webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
28 Chs

Chapter 24

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Apat na malalaking Magic Circle ang lumitaw ng tumama sa kalupaan ang mga summoners ball na may iba't-ibang mga kulay.

Lumitaw ang apat na summon beasts na siyang familiar ng apat na miyembro ng mga kalalakihan. Isang uri ng malaking bulate, alimango, butiki at ng lobo.

Hindi naman nakaramdam ng takot ang binatang si Evor lalo na at nakita niyang mga ordinaryong familiar lamang ang mga ito ng apat na kalalakihan ngunit ramdam niyang may kaniya-kaniyang mga lakas ang mga ito na hindi pwedeng balewalain kapag pinagsama ang mga ito lalo na pagdating sa pag-atakeng naiisip o maiisip ng apat na kalalakihang ito.

Evor find it difficult to determine kung sino ang mananalo sa paunang sagupaan kung saka-sakali lalo na at bagong familiar lamang ito ng binatang si Marcus Bellford. Iilang mga araw pa lamang na nahuli nito ang isang uri ng pambihirang golden tiger ito at wala siyang alam kung nag-eensayo o ini-ensayo ba ni Marcus Bellford ang bagong familiar nito dahil hindi man lamang nito nakita ang ginagawang training ng mayabang at masungit na inaanak ni First Former Aleton ng Hercas Village.

ROOAARR! ROAAAARRR!

Umangil ng malakas ang nasabing ginintuang tigre ng binatang si Marcus Bellford na siyang ikinaangil naman ng mga familiar ng apat na kalalakihan sa hindi kalayuan mula sa pwesto ni Marcus Bellford.

Mabilis na sumugod ang mga summon beasts ng mga kalaban ng nasabing binata habang tila yumanig ng konti ang kalupaan.

Shhriiieeecckkk!

Naunang sumugod ang maliksing dambuhalang butiki na kulay berde na siyang talaga namang hindi maipagkakailang grabe ang mobility nito dahilan upang ito ang unang makalapit at umatake sa golden tiger ni Marcus Bellford na si Agapios.

"Hehehe... Ipalasap mo ang lakas mo Ireneus! Sambit ng isang miyembro ng kalalakihan na siyang masasabing pinakapandak sa mga ito sa alaga nitong dambuhalang butiki na kulay berde.

Bigla na lamang nagliwanag at humaba ang buntot ng nasabing halimaw at sa isang iglap ay mabilis nitong inihampas ang buntot nito sa dambuhalang halimaw na ginintuang tigre.

Ngunit tila sumablay ang nasabing atake nito ng umiwas ang ginintuang tigre bago pa ito tamaan sa lupang babagsakan ng mahabang buntot ng dambuhalang berdeng butiki.

"Nakaiwas ka man sa paunang atake ng kasamahan namin ay siguradong hindi mo matatakasan ang sabay-sabay naming atake!" Nakangising sambit ng isa sa tatlong mga kalalakihan.

Nanlaki naman ang mga mata ni Marcus Bellford nang makita niyang sumugod ng sabay-sabay ang mga familiars ng tatlong tinuring niyang kaibigan niya.

Red Crab Cut!

Giant Worm Bite!

Wolf Sharp Claws!

Tatlong magkakasabay nga na atake ang ipinamalas ng tatlong summoned beasts na siyang mga kapwa familiar ng bawat kalalakihang nagsummon ng mga dambuhalang halimaw na ito.

Kitang-kita kung paanog walang awang natamaan at napuruhan ng malala ang ginintuang tigre dahil sa pagcorner ng mababangis na mga halimaw na pagmamay-ari ng tatlong mga kalalakihan.

GROAAAARRR!

Tila umatungal pa ng malakas ang ginintuang tigre na siyang familiar ni Marcus Bellford ngunit puno ito ng paghihinagpis. Gusto pa man nitong manlaban mula sa pagkakaatake ng mga kapwa nito mga halimaw ay hindi na nito nagawang manlaban pa.

POOF!

Umilaw ng malakas ang buong katawan ng nasabing ginintuang tigre at sa huli ay nagbalik ito sa orihinal nitong porma na walang iba kundi ang pagiging summoner's ball nito at nalaglag na lamang sa lupa.

Hindi rin nagtagal ay bumalik ng maayos ang mga summoner's ball na pagmamay-ari ng mga kalaban niya sa kanila. Samantalang...

PUAH!

Napasuka na lamang ng maraming dugo ang binatang si Marcus Bellford dahil na rin sa labis na pagkaunos ng enerhiya niya dahil pinilit nitong manlaban at gusto pang patagalin ang paghihirap ng ikatlong familiar niya ngunit sa huli ay nabigo lamang ito.

Matalim siyang tumitig sa apat na nilalang na nakalaban niya lalo na at tuluyan siyang natalo sa labang hindi niya aakalaing hahantong pa sa ganito.

Ngunit imbes na kaawaan siya ng mga ito ay napangisi pa ang mga ito na animo'y wala man lang silang nararamdamang kahit na ano para sa kaniya.

Tinuring niya namang mga kaibigan ang mga ito ngunit ganito lamang ang naging ganti sa kaniya. Naging mabuting kaibigan siya rito ngunit ganito ang ibinalik o isinukli sa kaniya ng mga ito. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang.

"Sinabi ko naman sa'yo Marcus kanina pa na kusa mong ibigay ang Summoner's ball mo kung ayaw mong magkagulo tayo. Edi sana hindi tayo umabot sa ganitong tagpo!" Matigas na saad ng binatang lalaking na siyang lider ng mga kalalakihan ngunit nakangisi pa rin ito ng malademonyo.

"Lalaban-laban pa eh alam mo namang matatalo ka lang rin naman hahaha!" Matawa-tawang wika pa ng isang miyembro ng kalalakiha na katabi lamang ng lider ng grupong ito.

"Tama lang sa iyo yan. Puro ka lang kayabangan haha kaya bagay lamang sa'yo ang nangyari sa'yo lampa!" Walang kaabog-abog na sambit pa ng nasabing miyembro ng mga kalalakihan. Hindi nito mapigilang laiitin pa ito sa kinasasadlakang epekto ng panallaban ni Marcus Bellford sa kanila.

"Pwe! Mga wala kayong kwentang kaibigan. Tinuring ko pa kayong parang tunay na kapatid ngunit ganito ang igaganti niyo sa akin. Bakit niyo ba gustong kunin ang familiar ko huh?! Wala rin naman kayong mapapala upang gawin ito!" Seryosong turan ng binatang si Marcus Bellford habang kitang-kita ang labis na katanungan sa mga mata nito na sa huli ay dumako ang tingin niya sa mismong tumatayong lider ng grupo nila ngunit mukhang hindi na siya magiging kabilang sa miyembro ng grupo nilang nabuo.

"Sa totoo lang ay ayaw kong gawin ito sa'yo Marcus ngunit pinilit mo kaming gawin ito sa'yo. Dahil sa ginintuang tigre na siyang familiar mo ay makakapasok kami sa Azure Dragon Academy sa susunod na selection!" Seryosong saad ng binatang nagsisilbing pinuno ng grupong siyang kalaban na ni Marcus Bellford.

Nagulat naman si Marcus Bellford sa narinig niyang sinabi sa kaniya ng lider-lideran nila. Hindi siya makapaniwalang sumusobra na ang lider nila sa giangawa nito na kahit siyang nananahimik lamang ay mukhang gusto pang gawing daan upang makapasok silang lahat.

At paano siya? Malamang ay hindi siya papapasukin ng Azure Dragon Academy dahil unang-una ay required na malakas ka at may natatanging kakayahan upang sumabak sa tatlong pagsubok na inihanda ng nasabing paaralan upang makapasok doon. Kung wala ang ginintuang tigre na meron siya ngayon ay siguradong hindi siya confident na mananalo siya sa mga tests na maaari niyang pagdaan. Ang kabuuang lakas niya ay tiyak na hihina ng biglaan na ayaw niyang mangyari.

Ngunit maya-maya pa ay nakita niyang papalapit sa kaniyang nalaglag sa lupa na summoner's ball ng mismong pagmamay-ari niya ang lider ng dating grupo niyang nagtaksil sa kaniya. Alam niyang puntirya nitong kunin ang Summoner's ball niya na isang ginintuang tigre na siyang dahilan upang tambangan at kalabanin niya ang mga ito ngunit nauwi lamang sa pagkatalo niya ang lahat.

Bawat paghakbang ng lider ng mga kalalakihan ay tila nakaramdam ng takot ang binatang si Marcus Bellford. Unti-unting naglalaho ang konkretong pag-asang namuo sa utak niya upang makapasok rin sa Azure Dragon Academy.