webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Umum
Peringkat tidak cukup
213 Chs

Suspense

"Kung ano man yung sikreto na yun malamang isinama na niya sa hukay!"

Sambit ni Anthon.

Malaki ang respeto nya sa namatay na Luis kaya wala na syang planong alamin pa ito.

Anthon: "Yung tungkol sa sinabi ni Pinyong kay Issay ano ng nangyari?"

Joel: "Kuya, kailangan natin makausap si Pinyong!"

"May mga malabong detaye yung kwento mo! Mas maganda kung madidinig mismo natin sa bibig ni Pinyong!"

Gene: "Tama si bunso, Bro!"

Anthon: "Pero nangako si Issay kay Pinyong na hindi nya ikukwento ito kahit kanino, at hindi rin alam ni Issay na pinaiimbestigahan ko ito!"

Nagkatinginan na lang sina Gene at Joel sa ikinilos ng panganay nila.

Gene: "Buti pa balikan natin ang kwento baka may makuha tayong 'clue'!"

Anthon: "Sabi ni Pinyong umuulan nuon at naglalakad sya sa kalye trese!"

Gene: "Mga anong oras yun?"

Anthon: "Sabi nya madilim kaya malamang gabi yun o mag gagabi pa lang!"

Joel: "Kuya pag umuulan ng malakas madilim din diba? Kaya pano mo nasisiguro na gabi yun?"

"Saka anong ginagawa nya duon kung disoras yun ng gabi?"

Gene: "Ilan taon si Pinyong nuon?"

Anthon: "Walo!"

"Pauwi daw sya nuon galing sa paglalaro ng biglang bumuhos ang malakas na ulan!"

Gene: "Malamang hindi nga yun gabi dahil walang batang kumakalat sa atin ng mga ganuong oras nung mga panahon na iyon!"

"Alam ba nya ang eksaktong petsa?"

Anthon: "Yun ang hindi niya alam pero sabi nya walang pasok nun kaya baka sabado o linggo!"

Joel: "Pano kung holiday? Wala rin pasok pag holiday!"

May punto na naman si bunso.

Nagpatuloy si Anthon.

Anthon: "Naglalakad sya sa kalye ng biglang may tumulak sa kanya kaya napaitsa sya sa bangketa!"

"Nang lingunin nya kung sino ang gumawa nun nakita na lang nya ang isang matandang babae, nakahiga sa kalsada parang sinisigawan syang umalis kasi sumesenyas ito!"

"Sa harapan ng matanda nakahinto ang isang sasakyan."

"Duon nya naintindihan na kaya sya umitsa dahil tinulak sya ng matanda para hindi sya mabangga ng sasakyan!"

"Naguumpisa ng humina ang pandinig ni Pinyong ng mga panahon na iyon at sobra pang lakas ng ulan kaya hindi nya alam na may padating pala!"

"At imbis na sya ang mabangga ng sasakyan yung matanda ang nabangga!"

"Kinabahan sya ng biglang madinig na may bumaba sa sasakyan! Nagtago ito at nakita nya ang driver na lumapit sa matanda saka luminga linga, ng walang nakitang tao, ngumisi ito at bumalik sa sasakyan. Sinagasaan nya ang matanda na nakaladkad pa saka humaruruot ng takbo!"

"Natakot si Pinyong sa nakita at ng lapitan ang matanda hindi na ito gumagalaw!"

"Tumakbo sya at humingi ng saklolo pero nakaramdam sya ng panghihina at natumba! Pagising nya nasa ospital na sya at hindi nya alam kung totoo o panaginip lang ang lahat!"

"Naalala ko, minsan sabi ni Mang Lito sa duktor, isang beses lang daw naospital si Pinyong at isang buwan syang na 'confine' dahil kinumbulsyon ang bata sa pagkababad sa ulan!"

"Isang linggo din daw itong walang malay at parang takot na takot ng magising!"

Nang matapos magkwento ni Anthon, tumahimik silang tatlo.

Pare parehong nagiisip.

Joel: "Sino yung matandang babae?"

Anthon: "Yan ang gusto kong malaman dahil nakita ko ang sobrang pagaalala ni Issay ng ikuwento nya ito sa akin at hindi ko mawari kung bakit!"

Gene: "Alam mo ba kung kelan yung sinasabi ni Mang Lito na naospital ang anak nya?"

Anthon: "Oo!"

Gene: "Dun tayo magumpisa!"

Joel: "E yung driver, nakilala ba ni Pinyong?"

Anthon: "Oo! .... Si Roland!"

"Huh?!"

Gene: "Teka Bro, naalala ko nuon diba may nangyari din sa'yo na lumusob ka rin sa ulan tapos may banggaan!"

Joel: "Bakit ka lumusob sa ulan?"

Anthon: "Nakalimutan mo? Dahil sa'yo!"

"Nagiiyak ka nuon dahil nawawala si Browny!"

Si Browny ay ang alagang aso ni Joel nung bata pa sya.

Joel: "Si Browny?"

Anthon: "Oo, kaya umalis ako para hanapin siya upang tumigil ka ng kangangalngal dyan bago dumating ang Papa!"

"Para kang kalabaw kung maka atungal!"

Pero batid nilang dalawang magkapatid na hindi sila nito matitiis kaya lumusob ito sa ulan!

Joel: "Anong nangyari kay Browny?"

Naalala nyang hindi na nya nakita ulit ang aso nyang iyon kaya inihanap sya ng kapalit ni Anthon.

Anthon: "Nasagasaan!"

Biglang nilukot ni Joel ang mukha nya at maluha luha pang hinarap ang Kuya nya.

Joel: "Bat di mo sinabi sa akin na patay na pala si Browny?"

Anthon: "Lintik ka! Tatlong dekada na yun, umaasa ka pang buhay pa si Browny!"

Alam nyang nagbibiro lang ang bunso nila.

Joel: "Ang lupit mo!"

Anthon: "Tumigil ka na!"

Sabay kawit sa ulo nito.

Anthon: "Anong iniisip mo Gene?"

Gene: "Pano kung magkarugtong yung nangyari sa'yo at kay Pinyong?"

Anthon: "Anong ibig mong sabihin?"

Gene: "Pareho ang buwan at taon na nangyari iyon, eksaktong araw na lang ang aalamin natin kay Pinyong!"

"Pero Bro, 'rough road' ang kalye trese nuon kaya walang tumatakbong sasakyan dyan ng mabilis, lubaklubak pa kaya kapag may aksidente konti lang ang 'injury'!

"Isang tao lang at isang aso ang natalang namatay dyan!"

Natakot si Anthon sa sinabi ni Gene, kilala nya ang taong tinutukoy nya.

Joel: "Sino yung nasagasaan?"

Nagtataka sya sa itsura ng Kuya nya.

Gene: "Si Browny yung aso at si Aling Carmen, ang ina ni Issay at itong si Bro Anthon ang witness nun!"

Joel: "Si Browny ko!"

Anthon: "Gene, magagawa mo bang makuha ang 'case file' ni Aling Carmen ng palihim?"

Gene: "Tatlong dekada na iyon mahirap ng hanapin, pero possible!"

Anthon: "Posible pa bang mabuksan ang ganun katagal na kaso?"

Gene: "Pwede kung may bagong ebidensya!"

Anthon: "Pero ilihim muna natin! Ayokong malaman ni Issay hanggat haka haka pa lang ang lahat!"

'Jusko, bat ba parang nagiging suspense na tong pinaguusapan namin?'

Kinakabahang usal ni Joel.

Maya maya may nadinig silang kumikilos sa taas.

Nagkatinginan ang magkakapatid Tahimik na nagantay.

Kung sino man ang pumasok ng bahay nila, kung hindi taga rito sa bahay tyak magnanakaw!

Kreeek!

Biglang bumukas ang pinto ng 'basement' at nakita nila ang isang pares ng sapatos na militar na bumababa ng hagdan.

Napabuntunghininga silang tatlo.

Kilala nila kung kaninong sapatos ang bumababa.

"Pa, 'Nong, Uncle!"

Sabay saludo sa kanila.

"Jaime!"

Sabay sabay nilang usal.

Jaime: "Si Lola Fe po ba nasan?"

Anthon: "Na kila T'yang Rosa, Bakit?"

Umakyat ulit ito at ng bumaba may kasama ng isang babae.

Nagulat ang magkakapatid ng makitang binti ng babae ang bumababa.

Pero nanlaki ang mga mata nila Anthon at Joel ng bumungad sa kanila ang mukha ng babeng kasama ng pamangkin nila.