espada ang nakalatay sa kanilang katawan.
Halos ikinamatay ng mga monster ay isang atake lamang... Sino kayang imba na napadaan rito?
Teka... wag mong sabihing, dito rin dumaan ang naka maskarang player na iyon? Oh shit...
Pero ganon paman, ay hindi naging alerto si Roan, alam niyang walang mapapala ang Masked player sa kanya.
Buti nalang hindi kinuha ng Masked player ang mga loots ng monster...
"Hehehe, dahil iniwan niya lamang ito rito ay ako nalang ang makikinabang sa mga monster na ito."
Buo parin ang mga bahagi ng monster, walang senyales na kinunan ito ng mga loots.
Kinuha ni Roan ang dalang novice knife at kakatayin niya mga katawan nito para kunin ang mga pwedeng ibentang items ngunit...
"Slime anong ginagawa niyo!?"
Napasigaw si Roan. Nakita niya ang isa sa kanyang mga slime ay dumapo sa patay na katawan ng monster!
"Shit.. wag nyong kainin ang mga monster, sayang!"
Pero huli na ang lahat. Bago pa mapigilan ni Roan mga slimes, nagsimula na ito kumain.
Sa isang iglap ay lumaki ang katawan ng slime at ibinuka nito ang mga bibig, sa isang lamon lang ay ang patay na katawan ng isang Thunder Cave Lynx ay pumasok at nag merge sa katawan ng slime.
Blurp!
"Pagkain sarap!" Satisfied na hiyaw ng slime na makakain siya na buong monster!
Parang nahulugan ng meteor ang puso ni Roan nang makita na nilalamon ang kanyang valuable items. Ang mga items na makukuha sa Thunder Cave Lynx ay mga unique items na pwedeng ibenta ng high price sa auction.
Dahil level 30 ang Thunder Cave Lynx, ay malabong makakahanap pa si Roan ng ganito para i-hunt dahil kulang pa siya sa level.
Nag iisa lamang ang Thunder Cave Lynx dito sa cave, ang mga naiwan nalamang na pwede kunan ni Roan ng mga items ay ang mga low level monster tulad ng mga Creepy Bats, Kobolds, Illumination Butterfly at Mini Goblins na nakahandusay sa grounds.
Hayz, kaya siguro ito ang napili nilang daan dahil sa malayo palang ay naamoy na nila na may pagkain ang naghihintay sa kanila.
Tingin ni Roan ay naging uto-uto siya ng kanyang mga slime.
"Hoy! wag nyong kainin ang ibang monster diyan!"
Sa galit ni Roan, tumigil agad sa paglamon ang ibang mga slimes sa mga patay na monster. Dahil nasa mahigit isang daan ang kanyang slimes, kung hahayaan niya lamang itong kumain ay wala nang matitira sa kanya!
....
After ilang minuto ay na extract na ni Roan ang lahat ng mga valuable items sa mga katawan ng mga natirang monster.
"Pwede na to, siguro kung maibebenta ko ang mga ibang items na hindi ko kailangan ay nasa 8,000 coins siguro..."
Habang busy si Roan sa mga calculation ng kanyang kikitain ay binasag ito ng kanyang mga slimes, narinig niya mga sigawan nito.
"Master master kalaban!"
"Multo master!"
"Andito na, lapit na monster!"
Whaaa.. May kalaban?
"Asan? Asan?"
Biglang naging alerto si Roan at pinagmasdan ang paligid. Dahil medyo madilim ang lugar ay kinuha niya muli ang kanyang DIY torch at inilawan ang parte kung saan nakatingin ang mga slime na sa mga oras na iyon ay alert na alert.
Ngunit wala siyang makita!
Zrrrrrrr....
[You have been hit!]
40% HP Remaining.
What!? San galing ang atakeng iyon?
Nakatanggap siya ng Damage pero wala naman siyang makitang kalaban na umatake sa kanya!
Naramdaman nalamang niya na sumakit ang kanyang ulo. Parang tinutusok ng mga karayum ang kanyang utak at halos mawalan siya ng malay.
Tinignan niya ang kanyang katawan ngunit wala siyang makitang bakas na sugat rito. Tanging ang kanyang ulo lamang ang nakatanggap ng damage!
"Mental damage ata to? This is bad..."
Kung magpapatuloy ito ay maalis ang pag control ni Roan sa kanyang mga skill dahil gumagamit ito ng mental power para ma activate, pati na rin ang connection niya sa kanyang pet ay mapuputol.
Kung ganon....
Ginamit niya agad ang True Sight skill!
Luminaw ang paningin ni Roan, ang dati'y madilim ngayon ay parang nasisikatan na ng araw ang loob ng cave.
Lamantad agad sa kanya ang isang nakalutang na Cape with hood. Wala itong mukha at katawan, tanging ang kapa at hood lamang nito ang nakalutang sa hangin. Tila sumasayaw ito sa tuwa!
Ghost type monster!?
Tumalon ang palabas ang heart ni Roan ng malaman na isang ghost type ang kalaban. Kahinaan niya ay ang mga multo!
Run!
[Enemy detected: Arfal Ghost Servant Lv. 35]
[Warning!]
[You have been inflicted Dead Grievances status ailments effects!]
Mental Energy decreased by 10%
HP Regeneration decreased by 50%
Naglabasan agad ang mga debuffs na inalagay ng Arfal Ghost Servant sa kanya!!
"Woooo.." Umungol ang Arfal Ghost Servant na parang galing sa hukay ang tunog nito.
To be continued~