webnovel

Chapter 5

Ysa

Kinabukasan, nagising na lamang ako na wala na si Nathan. Bakante na ang kanyang higaan, na kagabi ay hindi ko na rin namalayan kung anong oras na siya nakauwi mula sa labas.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumungad sa akin. At walang kasing lamig ang ginaw na yumakap sa akin.

Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng ginaw sa malamig na atmosphere na bumabalot sa akin mag-isa.

Ni hindi man lamang niya ako ginising para sana nakapag-goodbye man lang ako sa kanya o naipaghanda siya ng kanyang agahan.

Napapanguso ako ng wala sa sarili.

Nagtatampo pa rin kaya siya sa akin dahil sa nangyari kagabi? Tanong ko sa aking sarili at hindi ko rin mapigilang mag-alala.

Sandaling nag inat ako bago kinuha ang aking cellphone mula sa ibabaw ng bed side table.

Hinanap ko ang number niya at idi-nial ito, umaasa na sasagutin niya. Ngunit nakakadalawang tawag na ako ay hindi man lamang sinasagot.

Walang nagawa na napabuntong hininga na lamang ako habang nagta-type ng message para sa nagtatampo kong fiance.

'Good morning, babe. Anong oras ka umalis? Tampo ka pa rin ba? :( sorry, tinanghali ako ng gising. I miss you already. See you later! I love you, okay?'

Noong ma-i-send ko ang text message ko ay bumangon na rin ako at dumiretso na sa banyo para makaligo na. Hindi na muna ako bumaba for coffee para dire-diretso na pagbaba ko mamaya.

Nang matapos na ako sa lahat at maayusan ko na rin ang aking sarili ay agad na bumaba na ako. Weekend naman ngayon kaya okay lang na kahit tanghali ko na buksan ang restaurant.

Kahit gaano tayo ka-busy sa buhay, importante pa rin na wag natin kakalimutang unahin minsan ang ating mga sarili, ano? Kaya dapat chill lang at wag masyadong nagpapadala sa bigat at pressure ng mundo.

Ngunit hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin noong makarating ako ng kusina. Awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi. As always, Nathan never fails to make me feel like a Queen.

May inihanda na pala kasi itong breakfast na tinakpan lamang ng food tray. Marahil ipinagluto niya ako kanina bago siya umalis. At may special note pang kasama.

Kagat labi na kinuha ko yung note at binasa.

'A peace offering for last night. Good morning to my one and only! I'm sorry. I'll see you at home later. I love you so much.'

Kaya naman, malawak ang ngiti na ninamnam kong kainin ang niluto nitong sausage at fried egg with bacon.

Nathan is not a good cook. Pero dahil sa ilang taon na pagsasama namin, natuto na rin naman siya kaya hindi ko mapigilan ang hindi maging proud sa kanya bago isinubo ang huling parte ng saugage sa aking bunganga.

Gosh! Ako lang pala itong nag-o-overthink. Akala ko kasi nagtatampo pa rin siya hanggang ngayon. Haaayyy!

Mabuti na lang at mayroon akong very understanding and very patient na Nathan sa buhay.

Pagkatapos ko ay agad na umalis na rin ako ng bahay. Ginamit ko na ang sasakyan ko para naman kahit anong oras ko gustuhing umuwi o umalis mamaya ay makakaalis ako.

---

I keep calling Nathan pero hindi naman siya sumasagot. Kanina pa kasi ako na-stuck dito sa restaurant at malapit nang lumalim ang gabi.

Pinakamahigpit kasi na ipinagbabawal nito sa akin ay ang magmaneho ako ng umuulan, for my safety naman daw kasi.

Kapag ganitong umuulan kasi lalo at alam niyang takot ako sa kulog ay kidlat ay hindi ito nagtatagal. Maya-maya lamang ay nariyan na siya para samahan o sunduin ako.

Pero ba't ngayon? Anong oras na? Hays.

Naiiyak na rin ako. Kanina pa ako mag-isa rito at parang tanga na mapapasigaw at napapatili sa tuwing kumukulog.

Pinauna ko na kasing umuwi 'yung mga kasama ko dahil alam kong may pamilya at mahal rin sila sa buhay na naghihintay sa kanila.

Hanggang sa namalayan ko na lang na tuluyan nang tumila ang ulan. Mabilis ang kilos na kinuha ko ang hand bag ko, ni-lock ang restaurant at dumiretso agad sa kotse at pagkatapos ay agad din na pinasibad ito pauwi.

Pagkatapos ng twenty minutes na travel ay mabilis na ipinarada ko ang aking sasakyan. Kunot noo at nagtataka naman ang mga mata na napatingin ako sa garahe, nandito na rin kasi naka-park ang sasakyan ni Nathan.

Hindi ko mapigilan ang mapahinga ng malalim, pagkatapos ay napailing dala na rin ng pagkadismaya. Napatingin ako sa suot kong relo, eleven thirty na ng gabi.

Anong oras kaya siya nakauwi? Malungkot na tanong ko sa aking sarili bago tuluyang pumasok na sa bahay.

Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nadatnan ko. Mabilis na nabitiwan ko ang aking bag at patakbong pinuntahan ang nakahandusay na si Nathan sa sahig.

"Babe! Babe, wake up!" Maiiyak na sana ako dahil akala ko ay kung napano lamang siya nang maamoy ko ang alak mula sa kanyang katawan.

Napahinga akong muli ng malalim at kinuha ang cellphone mula sa likod ng bulsa ng suot kong pantalon.

I can't believe na nag-drive siya ng ganito kalasing at umuulan. Tsk!

Mabilis na tinawagan ko ang mobile number ni Kiko. Kaibigan ni Nathan.

"Hello, Ysa. Napatawag ka." Pagsagot nito mula sa kabilang linya.

Napalunok ako habang hinihilot ang aking noo.

"Umuwing lasing si Nathan. Naabutan kong nakahiga rito sa sahig sa sala. Kayo ba ang magkasama kanina?" Tanong ko dahil gusto ko lang makompirma kung sila ba ang magkasama kanina.

"Oo. Magkasama kami kanina." Mabilis na sagit nito. "Maaga siyang dumaan dito sa bar eh. Teka, ayos lang ba siya?" Tanong nito in a concern tone. Hindi ako umimik at sa halip ay papatayin na sana ang tawag nang muling magsalita ito.

"Uhmmm, Ysa. Pagpasensyhan mo na 'yung kaibigan namin ha? Eh nalulungkot lang talaga yan. Syempre, ngayon lang siya mahihiwalay sa'yo ng gano'n kalayo at katagal, isa pa, mahal na mahal ka niyan eh." Habang sinasabi niya iyon ay nakatitig lamang ako sa mukha ng tulog na tulog dala ng kalasingan na si Nathan.

At sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. "Hayaan mo, next time na dadaan siya rito, ikaw ang unang tatawagan ko para hindi ka mag-alala." Dagdag pa niya.

Napatango ako kahit na hindi naman niya nakikita habang pinupunasan ang aking mga luha.

"Salamat, Kiko." Pagkatapos nun ay tuluyan ko nang ibinaba ang tawag.

Muli akong napahinga ng malalim at pagkatapos ay sinimulan ng tulungan at alalayan si Nathan paakyat sa aming kwarto.

"Ang bigat mo babe!" Reklamo ko at pagkatapos ay pabagsak inihiga ko siya sa kama.

"Hmmmm. Babe." Wika nito ngunit alam kong tulog pa rin siya.

Kaya naman, dahan-dahan na hinubad ko ang sapatos niya, medyas na suot niya, pants niya, hanggang sa boxer short na lang nito ang naiwan.

Huhubarin ko na rin sana ang suot nitong t-shirt nang bigla siyang napa bangon at mabilis na napatayo patungong toilet, ngunit hindi na siya umabot pa kaya sa may gilid ng kama na ito tuluyang napasuka.

Mabilis na lumapit ako sa kanya para sana muling alalayan siya, nang sakto pag upo at pagtapat ko sa kanya ay kasama na rin akong nasukahan niya. Tumama ito sa dibdib pati na rin sa kanang braso ko.

Napapikit ako ng mariin dahil sa amoy ng suka nito at pagpipigil sa inis na baka biglang masigawan ko siya. Hindi ako mapagpasensyang babae kaya alam kong anumang minuto ay pwede akong sabog kapag hindi ko pinigilan ito.

Hindi nagtagal ay bigla na lamang itong napasinghot. Hindi ko alam na umiiyak na pala siya habang nakatingin sa dibdib ko at braso.

Dahil doon ay napatawa na lamang ako sa kabila ng inis na nararamdaman ko sa kanya.

"Iinom inom hindi naman pala kaya!" Panenermon ko sa kanya.

Bigla naman ako nitong niyakap kahit na panay suka pa niya kaming dalawa, iyong yakap na mahigpit habang umiiyak pa rin siya.

"I'm sorry. I'm sorry, babe. I'm sorry." Paulit-ulit na paghingi nito ng tawag.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Hinayaan ko na lamang din siya hanggang sa tuluyan siyang kumalma.

Pagkatapos muli no'n ay inalalayan ko siya sa banyo para makaligo. Hindi na rin masyado ang amats niya kaya, kinaya na rin niyang kumilos mag-isa.

Pagkatapos nito ay ako ang sumumod na naligo. Paglabas ko ng bangyo ay walang nagawa na pasandal na lamang ako sa door frame habang napapangiti kay Nathan na ngayon ay tulog na tulog na dala ng kalasingan at marahil pagod.

Haaay!