webnovel

Chapter o2: Death Glare

×××

"Huy pangit nagawa mo na ba ang mga assignment namin!"

Bungad sa akin ni Karen ng matapos ang klase namin kanina. Tumango lang ako habang nakayuko sa kanila.

Pinapalibutan kasi nila ako at halos lahat sa kanila mataray kung maka tingin sa akin.

Kinuha ko ang mga notebooks nila at inilapag ko ito sa desk ko. Isa-isa naman din nila itong kinuha.

Umalis din naman sila na may habol pang panlalait sa akin. Yumuko na lamang ako at tahimik lang na nakaupo sa aking upuan.

"Lagi ka ba nilang ginaganyan dito?"

Nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko. Paglingon ko hindi ko inasahang si Dwayne ito.

Umiwas agad ako ng tingin.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya nanatili nalang akong tahimik.

"Alam mo habang pinagmamasdan kita kanina. Gusto tuloy kitang protektahan"

Sa mga sinabi niya agad akong napalingon sa kan'ya na nanlalaki ang mga mata dahil sa pagkabigla.

Anong ibig niyang sabihin?.

"Tanggapin mo na ako bilang kaibigan mo mabait naman ako eh 'tsaka harmless idagdag mo pa ang kag'wapohan ko. Hehe! Ano?"

Nakangiti niyang sabi sa akin. Napa pout nalang ako. Medyo mahangin pala siya.

"Sorry ayoko makipag kaibigan"

Straight to the point na sabi ko sa kan'ya habang nasa malayo ang tingin.

"Eh? Bakit naman?"

Takang tanong niya sa akin. Pilit pa niyang tinitignan ang mukha ko na nakatakip sa aking mga buhok.

"Lilipat na rin naman ako next year ng school kaya wala ng since makipag kaibigan pa ako rito"

Malamig kong pagkaka sagot sa kan'ya. Tumahimik siya bigla pero ilang sandali nagsalita rin.

"Lilipat ka na naman."

Seryosong pagkakasabi niya. Napalingon tuloy ako bigla sa kan'ya habang may pagtataka ang tingin.

Nahuli ko ang mata niya na nakatingin din sa mga mata ko. Gano'n din ang hitsura niya seryoso.

Anong nangyari sa taong 'to?.

"Ano naman sa'yo?"

Sabi ko sa kan'ya.

Napa buntong hininga s'ya.

Bakit alam nito na lagi akong lumilipat ng school?.

"Saan ka ba lilipat next year?"

Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam sa mga parents ko. Siguro sa Canada kasi nando'n na ina-sign si Dad ng boss niya"

Sabi ko sa kan'ya. 

Tumahimik siya ulit at umiwas na ng tingin. Nakita kong malungkot siya.

"Ahm... Ayos ka lang ba?"

Tanong ko sa kan'ya.

Pilit naman din siyang ngumiti.

"Oo naman, siguro pagkatapos ng trabaho ng Dad mo sa Canada makakauwi ka rin naman ulit dito 'no?"

Sabi niya sa akin. Tumango naman ako.

"Pag-uwi ko siguro collage na'ko nun"

Sabi ko sa kan'ya. Ngumiti naman din siya.

"Magaan na ba ang loob mo sa'kin? Friends na tayo oh"

Sabay abot niya sa kamay ko. Kinunutan ko lang siya ng noo pero ilang sandali napa buntong hininga rin na tinanggap ang kamay niya para makipag shake hands.

"Okay"

Tipid kong sabi.

"Ano ulit pangalan mo?"

Tanong niya sa akin.

"A---"

"Alice"

Sabay kaming napalingon ni Dwayne ng may tumawag sa akin. Pag angat ko ng ulo napa tigil ako ng nasa harapan namin siya.

Ang amo ng mukha niya ang sweet din ng ngiti niya sa akin.

Ayan na naman siya sa pagpapanggap niya bilang prinsepe ng campus.

"Anong kailangan mo sa kan'ya"

Sabi ni Dwayne kay Xian.

Ngumiti lang si Xian sa kan'ya pero halatang naiirita ito. Bakit kaya?.

"Wala pre'. Gusto ko lang kasama si Alice"

Sagot niya at hinila na ako palayo kay Dwayne.

Nakakunot naman din ang noo kong naka tingin kay Xian.

Natigilan ako ng sinamaan ako ng tingin ng mukong.

Anong problema ng lalaking ito?.

"Tara na"

Sabi niya sa akin at lumabas na kami ng room naiwan naman din si Dwayne doon na naka simangot ang mukha.

Habang naglalakad kami ni Xian. Bigla niya akong binitawan.

Tinulak niya rin ako bigla sa locker.

"Kailan ka pa nilalapitan ng gagong iyon"

Tanong niya sa akin sabay corner niya sa akin sa locker. Nasa pagitan ng ulo ko ang mga kamay niya.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?"

Naguguluhan at nakasimangot kong sabi sa kan'ya. Ang sakit kaya ng likod ko.

"Sagutin mo nalang ako p'wede!"

Nabigla ako ng pinagtaasan niya ako ng busis.

Hindi ako maka pagsalita at umiwas ng tingin sa kan'ya.

"Bakit gusto mong malaman? Ano ba kita?"

Malamig kong pagkakasabi at tumingin ng deretso sa kan'ya.

"Chi--... Aish! Bahala ka na nga! Mag masama kayong mga pangit!"

Inis niyang sabi at agad ng lumayo sa akin at umalis na palayo.

Naiwan naman din ako ditong mag isa.

Nakakainis ang Campus Prince na iyon. Promblema nun sa akin?

Bumalik agad ako sa room kasi may susunod pa kaming klase. Nang makapasok ako bumungad agad sa akin si Dwayne.

"Ayos ka lang ba? Anong ginawa niya sa'yo?"

Pag alala niyang tanong sa akin.

"Ayos lang ako wala siyang ginawa"

Sagot ko sa kan'ya. Pumasok na kami sa pinto.

Tumigil ako at napa tingin kay Xian na nakaupo at pinalilibutan na naman ng mga babae. Ayan na naman ang hitsura niya biglang prinsepe. May sweet na ngiti at malumanay kuno ang busis kung magsalita.

Ang layo sa totoong ugali niya. Parang wala lang siyang ginawa sa'kin kanina ah kung makipag halubilo sa mga babaeng pumapalibot sa kan'ya ngayon.

"What a big pretender"

Bulong ko sa sarili ko.

"Umupo kana Alice"

Sabi sa akin ni Dwayne tumango na lamang ako sa kan'ya at sinonod siya. Gano'n din ang ginawa niya at umupo rin sa upuan niya.

Hindi kami mag seatmate kasi nasa second row siya ako naman sa third row kung saan malapit ako sa bintana.

Nagsimula na iyong klase namin habang nag d-discuss iyong guro namin napa tingin ako kay Dwayne napansin ko palihim na sinisipa ni Xian iyong upuan ni Dwayne. Nasa likod kasi ni Dwayne si Xian.

Anong ginagawa niya? Halatang naiirita na si Dwayne kaya napatayo siya sa upuan at nagpaalam sa guro na lalabas muna siya.

Sumunod din na tumayo si Xian at nagpaalam din 'tsaka lumabas na ng room.

Bigla akong kinabahan para kay Dwayne. Ano kayang gagawin ni Xian?.

Hindi ako mapakali sa upuan ko. Dahilan ng mapansin ako ng guro.

"Is there something wrong Ms.Martinez?"

Tanong nito sa akin. Napatayo ako agad.

"Ma'am masama po kasi ang tyan ko... Pwede po bang mag excuse?"

Nahihiya kong pagkakasabi. Ang sama ko nakapag sinungaling ako dahil lang sa pag alala ko kay Dwayne.

Matapos tumango ang guro agad na rin akong lumabas ng room namin para hanapin iyong dalawa.