webnovel

Labyrinthine

Penulis: GeometAgape
Fantasi
Sedang berlangsung · 16.6K Dilihat
  • 3 Bab
    Konten
  • peringkat
  • N/A
    DUKUNG
Ringkasan

Hindi na niya alam kung saan na siya mapupunta. Hindi na niya alam kung saan siya lulugar. Eton already had his happy ending with Elysia. Helios too. Tanging siya na lang ang naiwan sa ere. She, and her happily ever after. Wala na ding pag-asa. Maraming drafts. But none of it satisfied the author hanggang sa, hindi na ito nagkaroon ng pagkakataon na gumawa pa ng iba. Kung papipiliin sana siya ay okay na 'yong nasagasaan siya ng pison o 'di kaya nahulog sa balon. O namatay siya sa cancer. O 'di kaya nagpakamatay. Okay lang. She's the antagonist. Ano pa bang hinhintay niyang happy ending? Death is mercy. Pero wala sa vocabulary ng author ang Death. Pati Mercy.

tagar
3 tagar
Chapter 1Chapter 1: The Fictional Character

Third Person's Point of View

Hindi na niya alam kung saan na siya mapupunta. Hindi na niya alam kung saan siya lulugar. Eton already had his happy ending with Elysia. Helios too. Tanging siya na lang ang naiwan sa ere. She, and her happily ever after. Wala na ding pag-asa. Maraming drafts. But none of it satisfied the author hanggang sa, hindi na ito nagkaroon ng pagkakataon na gumawa pa ng iba.

Kung papipiliin sana siya ay okay na 'yong nasagasaan siya ng pison o 'di kaya nahulog sa balon. O namatay siya sa cancer. O 'di kaya nagpakamatay. Okay lang. She's the antagonist. Ano pa bang hinhintay niyang happy ending?

Death is mercy.

Pero wala sa vocabulary ng author ang Death. Pati Mercy.

"Roshia, pasensya ka na kay Elysia ah? Alam mo namang masama pa din ang loob no'n. Kakausapin ko 'yon mamaya pag uwi ko." sabi ni Eton sa kanya.

Nakakapagod din maging masama. Pero anong magagawa niya?

Lalo na't trabaho niya iyon. Simula nang matapos ang kwento nila—ni Elysia at Eton; doon lang niya nalaman lahat ng mga bagay na sana hindi niya na lang nalaman.

Umalis na si Eton.

Hindi na ito nagpaalam,nakaramdam atang ayaw niyang makipag-usap. Elysia is her sister. Sukat agawin niya ba naman ang lahat dito. Their parents died because of her. Pero 'di tulad ng ibang protagonist na mahilig magpatawad, at hindi marunong magkimkim ng sama ng loob; Elysia, isn't that type of protagonist. Hindi ito marunong makinig. Ayaw din nitong inuutusan at sasabihan kung anong dapat gawin. Minsan tuloy napapaisip siya kung sino ba talagang bida.

Si Eton siguro. She whispered to herself.

Unlike Elysia, Eton never treated her like her sister did. Mabait ito sa kanya. Walang halong kaplastikan. Para itong sumalo ng lahat ng kabutihan sa universe. Wala sa sariling napatulala siya sa picture frame na nasa ibabaw ng katabing lamesa ng kama niya. Kuha iyon nang ikasal si Eton at Elysia. Eton is her ideal guy. Pero alam na niyang hindi ito ang para sa kanya. Her sister might be too much to handle, pero mas malala naman siya kumpara sa kapatid niya.

"Roshia Urbi Irsia Zendejas," tawag sa kanya ng book keeper. The book keeper is one of her enemies. Gusto niya itong sapakin. It's still her world where she belongs. Where she preferred to die. Walang nakakaalam kung saan nagtapos ang nagsusulat, o ang Creator nila, so they just assumed that she needed to get out of her world. Their world. Baka daw kasi, kung anong gawin niya. Ganoon din sa ibang characters na napag-iwanan.

Walang sariling mundo kaya, pagala-gala na lang sila. Walang katapusan.

Para silang sinumpa.

Narinig niya na, kapag nakalimutan sila ng Creator bigla na lang silang mawawala na parang bula.

"Bakit?" she asked. Kahit alam naman na niya na ang sasabihin nito.

"Pinapaalis ka na dito."

Gusto niyang matawa sa sinabi nito, she nodded before she said fine. Kahit ang totoo hindi niya alam kung saan na siya pupunta.

Pagka-alis niya, Franco gave her a piece of pink paper and an envelope. Nasa tapat sila ng bahay niya nang i-abot ito sa kanya ni Franco.

"Ano 'to? Farewell gift?" tanong niya. Umiling ito.

"Eh ano nga?"

"Nakita mo 'yong lalaki?" Tinuro nito ang isang malaking monitor na nagmistulang langit sa sobrang laki. Doon nila nakikita ang ekspresyon ng bumubuklat, at tumutuklas sa mundo nila.

Ang nagsulat ng kwento nila ay namatay na bago nila makuha ang gusto nilang katapusan.

"Anong meron sa kanya?"

Tinignan niya ang lalaking seryosong nagbabasa at titig na titig.

"Sulatan mo siya."

"Ano?!"

"Huwag kang maingay."

Napasampal na lang siya sa braso nito. Tinakpan kasi nito ang bibig niya.

"Aray!"

"Siraulo ka!"

"Dali na!"

Umiling siya.

Malakas mang-trip si Franco, at madalas kung hindi sa kawalan ang bagsak niya, sa ibang mundo naman.

"Ano isusulat ko?"

"Tungkol sa sarili mo."

"Tapos?"

"Magugustuhan ka niya tapos magiging kayo. The end!"

Gusto niyang sapakin si Franco, kaso mahirap dahil nga nag-iinarte pa siya ngayon.

"Dali! Magandang lalaki 'yan aba."

Kinunotan niya ito ng noo.

"Leche. Anong trip na naman ba 'to?"

"Trip to happy ending mo."

"Franco, hindi ko alam kung tanga ka ba, o nagtatangahan ka lang. Alam mo namang hindi ako pwedeng makipag-usap sa mga tao sa labas ng Ardwyad--I mean, we can't! Hindi pwede! We're literally going to break the wall."

Franco is a villain of his story titled; The Gods: The forbidden fruit. May powers ito unlike her. He was able to jump in to any story too. Kaso malakas talaga tama nito minsan. May society silang mga villain, kaso dahil siya na ang wala pang patutunguhan hindi tuloy siya maka relate. Parang di siya belong.

"Roshia, susulat ka lang."

"Franco, masasapak ka lang."

"Roshia."

"Don't push it Franco, sumbong kita kay Fran."Napasimangot ito.

"Fine." suko nito, bago biglang nawala sa harap niya.

***

The image of the guy, smiling while reading their story kept bugging her mind. Idagdag mo pa 'yong sinabi ni Franco.

Paano kung pumayag na lang siya? Is her what if.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang tinanong iyon sa sarili niya.

The offer is tempting. Sinong hindi? Lahat sila, kahit iyong mga nakalabing limang apo na ata na taga-Ardwyad ay gustong maranasang pumunta sa labas ng mundo. Lahat sila gustong makilala ang mga sumulat at nagbigay buhay sa kanila. Ilang beses na niyang tinawag at binigkas sa utak niya ang pangalan ni Franco, para makipag-usap. Inside her head she knew, Franco already had been to the free world.

Madalas itong magkwento sa kanya.

Minsan tuloy gusto niyang makausap ang sumulat sa kwento nitong sina Franco at kung bakit binigyan niya ito ng ganoong powers.

"Malawak kasi yung pag iisip no'ng God namin."

Gusto niyang sampalin sa gulat si Franco dahil sa paglitaw nitong bigla sa tabi niya.

"Kaso, may limit ako. Alam mo naman, sa lahat ng villain isa ako sa pinakamaswerte dahil hindi nila ako pinugutan ng ulo, kinulong,o tinorture." nginitian siya nito.

"Alam mo may sinulat 'yong God namin." dagdag pa nito. Gusto niyang mapa-iling sa sinabi nito. God kasi ang tawag ni Franco sa author nila.

Napataas ang kilay niya at napaayos ng upo.

"Ano na naman?"

"Ako ang pinaka favorite niyang character."

"Yeah right, kasi kung hindi baka pinapatay ka na niya o pinabalatan ng buhay." sarkastikong sabi niya pa dito.

"Oo! Pero seryoso, sinabi niya 'yon! May dagdag na libro nga ata iyong kwento namin."

"Congrats!"

"Magkaka-lovelife na ata ako do'n." natatawang sabi niya.

"Oh 'di ikaw na!"

"Huwag kang magselos, gagawin kitang kabit."

"Gago ka!"

"I know. Pero narinig ko kanina, tinatawag mo ko ng paulit-ulit. Magtatapat ka na ba?"

"Tangina mo din," Miski mainis sa kanya, humagalpak pa ito ng tawa.

"Sige na, ano nga 'yon?"

Napa-iling na lang siya. Nang umalis kasi si Franco, kasama nito ang pink na papel kasama ang envelope.

"Payag ka na?"

Napalunok siya, bago tumango.

Wala namang mawawala kung susubukan 'di ba?

Anda Mungkin Juga Menyukai

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
24 Chs

peringkat

  • Rata-rata Keseluruhan
  • Kualitas penulisan
  • Memperbarui stabilitas
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • latar belakang dunia
Ulasan-ulasan
WoW! Anda akan menjadi peninjau pertama jika meninggalkan ulasan sekarang

DUKUNG